A.K.A. Neerdy GIRLFRIEND (COM...

By adrian_blackx

415K 13K 1.3K

"Nerd man ako sa paningin nila, but they don't know me very well." -GLAIZA Maybe I judge her before, but then... More

Chapter 1: The Kiss
Chapter 2: Rescue
Chapter 3: Music Room
Chapter 4: New Prof
Chapter 5: Rooftop
Chapter 6: Tutor Mode
Chapter 7: Kathrina
Chapter 8: DATE?!!
Chapter 9: The Truth and The Hell
Chapter 10: Glaiza Galura
Chapter 11: Heaven and Hell
Chapter 12: Elevator
Chapter 13: Kumot
Chapter 14: Glaiza's New Girlfriend
Chapter 15: Wife material
Chapter 16: Hello Past
Author's note
Chapter 17: Over
Chapter 18: Love Guru
Chapter 19: Real
Chapter 20: Forgive and Forget
Chapter 21: Yes
Chapter 22: Tagaytay Adventure (1)
Chapter 23: Tagaytay Adventure (2)
Chapter 24: The Revelation
Chapter 25: Nasa'yo na ang lahat
Chapter 26: The Comeback
Chapter 27: Something New
Chapter 28: R vs. S
Chapter 29: Hurt
Chapter 30: Come back is real
Chapter 32: Closure
Chapter 33: Grow Old with You
Chapter 34: Where are you?
Chapter 35: Happy Ending
EPILOGUE
Mula Sa Author <\3
Hi guysss

Chapter 31: Birthday Surprise

9.1K 304 27
By adrian_blackx

GLAIZA'S POV

"Oy tsong! Bakit parang tense na tense ka?" Tanong sa akin ni Chynna, nasa office kami ngayon, kasama sila Kath at Ange.

"Birthday na kasi ni Rhian bukas, at hindi ko alam kung anong gagawin ko., tsong tulong naman oh" i said.

"Grabe ka Galura! Kapag ganyang mga pakana, ikaw ang number 1 diyan. Tapos ngayon mahihirapan ka?" Sabat naman ni Kathrina.

"Ewan ko, pagdating kasi kay Rhian, gusto ko kasi perfect ang lahat" 

"Alam mo, just take her to a date. Siguro naman sa mga simpleng romantic dinner ok na yun. Knowing Rhian, hindi naman siya ganun kasosyal. All she want is to have you" sabi ni Angelica.

Minsan talaga may pakinabang din ang tatlong to eh.

"I'll think about it. Basta ang gusto ko lang, ayaw kong mapahiya sa kanya. This will be her first birthday with me. Kaya gusto ko sanang maging special, pero hindi ko alam kung paano"

"Kaya mo yan tsong! I know you can do it" 

Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko. Sa tanan ng buhay ko ngayon lang ako napressure! Mygosh! I just can't.

Hanggang sa umalis na yung tatlo, iniisip ko pa din kung ano ang gagawin ko. Wala akong maisip. Bigla namang pumasok si Georgina sa office ko.

"Ms.Galura?" She said.

"Yes?" 

"Gusto ko lang po sanang magpaalam for next week. Kailangan ko kasing pumunta ng Washington" she said.

"Ok. Pero anong gagawin mo dun?" I ask her,

"Hihi. Ms.Galura naman, huwag na kayong magtanong, kinikilig lang ako eh" what?

"Ano? Sa akin ka ka kinikilig?" I ask her.

"No. Kinikilig ako sa fiance ko, kasi ipakikilala na niya ako sa parents niya. Huwag po kayong assuming Ma'am" napatawa na lang ako sa sinabi niya. Hahaha.

"Ok then. Bigyan mo na lang ako pasalubong. And don't worry, hindi ko babawasan sweldo mo. Pero George. Pwede bang hanapan mo ko ng event coordinator? I really need some help." I said.

"Why?"

"Tomorrow is Rhian's birthday, at wala pa akong idea kung anong gagawin ko" 

"Good thing, may kakilala akong magaling na event coordinator, Althea Guevarra. She is really good, I must say" 

"Ok then, call her and tell her to meet me at 12nn, dito mismo sa office ko" 

"Noted!" Agad na umalis si Georgina.

