Hi Chat Love On - Completed

By maentblack

1M 35.3K 1.8K

Highest Rank Achieved: Rank #10 in Teen Fiction Start Date: 2016 End Date: October 31,2016 Written by: maen... More

P R O L O G U E
CHAPTER ONE
CHAPTER TWO
CHAPTER THREE
CHAPTER FOUR
CHAPTER FIVE
CHAPTER SIX
CHAPTER SEVEN
CHAPTER EIGHT
CHAPTER NINE
CHAPTER TEN
CHAPTER ELEVEN
CHAPTER TWELVE
CHAPTER THIRTEEN
CHAPTER FOURTEEN
CHAPTER FIFTEEN
CHAPTER SIXTEEN
CHAPTER SEVENTEEN
CHAPTER EIGHTEEN
CHAPTER NINETEEN
CHAPTER TWENTY
CHAPTER TWENTY-ONE
CHAPTER TWENTY-TWO
CHAPTER TWENTY-THREE
CHAPTER TWENTY-FIVE
CHAPTER TWENTY-SIX
CHAPTER TWENTY-SEVEN
CHAPTER TWENTY-EIGHT
CHAPTER TWENTY-NINE
CHAPTER THIRTHY
CHAPTER THIRTY-ONE
CHAPTER THIRTY-TWO
CHAPTER THIRTY-THREE
CHAPTER THIRTY-FOUR
CHAPTER THIRTY-FIVE
CHAPTER THIRTY-SIX
CHAPTER THIRTY-SEVEN
CHAPTER THIRTY-EIGHT
CHAPTER THIRTY-NINE
CHAPTER FORTY
CHAPTER FORTY-ONE
CHAPTER FORTY-TWO
CHAPTER FORTY-THREE
CHAPTER FORTY-FOUR
CHAPTER FORTY-FIVE
CHAPTER FORTY-SIX
CHAPTER FORTY-SEVEN
CHAPTER FORTY-EIGHT
CHAPTER FORTY-NINE
CHAPTER FIFTY
EPILOGUE
HI CHAT LOVE ON
PLAYLIST
FAQs

CHAPTER TWENTY-FOUR

17.6K 618 11
By maentblack



Ashfaith's Point of View

Loko talaga ang lalaking yon. Hay nako makatulog na nga lang.

**

" Nak gising na. Nandito na si Oliver! "

Narinig ko pa lang yung pangalang 'Oliver' nagmulat na ang mata ko.

Akala ko ba 10 o'clock sya dadating. Ano pa lang ba ang oras ngayon?

Tinignan ko ang oras sa orasan ko.

' 7:05AM '

Pambihira! Alas syete pa lang pala. Eh bakit ang aga nya.

Bumaba na agad ako kahit nakapantulog pa ako.

" Bakit nandito ka na agad? Akala ko ba mamaya ka pa dadating. " -nagmamadali akong bumaba ng hagdan. Kainis kasi tong lalaking to e.

Nginisian nya lang ako at tinignan mula ulo hanggang paa. Anong problema nito?

" Seriously? "-tumaas pa kilay nya. " Pati ba naman pantulog, spongebob pa rin? Hahahaha. "-kyaaaa. Oo nga pala. Spongebob nga pala ang tatak nito.

" Ano namang pake mo? Teka, bat nga kasi ang aga mo? "

" Hindi mo man lang ba ako papaupuin or ipapakilala muna kay Mama--este sa Mama mo? "-nagpamulsa pa ang loko. Tsk tsk.

" Sige na umupo ka na. Tatayo ka din naman mamaya. "

Ngumiti sya tapos umupo. Tumingin ako kay Mama.

" Ma, si Oliver nga pala--"

" Manliligaw po ng anak nyo. "-bwisit. Unahan daw ba ako? Sya din pala ang magpapakilala hindi pa kanina. Daming arte nito.

Pinalo ko si Oliver sa braso.

" Aray. "

" Napaka arte mo kasi. "

" Hahahahaha. Ahm, hello po tita, Oliver Gonzales po--ang pinakagwapo sa LCU. Ako din po pala yung inaasam asam ng anak nyo. "-aba't napakayabang ah. Pinalo ko nga.

