Piece by Piece

By LadyinParis

329K 12.3K 2.8K

Two lost souls in this chaotic world. Two empty hearts. Two broken puzzle piece. How are they going to fit... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Le Final
Spécial

Chapter 24

10K 394 122
By LadyinParis

"You see, your first love isn't the first person you give your heart to – it's the first one who breaks it." — Lang Leav







*Multimedia:
Little Do You Know
by Alex and Sierra









24




"So you were in New York?"

He asked her again when they were left inside the room by themselves. Her eyes that were pinned at the floor looked straight in his.

"Pag sinabi kong oo, may mababago ba?" She answered full of bitterness.

"You could've told me." Ramdam ang galit sa boses ni Vice.

"Hindi ko alam na mapapaaga yung punta mo sa Paris. Anyway, wag na nating pag-usapan yan Vice. Tapos na yun." She massaged her temple. Ramdam niya pa rin ang sakit ng ulo niya from last night. This was the worst hangover ever.

"When was this K?" Tanong muli ni Vice na parang hindi niya narinig si Karylle. Napabuntong hininga naman ang huli, she knows na hindi siya titigilan ni Vice not until she speaks.

"4 months after you left. Umuwi ka dito before nun pero hindi mo man lang ako pinuntahan. Tapos pagbalik mo sa New York, you never called me anymore. Halos mabaliw ako kakaisip kung anong nangyari sa'yo."

"You could've called me. You could've told me. Edi sana umuwi ako. Pinuntahan kita. Nag-usap tayo."

"That's the reason why I didn't tell you. Alam kong iiwanan mo ang trabaho mo para sa akin. Iiwanan mo nanaman ang trabaho mo dahil sa akin." Makahulugang sinabi ni Karylle, tinignan lang siya ni Vice as if proving he was guilty.

"I know why you're in Paris. I know that if you leave your work undone back there, like the last time you did, they will sue you na. Just like how all the companies you left hanging in the middle nung umuwi ka sa Pilipinas para samahan ako." Sabi ni Karylle.

"Why... how... who told you that?" He had a hard time finishing his sentence. Vhong. Of course si Vhong. Napakadaldal talaga. He thought.

"It doesn't matter how or who, Vice. Nung nalaman ko yun I just realized how much I don't deserve you. You gave up a lot for me and all I gave in return was pain and heartache. Kaya pagbalik ko nun sa Pilipinas, I stopped calling and messaging you anymore. Naisip ko kasi, kung gusto mong bumalik babalik ka naman eh pero kung hindi na, okay lang rin. Kahit miss na miss na miss na kita noon, hindi ko na pinilit na magkita at magkalapit tayo. Nawala na rin yung galit ko sa bigla mong pag-iwan sa akin kasi naisip ko that maybe that is for the better. Vice, you don't deserve to be included in my messed up life anymore." She said with no trace of tears.

"K." Vice was left speechless.

Bumaba ang tingin ni Karylle sa mga kamay ni Vice. They were bruised at may sugat pa.

"San galing to? Is this from last night?" She asked again. Vice didn't answer. Tumango lang ito at tinitigan ang mga kamay ni Karylle na dahan dahang hinihimas ang mga sugat niya sa kamay.

"You see this?" Turo ni Karylle sa mga kamay ni Vice. "This is what I'm talking about. It feels like I'm doing you no good. You deserve someone better, Vice. Maybe you really deserve someone else." Malungkot na tugon ni Karylle kay Vice atsaka siya tumayo para maghanap ng first aid kit nito sa banyo ni Vice. 

Vice just sat on his bed trying to figure out what to say to Karylle. He doesn't like what he's hearing. Oo nagalit siya, oo nagtampo siya, oo lumayo siya at sabihin man ng lahat na selfish siya, he still didn't want this. He still didn't want what Karylle was trying to imply. He doesn't want someone else.


"I don't want someone else." Maybe he said it a little too loud than how he only wants to say it in his head. Karylle who was already in front of him heard him alright. She just gave him a little smirk atsaka ito umupo na sa sahig to tend his aching hands. Nakayuko lang ito at tahimik na nilinisang mga sugat ni Vice, and then she started talking again.



