Tip # 3 (COMPLETED)

By FixingMine

53.5K 1.7K 441

Isang simpleng babae na magbabago nang makilala ang isang lalaking warfreak. Isang lalaking warfreak na magba... More

Tip # 3
Two :))
three (o.0)
four ^__^
Five
Six
Seven
Eight
Nine
Ten
Eleven
Twelve
Thirteen
fourteen
fifteen
Sixteen
Seventeen - Tutor????
Eighteen- Another Deal
Nineteen-The second time I saw you
Twenty- I'm LUCKY to be his tutor? NO!!!!!
Twenty one- The First Day
Twenty-Two Sufferings
Twenty Three - Brown Eyes :)
Twenty Four-
Twenty Five-Memories
Twenty Six- Because I care
Twenty Seven
Twenty Eight-Jillain,good or bad?
Twenty nine- I touch his hand..EPIC FAILED!
Chapter Thirty-The Past
Thirty one- Magbalik
Thirty Two- Chapter 32
Chapter Thirty-three: Ano? May gusto ako kay *****? Hindi ah!
Chapter 34-bukas ang project meet.
Chapter 35- The Mysterious Light Fixer
Chapter 37- Back to Slave
Chapter 38- Transformation
Chapter 39- Aftershock
Chapter 40- Misinterpretation
Chapter 41- Status
Chapter 42- Choose
Chapter 43- The Answer
Chapter 44- First Day
Chapter 45- Stronger
Chapter 46- The End of the Beginning

Chapter 36- S S I K

366 31 12
By FixingMine

CYRUS' POV

"Good morning Cyrus!"

Halos matulig na ko sa sigaw ni Kaira.

"Si manang?"

"uyyyy hinahanap niya..."

:-|

"tinatanong kita ng maayos"

"psh.. hindi ko alam! hindi ako nirereplyan eh.. nakapagtataka naman.. hindi naman yun nalelate eh.. imposible din namang umabsent yon"

Bakit kaya wala pa yon? Umabsent na kaya? Dahil ba natalisod siya kagabi sa harapan ko? Hindi naman siguro dahil don.. lagi naman siyang pumapalpak pag nasa harap ko eh....

gusto ko pa namang magpasalamat sa ginawa niya kagabi... sa kauna unahang pagkakataon, naramdaman ko talagang malakas ako.. na kaya ko.. naliwanagan na din ako sa mga sinabi niya..

Nasan na yon?

"Nandiyan na si Prof. Cruz"

Ayan nandiyan na si prof... at kasabay niyang pumasok si Manang..

Babatiin ko siya ng tingin pero hindi naman siya napatingin sa gawi ko..

dirediretso lang siya sa upuan niya..

"okay.. let's start the discussion"

Ano kayang nangyari sa kanya?

Matext nga.

To: Manang na Pagong

Bakit late ka?

Sent.

"okay.. so as we can see here in the chart, demand curve seems.."

After 10 minutes..

aba't hindi pa din nagrereply..

nakadalawangpung tingin na ata ako..

nilingon ko nga..

nakatingin siya sakin tapos umiwas siya..

anong problema niya?

may nasabi ba kong hindi maganda kagabi?

wala akong maalala...

"okay..class dismiss"

Tumayo agad ako at pinuntahan si manang na nag aayos na ng gamit

"oy."

Napatingin siya sakin.. tapos umiwas na naman

"Wag kang mag alala.. walang makakaalam ng nangyari kagabi..",tapos nilayasan niya lang ako

Ano ba talaga problema nito?

------

CANTEEN

Ayun siya.. kasama ni kaira.. may dalang tray ng mga pagkain

"oy Manang"

"ayun oh.. doon tayo maupo kaira",tapos nilayasan na naman ako!

Nilingon lang ako ni Kaira..

Iniiwasan niya talaga ko? Bakit????

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

RACHEL'S POV

"kain na tayo"

okay.. kakagatin na kita dakila kong hamburger

"iniiwasan mo ba si Cyrus?"

