Rylle's POV
"Three days kayong dito hah" paalam ni Darcie, "And don't worry, pinagpaalam ko na kayo sa mga parents nyo." paninigurado nito
Pupunta na sana kami nina Shaun, Gabriel and Cassandra sa kwarto namin nang biglang tumunog ang phone ko.
"*Calling: Unregistered Number*"
"Luh?" bulong ko sa sarili ko at sinagot ko ang tawag
"[UMALIS NA KAYO DYAN!--- beep beep beep]" sigaw ng nasa kabilang linya pero agad din naman itong ibinaba
Problema nun?
"Sino yun?" curious na tanong sa akin ni Cassandra
"Err, crazy caller? Hahaha." biro ko dahil hindi ko naman talaga kilala kung sino yung tumawag.
- - - - - - - - - - - -
"Tabi na kasi kami ni Rylleeeee. Pleaseeeee." pakiusap ni Shaun while sticking out his bottom lip
Waaaah. Ang cute nya.
"No way Shaun. Kung katabi mo si Rylle, si Gabriel ang magiging katabi ko, which I don't want to happen." mataray na saad ni Cassandra habang nakacross arms
"Aish" suminghal nalang si Shaun dahil siguro give up na ito, "Pre, tayo na nga lang ang magkatabi. Bwisit." singhal nito habang tinatawag si Gabriel
- - - - - - - - - - - - - - -
"Uy. Nag-text si Darcie," biglang anunsyo ni Cassandra kaya agad kong tinanggal ang earphones sa tenga ko
"Ano sabi?" tanong ni Gabriel pero hindi ito nakatingin sa amin, kundi sa phone nito, "Woot iwoot. Ang bilis talaga ng wifi dito!" biglang sigaw nito kaya agad syang binatukan ng katabi nyang si Shaun
"Bumaba na daw tayo. Dinner time na, tayo nalang ang hinihintay." tugon nito at dahan-dahang tumayo sa kama namin, "Let's go guys. Medyo nagugutom na rin ako," utos nito sa amin kaya pati ako ay tumayo na rin
Lumbas na rin sina Shaun and Gabriel.
Malaki ang bahay kaya inabot kami ng four minutes bago makapunta sa kusina since second floor kami.
Nang makarating kami sa kusina, nahalata kong parang nagrelieve ang mga mukha nila. Bakit?
“At last! Makakakain na rin! Nagugutom na ako, kanina pa. Alam nyo yun?” singhal ni Kathleen
Langya, ba't hindi ka muna kumain? Leche.
“Umupo na nga kayo. Ayan oh. Jollibee muna ang dinner for now. Bukas, pupunta tayo sa Ravioli, game?” yaya ni Darcie kaya kumuha na ako ng isang piraso ng drumstick chicken
Kanya-kanya silang kuhaan ng manok.
“Oh. Ba't hindi ka pa kumain? Sumabay ka na kaya.” yaya ko kay Darcie nang mahalata ko na hindi pa ito kumakain
“Kayo na muna kumain.” tugon nito pero hindi ito sa akin nakatingin, kundi sa cellphone nito.
*DING DONG!*
“Uy. May tao. Dyan lang muna kayo guys hah. Wag muna kayong umalis dyan.” paalam nito at lumabas na sa kusina
Pinagpatuloy lang namin ang pagkain ng manok.
“Guys, bakit parang kakaiba yung lasa ng manok? It tastes kinda bitter.” biglang sabi ni Jeanelle
Shit... Dejavu. Ito din ang nanyari sa amin dati.
“Aish. Ansakit ng ulo ko shet.” biglang singhal ni Riley
“Me too.” sabat naman ni Kathleen
Maging ako ay bigla ring sumakit ang ulo ko at sumirko-sirko ang paningin namin.
“I think i'm going to faint.” mahinang bulong ko habang sinasapo ko parin ang noo ko
Hanggang sa mawalan na kami ng malay...
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Nagising nalang ako nang maramdaman ko na may sumampal sa akin.
“Wake up.” cold na saad ni...
“D-Darcie?” utal kong bulong
How could she do that to us?
“Obvious naman diba?” sarcastic na sagot nito sa akin
“W-Why?” utal kong tanong
“Half is i'm helping someone para makakuha ng lecheng revenge, but the half,” saad nito sa akin at itinapat nito ang index finger nito sa labi nito.
