He's In Control (PUBLISHED UN...

By xianrandal

2.5M 34.3K 1.5K

Jay Craig Chou hired Ma Venice Klein as a girlfriend. An ordinary story right? But you might fall for it...lo... More

He's In Control
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43-END
Pahabol
Special Chapter
Crush Back
ANNOUNCEMENT - Contest

27

46.6K 870 70
By xianrandal

27

Parang kailan lang, nasa Gensan pa sila ng Mommy niya, ngayon nasa isang maliit na kuwarto na lamang sila malapit sa opisinang pinapasukan niya. Oo, lumipat na sila ng Luzon, katulad ng laging sinasabi ni Craig, siya ang masusunod. Siguro pagdating lamang sa trabaho, ilang beses ba siyang kinumbinse na bumalik sa apartment na dati niyang tinitirhan, pero hindi siya nito napapayag. Alam niyang hindi sila sanay ng ina sa ganitong tirahan, pero kailangan, habang wala pa siyang malaking naiipon.

Katulad dati, kasama pa rin niya si Leila, hindi pa kasi ito nakikipagbalikan kay Cyrus, hindi niya rin alam kung makikipag ayos pa ba ito, ayaw naman niyang makiaalam. Alam kasi niya na mahal na mahal ito ng kaibigan kaya siguro, kung magkakabati silang muli ay okay lang sa kanya. Katulad ngayon na nagyayaya ang lalaking makipag date sa kanya, double date raw para naman makalanghap raw siya ng sariwang hangin. Todo likgaw kasi ulit ito. Nakita naman niya kung gaano ito ka pursigido.

“Just spare me, Leila, ayoko.”

“Sige naman, Mavee, promise, mabait ang ka date mo, nakilala ko na eh, kaibigan rin ni Cyrus. Sige naman Mavee.”

“Lei, ayoko, wala akong panahon jan. Saka, kahit naman na napatawad ko na si Cyrus, hindi ko pa rin naman nakakalimutan na Malaki pa rin ang partisipasyon niya sa nangyari sa akin, sa atin.”

“Hmp! Siguro Mavee hindi ka pa rin nakaka move on kay Craig ano?” Ay may siira naman yata itong kaibigan niya, siyempre hindi pa, hindi naman kaya ganun kadali yun lalo na at kasama niya ito sa trabaho araw-araw. Mabuti na nga lang at pagdating sa trabaho ay seryoso ito, at dahil marami silang binago sa dating company ng Daddy niya, madalas pa ring busy ito.

“Leila naman, ayoko siyang pag-usapan.”

“Mavee, sige na, sige ka, sasabihin k okay Titan na kay JC Chou ka nagwowork.” Pam bablackmail nito sa kanya.

“Leila!” Makukurot niya itong kaibigan niya.

“Biro lang naman, pero sige na, hindi talaga ako titigil hanggat hindi ka pumapayag na sumama sa amin ni Cyrus, sa mag ba bar lang naman tayo, saka sa friend niya naman yun, wholesome kind of place rin kaya Maveeeee.”

“Oo na nga! Ang kulit-kulit mo!” Alam naman talaga niya na hindi siya titigilan ni Leila kaya OO na.

“Thanks friend!” Agad siyang niyakap nito. Actually, pinag-usapan nilang dalawa ni Cyrus and double date na ito, gusto kasi niyang kahit papano ay makapag move on na si Mavee, kahit naman hindi pa sila ulit ni Cyrus, mahal pa rin niya ito, at may balak din naman siyang makipagbalikan rito, yun nga lang, konting effort pa, konting push pa sa kanya.

“Tara!” Bigla siyang niyaya nito.

“Saan tayo pupunta?”

“Magpapaganda! Kailangan na nating magpa salon no! Don’t worry, sagot ko.” Kilangan kayang maging maganda si Mavee, gusto niya kasing main-love ito or ang ka date nito sa kanya. Malay mo, eto na ang kapalaran ng friend niya.

Mavee decided trim her hair, nagpalagay na rin siya ng kaunting kulay. Hindi naman kasi siya talagang vain, tama na sa kanyang maayos tignan ang sarili. Since sagot naman ni Leila lahat ngayon, sinulit na niya, wagas rin naman kasi kung gumastos itong kaibigan niya.

Simula nung naging independent siya ay natuto na siyang magtipid sa pera, natuto na siyang mag budget, in fact nakapag – ipon na rin siya kahit papaano.

*************

Hindi niya alam kung bakit ganun na lang ka excited si Leila para sa date nito mamayang gabi, kug sa bagay, halata namang nagpapakipot lang ito sa dating boyfriend. Nakahanda na ang susuotin nilang dalawa, pero kung sa malas ang pag-uusapan, mukhang meron siya ngayon. Ang agang tumawag ni Craig sa kanya. Nagulat pa siya dahil  personal number nito ang nagregister sa cellphone niya, simula kasi nung naghiwalay silang dalawa, ngayon pa lang siya nito tinawagan. Hindi pa pala nito nakalimutan ang number niya, at mas di niya pa pala nabura ang numero nito.

