Inibig Ko na Ang Dapat Ibigin

By jrmerez_30

126 1 1

More

Inibig Ko na Ang Dapat Ibigin

126 1 1
By jrmerez_30

Graduation Day.

Bumaha na ata ng luha sa gym. Siyempre, marami ang nalulungkot kasi ga-graduate na sila. Andyan na yung mamimiss daw nila ang isa't isa. Hindi gaanong malungkot si Aiden at Ava. Siguro dahil kahit grumaduate na sila, sigurado pa rin sila na sila ay magkakasama.

"Aiden, saan nga ba tayo mag-aaral for college? Tutuloy ka ba sa UP? or sa UST?" tanong ni Ava. "Hmm. Depende sayo." sagot ni Aiden. "Ah, eh. Hindi naman ako UPCAT Passer eh." sagot ni Ava na may unting hiya. "USTET Passer ka naman. Oh ano? UST ba?" pagyaya ni Aiden. "Hala. Eh. Sure ka ba na gusto mo talaga dun? Sayang naman yung opportunity mo sa UP. Maganda ang quality ng education dun. Tapos mura pa. Doon ka na lang. Ok lang naman kahit hindi tayo magkasama ng school eh. Basta lagi tayo magkikita every week." sabi ni Ava. "Ano ka ba! Mas gusto ko yung magkasama tayong dalawa noh. Para na rin mabantayan kita. Baka kasi may lumandi sayo eh. Alam mo na.. Kailangan kong ingatan ka."

Kinagabihan, tumawag si Aiden kay Ava.

Aiden: Ava. Gising ka pa?

Ava: Malamang! Kung tulog ba 'ko sasagutin ko yung tawag mo?

Aiden: Namilosopo ka pa. Nga pala. Susunduin kita bukas ah.

Ava: Saan tayo pupunta? Hindi ako nagpaalam!

Aiden: Naipagpaalam na kita. Basta be ready by 9am

Ava: Ang aga naman!

Aiden: Basta. Bye na. I love you.

Ava: I love you more.

Dumating na ang bukas! Excited si Ava. Baka isa nanaman to sa bonggang date na inihanda ni Aiden. "Beep! Beep!".. "Nako. Anjan na si Aiden. Ma! Pa! Alis po muna ako. Uuwi ako agad" paalam ni Ava.

"Good morning beb. Oh ano? Gala na tayo?" sabi ni Aiden. "Haha. Oo naman. Basta gala, I won't say no" sagot ni Ava

Una silang pumunta sa Mall of Asia. Skating dito... "Masaya ka ba?" tanong ni Aiden. "Oo naman" ngiti ni Ava. Nag'Bowling pa... "Are you having fun?" tanong ni Aiden. "Of course" sabi ni Ava. Habang naglalaro ang dalawa, tumawag ang mama ni Aiden. Hindi narinig ni Ava ang konbersasyon pero nahalata niya sa mukha ni Aiden na medyo nakasimangot ito.

"Beb, ok ka lang? Gusto mo uwi na tayo?" lambing ni Ava. "Let's just wait na gumabi beb. Ayoko pa umuwi eh. Ayoko sa bahay."

Naghintay ang dalawa sa may baywalk. Holding hands while walking. With matching lambingan at pag-uusap tungkol sa future. "Ava. Close your eyes." sabi ni Aiden. "Eeh! Ano ba! Ayan ka nanaman eh. Ayoko na ng ganyan! Iiyak ulit ako sige ka" nairitang sabi ni Ava. "Ok lang. Basta close your eyes tapos bilang ka ng 10. Then open your eyes na"

Matapos mag-countdown, binuksan na ni Ava ang kanyang mata. "OhMay!! OhMay! Whaaaa!!" biglang umiyak si Ava. "Floating lanterns?" maluha-luhang sinabi ni Ava. "Edi sana sumakay na rin tayo ng bangka! Tapos kumanta na rin tayo! Para magmukhang TANGLED talaga!" matawa-tawang sabi ni Ava. Napansin niya na hindi umiimik si Aiden. "Beb. Ui. Joke lang. Sobrang naa-appreciate ko to. Salamat Beb. Pinapasaya mo 'ko masyado." :) "Beb. I have to tell you something. Hindi ako mag-aaral sa UST." malungkot na sinabi ni Aiden. "Ano ka ba. Ok lang yun. Mapagkakatiwalaan mo naman ako eh, di ba? Ok lang kahit sa UP ka pa. kahit nga UPLB pa eh." sagot ni Ava. "Beb. I won't be going there either. Beb. I have to go back sa Korea. Gusto ng magulang ko na dun ako magtapos."

Matagal na katahimikan ang naganap. Hindi nagsalita si Ava. Ni hindi rin siya umiyak. "Let's go home na." yaya ni Aiden. Hanggang sa maihatid niya sa bahay si Ava, hindi pa rin ito umiimik. Hindi na rin sila nakapag-goodbye kiss.

Nang makauwi na si Aiden, agad niyang tinawagan si Ava ngunit busy ang number nito. Sinubukan niya ng sinubukan hanggang sa wakas, nag-ring din ito.

Ava: Hello

Aiden: Beb. Please. Let's talk. Hindi pwede yung aalis ako ng ganito tayo.

Ava: Bakit ngayon mo lang sinabi?

Aiden: Kasi ngayon ko lang din nalaman.

Ava: Bakit hindi ka tumanggi?

Aiden: Kasi wala akong choice. Magagalit yung papa ko kapag hindi ako sumunod. Baka ilayo niya ako lalo sayo. Beb. Please try to understand. Hindi ko naman gusto to eh. Apat na taon lang beb. Babalik ako. Promise! Magpapakasal tayo.

