Seducing Alexandra

Por DianeJeremiah

1.5M 28K 3K

Arabella Mendez -- She's ambitious and determined. Hindi siya naniniwala sa true love. She said, love is just... Más

Author's Note
Chapter 1 Arabella "Ara" Mendez
Chapter 2 Search Operation
Chapter 3 The Mission
Chapter 4 Alexandra "Alex" Montalban
Chapter 6 Play with Fire
Chapter 7 The Gravity Between Us
Chapter 8 Feeling Accomplished
Chapter 9 Everytime We Touch
Chapter 10 The Fever
Chapter 11 Don't Fall For Me
Chapter 12 The Mission or Alexandra?
Chapter 13 Washout
Chapter 14 Change of Heart?
Chapter 15 Hurt
Chapter 16 Hard To Say I'm Sorry
Chapter 17 The Punishment
Chapter 18 Hot 'n Cold
Chapter 19 Guilty
Chapter 20 Irreplaceable
Chapter 21 Just So You Know
Chapter 22 The Deal
Chapter 23 Courtship
Chapter 24 Hottest Girl in Town
Chapter 25 My Fallen Angel
Chapter 26 Hatred
Chapter 27 Taking the Fall

Chapter 5 Close Encounter

45.4K 1K 92
Por DianeJeremiah

"Love is n untamed force. When we try to control it, it destroys us. When we try to imprison it, it enslaves us. When we try to understand it, it leaves us feeling lost and confused."


Ara POV


Pagsapit ng Lunes, maaga ako bumiyahe papuntang Padre Garcia, Batangas. Kulang-kulang dalawang oras din ang biyahe. Dinala ko lahat ng mga kailangan ko, at sinigurado ni mom na wala ako nakalimutan. Hindi ko kabisado ang daan patungo sa hacienda pero naisip kong magtatanong tanong na lang ako pagdating dun. Kahit pa sabihing may gps yung car ko. Mas maganda na yung sigurado.

Habang nasa biyahe, iniisip ko na ang daming posibilities na pwedeng mangyari. Isa na dun yung magugustuhan ba ako ni Alexandra.

Pagdating ko sa Padre Garcia, nagtanong na ako kung saan ba ang daan patungo sa Hacienda Montalban, madali lang pala malaman ang daan dahil naka-separate lang ang yun mula sa bayan. Pagdating ko sa may bukana ng hacienda, may dalawang lalaking naka-uniform ng pang guard ang humarang sa akin.

"Ano po kailangan nila ma'am?" Magalang na tanong nung isang mas matanda, mga edad forty eight na siguro.

"Ako po yung inaasahan ni Miss Alexandra Montlaban na magreresearch sa loob ng hacienda." Sagot ko. Sa kotse lang ako di na ako nag-abala pang bumaba.

"Pangalan po ma'am?" Tanong pa niya.

"Arabella Mendez." Tipid kong sagot sabay tanggal ng shades ko.

Tiningnan niya yung logbook kung may pangalan ako. At nung makumpirmang andun nga ako sa list, my tinawagan siya. Maybe it's Alexandra.

"May ID ka po ba ma'am?" Tanong sa akin nung guard na may hawak ng telepono.

Kinuha ko yung school ID ko at ibinigay sa kanya. Narinig ko naman na sinabi niya iyon sa kausap niya.

"Ma'am may in-email daw po ba sa inyong confirmation nung appointment niyo?" Tanong pa.

Ang higpit naman dito. Bulong ko sa sarili ko.

"Yes." Medyo mataray nang sagot ko.

"Pwede po bang makita?" Magalang na sabi niya.

Napahinga ako ng malalim. Nagpipigil ng inis. Ano naman akala nila sa akin? Impostor? Bulong ko pa sa sarili.

Bakit hindi pa ba? Tuya ng utak ko.

Ibinigay ko sa kaniya ang na-print ko na confirmation nung appointment ko kay Alexandra.

"Meron po, ma'am." Narinig kong sabi ni manong guard sa kausap sa phone. "Sige po, ma'am."

"May kailangan pa ba kayong identification from me?" Sarkastikong tanong ko ng maibaba na nito yung telepono. "Just to be sure it's me?"

Nagkamot ito sa ulo. "Pasensya na po ma'am." Magalang na sabi niya. "Sumusunod lang po kami sa protocol."

Ibinalik na niya sa akin yung ID ko pati na yung printed copy ng sulat at tsaka ako pinapirma dun sa logbook.

Sinabi naman sa akin nung isang guard yung direksyon kung saan ang bahay ng certain Candida Marquez. Dun daw kasi ako titira pansamantala habang nandito ako sa hacienda.

Isa pa yun sa nakapagpaisip sa akin. Bakit hindi ako pinatira ni Alexandra sa bahay niya?

Baka kasi makagulo ka sa mga 'affairs' niya. Sabi ng isip ko.

Napasimangot ako sa isiping iyon. If she thinks, I'm gonna like her. Well, she's wrong. I'm not into girls. And I'll never be.

And I'm sure as hell of that.

Pinaandar ko na ulit yung kotse at tinahak ang daan patungo sa loob ng hacienda. Ang rusty na arko na may katagang Hacienda Montalban ay halatang matagal na itong naipatayo.

Sa bukana pa lang ay makikita mo na ang malagong mga puno sa gilid ng di pa sementadong kalsada, kaya naman medyo umaalog alog yung sasakyan ko sa mga bato-bato.

Ang yaman yaman nila pero di man lang magawang pa-semento yung kalsada. Bulong ko sa sarili.

May nakita akong dalagitang naglalakad sa may kalsada ng medyo malayo-layo na rin yung narating ko at wala pa ring makitang mga bahay. Bumusina ako para matawag ang pansin niya. Agad naman niya akong napansin at tumigil sa paglalakad.

Binaba ko ang tinted na bintana ng kotse sa tapat ko at dumungaw ako para makita niya ako.

"Excuse me?" Kahit naman brat ako may galang pa rin namang natitira sa katawan. "Pwede magtanong?"

Halata sa mga mata nito ang paghanga ng makita ako. "A-ano po iyon?" Utal niyang tanong.

"Saan dito yung bahay ni Candida Marquez?" I asked.

Parang nagliwanag yung mukha niya. Unti-unting sumilay ang cute na ngiti nito. May maliit na dimples sa gilid ng magkabilang ibabang labi nito.

"Kayo po si ma'am Arabella?" Kompirma niya.

"Yes?" Naguluhang tanong ko. Alam ba ng buong hacienda na darating ako?

"Anak po ako ni Candida Marquez." Pakilala niya sa kanyang sarili. "Kanina pa po kayo hinihintay ni inay."

"Ganun ba?" Saad ko. "Medyo na-traffic kasi ako eh."

"Okay lang po." Nakangiting sagot niya. "Samahan ko na lang po kayo sa mansyon para makita po kayo ni inay bago ko po kayo ihatid sa bahay."

Ngumiti ako ng tipid sa kanya. "Okay. Pasok ka na." Sabi ko at in unlock yung passenger side.

Parang nahihiya pa itong pumasok sa loob ng kotse. Hindi ko man maintindihan pero parang magaan ang loob ko dito. Nag-iisa lang kasi akong anak, kahit naman papano sabik ako sa kapatid... especially a little sister.

"Saan yung mansyon?" Tanong ko dito ng magsimula na kaming baybayin ang daan.

"Diretso lang po." Sagot niya na itinuro sa harap. "Tapos liko po tayo sa unang likuan po."

Tumango na lang ako sa kanya. Mukha siyang mahiyain. "What's your name?"

"J-joan po." Naiilang na sagot niya.

Ngumiti ako sa kanya. "Wag ka mahiya sa akin, Joan."

"Sige po, ma'am Arabella."

"Huwag mo na akong tawaging ma'am." Saad ko. "Ate Ara na lang tutal parang mas matanda lang ako ng ilang taon sayo."

"S-sige po, ate Ara." Sagot niya.

"Wala ka bang pasok, Joan?" Tanong ko. I'm trying to make her feel at ease.

"Wala po. Sem-break na po eh."

Ay oo nga pala 'no?

"Anong year mo na ba?" Kunwa'y tanong ko.

"Fourth year high school na po ako."

Narinig kong sagot niya. Lumiko ako sa pinakaunang likuan. Ilang sandali pa'y bumungad sa akin ang isang mataas na rehas na gate.

"Dito na lang po tayo, ate Ara." Sabi ni Joan sa akin ng nasa harap na kami ng rehas na gate.

Nang tumigil ang sasakyan ay agad itong bumaba. Kinausap yung guard. Binuksan naman nung guard yung gate. Pumasok si Joan sa gate at tumungo sa loob. Di na lang ako nag-abalang bumaba ng kotse at hinintay na lang itong bumalik.

