The Bucket List

By pureasfierce

89.2K 6.2K 939

RJ and Maine have been bestfriends since forever. He was that lanky, bullied boy who she stood up for when th... More

the one with the list
the one with the plan
the one at the hawaiian islands (part 1)
the one at the hawaiian islands (part 2)
the one with the selfies
the one with the northern lights
the one at disneyland
the one with coldplay
the one at the four corners monument
the one in the interstate
the one with the US landmarks
the one where harry met sally
the one with laura
the one at times square
the one with the happiest new year
the one after three years
the one where they say I do
the one with the little peanut

the one with the preps

4.7K 305 34
By pureasfierce

RJ / October 21, 2021

"RJ wag mo na kong samahan ano ka ba kaya ko naman na!"

"Hindi na, sasamahan na kita ngayon. Wag kang makulit!"

"Ikaw ang makulit! Bawal nga kasing magkita ang bride at groom before the wedding!"

Kanina pa kami nagtatalo ni Maine. Final fitting na kasi ng gown niya ngayon, sakto naman na wala siyang makakasama. Nagkasakit kasi si Coleen tapos si Ate Niki naman may prior commitment from Matti's school kaya hindi siya pwede ngayon. Alam niya din kasi na si Coleen ang kasama ni Menggay.

Nandito kami ngayon sa condo niya, nag-aagawan sa susi ng kotse niya. Ayaw niya kasi kahit ipag-drive ko man lang siya papunta sa couturier.

"Sa isang araw pa naman yung kasal natin, baby. Pwede pa tayong magkita! Saka ihahatid lang naman kita! Ano bang masama kung ihahatid ko yung fiancée ko?"

Halatang kinilig si Maine sa sinabi ko pero pinigilan niya. Hinagisan niya lang ako ng unan.

"Echosero ka. Ikaw pa ba?!"

"I'll just drive you to the couturier, baby. Hindi ko titingnan yung gown mo, I promise."

Ilang araw ko na kasi siyang pinipilit na ipakita sa akin yung gown niya pero ayaw niya talaga. Nagalit pa nga siya sakin nung nakaraan, sobrang nakulitan na yata sakin. Hindi niya ako pinansin buong magdamag pagkatapos nun. Pero ang daya niya, nakita naman niya yung mga singsing namin!

"Iba kasi to, baby. This is the final fitting. Ito na talaga yung isusuot ko for our wedding. Pagbigyan mo na ko please? Para naman maexcite ka sa isusuot ko."

"Kahit magsuot ka ng basahan ikaw pa rin ang pinakamagandang bride sa buong mundo."

Hinampas na naman niya ako ng unan. "Ang OA mo ah! Anong basahan ka diyan?! Sapukin kaya kita?!"

"Joke lang, ito naman!"

"RJ ha. Alam kong may pagka-ninja ka at sisilip ka talaga sa loob for sure kaya hindi ako papayag," she grabbed her bag along with her other things. "Kung hindi mo ibibigay sakin yung susi ng kotse ko, fine. I'll take an Uber instead."

I sighed in defeat. Inabot ko na sa kanya yung susi ng kotse niya. "Mag-iingat ka ha?"

She smiled at me, then moved forward to plant a soft kiss on my lips. "Magkita tayo mamaya so we can have dinner okay? Love you baby."

"I love you too."

Maine stormed off her condo unit after giving me one more kiss.

October 22, 2021

Saktong 1pm kami dumating ng Batanes, two days before the wedding. Nag-iisip siguro kayo kung bakit dito namin naisipang magpakasal sa Batanes, sa Mt. Carmel Chapel to be exact. Well, isa to sa mga pinakaimportante at pinakaunang lugar na pinuntahan namin ni Maine together. Naalala ko kasi nung college kami, we went on a trip together here at Batanes. Wala talaga sa plano na magpunta kami dito, parang out of nowhere, "Tara, Batanes tayo." And we did. We booked a flight to Basco, that was October 24th. And the first thing we did upon arriving was to pray here. Since then, we started on going trips together. Sa Batanes talaga kami nagsimula.

We booked the whole Bernardo's Hotel near the chapel for our guests. Doon na rin kami nagstay, kasama yung mga pamilya namin. Naaalala ko tuloy nung namanhikan sina dad sa pamilya ni Maine.

"Buti na lang natauhan na tong si RJ no?" natatawang sabi ng nanay ni Maine. "Huling-huli na nga siya sa mga pangyayari."

"Kung alam niyo lang kung gaano ko siya kagustong suntukin nung binalikan niya yung babaeng yun," sagot naman ng daddy ko.

"Dad naman," sabi ko habang nagkakamot sa ulo.

"Aba dapat lang sayo ang masapak! Sinaktan mo kaya itong si Menggay."

Nagtawanan lang silang lahat habang ako, nagpapawis pa rin ang kamay sa sobrang kaba.

"You okay, baby?" Maine asked when she noticed how wet my hands are. "Kanina ka pa pinagpapawisan."

I held her hand tightly and smiled. "I'm okay, baby."

Napalingon kami ni Maine nung tumikhim ang tatay niya at tinawag ako. "RJ,"

Yung kabang nararamdaman ko kanina? Nawala lahat nung marinig ko yung sinabi niya.

