Chapter 55

126K 1.5K 107
                                    

~Chapter 55

**

Kevin's POV 

"I'm sorry to say this pero.. Mahinang mahina na si Aira. Hindi natin alam pero mamaya, bukas, sa isang araw o kahit anong oras.. Maaari siyang..bumitaw." 

Hindi 'ko alam kung anong mararamdaman 'ko habang tinititigan si Aira at naaalala yung sinabi sa akin nung Doctor.

Hindi na siya yung dating Aira na masayahin, maaliwalas ang mukha at malakas.

Sobrang putla, tamlay at mahina na talaga siya..

Hinawakan 'ko yung kamay ni Aira at idinikit sa pisngi 'ko.

"Hon, please be strong.. Maging malakas ka para satin.. Lalong lalo na sa anak mo. Hon.. Please.." naiiyak 'kong sabi habang nakapikit lang si Aira.

Simula nung umuwi kami galing sa kasal nila Bryan at Erika, na-confine na siya. 

"Hon? Magsalita ka, please. Gusto 'kong marinig yung boses mo.. Tell me, pipilitin mong maging malakas. Lalaban pa tayo diba?" 

Hirap nang mag-salita si Aira, kahit imulat manlang yung mga mata niya.

*knock.*knock.* 

Tumingin ako sa kung sinong papasok dito.

"Kevin.." 

Yung mga magulang ni Aira, kasama yung anak namin.

Tumabi ako ng konti.

"Anak? Andito kami ni Papa. Andito rin ang anak mo. Magpagaling ka na, naghihintay kami sa'yo." naiiyak na rin si Tita pero ayaw niyang ipahalata kay Aira.

Ayaw niyang iiyak kami, mas nahihirapan daw siya pag ganun.

Unti-unting nag-mulat si Aira.. Pinilit niyang ngumiti sa amin.

Bestfriend -Slash- Bedmate (Published under Summit Media)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon