Hi Chat Love On - Completed

By maentblack

1M 35.3K 1.8K

Highest Rank Achieved: Rank #10 in Teen Fiction Start Date: 2016 End Date: October 31,2016 Written by: maen... More

P R O L O G U E
CHAPTER ONE
CHAPTER TWO
CHAPTER THREE
CHAPTER FOUR
CHAPTER FIVE
CHAPTER SIX
CHAPTER SEVEN
CHAPTER EIGHT
CHAPTER NINE
CHAPTER TEN
CHAPTER ELEVEN
CHAPTER TWELVE
CHAPTER THIRTEEN
CHAPTER FOURTEEN
CHAPTER FIFTEEN
CHAPTER SIXTEEN
CHAPTER SEVENTEEN
CHAPTER EIGHTEEN
CHAPTER NINETEEN
CHAPTER TWENTY
CHAPTER TWENTY-ONE
CHAPTER TWENTY-THREE
CHAPTER TWENTY-FOUR
CHAPTER TWENTY-FIVE
CHAPTER TWENTY-SIX
CHAPTER TWENTY-SEVEN
CHAPTER TWENTY-EIGHT
CHAPTER TWENTY-NINE
CHAPTER THIRTHY
CHAPTER THIRTY-ONE
CHAPTER THIRTY-TWO
CHAPTER THIRTY-THREE
CHAPTER THIRTY-FOUR
CHAPTER THIRTY-FIVE
CHAPTER THIRTY-SIX
CHAPTER THIRTY-SEVEN
CHAPTER THIRTY-EIGHT
CHAPTER THIRTY-NINE
CHAPTER FORTY
CHAPTER FORTY-ONE
CHAPTER FORTY-TWO
CHAPTER FORTY-THREE
CHAPTER FORTY-FOUR
CHAPTER FORTY-FIVE
CHAPTER FORTY-SIX
CHAPTER FORTY-SEVEN
CHAPTER FORTY-EIGHT
CHAPTER FORTY-NINE
CHAPTER FIFTY
EPILOGUE
HI CHAT LOVE ON
PLAYLIST
FAQs

CHAPTER TWENTY-TWO

18.6K 669 11
By maentblack



-Ashfaith Hernadez-

Medyo late na ko nung nakapasok ako sa school. Balak ko sanang umabsent pero may special quiz kami sa English. Ayokong mahulog dahil lang sa isang subject na yon.

Pinilit ko pa ring pumasok kahit na nilalagnat pa ako. Hindi ko na lang sinabi kay Mama yung mga nangyari kasi baka mag-alala pa sya. Kahit naman sabihin ko sa kanya yung nangyari, hindi pwede e, nangako ako kay Mama na hindi muna ako magsosyota. Ayokong sabihin kay Mama na may humalik na sakin. >.<

Pumasok ako sa room namin na walang gana. Masakit pa din kasi ulo ko.

" Look who's coming! Hahaha. "

Hays, pati ba naman tong tatlong bruhang to, makikisali pa sa sakit ng ulo ko?

Inilagay ko na lang yung bag ko sa upuan tapos umupo ako at inilapat ang ulo sa lamesa.

" Hey! "

Hinawakan ni Andrea ang buhok ko tapos pinalipad sa hangin.

Psh, ano bang problema nito?

" Hoy! Bingi ka ba o nagbibingi bingihan. "

Hinampas naman ni Trinny ang balikat ko. Masakit na ha!

Tumunghay ako at hinarap ang tatlo.

" Ano na naman ba ang pinuputok ng butsi nyo ha? "-tinaasan ko ang boses ko kahit medyo paos ako.

" Bakit absent si Oliver kahapon! Bakit wala sya? Magkasama ba kayo? "-tanong ni Andrea.

Napahampas ako sa table at napatayo.

" Tanungan ba ako ng mga taong nawawala? "-pagkasabi ko nun, tumayo na ako dahil baka kung ano pang magawa ko sa tatlong bruhang to!

Hinigit ni Andrea ang buhok ko.

" Wag kang pilosopo! Wala pang gumagawa nyan sakin! "

Tinabig ko ang kamay ni Andrea.

" Edi magaling pala na ako ang pinakaunang nakasagot sayo ng pabalang! --Alam mo, kung gusto mong malaman kung nasan si Oliver, edi puntahan mo! Hindi yung ako ang tinatanong mo! "

" Fuck you! Wag mo kong sinasagot sagot ng ganyan kung ayaw mong sampalin kita! "

" Sige ituloy mo! "

" Sinusubukan mo talaga ak--"

*Pak*

" Ang bagal mo! Puro ka satsat! "

Inunahan ko na ng pagsampal si Andrea. Yung sampal na lagitik at yung sampal na gusto kong isampal kay Oliver.