"panira naman toh oh!",hindi pa tuloy ako nakakagat

"mamaya mo na kainin yan.. sagutin mo tanong ko.. yung seryoso..iniiwasan mo ba ang mr. warfreak mo?"

"huh?hindi ko siya iniiwasan noh.."

"eh ano yang ginagawa mo?"

"......dumidistansiya lang ako"

"bakit naman?"

"may girlfriend na siya noh... dapat distansyang pang magkaklase lang.. walang iba"

"bakit may 'iba' ba?"

"wala.."

"oh..eh wala naman pala eh"

"....sabi din ni Venil eh.."

"wow.. parang.. iba ka ngayon ah"

"kumain na nga tayo..binitin mo pa ko",sa wakas maitutuloy ko na ang moment ko with my hamburger

"Ms. 50's!",sumulpot yung klasmate namin

"ANO NA NAMAN??!!!"

Halatang nagulat si kaira saka yung klasmate namin sa sigaw ko

"Ah..hehe..gutom lng...bakit ba?"

Mukang nabadtrip yung clasmate ko

"Pinapatawag ka ni ms. Venil sa garden",inirapan niya ko tapos nagwalk out

Nagkatinginan kami ni Kaira..

"Rachel...",parang may alam si Kaira

"B-bakit?"

"Akin na lang burger mo."

------------------------

bakit sa garden?

ngayon ko lang naappreciate ang beauty ng garden namin. proud na talaga kong maging student ng WU!!!!

Ayan na.. Nakita ko na si Venil. Napalingon siya sakin at nagwave.

Hindi ako kumibo. Lumapit lang ako sa kanya.

"Pinatawag mo daw ako? ",feeling superior ah. Pinatawag pa talaga ko.

"I just want to  clear some things.. before I leave"

Napatingin ako sa kanya.

"Nasabi mo na di ba? You can leave na.",woh. Ako ba toh?

"Haha. I think you don't understand. I'm leaving... this country"

"H-huh?"

"babalik na ko ng Canada"

"p-pero pano na si Cyrus?"

"Sandali lang naman talaga ko dito eh...I just..want to fix things I ruined before..."

"iiwanan mo si Cyrus? Alam niya ba?"

"Relax girl. Yeah. Nung dumating pa lang ako dito alam na niya"

Really? then.. he must be hurt....

"Don't worry.. He's alright.. Malungkot lang siya... kasi hindi siya makakapunta sa wedding ko"

"HA?",as in literal na nanlaki mata ko

"My husband is waiting for me",tapos iwinagwag niya pa yung picture nilang dalawa nung boy

Naguguluhan pa din ako sa nangyayari... Ano bang nangyayari?

"Haha. You look like you're going crazy if I don't explain...h-hindi talaga kami ni cyrus..."

Makalaglag panga ang sinabi niya. Hindi sila ni Cyrus?

"Then... Why?"

"Actually nagulat talaga ko nung sabihin mong girlfriend ako ni Cyrus.. so.. Nakisakay na lang ako"

"But why?",Muka kong tanga

"kasi... I just want to confirm something..",tapos ngumiti siya ng nakakaloko

"Confirm what?"

"Malalaman mo din yon",tapos ngumiti na naman siya.. anong nangyare dito? nasapian na kaya toh ni Sisa?

"oh...e-eh.. ano ngayon? b-bakit kailangang ibroadcast mo pa sakin ang pag alis mo?"

"Take care of Cyrus.. wag mo siyang iiwan.. ikaw ang pinakanakakaintindi sa kanya..I saw that...kagabi.. nung nag away sila ng daddy niya... you were there..."

Huh? Nakita niya yon??????

"nagkakaintindihan ba tayo?"

"Ah..oo..",lutang pa din ako..

"Sige.. mauna na ko.. baka malate pa ko sa flight ko..",tapos umalis na siya

Teka.. gulat pa din ako eh..

WAit!