Nakatatlong tawag muna ito bago niya sinagot. “Hello?” Walang ganang sabi niya.

“Where are the papers that I told you to prepare, Ms. Klein?!” Sumigaw ito. Bahagya niyang inilayo ang tenga sa phone niya.

“Ibinigay ko sayo nung isang araw.” Wala kayang  pasok ngayon.

“You didn’t! I need them, Ms. Klein. ASAP.”

“Pero…” Wala na siyang kausap. Pesteng Craig ito! Hindi man lang siya pinatapos na magsalita. Ang alam talaga niya, wala pa naman siyang amnesia, ibinigay niya rito ang mga papers na kakailanganin niya rito nung nakaraang araw pa. Kumpleto yun, anong problema nito? Kung kailan may lakad pa naman sana sila ni Leila. Minabuti niyang tawagan  si Leila.

“Lei, baka malate ako, just in case, kindly explain it to my date. Craig is looking for certain papers, ang alam ko kasi naibigay ko na, pero importante kasi ang mga yun kaya mag piprint na lang ako ulit.”

“Hay naku! Nag-iinarte ang ex mo? Gusto mo sabihin natin sa kanya na may date ka ngayon? Ewan ko lang kung di magwala!”

“Sira! Basta darating ako ha. Sige, I have to go para naman maaga rin akong makauwi.”

Nagulat si Craig nung makita si Mavee. Nagsalubong ang mga kilay nito. Anong nagyari at may kulay ang buhok ng kaharap? Ano ang nagyari at naputulan ang buhok nito? Sexy ang damit. Napasimangot siya. Mukhang may lakad ah at nag-abala.

Hindi siya pinansin ni Mavee, kahit pa nga nakakaconscious ang mga titig nito, nanunuot sa kalamnan niya. “What happened to your hair?” Tanong nito sa kanya.

“Why?”

“Hindi bagay. Ibalik mo yung dating kulay. Bakit pinaputulan mo yan? Saka ang damit mo, masyadong manipis, ang ikli, pupunta ka lang dito yan na ang isusuot mo?”

“Mr. Chou, I have a date, nadedalay lang ako ng dahil sa mga papeles na yan na alam ko namang naibigay ko na, now, if you’ll excuse me, I need to print another copy for you.” Nilagpasan niya ito, she went to his computer and check her files, naiwang nagngingitngit sa inis si Craig. Nung matapos ay agad niya itong ibinigay sa binata.

“wait, you still need to finish something, Ms. Klein.”

“I’m sorry but it’s beyond office hours already, kung tutuusin, hindi ko na dapat binalikan pa yang mga papeles na yan, pero hindi mo ako hinayaang magsalita. Now, I need to go, if ever you want me to do something connected to work, then let me do it during office hours.” Umalis siya at iniwan si Craig.

Nakahinga ng maluwag si Mavee nung nakalabas na siya ng building ng mga Chou. Sumisikip ang dibdib niya kanina, bakit ba biglang nangialam ito sa ayos niya? Kung makaasta akala mo pag-aari siya nito. Ang kapal ng mukha!

Agad siyang sumakay sa sasakyan niya. Kailangan pa kasi niyang bumalik sa bahay nila, actually, ang suot niya ngayon ay hindi naman ang isusuot niya sa double date, si Leila kasi, nagpipilit na baguhin ang wardrobe niya, nanghihinayang rin kasi siya na hindi man lang ito magamit kaya sinuot niya, tutal may sasakyan naman siya at di niya kailangang mag commute.  Mabuti na lamang pala at iniwan niya it okay Leila nung umuwi siya ng Gensan.

Natuwa naman ang Mommy niya nung nagpaalam siya na mag dodouble date sila ng kaibigan ni Cyrus, makakabuti raw iyon para naman maaliw siya. Hindi nga pala niya nasabi rito na naging sila ng mortal niyang kaaway ngayon. Ang tanging alam lang nito ay wala na sila ng sana ay boyfriend na ipakikilala niya rito. Mabuti na lang at hindi pa niya naipakilala sa mga magulang si Craig bago nangyari ang lahat.

*****

Tulad ng inaasahan, late siya nung dumating sa meeting place nila, agad naman siyang sinalubong ni Leila.

“Mavee, mabuti naman at pinayagan kang umalis nung praning mong ex.” Bulong nito sa kanya habang papalapit sila sa table nina Cyrus, nakatalikod ang lalaking kasama nito.

“Hindi naman niya ako mapipilit kung ayaw kong sundin ang gusto niya, wala kanya dapat trabaho ngayon.”

“Tama yan! Talagang ang tapang mo girl! Biro mo, kinaya mong tumanggi sa uber hot with so rich ex mo, kung ako siguro, kahit ikulong kaming dalawa sa iisang room, okay lang.” Ay gaga naman pala itong si Leila. “Pero Mavee, yung date mo, I assure you, lumelevel lang kay JC! Makalaglag…panyo.”

“Gaga! Siguraduhin mong matino yan ha, tatamaan ka sa akin.” Agad namang tumayo si Cyrus nung makita silang papalapit, kasunod nun ang lalaking nakatalikod.