"Thank you kasi pinapakilala mo pa rin ako sa buong mundo as your girlfriend kahit hindi ko naman na alam kung ano na ba talaga tayo. Sana hindi ka nagtatampo if you see me doing better than I should after what happened to us. Trust me, I just want to be a better person. Gusto kong buoin ulit yung sarili ko. I want to be the better version of myself kasi gusto ko pag nakita mo ako ulit, ako na yung tamang Karylle para sa'yo. Yung Karylle na deserve mo. Pero parang malayo pa yata ako dun." Nakayukong sinabi ng dalaga habang patuloy niyang binalutan ng bandage ang kamay ng binata. Noong suminghot siya ang naging hudyat kay Vice para makumpirma na umiiyak nga si Karylle.

Mabilis na pinahid ni Karylle ang mga luha niya at tumayo. She smiled at Vice.

"Tara na sa baba. Kain na tayo. Tapos hatid mo na ako ah? Gusto ko na kasing umuwi. Pagod na pagod yung katawan ko. Ang sakit ng balakang ko. Sigurado ka bang walang nangyari sa atin?" Nakuha pa niyang magbiro pero hindi niya magawang tignan sa mata si Vice.

"Paano kung meron?" Tahimik na sagot ni Vice.

"Edi bahala ka. I'm not on pills anymore." She just said at diretso na siyang lalabas sana ng pintuan pero hinila siyang muli ni Vice at niyakap ng pagkahigpit na halos hindi na siya makahinga.

"I'm sorry. I'm sorry. I'm sorry Karylle ko. I'm sorry." Paulit ulit na sinabi ni Vice kay Karylle habang sinisiil ito ng halik sa noo at sa pisngi.



"I really missed you, Ney." He said lastly.














Kasabay na nga nilang nag-almusal si Nanay Rosario. Rice, bread, eggs, bacon and sausages were right in front of her. It was a heavy breakfast and she seem too excited to eat, parang gutom na gutom siya. Freaking hangover. She thought.

"Tikman mo to anak. Paborito ito nila tutoy noong mga bata pa sila." Sabay abot ni Nanay Rosario sa homemade pork and beans niya.

"Hhmmmm! Ang sarap po Tita!" Parang batang nanlaki pa ang mga mata ni Karylle ng matikman niya ito.

Agad na kumuha si Karylle ng pork and beans at nilagay ito sa kanin niya, then she mixed it with her rice atsaka kumuha ng scrambled egg na nasa harap niya at ipinatong sa kanin niya. Pagkatapos niya sumubo ng isa ay tsaka niya lang narealize na parehong nakatingin sila Vice at ang Nanay niya sa kaniya.

"B-bakit?" Tanong ni Karylle kay Vice pagkalunok niya ng unang subo niya.

Bago pa man sumagot si Vice ay nagsalita na si Nanay Rosario.

"You amaze me iha. You really remind me of Angel—"

"Nay!" Suway ni Vice sa kaniyang ina. Parang nagulat naman si Rosario sa nasabi niya. She mentally slapped herself for being so tackless, twice, today.

To cut the awkwardness off, Karylle just cleared her throat.

"Uhm, masarap din po siguro to sa tinapay no?" She said. Pagkatapos ay kumuha ng kapiraso ng tinapay sa pinggan ni Vice and dipped the bread in his bowl full of the pork and beans.


"Masarap nga po." She said again just after she took that bite.

Their breakfast was filled with awkward air the whole time.




"You remind me of Angel." Parang paulit ulit iyong tumakbo sa isip niya. Masakit. Aaminin niya. Nasaktan siya. Nasasaktan siya. This was not the first time she heard about that comparison.




Flashback

"Sino ba kasi si Angel! Bakit ba ayaw mong sabihin sa akin Vhong? You know her diba? Sabi mo kababata niyo siya. Ano pa?" Buong pagmamakaawang tanong ni Karylle.

"Kasi wala akong right para sabihin sayo? Magagalit sa akin si Vice. Siya ang dapat magsabi. Siya ang tanungin mo." Sagot ni Vhong.

"Wala namang sasabihin sa akin si Vice eh! Last time I asked him nagalit lang siya sa akin." She said.

"Dali na bruh. Tell me something about her. I just-I just want to know."