"Venil!",tumakbo pa ko palapit sa kanya

"Yes?"

"Gusto ko lang ding linawin sayo ang lahat..oo. I'll take care of Cyrus..Hindi ko siya iiwan..iintindihin ko siya.. pero hindi dahil iyon ang habilin mo.. dahil gusto ko talagang gawin yon sa kanya.."

napangiti si Venil

"Rachel... you're....

.......falling for him"

--------------------------------------------

May nagpatawag na naman sakin. Wow.

Daddy ni Cyrus..

"....he can end it like that",tapos humigop ng coffee yung daddy ni cyrus

"Rachel.... you're ...falling for him. Admit it."

napalunok ako. Bakit parang sapul na sapul ako?

"....or else, mawala pa siya sayo.. Bye."

Just like that. Nganga. Naiwan akong nganga.

I-i'm....

falling for him?

"Rachel.."

"Oh...Ahhh",nandito nga pala ang daddy ni Cyrus

"tinatanong ko kung kaya na bang ipasa ni Cyrus ang prelim niya?"

"Ah.. Yes po sir! He can. Nagrereview po yun eh.. Nirereview ko po siya",ibang iba ang itsura ng daddy niya kumpara kagabi..

"Okay... sapat na nga siguro yon.. Then..mauna na ko iha"

"ah wait lang po"

"Yes?"

"Cyrus really care for you po. Hindi man niya po naipapakita, pero deep inside.. Mahal na mahal niya po kayo... Gusto niya na pong magbago.. Hindi ko alam.. Wala po akong idea kung ano siya dati pero.. I can say na.. nagbago na po talaga siya.."ngumiti ang daddy ni cyrus

"take care of him",then umalis na siya

uso ba ang take care ngayon? pareho sila ng sinabi ni venil ah? hindi naman siguro aalis ang daddy ni Cyrus...

OH!

Kailangan ko na nga palang hanapin ang warfreak!

---------------------------------------------------------------------------------------------------------

AUTHOR'S POV

Abala sa paghalungkat ng libro si Cyrus.

"What da hell... wala bang may picture?",irita niyang reklamo habang nagbubuklat

"kung pumunta ka lang dito para hindi maboring.. magsoundtrip ka na lang.. hindi yung naghahanap ka pa ng books na may picture.."

Nagulat pa si Cyrus nang tabihan siya ni Rachel sa pag upo.. nakasandal sila ngayon sa shelf

umiwas ng tingin si Cyrus, kinuha ang headset at inilagay sa tenga saka ulit sumandal.. Pumikit pa..

"hoy...",sabi ni Rachel

Nakapikit pa din ito..

"Cyrus.."

Napapaheadbang na ang warfreak

"Hoy! Baliw! alam kong wala ka talagang pinakikinggan! Hindi naman nakakabit sa cellphone ang headset mo!"

Napadilat si Cyrus at tiningnan ang headset..

"Shit"

Humagalpak si Rachel sa tawa

"HAHAHAHA EPIC!!!!! DAPAT PALA VINIDEOHAN KO PA YUNG PAGHEADBANG MO HAHA!!!!!!"

"shhhhhh",sinaway sila nung librarian

"sorry po...",namumula na si rachel sa kakapigil ng tawa

"HAHAHAHAHAHAHAHAHA!"

"pag di ka tumigil hahalikan kita"

Napatigil sa pagtawa ang manang. Napalunok.

Napatingin sa lips ni Cyrus

"tumahimik ka lang.. ganyan nga.."

parang ewang tumikom ang bibig ni Rachel

"So.. bakit ka nandito? bakit mo ko hinahanap? matapos mo kong iwas iwasan"

"h-hinahanap kita kasi... k- kasi..",pinagpapawisan ang rachel

"kasi... kailangan mo na talagang magreview... kinausap ako ng daddy mo kanina..",umiwas ng tingin si rachel dito

"psh.. yun ang pinunta mo?!"

"bakit ka ba nagagalit?"