Ilang sandali pa'y bumalik si Joan at lumapit sa akin at kumatok sa bintana sa tapat ko.

"Ate Ara, baba ho muna kayo para makapag-merienda." Sabi niya sa akin ng pinagbabaan ko siya.

"Okay." Sagot ko. Sabagay gutom na rin naman ako.

Pagkatapos ko mai-lock yung kotse na ipinarada ko sa labas ng gate dahil wala naman yatang balak yung guard na papasukin ako dala yun. Naglakad kami papasok at ilang sandali pa'y bumungad sa akin ang magandang bahay. Yari ito sa one way na salamin. Ang ganda!

Namamanghang pumasok kami ni Joan sa loob ng bahay. Agad na bubungad sayo ang halos puro puting kulay sa loob ng mansiyon. Iginiya ako ni Joan papunta sa kusina. Halatang mayamang mayaman ang may-ari ng bahay pero simple lang ang interior decorations nito. Napansin ko din ang malaking chandelier sa may living room.

"Nandito na po siya, inay." Sabi ni Joan sa may katandaan ng babae.

Maliit lang ito kay Joan. Mga nasa 5'2 siguro kaya naman nakayuko akong tumingin sa kanya ng lumapit sa akin.

"Magandang araw ho." Bati ko na may tipid na ngiti.

"Hay, kagandang bata." Di napigilang bulalas ng matanda na sa tingin ko ay si Candida Marquez. "Opo ka dito, anak." Sabay turo sa upuan na nasa center island, nakaupo na rin dun si Joan.

"Maraming salamat po." Sabi ko dito.

"Tawagin mo na lang akong nana Idad." Nakangiting saad niya ng makaupo na ako sa isang stall.

Ngumiti lang ako kay nana Idad. Halatang mabait ang matanda. Binigyan niya ako ng isang baso ng orange juice at sandwich. Inilibot ko ang mata ko sa loob ng kusina. Napansin ko ang isang mahabang lamesa na halatang antigo. Moderno din ang mga kagamitan at halatang mamahalin ang mga ito.

"Ang ganda-ganda mo naman, anak." Narinig kong saad ni Nana Idad at ngumiti lang ako dito. Sanay naman na ako sa mga papuri eh. "May ibang lahi ka ano?"

"Opo." Sagot ko pagkatapos ko lunukin yung kinakain ko. "Half filipino half south african po ako. Yung mom ko po kasi isang south african na may lahi din pong dutch."

"Kaya pala. Ang ganda ng mga mata mo, anak. Totoo ba yan?" Curious na sambit niya.

Natawa ako ng konti. Madami na ring nagtanong nun sa akin, kaya di na bago. "Opo, nana. Natural na kulay asul po iyan. Pati na rin po yung buhok ko na dirty blonde."

"Model ka po ba ate Ara?" Narinig kong tanong ni Joan na busy din sa pagme-merienda.

Nakangiting umiling ako. Actually, may mga kumukuha sa akin mag-model at mag-artista pero ayoko. Wala akong hilig at wala akong balak.

"Sino pong nakatira dito?" Tanong ko kahit alam ko namang si Alexandra. Malay ko ba kung may iba pa siyang kasama.

"Si Alex lang." Sagot naman nung matanda. "Ayaw niya kasi may kasamang ibang tao kapag nandito siya sa bahay. Kaya ako, umuuwi ako sa tuwing hapon at pumapasok na lang sa umaga."

"Kaya po pala sa inyo ako pinatuloy." Di ko napigilang wika ko.

Pagkatapos naming magmerienda ni Joan, inihatid na niya ako sa kanilang bahay. Sa may malapit pala sa manggahan ang mga kabahayan dun. Ang daming punong mangga!

Nagulat naman ako ng makarating kami sa bahay nila Nana Idad. Literal na bahay kubo ang tinitirhan nila at aaminin ko, ngayon lang ako makakapasok sa ganung bahay. And to think na dito ako titira for three weeks!

Tinulungan ako ni Joan magbaba ng mga gamit ko. Malinis at maayos naman sa loob ng bahay. May maliit na hagdan na patungo sa dalawang kuwarto sa taas. Sa bandang dulo dito sa baba ang kusina at pang-apat na lamesa. Sa bandang gilid ang lutuan at maliit na lababo na gawa sa kahoy at kawayan. May maliit na pinto sa malapit sa lutuan. At sa tabi naman ng hagdan ang isa pang pintuan na ang nagsisilbing takip ay makapal na kurtina.