Lumabas na ako sa room, walang pupuntahan ang pagsasagutan namin ni Andrea. Sumakit kasi lalo yung ulo ko! Pft.

**

Konting oras lang ako nakapaggala sa buong campus dahil nagbell na.

Bakit wala pa ata si Keith. Nakita ko yung mga ibang players na nakasuot ng jersey. Baka may practice sina Keith.

Pumasok na ako sa room kasi baka malate na talaga ako sa first class.

Pagkabukas ko ng pinto, may biglang humawak din ng door knob.

Napatigil naman ako nung maramdaman ko kung kaninong kamay at amoy ng pamango ang naaamoy ko.

Tumingin ako sa likod ko, tama nga ang hinala ko.

Si Oliver.

Tatawagin ko na sana ng pangalan nya pero pumasok na agad sya.

Anong nangyari sa mukha nya? Bakit may sugat sya sa bandang kilay at medyo putok ang labi nya?

Gusto ko sanang tanungin sya pero hindi ko alam kung paano sisimulan. Nabablanko ako kapag nakikita ko sya.

" Ms. Hernandez? Are you willing to attend in my class? "

Nagulat naman ako nang tawagin ni Sir ang pangalan ko. Nasa table na pala sya kanina pa.

Nagtawanan naman ang mga kaklase ko lalo na yung tatlong bruha.

" I'm sorry Sir. "

Umupo na agad ako sa upuan ko at nakinig na kay Sir.

Habang nagkaklase, hindi ko naman mapigilan na mapahawak sa ulo ko. Sobrang sakit kapag hinihilot ko.

" Ash? Okay ka lang ba? "-hinawakan ako ni Patrick sa balikat.

" Oo. Okay lang ako. "-ngumiti ako kay Patrick tapos ibinalik na ang tingin sa white board.

Habang sumasakit yung ulo ko, parang nagbe-blurred yung sa gilid ng mata ko. Nagzu-zoom out and zoom in.

Napailing ako tapos napasandal sa upuan ko.

" Ash okay ka lang ba talaga? "-si Deniel naman ang nagtanong .

Sa puntong yon, hindi na ko nakapagsalita, umiling na lang ako.

Hinipo naman ni Patrick ang noo ko.

" Ang init mo ah! "-napasigaw naman si Patrick.

" What's happening? "-boses ni Sir.

Pakiramdam ko nakatingin samin ang lahat.

" Sir, inaapoy po ng lagnat si Ash! "

Lumapit si Sir at hinipo ang noo ko.

" Oh my god. Bring her to the--"

Naputol na don yung napakinig ko, pero bago pa man ako tuluyang mawalan
ng malay naramdaman ko nang may bumuhat sakin. Hindi ko na alam kung sino yon, doon na ako nakatulog.

**

Nagising ako dahil may nararamdaman akong humahaplos sa mukha ko. May pumipindot pindot din sa ilong ko.

Pagmulat ko ng mata, hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko.

" I'm sorry. "

Waaaaa. Ano ba to? Mangyayari na ba yung sa panaginip ko sa clinic? Pero hindi sya sa clinic nangyari, nasa ospital ata ako ngayon dahil may nakasaksak na kung anong bagay sa kamay ko.

" Sana mapatawad mo pa k--"

Hindi ko alam kung bakit ko sya sinampal. Pero nung sinampal ko sya, lumabas ang mga luha ko na kanina ko pa iniimpit sa mata ko.

" Sorry? --Sorry kasi hindi mo sinasadya na halikan ako? Sorry kasi hindi mo intensyon na saktan ako? Sorry kasi pinaasa mo ko? "-sinasampal at hinahampas ko sya habang sinasabi yon pero niyakap nya lang ako.

" Sige lang. Saktan mo ko hanggat gusto mo. Kill me now. "-sabi ni Oliver habang yakap ako.

Patuloy ko pa rin syang hinahampas pero niyayakap nya pa rin ako. Hanggang sa mapagod na akong hampasin at sampalin sya, yakap nya pa rin ako.

" Ano bang kasalanan ko sayo Oliver? "

" May nagawa ba kong masama kaya ginagawa mo sakin to? "-dagdag ko.

Binitawan nya ako at tinignan sa mga mata.

" Nagagalit ka ba kasi inaasar kita o nagagalit ka kase--"

Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko kasi tumayo sya at hinalikan ako.

Halos manlaki ang mata ko sa ginawa nya. Hindi pa sya nakuntento sa tayong iyon, hinawakan nya ang pisnge ko.

Ano bang ginagawa nya?

Itinulak ko ng malakas si Oliver pero konting layo lang ang nagawa nya at sapat na para magkahiwalay ang mga labi namin.

