Hi Chat Love On - Completed

By maentblack

1M 35.3K 1.8K

Highest Rank Achieved: Rank #10 in Teen Fiction Start Date: 2016 End Date: October 31,2016 Written by: maen... More

P R O L O G U E
CHAPTER ONE
CHAPTER TWO
CHAPTER THREE
CHAPTER FOUR
CHAPTER FIVE
CHAPTER SIX
CHAPTER SEVEN
CHAPTER EIGHT
CHAPTER NINE
CHAPTER TEN
CHAPTER ELEVEN
CHAPTER TWELVE
CHAPTER THIRTEEN
CHAPTER FOURTEEN
CHAPTER FIFTEEN
CHAPTER SIXTEEN
CHAPTER SEVENTEEN
CHAPTER EIGHTEEN
CHAPTER NINETEEN
CHAPTER TWENTY
CHAPTER TWENTY-ONE
CHAPTER TWENTY-TWO
CHAPTER TWENTY-THREE
CHAPTER TWENTY-FOUR
CHAPTER TWENTY-FIVE
CHAPTER TWENTY-SIX
CHAPTER TWENTY-SEVEN
CHAPTER TWENTY-EIGHT
CHAPTER TWENTY-NINE
CHAPTER THIRTHY
CHAPTER THIRTY-ONE
CHAPTER THIRTY-TWO
CHAPTER THIRTY-THREE
CHAPTER THIRTY-FOUR
CHAPTER THIRTY-FIVE
CHAPTER THIRTY-SEVEN
CHAPTER THIRTY-EIGHT
CHAPTER THIRTY-NINE
CHAPTER FORTY
CHAPTER FORTY-ONE
CHAPTER FORTY-TWO
CHAPTER FORTY-THREE
CHAPTER FORTY-FOUR
CHAPTER FORTY-FIVE
CHAPTER FORTY-SIX
CHAPTER FORTY-SEVEN
CHAPTER FORTY-EIGHT
CHAPTER FORTY-NINE
CHAPTER FIFTY
EPILOGUE
HI CHAT LOVE ON
PLAYLIST
FAQs

CHAPTER THIRTY-SIX

14.4K 541 11
By maentblack



Author's Note:

SPG para sa mga batang 12 pababa. Hahahaha. May murahan kasi dito e, pero wala namang mas masahol pa don. Don't worry, walang 6 don. Hahahaha. Please vote and comment. 😘

--------

Nakarating na kami ni Mama sa airport. Medyo maaga pa naman kaya kumain muna kami. 4:00 AM palang naman ih.

" Ma, order lang po ako ng pagkain sa labas. "

" Sige. Ingat anak. "

Iniwanan ko muna si Mama sa may waiting area.

Habang naglalakad ako papalabas ng airport, biglang nagring ulit ang cellphone ko.

Papatayin ko sana ulit kaso--

" Oh Hello Keith? Napatawag ka? "

Si Keith pala yung tumatawag. Hehe.

" Ano oras ng flight nyo? "

" Hmmm. 5 AM around. "

" Ha? Tsk, bakit hindi ka nagpaalam muna sakin? Edi sana naihatid ko kayo. "

" Hahahahaha. Hindi na Keith. --Kaya na naman namin to. -- Ah-eh nga pala, ingat ka dyan ha. "

Narinig kong napabuntong hininga si Keith. " Ikaw din. --Mag-iingat ka dyan. I love--"

Biglang naputol yung tawagan namin kasi may biglang humalbot ng cellphone ko.

" Hoy! --Yu-yung cellphone ko! Putang ina mo! Hoyyyyyy! "

Hinahabol ko yung magnanakaw na humalbot ng cellphone ko.

Buti na lang nakarubber shoes ako.

Waaaaa. Ang bilis tumakbo ng kumag na magnanakaw na yon ah.

Paliko liko na kami. Hindi ko alam kung paano ko sya maaabutan kasi ang daming tao.

Hanggang sa mapagod na ko sa kahahabol.

Ilang sandali pa, nakita kong nagkakagulo dun sa parte na tinakbuhan nung lalake. Pumunta naman ako don.