" Ano bang pinagsasasabi mo. Mahiya ka nga. "

Halos kanina pa tawa ng tawa si Mama. Hindi na nga sya makapagsalita dahil sa katayawa tapos pinagpapantasyahan pa ata ni Mama si Oliver, titig na titig kasi sya.

" Hay nako, kayo talagang dalawa. Anak, maligo ka muna, mag-uusap lang muna kami nito ni Oliver. Ako muna ang bahala sa kanya. "

Bigla naman akong kinabahan sa sinabi ni Mama. Baka akitin ni Mama si Oliver. Hahahahaha.

" Okay Ma. "-tumingin ako kay Oliver. " Hoy Bip, wag kang gagawa ng kung ano ano ha. Behave ka lang! "

" Anong akala mo sakin? Badboy? "

" Hahahahaha. Sinabi mo pa. "

Umakyat na ako sa kwarto ko at naligo. Kinuha ko lang mula sa closet ko yung black fitted pants ko tsaka yung white tshirt tapos kinumpleto naman nun yung isinuot kong black adidas na sapatos. Mas gusto ko kasi ang rakers kesa pagirl na naka dress. Hahahaha.

Nagsuklay lang ako tsaka naglagay ng konting blush on at lip gloss para naman mukhang fresh ang mukha ko.

Pagbaba ko ng hagdan, nakuha ko naman ang pansin nung dalawa na kanina pa siguro nagtatawanan.

" Aba, blooming ang anak ko ah. "

" Ma naman. Ngayon nyo lang napansin? Hahaha. "

" Hoy, ginagaya mo ba porma ko? "-napakunot naman ang noo ko. Ha? Ano daw?

Tinignan ko naman ang suot ni Oliver. Ngayon ko lang napansin na nakablack pants at nakamedyo white or should I say na nakagray tshirt sya. And take note, nakaadidas din sya.

" Pambihira! Hindi ko ginaya porma mo ha. Nagkataon lang. "

" Sus, gusto mo lang siguro na tawagin tayong couple e. Yaan mo, someday magiging tayo din. "

" Tss. Puro ka kalokohan. Tara na nga. "

**

Nasa gate pa lang kami ng bahay nina Keith pinangaralan na ko ni Oliver.

" Ayokong malapit kayo sa isat isa. Ayokong hahawakan ka nya. Ayokong ngingiti ka sa kanya. Ayokong lalandiin ka nya. At ayokong masaya ka kapag kausap mo sya. "

" Grabe ka naman. Paano kami makakagawa. Tsk tsk. "

" Ah basta. Ayoko. "-mukha syang bata. Hahahaha.

" Teka, nagseselos ka ba kay Keith? "

" Psh, hindi ah! "

" Oh hindi naman pala eh. Eh bakit ang O.A mo? "-natatawa talaga ako kapag ganyan ang itsura nya. Akalain mo, ang badboy marunong din palang magselos. Hahahaha.

" Tsk. Taena! Oo na nagseselos ako sa inyong dalawa. Matagal na. "

" Matagal na? Ehem? So, matagal ka na palang may gusto sakin. Hahahaha. "

" Dafaq. Ngayon mo lang narealized? Tara na nga. "

" Sus, ako pala ang inaasam asam mo e. Hahahahahaha. "

" Yuck! Mahiya ka nga. Sino ba ang unang nagchat tsaka sino ang unang nangulit? "

" Psh! Tara na nga! Bumaba na tayo. "


Sakto naman nung bababa na kami, bumungad sa harapan namin si Keith. Nakakunot din ang noo nya. Naguguluhan siguro sya kung bakit nandito si Oliver eh hindi naman namin sya kagroup.

" Hi Keith. "

Nung bumati ako kay Keith ang sama naman ng tingin ni Oliver sakin. Hahahaha. Ay oo nga pala.

" Tara pasok tayo. :) "-lumapit sakin si Keith tapos aakbayan sana ako nang bigla namang hinigit ni Oliver ang kamay ko at nagpatiuna kaming pumasok.

Loko talaga tong lalaking to. Iniwan ang may ari ng bahay sa labas. Tsk tsk tsk.

" Kukuhanin ko lang yung materials sa taas. Iwan ko muna kayo. "-nagwink sakin si Keith bago tumaas.

Tinignan ko naman ang reaksyon ni Oliver.

