TLAD: Behind the Tattoos [Com...

By barbsgalicia

4.1M 110K 21K

TLAD'S COMPANION BOOK: Dahil sa malaking kasalanang nagawa ni Baron Medel sa kanyang matalik na kaibigan, nag... More

TLAD: Behind the Tattoos
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 35
To Live for Love [TLAD Sequel]

Chapter 34

85.1K 2.4K 448
By barbsgalicia

Nasugbu, Batangas

HINAPON NA AKO ng dating dito sa Batangas. Sobrang trapik!

Hinihiling ko na nga lang na sana wala pa si Rex sa resort. Mas gusto kong makausap si Karina. Kapag si Rex kasi, hindi pa ako nag-uumpisang magsalita, sinasapak na ako.

Mukha namang umaayon sa 'kin ang pagkakataon. Pagkapasok ko kasi dito sa Jupiter, si Karina ang unang naabutan ko. Nagwa-walis siya malapit sa pool.

Hindi ako nagsalita pero napansin niya ako agad. Ang bilis ngang umasim ng itsura niya.

Binitiwan niya ang kapit niyang walis tingting tapos namaywang. "Aba, hindi ka talaga napapagod, ano?"

Nilapitan ko siya. "Alam niyong wala sa bokabularyo ko 'yon." Nilipat ko ang tingin ko sa bahay nila. "Wala si Rex?"

"Pasalamat ka at wala. Dahil 'pag nakita ka na naman no'n na nandito, masasapak ka na naman, sinasabi ko sa 'yo."

Napabuntong-hininga ako. "Sanay naman na ako." Binalik ko ang tingin ko sa kanya. "Alam kong alam mo kung bakit ako nandito. Desedido pa rin akong malaman kung saan nakatira si Desa."

Hindi niya naman ako sinagot. Pinulot niya muna 'yong walis tapos nagpatuloy sa ginagawa niya. "Sinasayang mo na lang ang oras mo sa kakabalik-balik dito, Baron. Kalimutan mo na ang anak ko, kasi kinalimutan ka na niya."

"Ano?"

Huminto siya saglit sa pagwawalis para tumingin sa 'kin. "May bago na siyang nobyo sa Cebu."

Tangina. Napangisi ako. "Langya naman, maayos akong nakikipag-usap sa 'yo, hindi ako nakikipag-biruan. Wag niyo naman akong gina-gago. Lahat na lang talaga ginagawa niyo para lang tantanan ko na si Desa."

"Mukha rin ba akong nakikipag-biruan sa 'yo, ha, Baron?"

Napakunot ako ng noo sabay umiwas ng tingin. Nag-umpisa nang manginig 'tong kamao ko.

Binitiwan naman ulit ni Karina 'yong kapit niyang walis. "Sandali lang, maghintay ka riyan. Ipapakikita ko sa 'yo nang matahamik ka na."

Pumasok siya sa bahay.

Naiwan akong mag-isa dito na nagdidilim na ang paningin.

Pagkalabas ni Karina, may dala na siyang cellphone. Binuksan niya 'yon at inabot sa 'kin.

Litrato ni Desa 'tong nandito. May kasama siyang lalaki na nakayakap sa leeg niya mula sa likuran. Ang saya nilang dalawa at ako naman, selos na selos na.

"'Yan si Evo," turo ni Karina sa 'kin. "Ang bagong boyfriend ni Desa. Siya rin ang physical therapist na kinuha ng lola niya para gumaling at makalakad na siya ulit. 'Yang lalaking 'yan ang nag-alaga sa anak ko. Nagkamabutihan sila hanggang sa maging magkasintahan. Nito lang din sinabi sa 'min ni Desa no'ng huling beses na tumawag kami ro'n sa Cebu."

Nanginginig ang kamay ko habang hawak-hawak 'tong cellphone. Parang lahat ng tapang na binaon ko papunta rito, nawala na parang bula. Nanghina ako.

Binalik ko na sa kanya 'tong telepono tapos pumeke ako ng ngisi. Wala na akong masabi, na-blangko ako. Tinalikuran ko na lang siya para umalis na.

"Baron," tawag niya naman.

Huminto ako pero hindi ako lumingon.

"Wag ka na uling babalik dito," sabi niya. "Si Desa, malabo na siyang tumira dito sa Batangas. Doon na siya sa Cebu. Mas gusto niya na ro'n."

Hindi na ako nakinig. Tumuloy na ako ng alis.

Bigla akong nawalan ng gana sa lahat. Para na nga lang akong lumulutang ngayon habang naglalakad pabalik sa kotse. Wala akong maisip, wala akong lakas. Hindi ko na rin alam kung kakayanin ko pa bang magmaneho pauwi.