"Si Vice dapat—"

"Sino si Angel sa buhay mo. Who is she? How is she as a person sa pagkakaalam mo. Kahit yun na lang bruh." Tanong muli ni Karylle.

"Bakit ba napaka masochista mo?" Sabi ni Vhong.

"Dali na isusumbong na talaga kita kay Anne!" Pagbabanta pa ni Karylle.

"Eto na nga!" Panimula ni Vhong.

"Si Angel, si mylabs, as I call her, one of the boys yun. Yung mga kaya naming gawin kaya rin niya, minsan higit pa. Bata pa lang kami she's already very independent. Hanggang sa mga binata't dalaga na kami. She doesn't require our company, kaya niya ang sarili niya... parang ikaw." Sabi ni Vhong. Napatingin naman si Karylle sa kaniya.

"We became very close kasi mahilig din siya sa arts, crafts and music, we share the same interest pag dating sa painting, drawings, music making and dancing... parang tayo. And she's into ballet too." Sabing muli ni Vhong, napakunot na ng noo si Karylle.

"Gusto mo pang ituloy ko?" Tanong ni Vhong. Tumango lang naman si Karylle.

"She dreamt of becoming a theater actress too pero hindi ganun kaganda boses niya eh. That's why she took music and theater as her major in college. Sayang nga lang kasi—" hindi natuloy ni Vhong ang sasabihin niya. He went a little too much, muntik pa niyang masabi na wala na si Angel, na patay na ang taong pinagseselosan ni Karylle. Ayaw niyang sa kaniya manggaling iyon. This was a problem between two lovers and he felt that he's done so much for Vice, that was his responsibility to tell now.

"Kasi?" Tanong ni Karylle.

"Kasi si Vice na dapat magsasabi ng kasunod. Sumusobra ka na ang dami ko ng sinabi sa'yo! Tapos mamaya iiyak iyak ka nanaman niyan!" Sabi ni Vhong.

"Nakakainis ka! Uhm Vhong last na. Nasan na si Angel ngayon?"

"Vice should be the one to tell you that." Sabi muli ni Vhong.

"Last na talaga... So Vhong... nakikita mo ba si Angel sa akin?" Tanong ni Karylle.

"May pagkakahalintulad lang pero malayo. Iba si Angel, iba ka."

"Siguro nakikita niya sa akin si Angel kaya niya ako nagustuhan. Kaya siguro I feel him being distant lately kasi nakita na niya ulit si Angel. Hindi na niya ako kailangan—"

"Wag mong sabihin yan K. Alam ko mahal ka ng pinsan ko. He did a lot of things for you that he's never done for anyone. Kilala ko si Vice." Sabi ni Vhong.

"Ayan! Yan na nga ba sinasabi ko eh. Tapang tapangan iiyak rin naman pala." Sabi ni Vhong kay Karylle.

"Che! Umalis ka na nga! Umuwi ka na." Sabi ni Karylle.

"Hala ikaw nagpapunta sa akin dito sa unit mo tapos gaganyanin mo ko." Natatawang sinabi ni Vhong.

"Sige na! Umalis ka na! Hinahanap ka na ni Anne o! Baka magselos na yun sa akin. May history pa naman kaming magpipinsan." She tried to joke in a bad way.

"Siraulo ka. Paka weirdo mo talaga." Sagot ni Vhong. Nagulat siya sa pagbibiro ni Karylle about her situation with Dominic and Arianne.


Something has really changed in her.



"K, iha."

"Hello po. Sorry dito ko na lang po sa garden hinintay si Vice. Nainip po kasi ako sa kwarto niya." Nahihiyang sinabi ni Karylle sa nanay ni Vice.

"Ayos lang iha. Feel at home sa bahay." Sabi ng nanay ni Vice at tumango naman si Karylle.

"Pasensiya ka na sa akin kanina ha? I hope you didn't get offended. I didn't mean it that way." Sabi ni Nanay Rosario.

"Okay lang po." She awkwardly answered.

"Lagi kang kinukwento ng anak ko sa akin. Lahat ng makita namin doon sa New York parating ikaw ang naaalala niya. Minsan nga gusto kong magselos eh." Nagsalitang muli si Nanay Rosario.