"Dito po ang kuwarto mo, ate." Sabi ni Joan na itinuro ang pintuan na may tabing na kurtina.

"D-diyan?" Nakangiwing kompirma ko.

"Opo." Nagpatiuna na itong pumasok sa loob bitbit ang iba kong gamit.

Wala na akong nagawa kundi ang sumunod dito. Nakita ko namang malinis din at maayos sa loob ng kuwarto. May dalawang kama na pang-isahan sa magkabilang gilid. Gawa ito sa kawayan at may kutson na nababalutan ng kulay pink na bedsheet. At sa dulo ng kuwarto sa may corner, ay may lalagyanan ng mga damit na gawa din sa kawayan.

Inilapag ko sa ibabaw ng kama sa bandang kaliwa ang maletang bitbit ko. At parang pagod na pagod na umupo sa gilid ng kama.

"Dito mo na lang po ilagay yung mga gamit mo ate." Sabi niya sabay turo dun sa closet na gawa sa kawayan.

Tumango na lang ako sa kanya. Napapangiwi ako at nadidismaya. Kaya ko bang tumira sa ganitong lugar?

"S-saan ang banyo?" Naisip kong itanong.

"Ay lika po, ituturo ko sa inyo." Sabi niya at nagpatiuna ng lumabas ng kuwarto.

Sumunod na lang din ako. Tumungo kami sa maliit na pintuan na nakita ko sa may kusina kanina.

"Dito po ang banyo." Sabi niya ng buksan niya ito.

Nakita ko ang maliit na kulay puting bowl sa bandang gilid. Isang di kalakihang drum na siguro ay lalagyanan ng tubig. May nakasabit na tabo sa malapit sa may lalagyanan ng mga sabon at shampoo.

Wala silang shower? Tanong ko isipan ko. What do you expect, Ara?

Ano pa bang magagawa ko? Haist sana sa hotel na lang sa bayan ako namalagi. Pero ang layo naman kung umaga hapon ako babyahe papunta dun.

"S-sige." Wala sa sariling sabi ko kay Joan. "Pwede magpapahinga lang muna ako saglit?"

"Sige po, ate." Nakangiting sabi niya. "Magluluto lang po ako ng pananghalian. Babaonan ko pa po kasi si itay sa may kuwadra."

Tumango na lang ako dito saka bumalik sa loob ng kuwarto. Nanghihinang umupo ako sa kama. Ibinaba ko muna sa sahig yung maleta ko. Maya na lang ako mag-a unpack ng mga gamit. Para akong hapong-hapo bigla. Humiga muna ako at pinilit matulog.

Paggising ko, hapon na pala. Tiningnan ko ang suot kong relo. Mag-aalas tres na ng hapon. Bumangon ako at lumabas ng kuwarto. Ako na lang pala ang naiwang mag-isa sa bahay, nasa labas siguro si Joan. Nakita kong may pagkaing natakpan sa ibabaw ng mesa. Lumapit ako at binuksan iyon. Dalawang pritong isda ang nakita ko at may kamatis na sawsawan na nakalagay sa maliit ng mangkok.

Tinakpan ko ulit. Di naman ako gutom eh. Lumabas ako ng bahay at ang sariwang hangin ang sumalubong sa akin. Napapikit ako at sinamyo iyon. Ang sarap sa pakiramdam.

Inilibot ko ang paningin ko sa paligid. Sa bandang kanan ay matatanaw mo ang madaming puno ng mangga at sa bandang kaliwa ay papunta naman sa burol. Malapit pala ang bahay nina Nana Idad sa may parte ng haciendang magubat. Curious na naglakad ako papunta dun. Kahit naman na maarte ako sa katawan, adventurous din naman ako paminsan-minsan.

Nakita ko ang parang makitid na daan papasok sa gabut. Sinundan ko iyon. Agad kong narinig ang huni ng mga ibon at ang mga naglalakihang puno sa paligid. Napangiti ako. Pakiramdam ko tuloy nasa gubat ako ni Tarzan. Naglakad lakad lang ako at sinundan ang makitid na daan. Naisip kong di naman ako mawawala dahil iisa lang naman ang daan patungo at palabas ng gubat.

Ilang sandali pa'y parang nakarinig ako ng lagaslas ng tubig at ang pagbagsak nito sa lupa. Curious akong nagpatuloy. Gayun na lang ang aking pagkamangha ng makita ko ang malinis na tubig at ang talon.

"Wow!" Namamanghang bulalas ko.

