Bestfriend -Slash- Bedmate (P...

By iloves14

18M 146K 13.3K

"Marunong ako mag-seryoso ng babae....... At yun ay pag nasa kama kami." -Bryan Cortez More

Bestfriend -Slash- Bedmate
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
AUTHOR'S NOTE
Chapter 25
Chapter 26
RESTRICTED!!!
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 51 (THE WEDDING)
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
.....Ever After? (Epilogue)
Author's Final Message
"NEW STORY" Alert ni Ms. Author. ;D
Update: New Story (Red Room of Pain)

Chapter 50

136K 1.5K 58
By iloves14

~Chapter 50

** 

Erika's POV 

Hindi 'ko alam kung anong reaksyon meron ako ngayon habang nakaharap sa salamin..

Suot ang wedding gown na 'to..  

OO.

Tuloy na tuloy na ang kasal namin.. At kasal na namin sa isang araw.. 

Dapat talaga, next week pa. Kaso bigla daw minadali ni Daddy. Nakakatawa, di po ba? Para lang akong makikipag-laro.. :|

Hindi 'ko pa rin matanggap na.. Ikakasal ako nang di 'ko kagustuhan.. Sa lalaking di 'ko naman mahal..

"Wag ka nang umiyak.. Erika.." napalingon ako kay Allen.. Tsaka 'ko na lang din napansin yung mga luha sa mata 'ko.

Lumapit siya sa'kin at niyakap ako..

"I'm sorry.. Wag ka nang umiyak, please.." mahahalata mo sa boses ni Allen na nasasaktan din siya. 

"Pwede naman akong magparaya eh, kaya 'ko naman. Kaso sila.. Sila ang.. Nag dedesisyon sa atin.." sabi niya pa sa akin.

Pinilit 'ko na lang ngumiti kahit hinding-hindi 'ko na talaga kaya..

"O-okay na 'to Allen, u-umuwi na t-tayo.." nauna na akong maglakad papuntang parking lot.

Tahimik lang kami parehas habang nasa biyahe.

Nararamdaman 'ko namang parang sasabog na ang utak 'ko sa mga naiisip 'ko, at ang puso 'ko sa sobrang sakit na nararamdaman 'ko ngayon.

Marami akong pangarap para sa amin ni Bryan.

Pero hanggang.. PANGARAP na lang talaga yun..

Hinawakan ni Allen ang kaliwang kamay 'ko.

"Magiging okay din ang lahat.." sabi niya.. Sana nga.

Hindi na ako umimik. 

Simula nung dumating ako dito, hindi na ako yung dating Erika.

Hirap na hirap na akong ngumiti, makipag usap ng masigla..

Hindi 'ko na kilala ang sarili 'ko. 

Andito na kami sa isang resto kung saan gaganapin yung food tasting namin.

Sinimulan naming tikman isa-isa..

"Ano, okay ba sa'yo 'to? Or yung--" 

"Kahit ano Allen." 

Bumuntong hininga siya. "Erika? Wag naman ganito.." 

"Kahit ano, okay lang sa'kin. Ganun naman talaga simula nung una eh. OKAY lang lahat sa akin. Kahit ayaw 'ko. mga desisyon 'ko, kayo, sila lagi ang masusunod. S-sorry.. Pupunta lang akong restroom." tumayo na ako at nagmadaling pumunta sa CR.

Hindi 'ko na naman napigilang tumulo ang luha 'ko at umiyak ng umiyak..

Ayokong magsalita.. Gusto 'ko lang umiyak ng umiyak..

..

..

Unti-unting may yumakap sa akin.

"G-ginagawa namin ang l-lahat.." 

Napatingin ako sa kaniya.

O___O

"A-Aira?" 

Ngumiti siya sa akin ng may kasamang pagpapalakas ng loob.. "A-anong ginagawa mo d-dito?" tanong 'ko sa kaniya.

"Magpapagamot ako dito." sagot niya sa akin.

"May Leukemia kasi ako.." sabi niya uli.

Nagulat ako sa sinabi niya.

Hindi 'ko inaakalang tatamaan ng ganitong sakit si Aira. Marami siyang nagawang kasalanan samin pero alam 'kong hindi talaga siya yun.. Naniniwala akong mabuti siyang tao..

"Wag ka nang umiyak. Nalaman 'ko lahat ng nangyayari sa'yo dito. Teka nga.. Bakit ba dito tayo sa loob ng CR nag-uusap? Halika, umalis na tayo dito.." 

Sumama ako kay Aira. 

Pumunta kami sa malapit na coffee shop dito.

"Bilib rin ako sa'yo eh noh? Ikaw 'tong may pinaka malaking problema sa atin pero nagagawa mong ngumiti nang ganiyan.." sabi 'ko sa kaniya.

