Chriss' POV.
We already arrived at South Seoul Korea. Nakakapagod din pala kahit nakaupo lang sa loob ng eroplano.
My shoulder got hurt. Ginawang unan ba naman nung sekretarya ko and f*ck ang bigat ng ulo niya. Tulo laway pa nung natutulog.
Disgusting woman tch. Justine and Melbert looks like they were already comfortable to each other while me I feel irritated dahil sa katabi kong tulog mantika.
Kinukuha na namin ang lahat ng bagahe at dahil may sekretarya ako, pati bagahe ko pinakuha ko sakanya.
"Athena my baggage. Get it."
"Opo. Psh," sabi niya.
Halata naman sa itsura niya na nainis siya. Tch. Sinu-swelduhan ko siya nang malaki kaya rapat lang na pagsilbihan niya ako.
When everyone already got their baggage, I called our family driver para wag na kami sunduin.
Yes may family driver kami rito kasi taga rito kami.
At kahit na may mansiyon kami dito, hindi muna ako tutuloy dun. Hindi muna kami tutuloy dun. I suggested na magpa-reserved na lang sa hotel malapit sa business association na gagawin at para hindi na rin hassle. Ang bagal kumilos ang wala.
"Ano ba! Bilisan mo naman diyan Athena," nakakainis. Ilang minuto ba ako maghihintay sa mabagal kong sekretarya? Aish. Bwiset.
Palabas na kami ng Air Asia Airport
Nasa labas na kami ng airport. Nag aabang ng cab at itong mga kasama ko parang mga ewan na inuupuan na ang mga maleta nila. Psh. Tsk. Mahihina.
-----------
Athena's POV
Pagod na ako. Pagod at inaantok pa. Si Sir Chriss naman, di man lang ako tinulungan. Haysss. Imagine, dalhin ko raw ba ang mga maleta niya na ang bigat bigat? Napaka-gentleman naman niya.
Buti pa si Melbert pinagdadala ng maleta si Bes eh. Yes, Melbert na lang ang tawag ko sakanya. Napaka-comfortable niya kasi kausap. Magaan siya kasama. He is gentleman also unlike sa isa diyan hindi. Bwiset.
Andito pa rin kami sa labas ng airport. Naghihintay pa rin ng taxi. Ano ba naman yan eh. Akala ko ba mayaman sila Boss?
"Bro, bakit hindi na lang tayo mag pasundo sa isa sa mga driver niyo?," sabi ni Melbert.
Wait...
"WHAT?!" sigaw ko.
"What?" tanong sakin pabalik ni Sir Chriss
"May sasakyan at driver kayo pero heto tayo nag hihintay sa taxi?"
"So?" He replied. Arghhhhh! Hindi niya ba nagets ang gusto kong sabihin? Pagod na kaya ako maghintay. Ilang hours na kami naghihintay oh pero ni isang taxi wala pa.
"Sir pagod na ako oh. Super pagod na. Hindi ba pwedeng pakisundo tayo sa driver niyo?"
Pagod na kasi talaga ako eh. Sobrang pagod na. Then may meeting pa kami pupuntahan bukas. Sunod sunod yun. Sobrang hectic.
"Sige na bro," pagpupumilit ni Melbert kay boss. Nag-puppy eyes lang ako sakanya baka kasi sakaling pumayag siya.
"Tch. Oo na. Wait a minute."
Ayon. Pumayag ka rin. Haha. Yes! Nakahinga ako ng maluwag. Biglang nawala ang bad mood ko. Sa wakas may mag susundo na saamin.
"Hello? Yes, we've already arrived here. Okay. We will wait you here," kausap ni Sir Chriss sa kabilang linya.
Baka driver niya pero ngayon ko lang napansin na ang gwapo pala niya kapag simple lang suot niya. Hindi mayabang tignan. Naalala ko kanina sa eroplano, nakasandal pala ako sakanya matulog kanina. Wah! nakakahiya baka nakita niya akong tulog mantika. Ganon pa naman ako kapag pagod na pagod.
May pumaradang black na van sa tapat namin. Lumabas ang driver ng van. Baka ito na driver at sasakyan nila Sir Chriss.
"Sir I'm late. I'm sorry po," sabi nung driver niya. Awosh! Okay lang yun. Sanay naman kami mag hintay. Ang importante may mag susundo na saamin.
Pinagbuksan lang kami ng pintuan ng driver niya. Nauna nang pumasok si Sir Chriss, Si Bes Justine at si Melbert. Papasok na ako pero may naalala ako.
Hala? Ang bagahe namin nasa labas pa ng van. Hindi naman pwedeng si Manong lang ang pagpasok nito. Ang dami at ang bibigat pa. Aish. Yung amo ko talaga walang pakealam eh nuh?
"Ma'am ako na ho diyan," pagpipigil sakin ni Manong driver buhatin ang maleta ng boss ko.
"Hindi na po kuya. Tutulungan ko na po kayo. Mabibigat po lahat yan eh," tugon ko.