At hanggang ngayon iniisip ko pa din kung ano ang pwedeng ibigay sa kanya. Nakakapressure talaga.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

"Myloves! Di muna ako makakasabay mamayang lunch ah. May kailangan lang akong kausapin about the university" I said to Rhian.

"Ok lang yun myloves! Basta pumasok ka mamaya ah!" She said. Ako naman tong under.

"Opo myloves! Papasok ako mamaya, pero kung hindi, kasi baka matagalan ako, pakisabi na lang sa akin yung mga kailangan kong gawin. Ok?" 

"Osige, pasalamat ka malakas ka sa akin" She said.

"Syempre mahal mo ko eh! I love you myloves!"

"I love you too myloves!" 

"Sige una na ako, nagtext na si George, andun na daw yung kameeting ko. Sige I have to go" Bago ako umalis I kissed her forehead.

Agad na akong pumunta sa office ko, at laking gulat ko, bakit parang nagsasalamin lang ako. Ako lang ba or nahihilo lang ako. Halos kamukha ko tong event coordinator eh.

"Wow!" I said.

"I believe your Glaiza Galura. I'm Althea Guevarra, at tulad mo, nagulat din ako. Magkamukha tayo." 

Wow ha, don't tell me may kapatid ako sa labas?

"Oo nga eh. Ok this is weird. So shall we start?" Pag-iiba ko ng usapan,. Tangina kamukha ko talaga.

Ang daming sinabing plano sa akin ni Althea at isa lang ang napusuan ko. I think I know what I am going to do.

"So ang plano, ipupunta mo siya sa isang restaurant. Saan restaurant ba ang gusto mo?" Tanong sa akin ni Althea.

"Maybe dun na lang sa restaurant ng friend ko. Sa RK. I'll just talk to her"

"Ok then, seattle na. And Ms.Galura. Nice meeting you, and see you tomorrow. Tulad mo, may girlfriend din ako. And soon magiging asawa ko na siya" umalis na ito kaagad, at nagpaalam. 

Good thing nakaabot pa ako sa last subject ko.

"Sorry myloves. Katatapos lang ng meeting eh. May mga assignment ba?"

"Wala naman. Kaya don't worry." She said.

Nakinig na lang kami ni Rhian sa buong discussion ng prof namin..

Tapos na ang klase namin at pumunta muna kami sa isang coffee shop na malapit sa university.

"Pagod ka ba?" I ask her.

"Kanina nung wala ka. Pero ngayon ok na. Hihi!" Grabe kinilig ako dun ah!

"Ikaw talaga, ang hilig mong magpakilig."I said habang kinurot ko ang ilong niya

"Ah myloves, tomorrow, di ako makakapasok ah. May important matter kasi na kailangan gawin bukas. Ok lang ba?" I said, nakita ko naman na nalungkot siya sa sinabi ko.

"O-okay lang. Importante naman ata yun eh" she said.

"Oo eh, kailangan ko kasing puntahan si dad." I said. Mukha naman naniwala. Bago pa ako pumasok kanina, sinabi ko na kay dad and mom ang plano ko, at nag agree naman sila, pati na din si Chief, sinabi ko. Tuwang tuwa naman ang matanda,

"Ok. Kain na lang tayo. Gutom na din ako eh. Pagod" she said. Naawa naman ako, pero I promise you Rhian, magiging ok din ang lahat.

Pagdating namin ng condo, nagpahinga muna kami. Dahil mamaya aalis ako, bibili ako ng gift para sa kanya. Good thing tinawagan ko si Chynna na sabihin na sunduin ako at sabihin kay Rhian na nagpapasama siya. Para hindi na siya magtanong.

"Rhian, hiramin ko muna si Cha ah? Kailangan ko lang magpasama." Sabi ni Chynna.

"Ok basta huwag magpakagabi ah. Maaga pa si Glaiza bukas, pupuntahan pa niya si Tito Glen." She said. Halata sa mukha niya na naiirita siya. Pero kailangan mo siyang tiisin Glaiza, this is for her, remember that.

"Sige na myloves una na kami. Bye! I love you" sabay halik sa labi niya.

"Ingat kayo ah!" Agad na kaming umalis ni Chynna.

"Tsong! Akala ko hindi na ako makakalabas mg buhay dun! Nakakatakot ang girlfriend mo!"

"Loko! Halika na nga!"