Hinawakan niya ang mga kamay 'ko..

"Kasi hindi pa huli ang lahat Erika.. Naniniwala ako na malalagpasan 'ko 'to, naniniwala ako sa sarili 'ko na kakayanin 'ko lahat ito. Bakit? Kasi nandiyan Siya, at ang pamilya 'ko. Kahit imposible, hindi ako tumitigil lumaban. Ayokong magpatalo sa sakit na 'to. Kasi pag nagpaapekto ako, unti-unti niya akong babaguhin, unti-unti niya na rin akong papatayin.." 

Napaisip ako sa sinabi niya. 

"Erika.. Ako, iilan na lang ang magagawa 'ko sa sakit na 'to. Pero ikaw? Marami pa! Lumaban ka. Kahit pagod ka na, wag kang susuko. Dahil may mga umaasa pa sa'yo. Lumalaban din sila para sa'yo. Ipinaglalaban ka nila.. Kaya.. Ipaglaban mo rin sila." 

Ipaglaban mo rin sila..

Ipaglaban mo rin sila..

Ipaglaban mo rin sila.. 

Naluha ako sa mga sinabi ni Aira. Nabuhayan ako ng loob. Para bang.. Si BRYAN talaga yung kasama 'ko ngayon.. 

"Maraming maraming salamat A-Aira.." 

"Walang anuman Erika. Sa dinami-rami nang kasalanan 'ko sa inyo, kulang pa 'to. Kahit ganito ang kalagayan 'ko, gagawin 'ko ang lahat para matulungan ka. Kayo ni Bryan.." 

"Si Bryan? Kamusta na nga pala siya? Okay ba siya? Ano--" 

"Okay lang siya Erika. Okay na okay siya. Hindi siya nawawalan ng pag-asa Erika.. Mahal na mahal ka pa rin niya.." 

May sasabihin pa sana ako kaso inunahan ako ni Aira..

"Gusto ka na rin niya uling makasama. Pero konting tiis pa Erika.." tumingin siya sa relo niya. "May check-up pa ako Erika. Pano, mauna na ako ha? Basta.. Tandaan mo lahat ng sinabi 'ko. Wag kang susuko. Andito lang kami para sa'yo." 

Tumayo na kaming dalawa at nagyakapan..

Bryan, lalaban pa tayo.. Hinding hindi na tayo magpapatalo sa kanila. Ipaglalaban kita.. 

\

/

\

/

Bryan's POV 

"Andito na sila." sabi sa akin ni Aira.

"Gawin mo lahat Aira. Palakasin mo ang loob ni Erika. Hayaan mong maramdaman niya na parang ako ang kasama niya." 

"Oo, akong bahala Bryan.. Sige na.. Ako nang bahala dito.." 

Binaba 'ko na yung phone. 

Oo, andito na rin sa Europe si Aira. 

Bukod sa siya na ang gumawa ng paraan para makapunta ako dito.. Hindi pa din daw siya matahimik hangga't wala siya dito para sa amin.

*knock.knock.* 

"Sir? May nagpapabigay po sa inyo nito." sabi nung secretary 'ko.

Pumasok siya at inilapag sa table 'ko yung small envelope.

Hindi 'ko alam kung bakit pero kinabahan ako nung nakita't mahawakan 'ko yun..

Binuksan 'ko yung envelope..

..

..

Y-yung wedding invitation nila Erika at Allen..

Malamang si Tito ang nagpadala nito. 

Tuloy na tuloy na talaga ang kasal nila.

Pero bago pa man nila paspasan yung kasal, nagawa 'ko na ang lahat ng plano 'ko..

Okay na ang lahat.

Napangisi na lang ako habang nilulukot yung invitation.

"Kung inaakala niyong kayo ang panalo dito, nagkakamali kayo. Ako ang tatapos dito. Papatunayan namin sa inyo na hinding-hindi niyo matitinag ang pagmamahalan naming dalawa ni Erika..

Hindi kayo magiging masaya.." 

Continue Reading

You'll Also Like

30.6K 613 53
Raffy Eya Rheinford is a woman who is not easy to be with. A girl with a barrier on herself. She like pushing people away because she is scared to b...
7.2M 93.7K 50
WARNING: R18 "Akala ko dahil nawalan ako ng sobra, may magiging kapalit rin na sobra. Hindi pala lahat ng nawawalan, pinapalitan. Dahil yung iba kapa...
9.7M 161K 62
Highest rank so far #2 in Romace Timothy Vidales can be classified as one of the hottest bachelor in the country. He has everything before he was ev...
114K 1.1K 13
He is the leader of KAZU, the strongest gang team in our university. While me, I am just a fan of him. He's Clarkson Hell Anderson. A man without fe...