Hi Chat Love On - Completed

Oleh maentblack

1M 35.3K 1.8K

Highest Rank Achieved: Rank #10 in Teen Fiction Start Date: 2016 End Date: October 31,2016 Written by: maen... Lebih Banyak

P R O L O G U E
CHAPTER ONE
CHAPTER TWO
CHAPTER THREE
CHAPTER FOUR
CHAPTER FIVE
CHAPTER SIX
CHAPTER SEVEN
CHAPTER EIGHT
CHAPTER NINE
CHAPTER TEN
CHAPTER ELEVEN
CHAPTER TWELVE
CHAPTER THIRTEEN
CHAPTER FOURTEEN
CHAPTER FIFTEEN
CHAPTER SEVENTEEN
CHAPTER EIGHTEEN
CHAPTER NINETEEN
CHAPTER TWENTY
CHAPTER TWENTY-ONE
CHAPTER TWENTY-TWO
CHAPTER TWENTY-THREE
CHAPTER TWENTY-FOUR
CHAPTER TWENTY-FIVE
CHAPTER TWENTY-SIX
CHAPTER TWENTY-SEVEN
CHAPTER TWENTY-EIGHT
CHAPTER TWENTY-NINE
CHAPTER THIRTHY
CHAPTER THIRTY-ONE
CHAPTER THIRTY-TWO
CHAPTER THIRTY-THREE
CHAPTER THIRTY-FOUR
CHAPTER THIRTY-FIVE
CHAPTER THIRTY-SIX
CHAPTER THIRTY-SEVEN
CHAPTER THIRTY-EIGHT
CHAPTER THIRTY-NINE
CHAPTER FORTY
CHAPTER FORTY-ONE
CHAPTER FORTY-TWO
CHAPTER FORTY-THREE
CHAPTER FORTY-FOUR
CHAPTER FORTY-FIVE
CHAPTER FORTY-SIX
CHAPTER FORTY-SEVEN
CHAPTER FORTY-EIGHT
CHAPTER FORTY-NINE
CHAPTER FIFTY
EPILOGUE
HI CHAT LOVE ON
PLAYLIST
FAQs

CHAPTER SIXTEEN

18.5K 659 2
Oleh maentblack

Ashfaith Hernandez

" Hoy Ash yung cellphone ko! " Nabalik ang diwa ko nung kumatok ulit si Oliver.

Mas lalo akong naguluhan sa nakita ko. Mas lalong dumami ang mga tanong. Gusto ko na talaga syang tanungin!

" O-oo sandali lang. Binubura ko lang! "-nabura ko na naman e, nagsinungaling lang ako sa kanya. Ibinalik ko ulit sa camera yung cellphone nya.

" Oh ayan na! --Kung gusto mo kasing picturan ako, magpaalam ka na lang. Po-pose pa ko kung gusto mo. "-nagkunwari akong hindi ko nakita yung nakita ko ..

" Psh! Ipopost ko pa naman sana sa wall ko yon! Bahala ka na nga, tutulog na ko! "

" Bat dyan ka pupunta? Ayun ang kama mo diba? "-humiga kasi sya sa sofa, ano na namang nangyare dito?

" Ikaw na dyan sa kama. Nakatulog na naman ako dyan kagabi e. "-pagkasabi nya non, nagtaklob na sya ng kumot.

Hindi naman maalis sa labi ko ang ngiti.

**

Hindi na naman ako makatulog. Sinilip ko si Oliver sa sofa, tulog na. Aba buti natitiis nya.

Bakit kasi ganon? Tuwing pipikit ako, nagpaflash yung nakita ko kanina. Ano bang ibig sabihin non? Sigurado akong may meaning yon e! Waaaaaa. Kailangan ko ng sagot! Makukuha ko lang yun kung tatanungin ko si Oliver. Pfft. Kaya ko to! Tatanungin ko na sya bukas. Promise. Huhuhuhuhu. Curiousity kills me!

Pinilit kong matulog kahit di ako makatulog.

Zzzzzzzzzzz.

Waaaa. Bat ang aga ko magising? Anong oras na ba? 5:25 AM lang oh. Tsk. Bahala na nga.

Pagkatapos kong maligo, pumunta ako sa may tapat ng pool. Iniwan ko muna si Oliver, tulog pa naman sya e.

