Please don't forget to:
•Vote
•Comment; and
•Share
Thank you!
×××♠♠♠×××
Xx Kiersten's P.O.V xX
Nandito kami ngayon sa kotse ni Sky. Si Kyle at Steven nasa backseat, nasa front naman ako. Syempre, si Sky ang driver..
Pupunta kami ngayon ng Mall para bumili ng damit at gamit ko. Wala namang nagreklamo sa kanila, alam ata nila na magta-tantrums ako pag hindi nila ako sinamahan.
Nung makarating kami sa Mall pumunta kaagad kami sa mga stores na bibilan ko. Pero yung huli naming pinasukan na store ang ikinatuwa nina Kyle at Steven..
"Ayaw!" Sigaw ko sa kina Kyle at Steven. Pinagsusuout ba naman ako ng santa claus na costume. Wala pang christmas oy..
"Bakit ba ayaw mo? Cute kaya si Santa Claus." Sabi ni Steven. Habang hawak hawak yung beard. at yung sumbrero.
"Hindi naman ako lalaki eh, atsaka hindi ako mataba 'no!" Sabi ko sa kanila.
"Hindi daw mataba.." Bulong ni Kyle. Pinanliitan ko siya ng mata.
"May sinasabi ka?" Tanong ko sa kanya at umiling lang siya.
Hmph! Mga bully sila!
"Kiersten come here." Napatingin ako kay Sky and I saw that his holding something from his back. Ngumiti ako ng malapad at lumapit sa kanya.
"Eh? Ano yan?" Tanong ko sa kanya.
"Wala." Sabi niya. My forehead creased in confusion.
:/ [Slant face..]
"Eh bakit mo ko tinawag?" Tanong ko sa kanya.
"What would you choose? Bears or cats?" Tanong niya sa akin.
Oo nga 'no? Ano ba? Hmmm..
Bears are big and cute while cats are small and cute..
I would... "I would choose both!" Nakangiting sabi ko sa kanya.
Tumango-tango naman siya. "Yun lang ba gusto mong itanong?" Tanong niya sa akin.
"Yeah." Maikling sagot niya.
Ah~ umalis na ako sa tabi niya at pumunta kina Kyle. "Mabibilan kaya nila ako ng cellphone?" Tanong ko sa sarili ko.
"Oo naman, si Sky pa. Yaman yaman ng mokong na yun eh." Gulat akong napatingin sa likod ko. And there I saw Kyle.
"Uhmm.. Pwede bang magkunwari kang wala kang narinig?" Nahihiyang sabi ko sa kanya.
Tinap niya yung ulo ko then bigla niya akong binelatan..
"Kiersten, 'wag mong pansinin yun. May mood swings yun.." Biglang sabi sa akin ni Steven.
Woah! How did he get in my side so fast?
"Kiersten. Tapos ng magbayad si Skyler, uwi na tayo nang makapag pahinga ka na.." Sabi niya sa akin. Tumango ako at naglakad na kami palabas ng Mall. Habang naglalakad bigla nagsitaasan yung balahibo ko.
"Uhmmm.. Sky, malapit na ba tayo?" Tanong ko kay Sky na naglalakad sa harap namin nila Kyle.
Huminto siya at tumingin sa akin. "Bakit? Pagod ka na ba?" Tanong niya sa akin.
"Hehe, kasi..kanina pa ko kinikilabutan dito eh. Tingnan mo oh, nakataas lahat ng skin hair ko." Sabi ko sa kanya.
"Baka nilalamig ka lang.." Sabi niya sa akin.
Eh? "Hindi eh..parang...parang may sumusunod sa atin." Sabi ko sa kanya, nagulat ako nung biglang huminto sa paglalakad sila Kyle at Sky.
"Bakit? May problema ba?" Tanong ko sa kanila. Tumingin sila sa akin kaya naman nagkaroon ako ng 'confused' face.
"Ahh.. Wala." Sabay nilang sabi.
Hmmm...something smells fishy.
Pinanliitan ko silang tatlo ng mata at nakita kong sabay sabay silang napalunok.
Oh! I made Sky nervous!
Why are they so nervous anyway?
Nung makarating kami sa kotse sumakay na kaagad kami. Habang nagdr-drive si Sky napatingin ako sa bintana at nanlaki yung mata ko.
"STOP!"
Screeeeech!
Napatingin sa akin si Sky na punong puno ng pag-alala ang mukha. "What's wrong?" Nag-aalalang tanong niya sa akin.
Chill ka lang, Kiersten..
