Asha's POV
Tatlong oras ng nanginginig si Mayu simula ng umalis kami sa Batangas, noong una akala namin simpleng atake lang ito at agad na mawawala. Pero tatlong oras na, tatlong oras ko na din pinipigilan yung luha ko, dahil ayaw ko pang sabayan ang iyak nila Miyu, Elo at Iko sa loob ng sasakyan.
This is the first time na nakita nila si Mayu na nagkakaganito, dahil kapag inaatake sya, i'm making sure nasa kwarto kami at di nila nakikita.
But now, seeing the'yre worried face, ang sakit, ang sakit dahil nakikita ko yung mga anak ko. Mayu is on my lap, yakap yakap ko sya habang wala pa ding tigil ang panginginig nya, si Jd nanan ay naka concentrate sa pagda drive nya.
"Mayuu .." tawag ni Iko kay Mayu, hinawakan nya pa ang kamay nito.
Di ko magawang tingnan si Iko, this is the first time I saw him crying while still smiling, yeah pinipilit nyang ngumiti kahit na umiiyak sya. While Elo is hugging Miyu. They are both crying too.
Nang makarating kami sa Hospital ay agad na binuhat ni Jd si Mayu at patakbong sinugod sa Emergency Room. Nakasunod kami sa kanya, hawak ko sila Elo at Miyu.
Gusto ko ng iiyak ang kabang nararamdaman ko pero hindi pwede, i need to be strong. Hindi na kami pumasok sa pinaka loob ng Emergency Room, tumuloy kami sa Nurse Station para makitawag. I call my Mom. Pero si Ate Ella ang nakasagot.
"Ate .." nanginginig ang boses na sabi ko.
"Asha why?" nagaalalang tanong nya.
"Pakisundo naman sila Elo dito sa hospital, may emergency lang ."
Kagat ang labi ko na binigay ang pangalan ng Hospital kung nasaan kami. Sa labas ng ER ay tanaw ko si Jd na karga si Mayu, may isang nurse na nagche check kay Mayu .. Ito yung pinakamatagal na atakeng nangyari sa kanya.
Hawak ko ang kamay ni Miyu. Nakita ko syang basang basa na sa pag iyak.
"Miyu, stop crying na.. Ok lang si Mayu .." niyakap ko sya at hinalikan.
I saw Elo and Iko sitting on the waiting area. Di na sila umiiyak, but they are both in silent, nakatulala lang sila.
"Asha!" tawag ni Ate sakin. Kasama nya sila Mommy at Daddy.
"Ate!Mom!" yung luhang pinipigilan ko ay agad na tunulo when I saw them, nakakita agad ako ng kakampi.
"Ano bang nangyari? We're having dinner in a restaurant nearby, ng tumawag ka." kusa akong napalingon kay Jd na nasa loob pa din ng ER.
"I don't know Dad, hindi ko pa din alam, but please, kayo muna ang bahala sa kanila .." kinarga agad ni Dad ang umiiyak na si Miyu.
"Asha .."
"Mommy I don't know, wala po akong alam." litong sagot ko sa nagtatanong na titig ni Mommy.
"Sige, kami na ang bahala sa kanila, tumawag ka agad pag may kailangan ka .." sabi ni Ate.
Si Dad ay nakatingin lang kay Mayu na karga ni Jd sa loob ng ER, i know gusto din nilang nalaman kung anong nangyayari, and me myself wanted that too ..
He look at me and tap my shoulder. "Be brave Asha .." i saw his tears fall. Kaya naman lalo akong napaiyak.
"Nay, kay Mayu 'to baka mamis nya." abot sakin ni Iko ng manika ni Mayu. I just nod ang look at them habang papalabas ng Hospital.
Pinilit ko munang pakalmahin ang sarili ko bago ako pumasok sa loob. Maayos na si Mayu, natutulog na sya sa kama. Nakatungo si Jd sa tabi nya at hawak ang kamay ni Mayu.
"Jd .."lumingon sya sakin and smile.
"Ok na sya .."
"Jd talaga bang ok sya or niloloko lang natin ang sarili natin?"