"Sorry po." Hindi alam ni Karylle kung paano iapproach ang matanda.

"No need iha. I'd rather hear his stories about you kesa naman hindi niya ako ulit kausapin. So thank you. Thank you for loving my son." Sabi ni Nanay Rosario.

"At first sa mga kwento niya, I admit, iha, natakot ako. You have so much in common with Angel. Now that I've met you in person lalo kong nakita ang pagkakahalintulad niyo. From the way you eat, to the way you speak and move. Halos nakita ko na rin kasing lumaki ang batang iyon kaya alam na alam ko. Natakot ako na baka kaya siya ganyan sayo kasi baka nakikita niya lang ang dating kaibigan niya sayo."

"That's not the first time I heard that." Sagot na lang ni Karylle.

"Yeah? But seeing you now with him alam mo kung anong pagkakaiba ang nakita ko sa inyo?" What she said caught Karylle's eyes. Malalim niyang tinitigan ang mga mata ng nanay ng lalaking mahal niya.

"The way you look at my son. Yung pagmamahal na yan sa mga mata mo. Ramdam na ramdam ng kahit sinong makakasama niyo. And also the way he tells me things about you, na para bang ikaw lang ang pwedeng magpasaya sa kaniya. Alam ko may hindi kayo pagkakaunawaan ngayon pero sana wag mong sukuan ang anak ko, Karylle. Mahal ka noon. Kung hindi pa nagmana yan sa tatay niya, hindi ko malalaman kung anong tumatakbo sa isip ng batang yan eh. I've lived with that kind of person for decades now. Trust me in this." Isang matamis na ngiti ang binigay ni Nanay Rose kay Karylle. Sa pagtitinginan nila pareho pa silang natawa as if they share a common joke.

"Thank you po Tita. I-I'm speechless." Yun lang ang nasabi niya.









The whole time they were inside his car she was just quiet. She opted not to talk because she knows anytime ay sasabog siya. If this would be the last time she would be with him ayaw na niya sanang mag-away pa sila. She could feel it again, yung pakiramdam that she is never good enough. That she will never be good enough for anyone, once she thought so differently with Vice then along came the existence of a certain 'Angel' who she seemed to remind everyone of. She would've not mind about it if not only because of her effect on Vice, na sa tuwing binabanggit ang pangalan ng babaeng yon, he just starts to act up so differently.

"Okay ka lang K?" Tanong ni Vice sa tahimik na babaeng katabi niya.

"Pasensiya ka na kanina ha? Hindi naman sinasadya ni Nanay—"

"Okay na. Nag-usap na kami." She cut him off.

"Okay lang kung galit ka sa akin. Hahatid lang kita tapos uuwi na ako agad para makapagpahinga ka na."sabi na lang ni Vice.

Tahimik pa rin at hindi umiimik si Karylle.

"Atsaka uminom ka ng maraming tubig ha? Para mawala agad sa sistema mo yung pinainom sayo kagabi. Make sure to call someone if you feel different, pag sumakit ulit yang ulo mo or nahi—"

"Vice mahal mo ba ako?" Biglang tanong ni Karylle, Vice was caught off guard.

"What?" yun lang ang tanging naitanong niya sa dalaga na hanggang ngayon ay nakatingin pa rin sa labas ng bintana.

"I'm sorry, wrong question." She said na parang natatawa pa at tumingin na ng diretso sa mga mata ni Vice. Buti na lang traffic.

"Do you still love me?" She said giving emphasis on the word 'still'.

"Hindi nawala yun K. Hindi nagbago yun." He answered as he drive.

"May itatanong sana ako pero sana hindi ka magalit atsaka sana sabihin mo sa akin yung totoo. Pagkatapos nito you won't hear me asking this question ever again. You won't hear me ask any question again. This will be the last of it." Sabi ni Karylle. Punong puno naman ng pag-aalala si Vice dahil sa pigil luhang boses ng dalaga. At ano to? Pagpapaalam ba ang pinapahiwatig niya?

"What is it?" He asked.


"Mahal..." panimula niya ngunit hindi niya matapos tapos dahil natatakot siya sa sakit ng katotohanan na magiging sagot ni Vice.