"umalis ka na nga"

"hoy.. anong nagawa ko?"

"kaya kong magreview mag isa.. umalis ka na.."

Mukang nasaktan si Rachel sa sinabi ni warfreak..

"Ah.. s-sige...".then iniwan niya si Cyrus..

Nakatingin lang si Cyrus sa umalis na si Rachel..

------------------------------------

RACHEL'S POV

Bakit naman siya ganon?

Ouch ha.. Masakit talaga yon.

AKo ang tutor niya eh...

tuk

Omo. mAy kumalabit sakin.

Paglingon ko...

"Kester?",tapos dinuro duro niya yung forehead ko. Yes.. as in dinuro duro

Napataas tuloy ang kilay ko..

"Anong ginagawa mo?"

"Sumasagap lang ng talino"

"Ya"Dinuduro duro niya pa rin yung forehead ko

"Ya!"

"Ang damot!"

"Para namang may lalabas sa utak ko pagdinuro mo"

pumunta ko sa likod niya

tumingkayad ako

then tinakpan ko mata niya

"a-Anong ginagawa mo?"

"Kukuha lang ng linaw ng mata",oh... parang biglang uminit si kester..

"May lagnat ka?"

"W-wala..."

tinatakpan ko pa din mata niya

Nagulat ako nang may humablot sa braso ko..

omo.. muntik ko ng mabalian ng leeg si Kester

"Cyrus?!!!"

"Tara na.",tapos hinila na niya ko palabas

"Saan tayo pupunta?"

hindi niya ko sinagot.. mukang galit na galit siya...

"Saan nga tayo pupunta?!!!"

hindi pa din sumasagot.. hinihila niya pa din ako.. nagtitinginan samin yung mga nakaksalubong namin

"bitawan mo ko!"

Hinila niya ko papasok sa bakanteng room..

Iniupo niya ko..

Tapos naglagay siya ng mga libro sa mesa..

"reviewin mo ko.. wala kang dapat puntahan.. wala kang ibang titingnan.. wala kang ibang hahawakan... kundi ang libro na toh.. at ako.. maliwanag?"

"Kinikidnap mo ba ko ngayon? Gusto mong bigyan kita ng ransom na sapak?!"

"You can't do that.. My girl",tapos inilock niya pa yung pinto

"Ano bang ginagawa mo?!"

"Aba. Aba.. Mukang palaban ka na ah",tapos umupo na din siya kaharap ko

"Lalabas na ko"

"Wag"

"Lalabas ako sa ayaw at sa gusto mo"

tumayo ako then dalidaling nilapitan ang pinto

"pag lumabas ka... hahalikan talaga kita"

napatigil ako...

Pinihit ko ang doorknob at lumabas

--------------------------------------------------------------------------------------------------------

AUTHOR'S POV

"Yah! bakit di ko alam na ikaw pala ang Ms. Wu last month?",pang uusig ni Rachel kay Kaira. Naglalakad sila ngayon, papuntang hall. Kasabay nila si Daniel

Hiyang hiya si Kaira

"Alam mo ba kung bakit?",pang iintriga ni Daniel

"bakit?"

"KAsi.. ako-"

"UNBELIEVABLE!!!!

"HINDI TOH TOTOO!!!!"

Napalingon ang tatlo sa mga estudyanteng nakapalibot sa bulletin board

"Anong meron?",Rachel

"May shooting ata ng horror movie.. tumabi tayo",Daniel

"Ow may gas",napatingin ang dalawa kay Kaira

Tapos tumingin si Kaira kay Rachel

"Bakit?"

"tingnan mo",tinuro ni Kaira yung bulletin board

lumapit pa si Rachel dahil malabo mata niya

Wilson University

As of OCTOBER:

Ms. WU

RACHEL DE LA PAZ

Makalaglag panga.

Nganga na naman

At ang masahol pa..