He just look at me.
"Sir ok na po yung kwarto na lilipatan nyo." tumayo si Jd at nag give way para malipat nila yung stretcher ni Mayu.
"Jd anong ibig sabihin noon?"
"Tama ka Asha, baka nga niloloko na lang natin ang sarili natin, I decided na ipatest na si Mayu para malaman na natin kung anong problema sa kanya."
Tumulo na naman ang luha ko sa sinabi ni Jd, para bang may laman yung sinabi nya.
Nagkaroon ng schedule ang pagtest kay Mayu kaya kailangan.naming manatili sa Hospital, dalawa kami ni Jd na nagbantay sa kanya magdamag, nakatanggap din kami ng maraming tawag mula sa mga pamilya namin, umaga ng dumating si Ivan, dala yung mga gamit namin na kailangan, binalita nya din na nasa Mommy at Daddy ni Jd ang mga anak ko at safe naman daw.
Nung umaga din na iyon dumating si Dad. Nakikibalita samin but I still don't have the information, hapon pa naka schedule ang mga test ni Mayu. Tanging pagkwento lang ng mga symptoms ang nasabi ko. Tanghali ay umalis din sya.
Hapon ng simulan ang first test nya, CT scan, only one parent is allow, si Jd ang pumasok sa loob ng kwarto at sumama kay Mayu, dala pa nila yung bear na bigay ni Jd, at kitang kita ko sa labas ng bintana kung gaano kahigpit ang yakap ni Jd kay Mayu ng hiniga nya ito. Simula ng dumating kami dito ay wala ng tigil ang luha ko.
Gabi naman ng isagawa ang EEG test, isa daw itong uri ng brain test para matukoy kung may epilepsy ang bata. At sinundan pa ito ng pagkadami daming test. All in all inabot ng tatlong araw ang test na iyon, and until now di ko pa din matanggap ang malaking pagbabago kay Mayu, ang daming nakakabit na wire sa ulo nya, ang paliwanag ng Doktor they are trying to detect something.
I can't look at Mayu, after all the test, she's still smiling; laughing, playing with us. At napakahirap para samin ni Jd na makitungo sa kanya, gayong alam namin na may nakaambang panganib sa buhay nya.
Dito ko naranasan na umiyak ng pasikreto, dahil feeling ko pag di ko iniyak to, sasabog ang dibdib ko, at dito din namin ni Jd naransan na hindi mag usap ng matagal, we are not talking, pero sa simpleng titigan namin sa isa't isa, ramdam ko yung pinapahiwatig nya, he's smiling fakely, laughing hardly while in front of Mayu, but when Mayu fell asleep, para kaming nag iipon ng luha. Ewan ko ba, wala pa ngang resulta, hindi pa namin alam ang totoo, pero naiiyak na kami, what more kung nalaman na namin?
And the day has come ..
Sabay kaming pumasok sa office ni Doctor Galvan, the same Doctor na nagmomonitor sa pinsan ni Jd na si Ate Cass.
We just staring for a while, sabi ko sa sarili ko, anoman ang resulta ay kakayanin ko, hindi ako titinag, alam ko isang pagsubok lang ito.
"Ang nangyayari kay Mayu, simula ng una syang atakihin ay tinatawag nating Febrile seizure, it is the mild stage of epilepsy.."
Sinisimulan pa lang ni Dok ang pagpapaliwanag ay nanghihina na ako. Parang gusto ko na lang lumabas at tumakbo palayo, siguro bilang isang ina nararamdaman ko ng hindi maganda ang pinapaliwanag nya.
"Mayu's experience called, Severe Myoclonic Epilepsy of Infancy it is a very rare case of desease, but it also known as Dravet Syndrome."
"Dok anong klaseng sakit to?" tanong ni Jd.
"Isa itong uri ng epilepsy na umaatake sa mga sanggol pa lamang, usually it attacks babies from five months to two years old."
Napapailing na lang ako sa sinasabi ni Dok Galvan ..
"Dravet Syndrome starts from a seizure na naransan ni Mayu noong nine months pa lang sya, but the older she is the longer the seizure go, and what she experience three days ago will be the longer seizure she had right now .."