Ang linis linis ng tubig, para akong inaanyayahang tumampisaw dun. Tinanggal ko ang flat sandals ko at unti-unti kong ibinaba ang isang paa ko sa umaagos na tubig. Para pa akong nakiliti ng maramdaman ko ang di naman gaano malamig na tubig.

Nagpalinga-linga ako. Parang wala namang nagagawi sa lugar na ito. Halata kasing di pa nagagalaw ang gubat, ibig sabihin wala masyadong nagagawi dito. Agad ako nagtanggal ng damit. Lahat-lahat wala ako iniwan. Malakas ang loob ko maghubad.

"Di naman ako magtatagal eh." Sabi ko.

Parang isang batang nagtampisaw ako sa batis at lumangoy-langoy papunta sa may talon. Ang sarap sa pakiramdam. Nakaka-relax. Nakapikit akong nag-float sa ibabaw ng tubig. Unti-unti kong iminulat ang aking mata. Ang linaw ng langit. Wala kang makikitang ulap. Lumangoy ulit ako. Paroo't parito ang ginawa ko at para akong sira na tatawa tawa. Ang sarap lang kasi sa pakiramdam eh. May nakatago pa lang paraiso sa hacienda. Mahigit isang oras din siguro ako nagbabad sa tubig. Naisip kong bumalik ulit dito bukas.

Umahon na ako at nagulat na lang ng makita kong wala na doon yung mga damit ko.

"Dito ko lang inilagay ang mga iyon eh." Kinakabahang sambit ko.

May engkanto kaya dito? O di kaya aswang? Hala! Napapitlag ako ng makarinig ako ng kahoy na nabali sa bandang kaliwa.

"W-who's that?" Kinakabahang tanong ko.

Nagpalinga-linga ako at nagbabakasakaling may makita akong anuman na pwedeng ipantakip sa katawan ko, pero nabigo ako.

"Sino yan?!" Malakas kong tanong sa kung sinuman dahil may narinig na naman akong parang may mga tuyong dahong naapakan.

Wala sa sariling napaatras ako. Damn! Bakit pa kasi ako naligo dito eh. Sana di na lang ako nagpunta!

Nagulat ako ng unti-unting lumabas ang isang magandang babaeng naka-cowboy outfit sa likod ng malaking puno. Si Alexandra Montalban!

"Ito ba ang hinahanap mo?" Sabay taas sa mga damit ko.

Nanlalaki ang mga matang nakatitig lang ako sa kanya. Nakita ko na naman ang mga mata nitong mailap at malayang pinagmamasdan ang huban kong katawan.

"A-akin na ang mga yan." Sabi ko. At di ako magkandaugagang takpan ang katawan ko. Ang isang braso ko sa dibdib at ang isang kamay ko sa may ano ko. Para kasi akong nag-init sa mga titig nito. Napalunok ako dahil biglang nanuyo ang lalamunan ko.

"Alam mo bang mahigpit na ipinagbabawal ko ang pumunta dito?" Matiim niya pa rin akong tinititigan.

"H-hindi ko alam." Kinakabahang sabi ko. "Please, pakibigay na lang yung mga damit ko aalis na ako."

Unti-unti siyang humahakbang patungo sa akin na di man lang inaalis ang mata sa mukha ko. Para naman akong napako sa kinatatayuan ko di ako makaatras.

"At hindi mo rin ba alam na lahat ng susuway sa inuutos ko ay may kaparusahang nararapat sa kanya?" Narinig kong sabi niya.

"H-hindi..." Kinakabahang sagot ko.

Anong gagawin niya sa akin? Huwag naman sana niya ako paslangin...



Seguir leyendo

También te gustarán

317K 15.2K 71
"We all lie and that's the truth. No one's perfect. Remember that" Sa Mundong punong puno ng kasinungalingan, kanino ka maniniwala? Or may paniniwal...
1.2M 26.7K 49
Papano kung iniwan ka bigla ng Mama mo sa matalik nyang kaibigan? Tapos sinabi nya sayo na wag na wag kang aalis don dahil dun ka nya babalikan? Sabi...
71.1K 3.9K 12
[FILIPINO] Year 2050, ito ang panahon na naghahari ang mga bampira sa mundo sa pamumuno ng mga Crinamorte. Binigyan ng pagkakataon ng mga Crinamorte...
1.4M 34.1K 38
Remooji Jazmine "Jaz" Montalban is a socialite, happy go lucky, and a play girl. She keep on telling herself that she's not gay, and she's as straigh...