ASH IS ON THE MEDIA
ASHFAITH'S POINT OF VIEW.
Maaga akong nagising--este late na pala ako. Nagising lang ako dahil tumunog yung cellphone ko. Aiysss, ano ba spongebob? Tumunog ka na ng tumunog.
" Hello? "
Tsk, iminulat ko ang isang mata ko.
Natawa ako kasi remote pala ng tv ang hawak ko. Tsk. Ano ba yan? Inaantok pa kasi ako e.
Hinanap ko sa gilid gilid ng unan yung cellphone ko. Ays, dun ko pala yun nailagay.
Finally, hawak ko na sya ngayon.
" Hello? "
[ Good morning my girl. ]
Sabi ko na nga ba e. Sya lang naman yun.
" Goodmorning din. "
[ Psh! BAKIT NGAYON MO LANG SINAGOT ANG TAWAG KO? KANINA KO PA DINADIAL ANG NUMBER MO, HINDI MO NAMAN SINASAGOT! TSK. ]
Nagulat ako bigla ng sumigaw sya. --Eh? Naging bipolar na naman sya.
" Bat ka ba sumisigaw? "-hindi ko tuloy napigilan na matawa.
[ AYOKO NG PINAGHIHINTAY AKO. ]
" Hahahahahahaha. Edi sorry na. "
[ Psh! Ayoko ng sorry lang. ]
" Ha? "
[ KISS MO KO. ]
" Para kang bata. "
[BAHALA KA! ]
" Tsk, oo na. --Ito na ang kiss ko. 1--2--3 MWUAH. "
Hahahahaha. Parang ewan lang tong lalaking to.
[ Tsk, hindi ganyan. --Gusto ko yung totoo. ]
" Hahaha. Baliw ka ba? Weekends ngayon kaya hindi tayo makakapagkita. Paano naman kita hahalikan? "
* Tok tok tok *
" Anak? "
Hala si Mama.
" Wait lang ha. "
[ Wag mong papatayin yung call. ]
" Ih-- Oo na. Sige. Wait. "
Bumangon na ako sa higaan ko at binuksan ang pinto.
" Oh Ma--"
" Goodmorning
" A-anong ginagawa mo dito? "
" Dinadalaw nga kita. --Wait, baka makalimutan ko, --where's my kiss? "
Umatras ako kasi bigla syang pumasok sa kwarto ko.--Gosh! Hindi pa ako nakakapagtoothbrush.
Tinignan ko si Mama at humahagikhik pa sya don. Pagkatapos nun ay umalis na sya at isinarado ang pinto namin. Waaaaa. Si Mama talaga napaka-konsintidora.
Nabalik ang wisyo ko nung itulak ako ni Oliver papahiga sa kama.
" Ano bang ginagawa mo? "
" Kukuhanin ko lang yung kiss ko. "
Umatras naman ako at nagtaklob ng kumot.
" Wag ka nga! --Mamaya na lang. Hindi pa ko nakakapagtoothbee. "
Napakunot ang noo nya. " ToothBee? "
" Toothbrush! Hindi pa nga ako nakakawiwi. Ni hindi pa nga ako nakakapaghilamos tsaka--"
*tsup*
Waaaaaa.
" It's okay. --Hindi naman ako maarte pagdating sayo. "
Mabilis lang nyang inalis ang labi nya sakin. Actually, smack kiss lang naman yon. Hindi sya yung actual na kiss.
" Sige na. Maghilamos ka na--may muta ka pa eh. "
Ha? Di nga? Hinawakan ko naman ang mata ko at tinignan kung meron.
" Hahahaha. Joke lang. ^^ "
Hinampas ko sya ng lagitik sa braso.
" Aray! "
" Ikaw kasi e! Lokohin mo na ang lasing, wag lang ang bagong gising. Gets? "
" Hahahaha. Oo na po. "
--
Natapos na akong maligo at magtoothbrush. Hayss, sa wakas! Fresh na ulit is me.
Waa. OLIVER! --PWEDE NA! FRESH NA ULIT AKO. BWAHAHAHA.
Bigla naman akong napahampas sa noo ko. " Ano bang pinagsasasabi ko? Aiysttt. "
Pagkalabas ko ng kwarto ko, nakita ko si Mama, hampas ng hampas kay Oliver at tawa ng tawa.
" Ma! "
Napalingon naman sila.
" Oh nandyan ka na pala. Hahahaha. "-ani Mama sabay hagod sa mukha nyang pawis pawisan.
Lumapit ako sa pwesto nila. Tinaasan ko ng kilay si Oliver kasi tinignan nya ko mula ulo hanggang paa.
" Problema mo? "-tanong ko.
" Yang suot mo! -,- "
" Inaano ka naman ng suot ko? "
" Ayokong nakamaikling short ka at nakasando. "
" Bakit naman? Sabado naman ngayon tsaka wala akong lakad. "-tsk, inaakit din nga kita e.
" Tssss. Magpalit ka. "-itinulak nya ako papalayo sa kanya.
" Waa. Ayoko! "
" Magpapalit ka o ako ang magpapalit sayo? "-sarcastic nyang tanong.
" Tsk, oo na! "-padabog akong tumayo at umakyat sa hagdanan.
" Mag-ayos ka ha! "-habol nya.
Ha? Mag-ayos daw ako? Bakit naman?
Ilang minuto din ata akong naghanap ng maayos na damit. Nagblush on at naglipstick lang ako tapos nag-ipit ako ng messy bun. Hala, ewan ko ba kung bakit ganito lang ang ayos ko. Maglulugay sana ako kaso baka lumaglag ang brief ni Oliver e. Hahahahaha. Char!
Bumaba na ulit ako sa hagdanan. At dahil feel na feel ko ang heels na suot ko, inirampa ko yun habang naglalakad.
Yaaaah! Akala ko success na,yan tuloy natapilok pa ako, buti hindi nya nakita. Hahahahaha.
Nakita ko pa syang napalunok. Aysss. Sabi na e.
Napatawa naman ako ng konti.
" Yung brief mo nahulog! "
" Ha? "-nakita ko naman na tinignan nya nga. Hahahahaha.
" Hahahahahahaha. "
Inakbayan nya ko nung makalapit ako sa kanya.
Ek. Ek. Eto na naman sya, sinasakal na naman nya ako sa yakap nya.
" Wag mo nga akong tinatawanan! "-sabi nya sabay kiskis sa buhok ko ng kamao nya.
" Aray, yung ipit ko nagugulo. "
" Sadya na namang gulo ang buhok mo e! "-ay oo nga pala. Messy nga pala ang ipit ko.
Napaupo kami sa sofa.
" San ba tayo pupunta? "
Hinawakan nya ang kamay ko tapos hinila ako palabas.
Yaaah! Eto na naman sya. Hila-boy!
" Hoy! San nga tayo pupunta? "-bumitaw ako sa kanya.
" Magdedate lang tayo. "