Nakabilog ang mga tao kaya hinawi ko sila.

Yung cellphone ko, kailangan ko yon.

Tama nga ang hinala ko, pinagkakaguluhan nila yung lalaking kumuha ng cellphone ko. Oh tanyo, nakahoodie jacket pa.

Inalis ko yung hood ng jacket nya. " Hoy ikaw na putang ama ka, bakit mo kinuha ang--"

Nabigla naman ako ng bigla nya akong yakapin.

Bumilis naman agad yung tibok ng puso ko. Teka? Parang kilala ko kung kaninong yakap to.

" Wag ka ng umalis please. "-Bulong nya sa tenga ko habang hinihingal.

Hindi na ko makahinga, hindi dahil sa sobrang higpit ng yakap nya kundi dahil sa bilis at sikip ng puso ko.

Buong lakas ko syang itinulak.

Nakita ko na naman ang mukha nya, ang mata nyang brown, ang ilong nya, at ang labi nya.

" Ano bang ginagawa mo?! "-hinampas ko ang braso nya.

" Ash please, wag ka ng umalis. "

Napataas ang kilay ko. Anong karapatan nya para sabihin yan?

" Hindi pa ba malinaw sayo na WALA NA TAYO? BREAK NA TAYO DIBA? --OLIVER WALA NG TAYO! "

Bigla namang bumuhos ang malakas na ulan. Waaa. Ano ba to? Nananadya ba talaga ang panahon?

Aalis na sana ako sa pwesto namin kaso hinila nya ako at niyakap.

Napapikit naman ako. Ayokong umiyak. --Kailangan kong ipakita sa kanya na kaya ko na. KAYA KO NA WALA SYA.

" Oliver--Oliver tama na. "

" Ayoko. "

Habang yakap nya ko, ramdam ko na umiiyak sya.

" Oliver kailangan ko ng umalis. "

" Ash. "

" Oliver. "

" Ash ayoko. Hindi ko kaya. "

" May fiance ka na Oliver. "

" Mahal kita. "

" Pero sya ang papakasalan mo. "

Inalis ni Oliver ang pagkakayakap nya sakin. Pagkatapos nun ay bigla nya akong hinalikan.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Nasampal ko si Oliver.

" Tanga ka ba talaga? Ano sa tingin mo ang ginagawa mo? --Magpapakasal ka sa iba tapos ako ang mahal mo?Ano bang nangyayari sayo? Ganyan ka na ba talaga kaplayboy? Kailangan dalwa dalwa? Tangina naman Oliver! TAMA NA UTANG NA LOOB! "

Pagkasabi ko non, umalis na ko.

Akala ko hindi na nya ako hahabulin pero hinawakan nya ang braso ko. Aray ha. Yun na ata ang pinakamasakit na hila nya.

" HAYAAN MO NAMAN AKONG MAGPALIWANAG! "-sa sobrang lakas ng sigaw nya, nabingi na ata ako.

Namumuo na naman ang luha ko. Nakakainis sya na nakakatakot.

Tinatagan ko ang loob ko at sinagot ko sya.

" Paliwanag? Gagawa ka na naman ng kasinungalingan mo? Paano pa ako magtitiwala sayo kung inilihim mo sakin na may fiance ka na? Sige nga, sabihin mo sakin, sa harap ko mismo ha! PAANO KITA PANINIWALAAN? "

Tuluyan na nga akong umiyak kasabay ng mga patak ng ulan.

Hindi ko na sya hinayaan pang sumagot kasi iyak lang naman sya ng iyak sa harap ko e.

Tumakbo na lang ako papalayo sa kanya. Ayoko na e. Kanina ko pa pinipigilan ang sarili ko. Ayokong nakikita syang nasasaktan. Ayokong nakikita syang umiiyak. Ayokong nakikita syang ganon. Ayoko din namang sabihin sa kanya yon e.

Oo. Sabihin na natin na mahal ko pa rin sya kahit 1 week na kaming wala. --Waaa. Mahal ko pa rin si Oliver. T^T Mahal na mahal ko pa rin ang bipolar na yon, pero kailangan kong lumayo kasi ipapakasal na sya kay Chloe.