"Mahalin at alagaan mo ng buong-buo ang bunsong babae ko, RJ, at wala tayong magiging problema."

October 23, 2021

Nandito na kami sa kanya-kanyang kwarto ngayon pagkatapos ng rehearsal namin kanina. Everything went well naman, halos lahat ready na para bukas. 2pm kasi yung kasal, sakto na hindi naman umuulan simula nung dumating kami dito nung isang araw. Sana ganun pa din hanggang sa isang araw.

Nakahiga lang ako sa kama ko nung napatingin ako sa oras. 7:53pm pa lang pero ang tahimik na ng paligid. We wrapped up just about 30 minutes ago pero parang ang tagal tagal na. I wonder what Maine is doing.

Tatawagan ko na sana siya nung nakita ko yung name niya sa phone ko sa screen.

"Ano, hindi ka nakatiis no? Ikaw din unang tumawag."

Kanina sa rehearsal, we had a little bet earlier. Kung sinong unang tatawag, siya ang talo. Lakas pa ng loob niyang sabihin na ako yung unang tatawag pero kita naman na siya talaga ang ultimate clingy girlfriend. Joke lang.

"Mukha mo, I'm just going to check on you. Mamaya nambababae ka na diyan."

"I'm just a wall away from you, Menggay. Kung may babae dito maririnig mo na."

"ABA'T MAY BALAK KA PA TALAGA HA!!!!"

"Joke lang Nicomaine susmaryosep!"

"Hindi nakakatuwa yung joke mo RJ ha. Sasapukin talaga kita!"

"Sorry na. I'm perfectly fine here, baby. Aminin mo na lang na miss mo na ako. Dali dali lang eh."

"Mukha mo miss. Tse."

"Amin amin din kasi, Meng."

"Oo na nga miss na kita."

"Napilitan?"

"Grabe ka sakin, RJ!"

There was a moment of silence for the both of us, until we both said,

"Labas tayo."

Natawa na lang kaming dalawa ni Maine. Sabay kaming lumabas ng kwarto at nagkita pa kami sa hallway. Parehas pa kami ng suot. Jogging pants at yung hoodie jacket namin sa university.

"Diba sabi nila bawal daw magkita ang bride at groom before the wedding? Sinabi mo din sakin yon!"

"Wala akong pake, RJ. Tara na, lumabas na tayo please," hinigit na niya ako palabas ng hotel. May mga bikes kaming hiniram pagdating pa lang namin nung isang araw kaya yun din yung ginamit namin ngayon. Nag-ikot ikot muna kami hanggang sa makarating na kami sa Vayang Rolling Hills.

Sakto, may parang kumot dito sa basket sa bike kaya naglatag kami saka umupo. Maine sat in between my legs, leaning the back of her head on my chest while my arms are wrapped around her. Nakatingin lang kami sa dagat, our favorite thing to do together.

"I still can't believe we're getting married tomorrow, baby," she said. "Parang kailan lang, naglilibot pa tayo sa iba't-ibang bansa."

"Ayaw mo yatang makasal sakin eh."

"Loko ka, syempre gusto ko no! Mukha lang hindi, pero gusto ko talaga."

"Happy ka?"

Nagulat yata si Maine dun sa tanong ko, napatingin kasi siyang bigla sakin.

"I remember asking that to you nung nasa US tayo."

I remember that too, she asked me that nung nasa Hawaii kami after a series of activities. I was genuinely happy at that moment.

Pero ngayon? Ibang happiness yung nararamdaman ko. Sobra pa sa sobra eh.

I kissed her forehead and smiled. "I remember that, baby. Pero ngayon, happy ka ba?"

"Ano ka ba, syempre oo naman!" she cupped my face and leaned forward so she can kiss me. "More than you'll ever know."

We stayed at the Rolling Hills for about an hour, our legs intertwined, our bodies so close together. Naghikab bigla si Maine kaya kami nagdecide na bumalik na sa hotel para makapahinga na din.

Hila hila ako ni Maine papasok sa hotel nung pinigilan ko siya.

"Maine?"

"Hmm?"

"Love me?"

Tumigil siya sa paglalakad at tumingin sakin, sabay ngiti.

"Always, baby. Always."

***
A/N: SURPRISE ULIT!!! Gulat na naman kayo no? HAHAHAHA. Ako din nagulat eh 😂 anyhoo, here's the first part of this chapter. May 2nd part pa to, then last chapter na talaga. I hope you like this! Unbeta'd (as usual) kaya all mistakes are mine. Edit ko na lang next time hahaha tweet me your thoughts, I'm @fymaichard 😊

Continue Reading

You'll Also Like

111K 3.6K 57
There's one person who are meant for us ... One person that will let us feel how perfectly imperfect we are. When Mikha met Aiah's eyes she knew at t...
11.6K 268 10
Mga kwentong nabuo sa magulong pag-iisip ng baliw na author.
222K 13.3K 10
Athena wants to be an architect to fulfill her late father's dream, but she secretly loves music and wants to be a composer. At West Town University...
125M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...