"A-ah... Hehe, wala lang." Sabi ko, "uhmm.. Sky? Pwede bang bumili ng starbucks?" Tanong ko sa kanya. Tinitigan niya muna ako tapos tumango.
Tumingin ako sa bintana, isinandal ko yung ulo ko at pumikit.
-_____-zZZzz
Xx Skyler's P.O.V xX
Napatingin ako kay Kiersten na natutulog. Some part of me is worried about her.
I mean...why would she shout earlier? And the fact that she can sense that someone is following us..
Naramdaman ko din kanina na parang may sumusunod sa amin, and I know that Kyle and Steven felt it too.
"Skyler, sa tingin mo. Ano.. Sino yung nakita ni Kiersten kanina?" Tanong sa akin ni Kyle.
"Sigh.. Sakto kasing pagtingin niya sa bintana sumigaw siya eh." Dugtong ni Steven.
Even I don't know. I don't have time to observe my surroundings cause I'm busy with driving.
Tch. I think some of our enemy got inside our base.
Yung Lee University, yung mall kanina, at itong dinadaanan namin ngayon ay base namin.
Kaya kami kilala dahil sa nasa amin ang pinaka malaki at pinaka malawak na base. We're also known for being the richest group. My members know that I have a fiancé. They even want me to bring her in our HQ (headquarters).
I want to bring her there too, but, some part of me is scared that she would freak out whe she found out what we actually do.
Sigh..
What's happening to people this days?
Nung makarating kami sa Starbucks, si Steven at Kyle ang pinabili ko. What? They're the one who knows what Kiersten's favorite.
-___- nasermonan pa nga ako eh..
"Aba! Ikaw ang fiancé dapat may alam ka sa mapapangasawa mo!" Sigaw ni Kyle.
"Shhh! 'Tong g*go na 'to ang ingay-ingay.." Sabi ni Steven.
"Tsk, ingay lang. Pag ingay-ingay iba na yun.." Binatukan siya ni Steven at ayun... nagbatukan sila.
"Tch, I have my own way of knowing her favorites so.. get out now or else.." Sabi ko at nag akmangay kukunin dun sa gilid nung upuan ko.
Nagmadali silang lumabas ng kotse, bago pa nila isarado yung pinto nagsalita si Kyle. "Haay, Primo naman, walang ganyanan. Duga mo naman eh.. Ngayon lang 'to, ha?" Sabi niya tapos tumakbo na sila papasok ng Starbucks.
Tch.. Gays.
Habang naghihintay, kinapa ko yung bulsa ko..
Fvck, where's my phone?
"• • •"
I face palmed when I remembered where it was..
"Kiersten, wake up." Sabi ko sa kanya habang yinuyugyog ko siya.
"Hmm?" Umupo siya ng maayos at tumingin sa akin with those sleepy eyes. "N-- yaaawn nandito na ba tayo?" Sabi niya, lalabas na sana siya ng kotse nung hawakan ko yung kamay niya..
Dug dug.!
Napahinto si Kiersten at tumimgin sa akin. "Nasa Starbucks pa lang tayo." Sabi ko sa kanya.
"Oh.. Sorry." Sabi ni Kiersten, binitawan ko yung kamay niya at umupo ng maayos.
Ano ba 'tong nararamdaman ko? Parang may karera sa puso ko ngayon..
"Kiersten, c-can I have my phone back?" Mahinahon na tanong ko. Tiningnan niya yung kamay niya, at ngumiti.
"Oh.. Thank you nga pala." Sabi niya tapos iniabot na niya sa akin yung cellphone ko.
Naging tahimik kami ng ilang minuto bago magsalita si Kiersten. "Uhmm.. Sky, pwede mo ba akong turu--"
"Wooh! Grabe! Ang daming tao sa loob." Biglang sabi ni Steven na kakapasok lang sa kotse. "Oh Kiersten, gising ka na pala. Eto nga pala yung chocolate chip frappe mo." Sabi ni Steven at iniabot yung frappe ni Kiersten.
"Ano nga pala yung sasabihin mo?" Tanong ko kay Kiersten.
"A-ahhh.. Ehh.. Hehe, wala. Kalimutan mo na yun." Sabi niya sa akin at humigop siya sa frappe niya. "Oo nga pala..
Nasan si Kyle?" Tanong ni Kiersten.
"STEVEEEEEN!" Dinig namin sa isang pamilyar na boses.
"Skyler, bilis!" Sabi ni Steven sa akin at napa smirk ako.
Sorry, Kyle..
××××ו••×××××
Sorry sa short chapter.
Happy Reading! Oh and...
Malapit na...