the one with the little peanut

2.4K 202 26
                                    

Last na talaga to hihi

***

Maine, Hongkong Disneyland

Today marks our 8th year wedding anniversary and 11th year of being together. Akalain mong tatagal ako kasama tong astang five years old kong asawa? Well, I did.

And it's worth it.

We decided to celebrate it where our girls will enjoy it the most: Hongkong Disneyland.

Yup, may twin girls na kami ni RJ.

Athena Celestine and Alyandra Paulina, are turning 7 this year and when we asked them what they want for their 7th birthday, sabay pa silang sumagot ng "We want to celebrate it at Disneyland, nanay." Akala pa nila hindi kami matutuloy, hindi kasi naayos agad yung visa namin for Japan kaya naman ng sabihin namin sa kanila na pupunta na lang kami sa Hongkong at doon magcecelebrate ng birthday nila, ilang gabing hindi makatulog sa sobrang excitement yung kambal.

Minsan, hindi pa rin ako makapaniwala that I've married my bestfriend. Tapos parang kailan lang, nag-aayos pa lang kami ng kasal. Ngayon, 8 years na kami with 2 beautiful girls.

We still do vlogging occassionally, minsan kapag nasa bahay kasama yung mga bata, minsan naman kapag nasa travel din. Lagi kasi naming kasama yung mga bata kapag nagta-travel kami, pero nung pumapasok na sila sa school, kapag may free time at bakasyon na lang kami umaalis.

Business is also doing good. Mementos has already branched out, with 5 branches all over Metro Manila, 3 branches in Calabarzon, 2 in Cebu and 1 in Davao. Doon na rin kami mas nagfocus ni RJ. Minsan nagsa-sub pa rin kami kapag kulang sa tao. We've also tied up with Magnificent Moments, my sister-in-law Riza's events planning company.

Masaya and contented na kami ngayon as a family. There may be bumps every now and then but RJ and I are both happy. Masaya kami as a couple, as partners, as business partners. Our girls are doing well in school, too. Sobrang bibo nga at talino. Though minsan nagugulat yung mga tao kapag nalaman na kambal pala sila.

You see, Athena and Aly are fraternal twins.

Nung nalaman namin noon na kambal yung pinagbubuntis ko, sobrang excited ni RJ. Siya pa yung praning kapag pumapasok ako sa opisina. Bantay-sarado pa ako lagi. But for 9 months, I can say that I had a smooth pregnancy. The girls are well behaved inside my tummy.

Paglabas nila at habang lumalaki na, napansin namin na si Athena ang kamukhang-kamukha ng tatay niya. Girl version nga siya ni RJ. Aly, on the other hand, got almost everything from me except her eyes. Nakuha niya sa daddy niya ang mga mata niya, na naniningkit din kapag sobrang tuwa. Ayaw talagang patalo ng genes ni RJ kahit kailan.

Sa kabila ng saya na nararamdaman namin, alam ko naman na may kulang.

Because RJ and the girls want a baby boy.

I get it, for RJ kasi gusto niya ng baby boy para may kakampi daw siya. We always gang up on him kasi kapag nasa mood yung kambal. Ilang beses na nga niya akong inuungot na gumawa na daw kami ng baby boy kaso lagi namang nauudlot. Kapag susubukan na kasi namin, nagiging busy naman kami sa work. Sira tuloy yung plano.

For the girls, they want to have a baby brother daw para daw may kalaro at kasundo na yung tatay nila sa Ironman toys. Minsan daw kasi ayaw naman nila ng Ironman, mas gusto daw nila ng barbie kaya lang ayaw naman ng tatay nila. Hindi talaga sila magkasundo sa laruan kaya ganyan. "Nanay si tatay Ironman na naman po! Gusto namin Moana!"

Ilang beses na nila akong kinukulit until early this year, nagsabi ako kay RJ na sige, subukan na namin. I took some time off from work para makapagfocus sa pag-aalaga sa kambal at sa paggawa namin ng baby. Kaso fail pa din.

The Bucket ListWhere stories live. Discover now