"Mahal mo ba ako bilang ako? O mahal mo lang ako kasi nakikita mo siya sa pagkatao ko?" Makahulugang tanong ni Karylle.

Isang patak ng luha ang nagpatunay sa sakit na nararamdaman niya.

"K what the fuck are you talking about?" He was still in denial although he already gets her question.

"No... don't go Vice on me. I don't need that right now. I just need an honest answer. People have been telling me how much they see Angel in me, hindi lang ang mom mo. That had me thinking na baka kaya mo lang ako gusto kasi baka nakikita mo siya sa akin. Now Vice answer me. Do you love me as Karylle? O minahal mo lang ako kasi naaalala mo siya sa akin?" She asked again. And then he kept quiet and pulled his car on the side para mas makapag usap sila ng maayos dahil kung itutuloy niya pa ang pagmamaneho alam niyang madidisgrasya lang sila.


"Mahal kita." Yun lang ang sinagot ni Vice.

"Anong klaseng pagmamahal Vice? Kasi nakikita mo siya sa akin? Diba yun yon? Diba tama sila Vice? If given the chance na hindi kami magkatulad mapapansin mo ba ako? Diba hindi naman? Sige na sabihin mo na sa akin yung totoo. And then after that you won't see any of me, hindi na kita guguluhin pa. I just want to know the truth. Mahal mo ako kasi? "





"Angel is a different person. Mahal ko siya kasi she was the only person who believed in me nung mga panahong walang naniniwala sa akin. Mahal ko siya kasi siya yung unang taong tumanggap sa akin, sa kung ano talaga ako. Mahal ko siya kasi best friend ko siya. I have couple more reasons why and what I want you to know, K, is that she will always be a part of me." Vice explained.


"Pero dapat ba may rason ang pagmamahal? Hindi ba pwedeng mahal lang kita? Kasi kung hahanapan mo ako ng rason kung bakit kita mahal, ultimong pagkikiskisan ng mga atom diyan sa katawan mo gagawin ko na ring dahilan. Puputi na yung buhok ko, makakalbo na ako't lahat, hindi pa rin ako matatapos humanap ng rason kung bakit." Sagot ni Vice kay Karylle.


"Mahal kita kasi mahal kita, Karylle." Muling pagdidiin ni Vice.





"And don't you ever compare yourself with Angel kasi magkaiba kayo. Okay? Sa paningin ko at sa puso ko alam kong magkaiba kayo. Angel will always have a piece of my heart pero ikaw buong puso ko sayo. Sayong sayo. Na kahit galit ako sayo, kahit nagtatampo ako sayo, kahit nasasaktan ako dahil sayo nangingibabaw pa rin yung pagmamahal ko sayo." He explained again.

"Kanina sabi mo I deserve someone else? I deserve someone better? Sinabi rin sa akin yan ni Angel." Vice said kaya napatingin si Karylle.

"And she was right. It was right that I waited until we crossed path. Tama si Gel, I deserve someone better, and that was you. You were the 'better girl' she was talking about. Kaya sana wag mo akong ipamigay sa iba, kasi ayoko. Ikaw lang yung gusto ko." Dugtong muli ni Vice.

"Bakit hindi mo man lang siya magawang maipakilala sa akin? I need to meet her kasi ang hirap hirap ng makipagkompitensya sa nakaraan mo. Kung parte siya ng pagkatao mo Vice then I want to meet her. " She pleaded him and then he continued to drive off but then he took a quick turn pabalik kaya nagtaka si Karylle.



"Vice hindi dito yung daan pauwi, saan tayo pupunta?" She asked in full confusion and fear.








Matagal bago pa nakasagot si Vice, with a deep sharp breath then he answered.











"Kay Angel."

Continue Reading

You'll Also Like

227K 4.1K 87
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
109K 3.1K 83
[COMPLETED] Malungkot ka ba? Basahin mo to.. VOTE AND FOLLOW
457K 6.3K 59
"The more you hate, the more you love.."
1.1K 139 20
Levi-Anne Dimayuga came from a rich family. Lahat ng gusto nya ay nakukuha nya ng walang kapalit na kahit ano maliban sa pagmamahal na gusto nya. Dah...