RHIAN'S POV

Glaiza acting so weird, parang tense na tense siya. I don't know why. The last time na sinabi niya na makikipagkita siya sa Dad niya, hindi naman siya pumunta dun. Pinuntahan niya yung Anne para makausap ito. Pero ngayon kinakabahan ako. And I don't know why. 

Kaya I decided na tawagan si Tito Glen.

Glen: Hello Rhian?

R: Tito! Uhmm. Tatanong ko lang po sana if pupuntahan kayo ni Glaiza diyan bukas.

Tanong ko sa kanya.

Glen: Ay oo hija, I need her sa office. Gusto ka sana niyang isama, but I said, baka mabored ka lang. And this is business matter. So ok lang ba if hiramin ko si Glaiza bukas?

Sino ba naman ako para humindi diba?

R: Ok tito. Sige po bye

Medyo panatag na ang loob ko. Hay sana totoo ang sinasabi ni Glaiza, dahil lalayasan ko talaga siya..

Its almost 11pm, pero wala pa din si Glaiza, I tried to call her, pero himdi sumasagot. What the heck!

Exactly 12:30am, dumating na si Glaiza. 

"Bakit gising ka pa?" She ask.

"Hinihintay kasi kita. Diba ang sabi ko sayo, huwag kang magpapalate!"

"Sorry na myloves! Medyo natagalan kami ni Chyns. Sige na tulog na tayo"

Agad na itong nagshower at iniwan lang ako sa salas! Mygosh!

Ang ganda naman ng araw ko, today is my birthday pero parang wala lang. Maybe hindi alam ni Glaiza, dahil hindi ko din naman naikkwento. Pero bakit ako, alam ko birthday niya? Kahit hindi niya pa sinasabi! Kaasar.

Pumasok na lang ako sa kwarto namin, at natulog na, bahala na si Glaiza sa buhay niya!

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

Sorry hindi na kita ginising at nakapagpaalam sayo. Kailangan maaga ako eh. I love you! 

Pagkagising ko wala si Glaiza sa tabi ko. Pero nag iwan naman ito ng notes. Kahit badtrip ako sa kanya, napangiti naman ako.

Pumunta naman ako sa dining table, at may nakita ulit akong note.

Eat this ok?

Nag-iwan kasi to ng breakfast
napangiti ulit ako sa nakita ko. Hay Glaiza, sa simpleng gestures mo lang, pinapakilig mo na araw ko.

Pero hindi ko maitatanggi sa sarili ko na malungkot ako, dahil hindi ko makakasama ang mahal ko sa birthday ko. Hays, gusto ko sanang tawagan sila mom, dad at si Nadine, kaso nasa London daw sila. Haysss! 

Pumasok na lang ako sa school na parang walang special day. Siguro naman si Bianca maaalala niya.

"Bestiee!" Sigaw ko dito ng makita ko siyang palapit sa akin, kasama si Ignacio.

"Bestiie! Happy birthday! I love you much! Sabay yakap sa akin ni Bianca, buti pa siya. Hmft. 

"Thank you bestie! I love you too!" I said,

"Happy Birthday to you Rhian, so you wanting to celebrating, it will be my treating of you wanting!" What? Yung words lang na happy birthday Rhian ang naintindihan ko.

"Uhmm. Thank you Ignacio" i said to him, para naman hindi siya mapahiya.

"So asan si Glaiza?" Takang tanong ni Bianca.

"Ayun, pumunta ng office ng daddy niya. Actually tinawagan ko si Tito Glen, and he asked if pwede muna niyang hiramin si Glaiza. Sino ba naman ako para tumanggi sa tatay niya. Pero tara na may klase pa tayo!" Naghiwalay hiwalay na kami.

Agad akong dumiretso sa klase ko ng bigla akong hinarang ni Solenn, ano bang problema nito? Sinabi na nga sa kanya ni Glaiza na tapos na sila.

"Hey!" She said.

"What do you want?" Sabi ko naman.

"Is Glaiza with you?" She ask.

"No, and it's none of your business!" Sabay irap sa kanya.