Nilibot ko ang tingin ko at nakita ko rin sina Cassandra, Riley, Kathleen, Jeanelle, at Danielle na nakakulong sa isang rehas. Ba't sila nasa rehas habang ako ay nasa upuan na nakatali?
*BLAG!*
Nagulat nalang ako nang may biglang nagbukas ng pintuan namin. Bumungad sa amin ang tatlong lalaki. Kilala ko kung sino sila...
“Justine... Daile... Marco...” mahina kong bulong
Ano bang ginawa namin sa kanila and they are doing this to us?
“Alam nyo bang kulang kami ng dalawa? Kasi actually, anim talaga kami na may objective na pumatay. Kaso tanga yung dalawa, nabaril ko si Mimi while si Samantha ay pinatay na ni Arch. How catastrophic.” kwento ni Darcie sa akin
No... Ayoko nang marinig please...
*BANG!*
“Oo. At ikaw ang isusunod ko pagkatapos kay Samantha.” nagulat nalang ako nang makita ko sila muli
Ilang buwan din silang nagpakita sa amin.
“Uso kasi maglock ng main door.” singhal naman ni Hara
Nakita ko nalang ang pagbagsak ng katawan ni Marco sa lupa. Sya pala ang nabaril ni Arch.
“Arch... Hara... Mimi... help me.” mahina kong bulong
“Bwisit” sabay na singhal nina Darcie, Justine at Daile at may hinugot na bagay mula sa likod nila... mga baril
Nakaturo ang baril ni Daile kay Arch. Nakaturo ang baril ni Justine kay Hara. Nakaturo ang baril ni Darcie kay Mimi.
“Anong akala nyo? Kayo lang ang armado? Syempre, hindi kami susugod dito nang walang armas. Stupidity na yun kung wala kaming dala.” mariin na giit ni Hara at sabay-sabay din silang tatlo na tinutukan ang mga taong nang-target sa kanila
“Sam, Ee,” bulong ni Hara. Nagcocountdown sya in Korean Language
“il” bulong nito muli, “TAKBO!” sigaw ni Hara at tumakbo silang tatlo.
Sumunod naman sina Darcie, Daile, at Justine na bitbit din ang armas nilang baril
Tumakbo sila palabas ng kwarto kung saan ako naroroon.
Pinagmasdan ko ang nakahandusay na bangkay ni Marco sa lapag. When I first met him, akala ko ang pure and innocent nito. Yung pala ay may galit ito sa puso nito and he's seek revenge and venegeance for his sister.
I hope you rest in peace kahit na isa ka sa mga dahilan kung bakit nawawala ang mga kaibigan ko.
---END OF CHAPTER 49---
Sa mga nakakuha na sina Marco, Darcie, Daile, Justine, Samantha and/or Mimi ang mga pyschopaths sa story na ito, well, congratulations ^_^
Daile: Sya ang 2nd leader. First murder nya ay si Lance (yung tank scene)
Marco: Leader nila. First murder nya ay si Olive
Justine: Pinakita naman ang scene ng first murder nya diba? Which is ang doctor
Darcie: Sya yung unexpected guest nung tatakas na sana sina Mimi and Mikee. First murder nya ay si Mikee. Tsaka remember diba, tumawag si Kathleen kay Cassandra to ask if Darcie contacted them. Actually, nasa Pilipinas kasi si Darcie that time. After nung first bloodbath nito ay bumalik ito sa UK then she acted innocent.
Samantha: Muntikan na nyang mapatay si Hara. Pero like what Darcie said, “while si Samantha ay pinatay na ni Arch.”
Mimi: Sya dapat ang papatay kay Mikee
Arch was alive all this time. Pero dito, tinatawag syang “JOHANN” (Arch's full name is Arch Johann Mercado). Si Mimi naman yung SOMEONE na na-admit sa hospital. Si Arch naman ang SOMEONE na nagligtas kay Hara sa Chapter 47.
Si Mimi yung nagtext kay Rylle nung Chapter 48 using Arch's number. Pati na rin ng tumawag sa kanya ngayon.
Sina Justine, Marco and Daile ang unexpected guest nila sa chapter na 'to.
More clues and facts will be revealed sa Final A/N ko after ng Epilogue.
Next chapter will be kung paano nagsurvive sina Arch, Hara and Mimi. And yung mga totoong nanyayari nung nasa vacation house kuno sila. For short, PURO FLASHBACK ANG NEXT CHAPTER. Ok, ang haba na masyado ng note ko XD
Two more chapters left guys!
Thank you for reading!
Vote and Comment <3