“Good evening Mavee! It’s good to see you.” Masayang bati nito. Kahit naman talaga kailang masayahin itong si Cyrus. “Siyangapala, I’d like you to meet my friend, Claude Ian Diestron, Claude this is Mavee Klein.”

“Hi, Claude here. Nice meeting you Mavee.” He extended his arm na agad naman niyang kinuha.

“Nice meeting you, Claude.”

Agad na nagkuwentuhan ang apat habang hinihintay ang order nilang pagkain. Pag-aari pala ni Claude ang bar na ito,at may binanggit itong company na inaplayan niya noon. At ang nakakawindang ang dalawang kaharap niya ngayon ay mga kaibigang matalik ni Craig Chou! Bakit ba nag coconnect lahat ng bagay ngayon.

Mabuti na lamang at sensitive ang mga ito at hindi nabanggit si Craig, kahit saan lang napunta ang usapan nila, masyado naman kasing malakas ang sense of humor nitong dalawa, lalo na si Cyrus. May inorder ring alak ang dalawa na sabi naman ni Leila ay hindi nakalalasing, hindi kasi siya madalas na umiinom at ang alam niya mababa ang alcohol content ng katawan, so kailangang magdahan-dahan siya. Kung sabagay, anjan naman si Leila.

Masarap naman kasi ang lasa ng iniinom niya, kahit pa nga ang sabi ni Leila ay dapat dinadahan-dahan ito. Maya-maya pa ay nagyaya ng sumayaw si Claude, ayaw naman niyang maging bastos at okay naman ang binata kaya pinagbigyan niya.

Dinala siya nito sa may sulok ng dance floor tulad ng request niya, ayaw naman kasi niyang sumayaw talaga, saka nahihilo siya, baka dahil sa nainom, siguro mamaya sasabihin niya kay Leila na umuwi na sila.

“Are you enjoying, Mavee?” Tanong nito sa kanya na inilapit ang bibig sa tenga niya dahil malapit sa kanila ang speaker.

“Of course!” Halos sumigaw na siya para marinig siya nito, totoo naman kasing nag-eenjoy rin siya.

“Good. I guess we should go out again, I am enjoying your company, what do you think?”

“Wala namang problema as long as I am free.”

“Good, wala naman sigurong magagalit ano?”

“Wa…”

Hindi na niya natapos ang sasabihin niya, nabigla siya nung may biglang humila ng kamay niya palabas ng bar. Hindi niya makita dahil nakatalikod ito at hila-hila siya. “Ano ba!”

Sumunod naman si Claude. “Hey! What the hell are you doing?”

Nasa labas na sila, kasunod nila sina Cyrus at Leila. Hawak pa rin siya ng matangkad na lalaking walang iba kundi si Craig.

“Claude, I should be the one to ask you that, what the fuck are you doing?!” Sigaw ni Craig, kahit paano ay pinipigilan niya ang sarili niya, kaibigan pa rin niya ang kaharap.

Ngumisi si Claude. “As far as I know, wala na kayo ni Mavee. So, anong problema mo? Pupuwede siyang sumama sa kahit sinong gugustuhin…

Hindi na niya natapos ang sasabihin niya dahil kamao na ni Craig ang sumalubong sa mukha nito. Agad na umawat sina Cyrus at Leila, si Mavee naman ay nahihilo na, gustuhin man niyang awatin itong pesteng Craig na ito na wagas kung umeksena ay hindi niya magawa. Nagulat na lang siya nang bigla siya nitong hilain ulit sa kamay, nung narating nila ang kotse nito ay walang sabi-sabing itinulak siya sa loob at agad na isinara.

Sumakay rin ito, nakita niyang kinakatok ni Leila ang bintana ng kotse pero walang pakiaalam si Craig, nung tangkain ni Mavee na buksan ang pinto ay naka lock na ito. “Ano ba! Bakit ka ba nangingialam ha! Date ko to!”

“Shut up! You are not allowed to date anyone! Not with Claude or anybody else! Put that in your mind, Ma. Venice!” Galit na galit na sigaw ni Craig bago pinaandar ang kotse. Naiwang walang magawa ang tatlo.

-------Salamat sa nagbabasa, thanks sa comments and votes!-------pwedeng mag comment pag may time, gaganda kayo...wahahaha! Jowk!

Continue Reading

You'll Also Like

1.3M 28.2K 41
Life has never been easy for Francine. She's already a widow at the age of 23 and a single mom to a cute 5 year old boy. She strive and work hard to...
392K 5.1K 45
Growing up, Cindy Anne Lopez had it all. Fortune, prestige school, loving and protective parents. She was the heiress. The first born of the Lopez Cl...
238K 5.8K 22
Nang makabalik si Victoria bilang si Clarisse ay wala siyang naging problema sa pagsasama nila ni Aaron. Tanggap siya ng ina nito, namumuhay sa karan...
14.1M 71.4K 52
A/N: This story has been published that's why it's not available here. Thank you! Teaser lang po ang inyong mababasa. "Im pregnant. " Mula sa pagka...