"Owww! Haha. Maybe I know where she is. Baka pumunta siya isang lesbian bar at naghanap ng ibang babae na ipapalit sayo. Hahaha! Glaiza is a chick magnet before then. At hindi malabo na bumalik yun. Kaya kung ako sayo. Iready mo na sarili mo" medyo kinabahan ako dahil dun, but I trust Glaiza, mahal niya ako. Hindi niya kayang gawin sa akin yun.

Buong araw yun at yun ang naiisip ko. Bwisit na Solenn na yan, ginugulo niya isipan ko. Rhian, huwag mong sirain ang araw mo! Today is your birthday!.

Pero napawi lahat ng inis ko ng nakita kong nagtext si Glaizas akin.

From: Glaiza Myloves <3

"Myloves, sunduin kita mamaya sa school ah. Medyo busy pa ako. Wait for me." 

Napangiti naman ako sa nabasa ko.

To: Glaiza Myloves <3

"I'll wait for you, don't worry. Anong oras ba myloves?" 

I ask her, at agad naman siyang nagreply.

From: Glaiza Myloves <3

"6pm, after ng class mo, just wait for me ah. Kahit anong mangyari. I miss you so much!" 

She said. Awww. Ang sweet sweet talaga.

To: Glaiza Myloves <3

"Ok, I'll wait for you then. I miss you too! And I love you!"

From: Glaiza Myloves <3

"I love you more!"

Hindi na ako nagreply sa kanya, kasi alam kong busy siya.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

Its almost 7:30pm at wala pa siya. Gusto ko ng umuwi dahil kanina pa ako dito, ang sabi niya hintayin ko siya kahit anong mangyari. Kaasar! Inip na inip na ako ah!

Biglang may tumigil na sasakyan pero hindi si Glaiza yun.. Pero nagulat ako sa nakita ko, si Glaiza nga!

"Wow! I can't believe this" sabi Glaiza.

"Glaiza ano ba? Anong oras na oh!" I said.

"Miss, excuse me, pero I am not Glaiza Galura. I am Althea Guevarra, and I know naguguluhan ka din like me. Pero we need to go, hinihintay na tayo ni Ms.Galura" Sabi niya, so she is not Glaiza, she's Althea? Pero magkamukha sila. Pero napansin ko nga na hindi siya si Glaiza, because of her long hair, eh short hair si Glaiza eh.

Sumakay na lang ako, at medyo tahimik ang byahe namin.

"Miss Rhian, punta na po kayo sa loob" agad akong lumabas, at nagtungos a Runner's Kitchen.

Pagkapasok ko dun, biglang tumapat ang spot light sa akin. At nakita ko si Glaiza na nasa stage,

"Hi Rhian. Sorry if nagsinungaling ako sayo. Nagprepare kasi ako for this" bigla namang lumiwanang ang buong lugar, at nakita ko naman sila Mom, Dad, Nadine, sila Bianca, Ignacio, ang squad ni Glaiza, at ang mga Galura.

Hindi ako nakapagsalita sa mga nangyari.

"Uhmm, guys! Alam niyo naman po na, kumakanta ako. Specially you Rhian, ilang beses na kitang kinantahan and now, gusto naman kitang alayan ng isang matamis, makapagdamdaming tula. Sana magustuhan mo"

Hinawakan ni Glaiza ang mic at bigla nga itong nagsalita.

"Ang pamagat po ang aking tula ay Ang Taglay Mong Ganda, sana magustuhan niyo, lalo ka na myloves, pinagpuyatan ko to eh. Hehe"

Sumikat ang araw at buwan

Mukha mo ang aking nasisilayan

Ang taglay mong ganda ay nakakabighani ng tunay

At pangarap na maging akin ka ng tuluyan.

Napakabait ng Diyos sa akin

Dahil ang isang tulad mo ay pinagkaloob Niya sa akin

Tunay nga mahal kita talaga

Lahat gagawin ko para ikaw ay lumigaya

Wala akong sasayangin na oras

Dahil ang katulad mo ay hindi dapat pinapalampas

Mahal mo ko at mahal din kita

Wala na akong mahihiling pa.

Sapat na sa akin ang isang ikaw

Sapat na ang isang ako

Papatunayan ko sayo mahal

Na kahit kailan, hindi ka masasakal

Mamahalin at aalagaan kita

Hanggang sa aking pagtanda

Hindi kita papabayaan

Pangako ikaw ay aking aalagaan

Sa mata ng iba tayo ay mali

Pero wala silang magagawa sa huli

Dahil ikaw ang mahal ko at hindi sila

Ikaw lang ang papakinggan ko, at hindi sila

Maging masaya ka lang aking sinta

Mamahalin talaga kita.