Papasok na ako sa sasakyan nang bigla ko namang makita si Gwen na naglalakad pauwi.

Kinilala ko pa kung siya talaga. Para kasing nag-iba ang itsura niya. Sobra siyang nangayayat. Kinapalan ko na ang mukha ko, sinalubong ko siya. Baka sakaling matulungan niya ako.

"Gwen." Hinawakan ko siya sa siko.

Gulat na gulat nga siya. Nanglaki ang mga mata. Pero hindi siya nagsalita, kumalas lang agad siya sa kapit ko.

Yumuko ako. Alam kong hindi kami okay at nagkaro'n kami ng kasalanan sa isa't isa, pero kailangan ko siya ngayon. Wala na akong ibang maisip na makakatulong sa 'kin kung hindi siya.

"Si Desa." 'Yon pa lang ang nasasabi ko pero tinalikuran na niya ako agad.

Umikot ako para harangan siya. "Nakikiusap ako, sabihin mo sa 'kin kung nasa'n siya sa Cebu."

Tinitigan niya ako nang matalas. "Pagkatapos ng nangyari sa 'kin, sino ka para makiusap sa 'kin na tulungan ka?"

Natahimik ako ro'n. Umiwas ako ng tingin.

Ba't siya ganito umasta. Kung tutuusin, may kasalanan din naman siya sa 'kin. Hanggang ngayon hindi niya pa rin inaamin kung sino talaga ang totoong nakabuntis sa kanya dati. Hindi pa nalilinis ang pangalan ko. Pero hahayaan ko na. Kung sa 'kin niya gustong ibaling ang lahat ng sisi, sige. Kasalanan ko na lahat.

"Sorry," sabi ko na lang sa kanya. "Alam ko 'yong nangyari sa bata—"

"Please . . ." bigla niyang hinarang ang kamay niya. ". . . wag mong simulang ungkatin pa ang isang bagay na matagal ko nang kinalimutan. Nakakairita lang na ang kapal-kapal ng mukha mo. Nagpapakita ka pa rin dito. Lalapit ka sa 'kin pero hindi para mag-alala sa sinapit ko, pero para pa rin sa kapatid ko. Imbis na nakakaahon na ako nang tuluyan, lumulubog na naman ako, eh. Sabihin mo nga, nananadya ka ba?" Tinalikuran na ulit niya ako.

"Gwen, gusto ko lang makausap nang personal si Desa. Gusto kong malaman kung totoo ba 'yong sinabi ni Karina na may iba na siyang boyfriend."

Natigilan siya sa paglalakad. Humarap siya sa 'kin nang nakangisi. "Si Evo?"

Kumunot ang noo ko.

"Bakit?" Tumaas ang isa niyang kilay. "Hindi ka naniniwala kay Mama?"

"Alam kong hindi 'yon magagawa ni Desa sa 'kin."

Bigla siyang natawa nang mayabang. "Talaga? Bakit Baron, gaano mo na ba katagal kakilala ang kapatid ko? Ilang taon ba kayong nagkaroon ng relasyon at sa tabas ng dila mo ngayon e parang kilalang-kilala mo na siya?" Nag-krus siya ng mga braso. "Sorry, but I know my sister better. Malungkot siyang tao, at bored. Akala niya mahal ka niya pero ang totoo, gusto niya lang talaga 'yong pakiramdam na may nakakapansin sa kanya."

"Hindi ganyan ang pagkakakilala ko sa kanya."

"E kawawa ka naman pala. Nabilog ka niya." Inayos niya ang pagkaka-bitbit sa bag niya. "Wag mo nang sayangin ang oras mo, tigilan mo na ang kapatid ko. Ayaw na niya sa 'yo."

Bago pa siya makaalis ulit, nilapitan ko na agad siya. Hinawakan ko siya sa braso. "Si Desa lang mismo ang pwedeng magsabi kung ayaw niya na ba talaga sa 'kin." Binitiwan ko siya. "Gwen, ikaw na lang ang alam kong pwede kong mahingan ng tulong. Sabihin mo na kung nasa'n siya. Handa akong puntahan siya kahit nasa'n pa siya."

"Pwede ba! Pabayaan mo na nga sa Cebu si Desa! Masarap ang buhay niya ro'n. May trabaho siya at alagang-alaga pa siya ni lola at ni Evo, kaya wag mo na siyang guluhin."