" Oh? Anong problema mo? "-natatawa ako hihihihi. Sampong kabayo, natatawa ako hihihihi. Ay sorry. Napakanta ata ako.

" Bakit ka nya kinikindatan ha! Tuwang tuwa ka naman! "

" Wag ka ngang sumigaw. Hahahaha. Napakaseloso, hindi pa naman tayo e. "

" Eh? So kapag nililigawan na pwede pang lumandi? "

" Aray! Anong ibig mong sabihin? Sapakin kita e. Pati, wag ka nga, kaibigan ko si Keith. Sya lang naman yung tumulong sakin nung mga panahong binubully mo ko. "

" Kinokonsensya mo ba ako? Tsaka kasalanan ko bang pikunin ka ha? Hahahaha. Nakakatawa ka nga nung nalagyan ka ng itlog e. Hahahaha. "

" Taena ka! "

Natigil ang tawanan namin nung magring ang cellphone ni Oliver.

Nakita ko lang na tinignan nya yun tapos isinilid na ulit sa bulsa nya.

" Bat di mo sinagot? "

" Psh, hindi naman importante. Hahahaha. Hayaan mo na. "

Wala pang sampung segundo, tumunog ulit ang cellphone nya.

" Sagutin mo na kaya. Baka importante talaga yan. "

" Okay. Dito ka lang ha. Wag kang magpapahawak kay Keith. Sasagutin ko lang to. "

Umalis sya sa table namin. Hindi ko din rinig yung pinag-uusapan nila ng katawagan nya pero parang galit sya. Sino kaya yon?

Sakto naman na dumating na si Keith. Dala nya yung box na medyo may kalakihan.

" Ano? Magsimula na tayo? "-tanong nya sabay patong ng box sa lamesa.

" Game. :) "

Inilabas namin yung mga telescope mula sa box.

" Okay na ba ulit kayo ni Oliver? "

Aish. Pano ko sasabihin sa kanya na nililigawan ako ni Oliver? >__< Sya pa naman yung nagpalakas ng loob sakin nung malungkot ako.

" Ahm, Keith--"

" It's okay. Kung yan ang pinili mo e. Pero once na sinaktan ka nya, hindi ko na alam ang gagawin ko kay Oliver. Baka masapak ko na sya. "

Napatikhim naman ako. Keith ano ba talaga? Kaibigan ba kita o may iba pang kahulugan yan? Pero ayoko naman mag assume. Tsk tsk.

" Haha. Salamat nga pala dun sa pag-aalaga mo sakin ha. Salamat Keith. "-yayakapin ko sana si Keith as a hug friend pero di ko na gawa dahil dumating si Oliver.

" Hoy Ash! "

Hahahaha. Selos na naman to.

" Oh Bip? Tapos ka na? "

" Oo. Kausapin muna kita saglit. --Hoy Keith, hiramin ko muna ang NILILIGAWAN KO ha. "

Bigla namang napatingin sakin si Keith. Tsk, Oliver talaga oh.

Hinila nya ko papalayo kay Keith.

" Aalis muna ako. May importanteng family meeting lang. "

" Okay. "

" 'Okay' lang ang isasagot mo? Hindi mo man lang ako hahalikan? "

" Tsss, hindi pa tayo ha. "

" Kiss on cheeks lang. Di ko naman sinabing kiss on lips. "-hahahaha nagpout pa ang loko.

Kaya ayun, kiniss ko na sa cheeks.

" Wag kang magpapalandi kay Keith ha. Lagot ka sakin! Akin ka lang. "

Ano daw? Hahahaha. Kanya lang ako? Enebe? Kenekeleg nemen eke.

" Hahahahaha. Oo na. Sayong sayo ako. :) "

2;W1

Continue Reading

You'll Also Like

31.3K 1.5K 34
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...
12.6K 824 108
COLLECTION OF THOUGHTS Here are the poems and prose about love and life. Read, understand, imagine and enjoy! Language: Taglish
110K 2.7K 23
After two years of hiding, what is X's next act? Will she find the truth? Seek vengeance and make the people who made her life miserable pay for what...
349K 13.9K 32
Alluring Series #2 Ivann Remus Francisco III Started: June 02, 2020 Ended: August 04, 2020 All Rights Reserved 2020 Credits to Voltage Inc for the co...