Mag-iisip din muna ako kung paano ako magtatanong sa kanya. Waaaaa, ako ba talaga ang gagawa ng move? Oo na nga lang! Ang dami na talaga kasing nagstock na tanong sa utak ko e. Mababaliw na ko. Nakakabaliw si Oliver! Pota.

Paano ko nga ba itatanong sa kanya yon?

Makapagrehearse muna. Hays.

Umupo ako dun sa isang table na may taklob na rainbow umbrella, nakaharap ako sa pool. Ang ganda naman ng pool. Sayang lang kasi di ko sya magagamit kahit kailan. Hays. :(

" Hoy Ash! "

Nagulantang ako sa boses na narinig ko. Hay nako! Bat nandito sila? Sinusundan ba nila ako? Bwisit naman oh! Di ako makakapag-isip.

Tinignan ko lang sila.

" Umalis ka dyan! Pwesto namin yang tatlo! "-tangina? Talaga lang ha? Kung saan ako nakapwesto yun pa ang kukunin nila? Ang dami kayang vacant table.

" Sigurado ka ba? Pwede namang dun kayong tatlo diba? "-itinuro ko yung ibang vacant table.

" Ayaw namin don! Gusto namin dito sa pool view! Dun ka na nga! "-itinulak ako ni Trinny. Aba't napakawalangya ah!

" Girls lagyan nyo nga yan ng sanitizer! Baka mahawa tayo ng KALANDIAN nyan! "-ani Andrea.

" Ano bang pinagsasasabi mong hayop ka? Naghahamon ka ba ng away ha? "-napuno na ako. Sabihan ba naman ako ng malandi! Tangina, magkamatayan na kung sino ang flirt saming dalawa!

" Totoo naman diba? Pinagsasabay mo lang naman sina Keith at Oliver! Ashfaith ano ba? Stop acting na hindi ka flirt! Magpakatotoo ka nga sa sarili mo! Ang LANDI MO! Manang mana ka siguro sa nanay mo! SLUT GIRL! "

Hindi na ko nakapagpigil. Sinabunutan ko na si Andrea. Waaaaaa! Nakakahighblood.

Narinig kong paparating na sina Oliver, Deniel, Patrick, Six at sina Sir.

Hindi pa rin kami tumitigil ni Andrea sa pagsasabunutan.

Hindi talaga ako titigil. Dinamay nya pati ang mama ko!

Naramdaman kong may humawak sa bewang ko. Shet, binalot ng braso nya ang buong bewang ko.

" Tama na yan! Ano ba? "-nakita ko na lang na karga ako ni Oliver tapos hawak hawak ni Keith si Andrea.

" Bakit ba kayo nag-aaway? Kababae nyong tao, kayo pa ang gumagawa ng gulo! "-sigaw ni Sir. Galit na galit sya samin.

" Yan po kasing malanding yan! Sya ang nagsimula! "-dinuro duro pa ako ni Andrea.

" Oliver bitawan mo ko! Gaganutan ko yang babaeng yan! "-nagpupumiglas ako kay Oliver.

" Ash ano ba! Tumigil ka nga! "-sabi ni Oliver.

" Ano sige! Lumapit ka! Napakalandi mong babae ka! Laspag ka na no! "-dagdag pa ni Andrea.

" Andrea tama na sabi e. "-sumigaw din si Keith.

Sa sobrang galit ko, umalpas ako sa pagkakahawak ni Oliver.

Hinigit ko ang buhok ni Andrea papalapit dun sa pool. Dun nya din kasi ako tinutulak.

" Ano? Sinong malandi satin ha! Sinong flirt satin! "-sinasabunutan ko si Andrea. Gigil na gigil ako.

Inaawat ako ni Oliver pero hindi ako magpapigil.

" ASH TAMA NA SABI EH! "

Sa sobrang lakas ng pagtulak sakin ni Oliver . . .

*blagsh*

Sa sobrang lakas ng tulak sakin ni Oliver, nahulog ako sa pool.

Ang kinatatakutan kong mangyare!

Hindi ko alam kung saan ako kakapit.

Hindi na ako makahinga. . .

Nauubusan na ako ng hangin. . .

Kailangan ko ng hangin. . .

NALULUNOD NA KO. . .

Naramdaman ko na lang na lumulubog na ko pababa,

Pero bago ako bumaba sa pinaka-ibaba, naramdaman kong may humawak sa kamay ko at kinuha ako. Hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari kasi nawalan na ako ng malay.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

" Ash! --Ash gising! "

.
.
.
.