Kaya Rhian, isang tanong isang sagot.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

Payag ka bang pakasalan ako? 

Naghiwayan ang mga bisita sa tanong ni Glaiza, at agad itong lumapit sa akin.

"Rhian, alam kong kahit hindi kita yayaing magpakasal, talagang ikakasal tayo. But you deserve this moment of your life. Gusto kong ipakita sayo na ikaw lang ang pangalawang babaeng special sa akin, syempre mauuna ang nanay ko. Pero Rhian, ikaw lang ang minahal ko ng ganito. Hindi naging maganda ang relasyon natin dati, maraming pagsubok ang tinahak natin. But still andito pa din tayo, nakatayo, sinusuportahan ang bawat isa. I may not be perfect, but I am perfect madly inlove with you. I want your birthday to be special, kasi ganun ka, you're special to me, pero dahil fiancee kita, siguro ikaw na ang pinaka special ha babae sa akin, at hindi na si mom" nagsitawanan naman ang lahat dahil sa kolokohan nito.

"Pero Rhian, I am willing to be yours, for keeps tayo diba? Rhian, mahal na mahal kita. At ngayon tatanungin kita." Bigla itong lumuhod sa aking harapan.

"Rhian Denise Ramos Howell, will you be my Mrs.Galura in the future?" Hindi ako nakasagot agad, dahil nashocked pa din ako.

Pero huminga ako ng malalim.

"Yes, I am willing to be your Mrs.Galura!" Napatayo naman ito kaagad at niyakap ako ng mahigpit. 

"Teka lang, masyado akong nadala, unahin ko muna tong singsing!" Agad naman niya itong sinuot sa akin, at perfect fit naman ito sa akin.

"I love you Rhian" she said.

"I love you more Glaiza!"

Agad naman ako binigyan ng matamis na halik!

Biglang bumukas ang pintuan at nagulat kami ni Glaiza sa nakita namin. I saw Althea with a woman, na kamukha ko. Gosh! What is happening?!

"Ms.Glaiza! Congratualtions. And by the way, this is Jade, my girlfriend. Kaya Ms.Rhian, nagulat ako ng makita kita, you just look like her. Hehehe! Diba lablab?" 

Wow! I can't believe this.

"Oo nga eh. Kamukha mo si Althea, Ms.Glaiza, pero sorry to say this ah, mas malakas ang dating ng lablab ko! Hahaha"

"Ikaw talaga!" Sabi naman ni Althea kay Jade.

"Sige mauna na kami ni Jade. Ihahatid ko pa siya sa dada niya eh. Thank you for this opportunity Ms.Glaiza. Sana sa weeding niyo, ako ulit kunin niyo. Sige, alis na kami."

"Thank you Althea, hindi ko to magagawa kung hindi dahil sa tulong mo."Glaiza said.

"Sige Ms.Rhian, alis na kami." Sabi naman ni Jade sa akin.

Umalis na yung dalawa. Nagtawanan na lang kami ni Glaiza sa nangyari.

I can't wait to marry you Glaiza De Castro Galura.

-----
AN:

HAPPY BIRTHDAY RHIAN! :)

Sana nagustuhan niyo tong UD ko. Hahahaha!

Good Morning btw. Happy Monday! :)

Don't forget to vote. :)

Continue Reading

You'll Also Like

359K 8.6K 91
Abbigail Alejo isang mayamang dalaga na makikilala ang isang babaeng simple at hindi kasing yaman nya, si Samantha Madrigal na syang magpapabago sa b...
535K 14.2K 32
Meet, DENNISE YEN - Ang QUEEN BEE sa kanilang paaralan. Lumaking Spoiled-Brat.. Na palaging nakukuha ang ano mang gusto. Hinahangaan at kinatatakutan...
469K 13.7K 56
No description . Basta basa lang 😁😁.
81.1K 3.2K 38
ayon sa iba, Ang GREATEST LOVE raw ang hinding-hindi mo makakalimutan sa lahat. Ang GREATEST LOVE raw ang nagturo sayo kung paano totoong magmahal...