Ava: O sige. Pabayaan mo na muna ako. I want to be alone for a while.

Aiden: Beb. Wag ka na umarte please? Nahihirapan ako.

Ava: So ako hindi nahihirapan? Ok Bye.

*end of convo*

Umiiyak na si Aiden at binalak niya pang puntahan si Ava sa kanila. Pero naisip rin niya na baka late na kaya't itinulog niya na lang ang sakit na nararamdaman.

3 days to go

Pinuntahan ni Aiden si Ava sa kanilang bahay. "Beb. Mahal na mahal kita. Please. Umayos ka na. Gusto mo ba sumama ka sa'kin?" aya ni Aiden. "Baliw ka ba? Nasisiraan ka na ba? Anong gagawin ko dun? Kahit anong mangyari it will be hard for me to live my life there." sagot ni Ava. "Eh beb. Ano gusto mong gawin ko? Kung may choice ako, ginawa ko na. Eh wala talaga eh" umiiyak na sinabi ni Aiden. "Wala kang kasalanan. Ako yung may problema. Bayaan mo lang ako. Aayos din ako" sabi ni Ava. "Beb. Kelan pa? I only have 3 days!" sabi ni Aiden. "Kung hindi ka makapaghintay, edi humanap ka ng iba!" sabay walk out ni Ava.

Wala ng nagawa si Aiden. Kahit gaano pa kasakit ang nararamdaman niya, masyado niyang mahal si Ava kaya't hindi niya muna ito ginulo.

2 days to go

Tumawag si Aiden kay Ava.

Aiden: Beb. Usap naman tayo oh. Please?

Ava: Ano bang kailangan natin pag-usapan. Ok lang naman ang lahat ah.

Aiden: No beb. We're not ok. Something's wrong with you. Ikaw na rin ang nagsabi. Kaya please lang. Tell me what it is. I'll understand you.

Ava: I'm just scared. That's all.

binabaan na ni Ava ng phone si Aiden. Hindi na siya ma-contact ni Aiden siguro dahil naka-off na ang cp nito.

1 day to go

Pumunta si Ava sa bahay ni Aiden. "Beb. I'm sorry sa inasal ko. Hindi ko sinasadya. Na-shock lang ako kasi aalis ka. Beb. I love you." sabi ni Ava. Naiyak si Aiden at sinabing "Ok lang yun beb. Naiintindihan ko naman kung bakit ganun yung reaction mo. Just relax ok? Mag-aaral lang ako dun. Tapos uuwi ako every year to visit you. Basta tiwala lang. Kapit lang ah?". "Yes. I will" niyakap ni Ava si Aiden.

Magkasama sila buong araw. Tinulungan ni Ava si Aiden na mag-impake. Nag-enjoy naman ang dalawa sa huling araw na magkasama sila. Puro saya at parang ayaw na nila matapos ang araw.

"Beb. You'll stay loyal naman 'di ba? Kahit maraming cute na Korean dun?" tanong ni Ava. "Oo naman beb. Kaw talaga. You worry too much. Ikaw lang. Ok? Ikaw lang. Trust me. I love you" maluha-luhang sagot ni Aiden.

Eto na talaga. THE DAY

Kasama si Ava na naghatid kay Aiden sa airport. Mahirap para sa kanya ang bitawan ang kamay ni Aiden. Iyak siya ng iyak. Walang tigil naman sa kaka-patahan si Aiden. "Beb. Stop crying na. Hindi ako namatay. Mag-aaral lang ako. Basta ah. Promise me na magiging ok ka. Dapat lagi ka pa din happy. Mag-aral din mabuti ah" bilin ni Aiden. "eeh! Wag ka magbilin!" ngalngal ni Ava. "Hahaha. Stop crying na kasi. I'll miss you too. Basta, maging inspirasyon tayo sa isa't isa. I'll be back soon. Sandali lang tayo mawawalay ok?"

Nang bumitaw si Ava sa kamay ni Aiden, tuluyan ng naglakad ang binata papunta sa waiting area. Lumingon ito sandali at bumulong ng "I love you beb." Alam ni Ava kung ano ang sinabi ni Aiden kahit hindi niya ito narinig kaya sumagot siya "I love you beb"

Nang nakasakay na si Ava sa kotse para maihatid pauwi, ibinigay ng driver ang isang regalo na nanggaling daw kay Aiden. Pagkabukas niya.... "Scrapbook"

Nilalaman nun ang lahat ng pictures nila mula ng sila'y magkakilala. Habang binabasa ni Ava ang mga nakasulat, unti-unting pumapatak ang kanyang mga luha.

At sa kahuli-hulihan pahina ng scrapbook.....

"Beb. I'll be back. I'm sorry kasi nagsinungaling ako. Kasi sinabi ko I LOVE YOU AND YOU MEAN SO MUCH TO ME. The truth is

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

I LOVE YOU SO MUCH AND YOU MEAN EVERYTHING TO ME.

Continue Reading

You'll Also Like

48.2K 2.4K 39
Obsession #1 Elvis Craig Pendleton is an obsessive person. His behavior turns into madness when he met the poor boy, Ken. That madness pushes him to...
523K 19.1K 28
Akaizha and Gwen | "we can never be friends"
1M 18.7K 9
" Noon pa man, dapat alam mo na iyon. Hindi ko man sabihin sa 'yo, dapat alam mo na. Hindi kita uuwian gabi gabi kung hindi kita mahal." - Keith Fran...
46K 197 8
Dalawang lalaki ang makikipag agawan sa dalagang kanilang inalagaan. Si Arthur, ay ang Ama ni Celia. Minahal at inaruga niya ang dalaga hanggang sa t...