Sinampal ko sya dahil sa ginawa nya.

" Ano bang ginagawa mo? "

Tumaas ang boses ko dahil don.

" Sorry. "

" Yan ka na naman! Nagsosorry ka kasi hinalikan mo na naman ako! Ano bang tingin mo sakin? Slut girl? Igagaya mo ko sa mga babaeng naka-one night stand mo na! "-tumaas naman ang kilay ni Oliver. Shaks, tama ba yung sinasabi ko? Ays, bahala na nga! Basta galit ako sa kanya. " Oliver, pasensya na pero--"

Nagulat na naman ako ng bigla nya kong hilahin at halikan! Tangina! Ano ba talagang ginagawa nya?!

Itinutulak ko sya pero ayaw nyang magpatulak. Halos ilayo ko na ang balikat at mukha nya sakin pero sya yung lumalapit ng lumalapit.

Sa wakas, binitawan nya rin ako.

" Nababastusan na ko sayo ha! Mahiya ka nga Oliver! "

" Ash pwede ba! Kahit ngayon lang wag ka munang maingay! "-tumaas din ang boses nya at ikinagulat ko yon.

Natahimik ako at napakunot ang noo.

" Tarantado ka pala e. Pagkatapos mo kong halikan ng dalawang beses-- este tatlo pala-- teka, apat na beses pala! Walangya, nakakailang halik ka na pala saking tarantado ka! "-shaks, totoo ba yon? Apat na beses na nya kong hinalikan. Nung una sa hallway, pangalawa sa pool tapos dalawang beses dito! Kingina, yung labi ko di na virgin. T^T

Napahampas si Oliver sa mukha nya. Aba parang ako pa yung mali ah.

" Oliver kung papaasahin mo lang ako, please lang wag--ARAY! "

Napasandal ako sa sandalan sa kama, bigla ba naman akong isandal ni Oliver don tapos hawak pa nya ang dalawang balikat ko.

" Diba sabi ko tumahimik ka? Baka gusto mong gawin kong lima ang kiss score natin? "-kiss score? Kingina! Baka gusto nyang paputukin ko pa yung kabila nyang labi! Bastos talaga.

" Ano bang problema mo ha! --Sasaktan mo na naman ako? "-sinigawan ko sya kaya lalong naging lion ang mukha nya. Galit na ba sya nyan? Cute pa rin kasi sya kahit galit na yung aura nya. >__<

" Ashfaith Hernandez "

Ano bang trip nito? Binuo pa talaga ang pangalan ko! Tsk, aray! Sumasakit tuloy ang ulo ko.

" Gusto kita. "

Nasamid naman ako sa sinabi nya. Ano daw? Paki-ulit nga.

" Anong sabi mo? "

" Sabi ko, GUSTO KITA. "

Lalo akong pinanlakihan ng mata nung inulit nya yon. Halos gusto kong takbuhin ang buong ospital at sabihin din ang nararamdaman ko para sa kanya.

" Ano bang sinasabi mo? "-naninigurado lang. Baka kasi nananaginip lang ako.

" Ash, hindi pa ba halata sa halik na yon na gusto kita? Ano pa bang gusto mo? "-napapangisi sya habang nagsasalita.


" Halikan mo ulit ako. "

" Hahahahaha. Sure. "

Ilalapit na nya ang mukha nya sa mukha ko.

" Wag kang masyadong spoiled sa labi ko! "-yung feeling na akala ko hahalikan nya ko pero pinitik nya lang ang ilong ko tapos nakaharap lang sya sakin. Bwisit napakapaasa.

" Masakit ha! Psh! Paasa! "-tinabig ko ang kamay nya at nagkunwaring nagtatampo.

" Hahahahahaha. You look cute. Basta, I want the fifth kiss to be unforgettable and romantic. At syempre kapag sinagot mo na ako. " -hinawakan nya ang kamay ko.

" Tsss, yun lang ba? Edi oo, sinasagot na kita! "

" Hahahaha. Tsk! Liligawan muna kita. Gusto kong maranasan mo kung paano manligaw ang isang badboy na si Oliver Gonzales. "

Continue Reading

You'll Also Like

59.4K 337 119
I just want to recommend some stories that i know you'll going to enjoy *Title *Author *Description (Taglish) Nabasa ko na yung karamihan sa mga stor...
Dream High By ry

General Fiction

64K 1.1K 24
Tourism Girl's Series#1
10.4M 225K 64
He's handsome, freakin' hot, snob, cold, campus hearthrob, model, popular. Sinong babae ang hindi magkakagusto sa kanya kahit sa unang tingin? Sinong...
449K 24.2K 80
It's been five years ever since Avery lost contact with his one and only best friend. Five long years of not knowing the real reason why he just sudd...