Pumikit ako. "Kung sakali mang ipinagpalit niya na nga talaga ako sa lalaking 'yon, gusto kong malaman kung bakit. Hindi maayos ang paghihiwalay namin, ang dami kong tanong. Kailangan ko ng sagot kung bakit biglang nagka-ganito."

"Naghahanap ka pa ng sagot? Hindi mo na lang ba naisip na ang gago mo at ang sama mong impluwensya kaya ka kinalimutan ni Desa? Sinasabi ko na sa 'yo, walang-wala ka kay Evo. Kaya nga hindi na ako nagtaka na pinagpalit ka ng kapatid ko sa kanya."

"Tama na." Kinuyom ko ang kamao ko sabay tigas ng panga. "Hindi ko gusto na sa 'yo ko naririnig 'yang mga 'yan."

"Eh 'di umalis ka na!"

Lumuhod ako. Dito mismo sa harapan niya. Tangina, ewan ko na kung ano'ng nangyayari sa 'kin. Wala na ako sa sarili. "Hindi ako aalis hangga't hindi ko nakukuha ang kailangan ko."

"T-tumayo ka nga diyan," utos naman niya na hindi ko sinunod.

"Sinabi nang tumayo ka!"

Hindi pa rin ako sumunod.

Hinila niya na lang ako sa manggas ng t-shirt ko patayo. Tapos bigla niya akong sinampal. "Nakakainis ka! Nakakainis ka alam mo 'yon!"

Hinayaan ko kahit masakit. Mukhang kailangan ko 'yon para magising ako. Sinilip ko siya, naluluha na siya sa inis niya. Umiwas na lang ulit ako ng tingin.

"Ginagawa mo lahat ng 'to para kay Desa?" sabi niya. "Nagmamakaawa ka at lumuluhod para lang sa kanya, ha? Baron, maayos na si Desa sa Cebu. Ang swerte-swerte niya na nga doon eh, to the point na hinihiling ko na sana ako na lang ang dinala ro'n, kaysa 'yong nandito nga ako kina Mama pero parang hangin naman ako sa paningin nila. Hindi pinahihirapan doon si Desa. Pinaghihigpitan lang siya nina Mama dahil ayaw nila siyang matulad sa nangyari sa 'kin. Kasi ako, napariwara ako dahil wala namang pakialam sa akin ang mga magulang ko. Tingnan mo, nabuntis ako pero parang wala lang din sa kanila. Sandali lang silang nagalit, tapos wala na. Nakunan na rin ako't lahat-lahat pero hindi ko pa rin nakuha ang buong atensyon nila. Pero si Desa, hindi niya nakikita na sobrang mahal siya nina Papa. Pinrotektahan siya at nilayo sa mga demonyong katulad mo."

Pinahid niya ang mga luha sa gilid ng mga mata niya. Bago pa niya ako tuluyang iwan, tumitig pa ulit siya nang matalas sa 'kin. "Umalis ka na. Ayaw na sa 'yo ng kapatid ko at kahit kailan hinding-hindi mo na siya makukuha. 'Yan ang parusa mo para sa lahat ng mga kagaguhan mo, kaya tanggapin mo at magdusa ka." sabay alis niya.

Sobrang tumagos sa 'kin lahat ng salita niya. Tangina, nang-liit ako. Parang wala na akong mukhang maihaharap kahit na kanino. Kahit na kay Desa.

Hinang-hina na lang din akong umalis at pumasok sa sasakyan.

Pagkaupo ko rito sa loob, hindi ko napigilang mapaluha. Pinahid ko agad ang mga mata ko gamit 'tong leegan ng T-shirt ko. Nakakagago 'tong pakiramdam ko. Sinandal ko na lang ang ulo ko para matigil na ako sa kakaluha. Nilabas ko ang cellphone ko galing sa bulsa. Nag-dial ako ng number bago tinapat sa tenga ko.

Matapos ang ilang ring, sumagot. "Hello?"

Pumikit ako nang madiin. "Mama . . ."

"Baron? Oh, napatawag ka?"

"Ma, hindi ko na kaya. Uuwi na muna ako sa 'yo." 

Continue Reading

You'll Also Like

29.3M 513K 67
Cassidy Hurdiss intentionally broke the heart of the one man who has always loved her. She had to set him free so he could fulfill his lifelong dream...
108K 4.8K 58
MATURED CONTENT (R-18) Paris must really be the City of Love for Iris to fall for a guy she only met at the museum. After spending a day with this st...
27.5K 475 6
R-18 A one night stand gone wrong
27.6M 1M 62
(Game Series # 4) Charisse Faith Viste believes in working hard. She does not believe in luck, only hard work. Bata pa lang siya, nasanay na siya na...