Heartsrings
© Copyright 2013 All Rights Reserved
Kathryn’s POV:
Nandito na naman kami ngayon sa library. Habang nag-eexplain ako siya naman busy sa pagkakalikot ng cellphone niya.
Ano pa nga ba ang ginawa ko?
E di inagaw ko sa kanya at tinago. Nakasimangot siya sakin na para bang maliit na bata na inagawan ng laruan yung tipong iiyak na. E, anong magagawa ko kailangan ko naman talagang gawin yon kung hindi ko kukunin sa kanya sigurado akong gabi na naman kami makakauwi.
“…ok, ano nga ulit yung kabilang sa mga maharlika??...” tanong ko sa kanya.
Binaba ko na yung libro at tinignan siya.
Mukang malalim ang iniisip nito a.. nagiisip mabuti.
Maya-maya nagsalita din ang loko.
“…ako…” sagot niya.
“…anong ikaw? Sabi ko sino yung kabilang sa maharlika? At pano ka naman naging kabilang don aber??...” tanong ko sa kanya.
“…wala lang gusto ko lang…” sagot niya sakin.
“…anong wala lang?Hindi pwedeng isagot mo don sa testpaper… e dahil gusto mo lang… ano ba making ka kasi sakin…” inis na sabi ko sa kanya. Ilang beses ko na kasing inuulit-ulit sa kanya ito kanina pa.
Sigh.
“…again, makinig ka… may tatlo pangkat ng mamamayan sa kanlurang Europeo… una…” tinaas ko yung index finger ko ng maintindihan.
Well, sana nga.
“… maharlika… sila yung pinakamataas na uri, ok??...” nagnod lang siya sakin.
“…kabilang don yung mga HARI…..KONDE….BARON….KABALYERO…gets??...” i-nemphasize ko na para matandaan niya then nagnod na naman siya. Naku, lagot sakin to mamaya kapag hindi nakasagot sa tanong ko.
“…next…” tinaas ko naman yung middle finger ko kasama ng index finger.
“…ang pangalawa naman ay ang mga timawa….”
Nagnod na naman siya sa sinabi ko.
“…sila naman yung naglilingkod sa mga maharlika at gumagawa ng manor...” paliwanag ko sa kanya nagnod na naman siya.
Sige lang tumango ka lang ng tumango.
“…and lastly…” tinaas ko naman yung ring finger ko kasama yung dalawa kanina.
“…mga alipin…” nagnod na naman siya sakin.
Kathryn, konting tiis na lang matatapos na din konting konti na lang sa isip-isip ko.
Nagnod na naman siya sakin.
“… sila naman yung pinakamababang antas ng lipunan…”nagnod na naman siya sakin.
“…wala silang tinatamasang…” nagnod na naman siya.
Tumigil ako sa pagsasalita at tinignan siya.
May napansin akong wire sa gilid ng polo niya.
Hinila ko sa tenga niya yung earphone dahil malapit siya sakin hindi na siya nakapalag.
“…ano ba!!...” kinukuha niya sakin.
“…hindi ka naman sakin nakikinig e!!...” galit na sabi ko sa kanya.
“…nakikinig naman ha!...” sigaw niya.
Tumayo ako sa kinauupuan ko sa sobrang galit.
I pointed an accusing finger at him. “… anong nakikinig?!? Ha?… kanina pa ako dito NAGEEXPLAIN sayo ha??... alam mo ba yon?!?...” galit na sabi ko kainis kasi!
.”… nakikinig naman ako ha?...ano pa bang gusto mo??..” sagot niya sakin.
“…at may gana ka pang sumagot? Saan? Oo nga nakiking ka nga e …kaya nasasagot mo nga yung mga tanong ko, diba??...” I said sarcastically.
Tumayo na din siya sabay lapit sakin.
“… ang hirap naman kasi! Bakit kapag bumili ba ako sa tindahan itatanong muna sakin yan bago ako pagbilhan??... diba hindi?? Kaya useless lang!!...”
“…alam mo ikaw na nga lang ang tinuturuan dyan pasalamat ka!!...” sabi ko.
“…bakit pinilit ba kita na turuan mo ako ng walang kwentang yan!...” sagot naman siya sakin.
“…wala palang kwenta ha?!?.... sige, bahala ka sa buhay mo kung bumagsak ka bukas sa quiz!!...” sigaw ko.
Nilagay ko na yung mga libro ko sa bag ko.
“...bahala ka din sa buhay mo!...”
“… talaga!!...” umalis na ako at lumabas ng library.
Sa sobrang inis ko hindi na ako nakapagpaalam kay Mrs. Torres bukas na lang tutal nandito na naman din ako e. Bwisit talaga yung lalaking yon siya na nga ang tinutulungan lahat-lahat ako pa ngayon ang lumalabas na masama. Sayang lang yung oras ko sa kanya hindi naman nakikinig sakin.Kainis!
Nicole’s POV:
Naglalakad ako ngayon sa may hallway papuntang library. May titignan lang sana akong books na pwedeng iuwi sa bahay. Malapit na ako ng nakasalubong ko si ate Kath ngumiti ako sa kanya mukang nagmamadali at galit?
“… hi, ate Kath!...” sabi ko tumingin siya sakin.
“…hi, din..” mukang nagmamadali siyang makaalis.
“…ate, bakit parang badtrip ka yata??...” tanong ko sa kanya.
“…hay, naku.. Nicole. Wag mo ng itanong at mas lalo lang kumukulo ang dugo ko…” sabi niya sakin. Hindi na ako nagtanong pa kasi parang wala siya sa mood makipagkwentuhan sakin kaya nagnod na lang ako.
“…sige, alis na ako…”
Dumiresto na ako papuntang library papasok na ako ng nakita ko naman si kuya na papalabas. Mukang galit din?? Ano bang meron sa mga tao dito ha?? Lahat galit?? Lumapit ako sa kanya.
“…kuya, ano bang nang-“ hindi ko na natuloy yung itatanong ko kasi nagsalita na siya.
“…halika na uwi na tayo…” galit na sabi niya sakin.
“…sandali lang may hi-“ hinila na niya ako palabas.
“…sabing uuwi na nga tayo e… wag ka na ngang makulit…” sumunod na lang ako kahit ayaw ko pang umuwi. Sigh. Kapag ganun na kasi si kuya mahirap ng makipagtalo kaya ang mas maganda sundin na lang siya.
Ilovemitchietorres