Hindi lang yon.

Hindi lang yon ang dahilan kung bakit ko sya iiwan.

* FLASHBACK*

Nasa ospital ako. Ilang days na din si Mama na nakaconfine. --Wala naman akong budget para bayaran yung bills. Ang mahal mahal pa, nasa 50 thousands na din yon kahit na 3 days palang syang confine. Waaaaa. San ba ko kukuha ng pera?

Tapos bigla namang nagpop-out sa utak ko ang mukha ni Oliver. --Yung masasayang araw namin. Teka, Tama ba yung gagawin ko? Papakawalan ko na lang ba si Oliver ng ganon ganon lang? Mahal ko pa rin ang lalaking yon e. Kailangan ko syang puntahan.

" Ma, pupuntahan ko lang po si Oliver ha. Wait lang Ma. "-binulungan ko si Mama bago tumayo.

Tatayo na sana ako ng may biglang nagbukas ng pinto. Napakunot naman ang noo ko. Sino tong magandang babaeng to?

" Maling kwarto po ata ang pinasukan nyo. "-untag ko dun sa babae.

" No, you're wrong. "-dahan dahan syang lumapit sakin. " You're Ashfaith right? "

Napakunot naman ang noo ko. Masyado na ba akong peymus at ang dami ng nakakakilala sakin?

" O-opo. Ako nga po. "

Umupo sya sa may couch.

" I'm Olivia. --Kapatid ko si Oliver."

Nanlaki naman ang mata ko. Kaya pala parang may kahawig sya. Kapatid nya pala si Oliver.

" Talaga po? --Asan po sya? "

Napabuntong hininga sya.

" Pwede ba kitang makausap? Follow me. "

Sinundan ko na lang sya hanggang makapunta kami sa coffee shop.

Umorder ako ng cake at softdrinks pero hindi umorder si Ate Olivia. Pinapanuod nya lang ako.

" Ano po yung pag-uusapan natin? "

" Tungkol kay Oliver. "

" Sakto. May sasabihin din po ako--"

" Layuan mo na sya. "

" Po? "

" Ash nakikiusap ako. Layuan mo na ang kapatid ko. "

Napakunot ang noo ko. " Pero--"

" We need money. "

" Ano po bang sinasabi nyo? "

" Layuan mo ang kapatid ko! "

" Mahal ko po ang kapatid nyo. Mahal ko po si Oliver. "

" You need to stop loving him--for my mom's sake. "

Lalo akong naguluhan sa sinasabi nya. Umiiyak na din si ate Olivia.

" Our Mom has a cancer.--and only Chloe is a chance to make her alive and Oliver's need to marry Chloe. --Kaya please, Ash, ako na ang nakikiusap sayo, layuan mo na ang kapatid ko. Saktan mo sya kung kinakailangan. Gusto naming mabuhay si Mama. "-lalo na nga syang naiyak, pati ako naiyak na din.

Hindi ko tuloy napigilan. Ayoko din namang mawalan ng nanay no. Masakit yung feeling na iwan ng magulang. Ayoko na ulit mangyari yon.

Dahil don, pumayag na lang ako. Hindi ko na din kasi alam. T^T

" Sana okay lang sayo. Siguro naman ayaw mo din mawalan ng Mama diba? --About your mom, ako na ang bahala sa bills ng mama mo dito sa opital. Basta siguraduhin mo lang na gagawin mo yung sinabi ko. "

*END OF FLASHBACK*


Continue Reading

You'll Also Like

257K 9.7K 64
"My name is Celeste Cheng. And I'm a blog girl."
7.3K 683 37
(I don't like him book 2) 'Hihintayin kita hanggang sa dumating na ang tamang oras para sa ating dalawa.' Date started : June 3, 2021 Date finished :...
16.6M 103K 22
[Bloodshed Gang Series #1] Secret Trilogy: Secretly In A Relationship With a Gangster (Book 1 of 3) A Gangster secret love story with the most amazi...
349K 13.9K 32
Alluring Series #2 Ivann Remus Francisco III Started: June 02, 2020 Ended: August 04, 2020 All Rights Reserved 2020 Credits to Voltage Inc for the co...