"Dok anong gamot dito? Tell me anong kailangan kong gawin? Kailangan ba natin ng operation?" si Jd ang nagtatanobg.
"Unfortunately Dravet Syndrome has no cure as of now .."
Pagkatapos sabihin ni Dok yun ay napatungo na lang ako, nag echo yun sa tenga ko, isa isang nagsituluan ang luha ko; talaga bang naririnig ko ito?
Sa pagkakatungo ko ay nakita ko pa ang kamay ni Jd na lumukot sa pantalon nya sa higpit ng pagkakasara ng kamay nya.
Can I be dumb and blind for now? Just only for now?
"I'm sorry, pero wala pang kahit na anong medisina ang naiimbento para sa sakit ni Mayu, ang tanging magagawa lang natin ay magdasal, and continue to medicate her to prolong her life .."
Di ko matanggap ang mga sinasabi ni Dok, sa totoo lang ayaw tanggapin ng utak ko pero kusa silang pumasok sa sistema ko.
"You just need to be extra careful to Mayu, marami ang hindi pwede sa kanya, hindi sya pwedeng lumabas ng mataas ang sikat ng araw dahil nakakasama sakanya ang masyadong init, kung hindi maiiwasan to, she need to wear a dark eyeglass for her eye protection, sensitive masyado ang mata nya sa sinag ng araw, if her seizure occur exceeding one hour mas makakabuti kung dalhin nyo agad sya dito para mamonitor namin .. also her brain activity will be affected, mahihirapan syang makasulat at makabasa, bear on your mind that while she's growing, she also grows abnormal there are things that will be hard for her to do, unlike others."
Hindi ko napigilan ang mapahagulgol, my shoulder moved, di ko na kaya yung mga naririnig ko.
"Dok How long does it take?" i ask. Gaano katagal mahihirapan si Mayu?
"Dravet Syndrome is a lifetime." napatakip ako ng bibig ko, di ako makapaniwalang habang buhay magsa suffer si Mayu sa sakit nya.
She's still a baby yet bilang lang ang mga dapat nyang gawin, limitado lang ang kaya nyang gawin.
"But there still a complication Mr and Mrs Aragon, we also need to monitor Mayu's heart condition. Mahina ang resistensya nya and there is a big possibility na magkaroon ng komplikasyon ang puso nya dala ng sakit nya in her next seizure."
Ano bang kasalanan ang nagawa ko at si Mayu ang nagsa suffer ng lahat?
"There's alot of medicine that she needs to take," nilapit nya ang isang papel kung saan nakasulat na doon ang mga kailangan ni Mayu. "You can take her home, just call me anytime ng magkaka seizure sya. I'm sorry again."
Nang tumayo si Dok Galvan ay wala rin sa sariling napatayo ako hawak ang papel at lumabas; but the moment i stepped out on the door my knees got weak; napaupo ako sa waiting area, hindi ko matanggap kung bakit kay Mayu nangyayari ito.
"I'm sorry Babe, i'm sorry;" napatingin ako kay Jd, he's crying too. "Sorry kung nangyayari ngayon 'to .."
"Jd bakit kay Mayu pa? Bakit di na lang sakin? Ako yung may napakaraming kasalanan, marami pa tayong pangarap kay Mayu, bakit sya pa?" umiiyak na tanong ko.
"I'm sorry .. I'm sorry .."
"Jd .. di ko kayang mawala si Mayu. Iisa lang naman ang pangarap natin sa kanila diba? Ang lumaki silang normal. Bakit ganito? Sinusubok nila tayo.."
"Babe makakaya natin 'to diba?"pinunasan nya ang luha ko.
Napapatango na lang ako sa kanya. Magkasabay kaming lumakad papunta sa kwarto ni Mayu. She's playing with her nurse. Nagpasalamat kami sa pagbabantay ng nurse at nagsimula ng mag ayos habang panay pa din ang luha ko, at nakakadagdag pa ng sakit ang tawa ni Mayu.
---
Happy 5M reads. Thank you ..