" Ash gumising ka."
.
.
.

Napabuga ako ng tubig.

Hindi ko inaasahan na mabubuhay pa ako.

Pagkatingin ko sa gumigising sakin, nakita ko si Keith.

Niyakap ko agad sya. Takot na takot ako.

Umiiyak ako sa balikat nya.

Sa totoo lang, may trauma ako sa pool. 7 years old ako nung malunod ako, nadulas kasi ako nun e. Kaya simula nung lumaki ako, hindi na ako nagtanggkang maligo sa pool o sa dagat. Natatakot ako.

" Ash, tahan na. "-hinagod ni Keith ang likod ko.

Yakap yakap ko pa rin sya habang umiiyak ako.

Salamat Keith sa pagligtas mo.

Salamat.

**

Bukas na pala ang uwi namin. Mabuti pa nga at umuwi na kami, ayoko nandito. Ayoko na.

Nasa may puno kami ng niyog ni Keith. Sinamahan nya muna ako.

Binalot nya ako ng towel para hindi ako lamigin.

" Ano ba kasing nangyare? "-tanong ni Keith.

Tumulo ang luha ko. Pinahid ko agad yon.

" Nakakasakit na kasi si Andrea. "

" Ash, sorry kung wala ako dun nung sinasaktan ka nya ha. Sorry kung hindi ikaw yung hinawakan ko. "

" Okay lang yon Keith, tinulungan mo naman ako dun sa pool e. --Salamat nga pala ha. Siguro kung hindi mo ko sinagip, malamang wala na ko. Dedbadi na siguro ako. Palutang lutang dun sa pool."

Napakunot noo si Keith.

" Wala man lang bang 'your welcome' dyan? "-biniro ko sya kasi napakaseryoso nya e.

" Hahahahaha. -- Pero Ash, sana nga ako na lang yung nagsagip sayo. "-anong sinasabi nya?

" Ha? --A-anong ibig mong sabihin na sana ikaw na lang? "

" Ash, -- si Oliver ang nagligtas sayo. Dali dali syang tumalon sa swimmingpool para sagipin ka. Kilala ko din si Oliver, ayaw non sa swimmingpool, nagulat nga kami nina Six. "-nagsimulang magkwento si Keith. Close ba sila?

Tinignan ko lang sya. Alam nya na kung anong ibig kong sabihin sa tingin nyang yon. Ituloy nya ang kwento.

" Nung 14 years old sya, namatay yung bunsong kapatid nya sa pool, and guess what, sya pa yung may kagagawan. Itinulak nya kasi yung kapatid nya e. Naglalaro lang sila non, pero napasobra yung harutan nila, kaya ayon, ayaw na ayaw nyang makakakita ng pool. Naglakas loob lang syang talunin yung pool kahit ayaw nya."

Seryoso ba si Keith? Gaano nya ba kakilala si Oliver? Bakit alam nya ang past ni Oliver? Dati ba silang magbestfriend? Tropa? Pards?

" Nakakapanghinayang nga na hindi ako yung nagligtas sayo. Sa totoo lang, hindi talaga ako marunong lumangoy. "-napatawa naman si Keith sa sinabi nya. Ngumiti lang ako.

" Pero bakit hindi ko sya nakita nung nagmulat ako? "-tanong ko.

" Naguilty siguro. "-maikling sagot ni Keith.

Natigilan ako sa sinabi nya.

Si Oliver ang may dahilan kung bakit muntik na naman akong mamatay. Pero si Oliver din ang dahilan kung bakit ako nakaligtas.

May trauma din pala sya sa pool. At sa pagkakataong yon, niligtas nya pa rin ako kahit ayaw nya.

Kailangan kong makita si Oliver...

Wle

Lanjutkan Membaca

Kamu Akan Menyukai Ini

10.4M 225K 64
He's handsome, freakin' hot, snob, cold, campus hearthrob, model, popular. Sinong babae ang hindi magkakagusto sa kanya kahit sa unang tingin? Sinong...
388K 25.7K 94
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
64K 1.1K 24
Tourism Girl's Series#1
1.9M 79.6K 45
Alluring Series #1 Eris Julian Monterico Started: March 30, 2020 Finished: June 30, 2020 All rights reserved 2020 Credits to Voltage Inc for the back...