Hindi lang sila mabibigat, sobrang bigat pa. Atsaka di ko naman hahayaan na mag isa lang ang ipapasok ang lahat ng bagahe. Matanda na siya at baka manakit ang kasu-kasuhan niya.
Nang maipasok na namin ang lahat ng bagahe, pumasok na rin kami sa loob ng van. Nadatnan ko si Melbert at Bes na natutulog nang mahimbing. Hays buti pa sila nakakapagpahinga na. Pero ang magaling kong boss ayun, nag ce-cellphone. Busy sa cellphone niya.
"Ma'am maraming salamat po ulit sa pagtulong sa akin sa pagpasok ng mga bagahe."
"Wala pong anuman," tugon ko. Nakita ko sa side mirror ng van na napatingin si Sir Chriss sa gawi ko. Oh ano nanaman napapansin niya?
"Ma'am nga po pala parang familiar ka po sakin," sabi ni Manong.
"Eh manong ganon talaga ang magaganda, maraming kamukha haha!"
Sabi ko na ikinatuwa naman ni Manong driver. Napansin ko ulit na napatingin sakin si Sir Chriss mula sa side mirror.
Ano tiningin tingin niya?
"Sir saan po kayo ihahatid?" tanong ni kuya kay Sir Chriss
"Dito sa hotel na ito," sabay pinakita niya ang lugar ng hotel na tutuluyan namin.
"Sige po."
Habang bumi-byahe, nag kwe-kwento lang si Kuya Elmer, ang driver nina Boss. Grabe pala ang pinagdaanan niya. Mahirap talaga. Laking pasasalamat daw ng mga magulang ni Boss kasi binigyan siya nito ng trabaho. Kaya heto ngayon naninilbihan sa mga Yoo mahigit limang taon na.
"Alam mo ho Ma'am, gustong gusto po ng anak ko ang makapunta sa Seoul kasi gusto niya makita ang mga idols niya," kwento nito.
"Bakit hindi niyo po siya papuntahin dito?" tanong ko.
"Pinag-iipunan ko pa po para kasama niya ang buong pamilya namin at sa 18th birthday niya, plane ticket palipad dito ang regalo ko sakanya."
Grabe noh? Wala talagang ama ang hindi gagawin ang kagustuhan ng anak nila. Hayss naalala ko tuloy si Daddy, kung hindi sana siya namatay, hindi ako mangungulila sa pagmamahal niya pero okay lang andyan pa naman ang nanay ko.
Huminto na ang sinasakyan naming Van sa isang hotel building. Grabe ang ganda talaga rito. Ginising ko na sina Bes Justine bago ako naunang bumaba.
Ibinaba na rin ni Kuya Elmer ang mga bagahe namin.
"Maraming salamat po. Mag iingat po kayo sa pag uwi," paalam ko sakanya.
"Wala ano man po. Basta mag text lang po kayo kung may kailangan kayo sakin. Sir paalam na po," sabi nito.
"Sige po," sabi ng boss ko. Kahit papaano pala may galang siya sa mga matatanda.
"Let's go," he commanded. Pumasok na kami sa loob ng hotel. Ang ganda talaga rito. Ang mga chandelier. Ang mga tao rito. Ang gaganda nila.
"Ay sorry po," sabi ko. Nakabangga kasi ako ng isang koreano eh. Hindi man niya naintindihan pero at least alam niya na nag sorry ako.
"Excuse me Sir how can I help you?" tanong nung babae sa information desk.
"Ah yes, can you check the room numbers under the name of Mr. Seo," tanong ni Boss.
"Sir do you have any reservation?"
"Yes we have."
Hinahanap na ng babae ang mga pangalan namin. Ang tagal naman.
"Sir you only have 3 reservations," sabi nung babae.
"But Miss we reserved 4 rooms,"
"I'm sorry sir but you reserved 3 rooms only,"
"Ano? Bakit ganyan? Bro," tanong ni Sir Chriss kay Sir Melbert.
"Di ko rin alam bro. Basta apat ang pina-reserve kong kwarto."
"Tch. Okay okay. Miss can you check our room number?,"
"Sir Mr. Seo will stay in room 145, Miss Yoon will stay on room 144 and Mr. Yoo and Miss Anicete will stay on room 143," sabi nung babae.
Agshjsbjs...
"ANO?"
"ANO?"
Parehas namin sabi ni Sir Chriss. Kaming dalawa pa ang mag-she'share ng kwarto? Pero bakit?
"Miss can you change, in room 143 me and Miss Yoon will stay on that room and Mister Yoo will stay on room 144?" I requested.
Hindi pwedeng kami ang mag share ng kwarto. Hindi ako komportable.
"I'm sorry Ma'am you cannot change the designated names on the reserved room. That is our rules and regulations."
"F*ck. Okay fine. Give our room keys," Sir Chriss said.
Ahhjkekdkssk... No choice talaga. Mag she'share kami sa iisang kwarto. Argh!