ANG PICTURE NA NAKAPOST EH NUNG GRADE 6 SIYA

YUNG CHUBBY PA SIYA TAPOS WALANG SALAMIN

"What da hell is this?",alam na ni Rachel kung sino yon

Si warfreak..

Dalidaling niyakap ni rachel ang bulletin board..

"Ano yan ha?!",pagbabanta ni Cyrus

"W-wala"

"Umalis ka diyan"

"Wala nga toh eh!",

Nakakahiya toh! Nakakahiya pag nakita toh ni Cyrus!!!

Nagulat siya nang hawiin siya ni Cyrus

Katapusan ko na!!!!!!

Una, natulala si Cyrus.

Tapos.

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!!!!!"

dumagundong ang tawa ng warfreak sa buong univ. OA lol. Hiyang hiya si Rachel

"Haha--",biglang napatigil si Cyrus..

Tapos naging seryoso ang muka...

May tinititigan ito sa bulletin board.

Nacurious si Rachel kaya tiningnan din niya kung ano..

Mr. WU

KESTER VILLASENOR

Tapos humawi ang mga estudyanteng nandoon. Si Kester. Palapit na.

Nakangiti si Kester na lumapit kay Rachel.

"Gawin ninyo na",sabi nung isang babae

"Ang alin?",nagulat na lang si Rachel nang biglang hawakan ni Kester ang kamay niya at..

......hinalikan

putek...

kaya pala hiyang hiya si Kaira...

dahil ganito ang ginagawa? sino naman ang Mr. WU niya?

sa gulat ni Rachel ay muntik na siyang matumba

buti naalalayan siya ni kester

may ibinulong ito sa kanya...

pero hindi niya maintindihan,,,

masyado na kasing magulo ang utak niya..

hinanap hanap niya sa paligid si Cyrus, pero wala na ito doon

Nasan na yon?

-------------------------------------------------------------------------------------------------

RACHEL'S POV

hindi pa din talaga ko makaget over.

biglaan talaga..

first kiss ko yon sa kamay

hindi ako kinabahan..

pero nagulat ako..

lumabas na ng cubicle si kaira

yup. sa CR ako dumiretso pagkatapos ng scene na yon

"lukaret ka... hindi ko alam yon ah!"

"kaya nga hiyang hiya akong ikuwento eh",kaira

"eh sino ba ang Mr. WU mo?"

biglang nanigas ang loka

"Sino?"

"T-tara na!",then hinila na niya ko palabas ng CR

Haha. Alam ko na kung sino.

Kayo ba? Alam ninyo ba kung sino?

Haha. Nakakakilig naman.

Naiimagine ko sila ni D-

"ANong ginagawa mo dito?",paglabas na paglabas ba naman namin ng CR, eto't nakasandal pa ang warfreak sa pader

Tumingin siya sakin. Blangko.

"Mangboboso ka noh?"

"Hinihintay kita. Malamang."

"B-bakit?"

"Kasi wala ka ng kasama"

"HA?",then lumingon ako sa likod ko.

Punyemas!

INIWAN AKO NI KAIRA????

-----------

heto ngat sabay kaming naglakad ni warfreak.

for the first time. matino kaming naglalakad.

"Di ba sabi ko sayo wag kang lalabas"

Napatingin naman ako sa kanya.

Ah. That kidnapping scene.

"Eh ano naman kung lumabas ako? Hindi mo naman-"

I feel the force from his hands.

Ang bilis ng pangyayari.

He...

He...

O. O

H-he.... Kissed.... me..

Continue Reading

You'll Also Like

1.4M 56.6K 74
UNEDITED Only Girl Series #2 Isang Babae ang papasok sa isang magulo, basag ulo, maingay ngunit mga guwapong nilalang. Sa kaniyangg pamamalagi sa Se...
325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
169M 5.5M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...
3.2M 159K 54
[RFYL book 2] When the enemy is close behind, you need to run as fast as you can. RUN AS FAST AS YOU CAN Written by: SHINICHILAAAABS Genre: Science F...