Hi Chat Love On - Completed

By maentblack

1M 35.3K 1.8K

Highest Rank Achieved: Rank #10 in Teen Fiction Start Date: 2016 End Date: October 31,2016 Written by: maen... More

P R O L O G U E
CHAPTER ONE
CHAPTER TWO
CHAPTER THREE
CHAPTER FOUR
CHAPTER FIVE
CHAPTER SIX
CHAPTER SEVEN
CHAPTER EIGHT
CHAPTER NINE
CHAPTER TEN
CHAPTER ELEVEN
CHAPTER TWELVE
CHAPTER THIRTEEN
CHAPTER FOURTEEN
CHAPTER SIXTEEN
CHAPTER SEVENTEEN
CHAPTER EIGHTEEN
CHAPTER NINETEEN
CHAPTER TWENTY
CHAPTER TWENTY-ONE
CHAPTER TWENTY-TWO
CHAPTER TWENTY-THREE
CHAPTER TWENTY-FOUR
CHAPTER TWENTY-FIVE
CHAPTER TWENTY-SIX
CHAPTER TWENTY-SEVEN
CHAPTER TWENTY-EIGHT
CHAPTER TWENTY-NINE
CHAPTER THIRTHY
CHAPTER THIRTY-ONE
CHAPTER THIRTY-TWO
CHAPTER THIRTY-THREE
CHAPTER THIRTY-FOUR
CHAPTER THIRTY-FIVE
CHAPTER THIRTY-SIX
CHAPTER THIRTY-SEVEN
CHAPTER THIRTY-EIGHT
CHAPTER THIRTY-NINE
CHAPTER FORTY
CHAPTER FORTY-ONE
CHAPTER FORTY-TWO
CHAPTER FORTY-THREE
CHAPTER FORTY-FOUR
CHAPTER FORTY-FIVE
CHAPTER FORTY-SIX
CHAPTER FORTY-SEVEN
CHAPTER FORTY-EIGHT
CHAPTER FORTY-NINE
CHAPTER FIFTY
EPILOGUE
HI CHAT LOVE ON
PLAYLIST
FAQs

CHAPTER FIFTEEN

19.5K 670 17
By maentblack


Ashfaith Hernandez

Pagkatapos naming kumain, nagpunta muna ako ng room namin ni Oliver. Magpapalit kasi ako ng damit, nilalamig ako. Kukuha din ako ng jacket. Pagkakuha ko ng jacket sa maleta ko, chineck ko ang cellphone ko.

"Hala si Mama. Nakalimutan kong replyan." Dali dali akong nagtype ng message para sa kanya.

To: Mama
" Ma sorry kung ngayon lang ako nakareply, nakatulog na po kasi ako kagabi. Nandito na po ako sa Batangas. I love you Ma, ingat ka po dyan! I miss you so much! Mwuah! "

Pagkatapos nun ay iniwan ko na ulit yung cellphone ko. Baka kasi mabasa sa dagat. Pumunta na ako dun sa mga kaklase ko. Ang ganda ng bonfire, sana may mallows.

Umupo na ko dun sa may kahoy. Bakit wala pa yung iba? --Wala pa din si Oliver at Keith? Nasan na yung dalawa? Psh. Baka nangchichicks,--pero iba si Keith e, baka si Oliver pa! Cactus yon.

Habang nag-iihaw ako ng mallows, may biglang humalbot ng stick ko. Aba! Bastos ah! Naramdaman ko din na umupo sya sa tabi ko. Inalis ko ang hoodie na nakapatong sa ulo kaya ayun, nakilala ko na! Psh, at sino pa nga ba?

" Akin yan e! "-inaagaw ko yung stick sa kanya.

" Sinong may hawak ngayon? "

" Ikaw! "

" Edi akin na to. "-pagkasabi nya non, sinubo nya agad! Bwisit! Yung mallows ko!

" Nakakainis ka naman e! Bakit ba hindi ka gumawa ng iyo? "

" Tinatamad akong mag-ihaw! Dali, isa pa! Mag-ihaw ka pa. "-ibinigay nya sakin yung stick.

" Ayoko nga! Magluto ka ng iyo! "-inihagis ko sa side yung stick nya. Bahala sya. Gagawa ako ng akin! Para sakin lang.

" Ang damot mo naman! Bahala ka, hindi ka makakapagluto ng wala nito! "-inagaw nya sakin yung mallows. Seryoso? Para tuloy akong nakikipag-away sa bata! Psh!

" Oo na sige na, iluluto na kita! Baby boy! Pfftt. "-inasar ko sya.

" Wag ko nga akong tawaging baby boy! Pogi pwede pa. "

" Yuck! Mandiri ka nga! Akin na yang mallows! Supalpal ko yan sa bibig mo e. "-itinusok ko na yung mallows sa stick.

"Gawin mo nga. "-hinahamon nya ba ko.

" Pag nagawa ko wag kang gaganti? Aray! "-nakakaasar naman kasi si Oliver! Yan tuloy natusok ko pati yung darili ko! Psh! Ang hapdi.

Nagulat ako ng biglang kunin ni Oliver yung hintuturo ko.

" Yan kasi! Napaka-clumsy! Pagtutusok lang ng mallows dipa magawa ng maasyos! Psh! "Aba, kasalanan mo kaya!

" Ano masakit pa? " Bakit ganyan sya makatingin! Natutunaw ako na parang ice cream! Ice cream? Psh, nagutom tuloy ako.

" Hindi na! Okay na! "-pagkasabi ko nun, dumating na naman yung iba naming kaklase. May dala silang unan, kumot, gitara at iba pang music instruments na magaan, tulad nung maliit na tambol.

Ngayon, hindi na tumabi sakin si Keith, nasa tabi ko kasi si Oliver. Iniiwasan ata ni Keith si Oliver?

" Okay, tara tumugtog? Sinong kakanta? "-pangunguna ni Sir.

" Sir si Six."-sabi ni Ice.

" Nako wag na, baka umulan, sayang ang trip natin."-lalo kaming natawa kay Sir.

" Sir si Oliver na lang po! "-sabi ni Andrea.

" Oo nga sir! "-ani Trinny.

" Si Baby Oliver na nga lang, mas feel ko kapag nakanta sya! Diba girls? "-ani Lea.

Tumugon naman yung iba kong kaklase.

"Okay, Oliver, you sing, then six, ikaw sa drums and Keith, you know how to play guitar naman diba? "-sabi ni Sir.

" Yes sir, I can. "-kinuha ni Keith yung gitara kay Six tapos nagpalit silang dalawa.

Nagsimula ng itipa ni Six at ni Keith ang intro. Halaaa, Terrified 'yon ah.

You by the light is the greatest find
In a world full of wrong you're the thing that's right
Finally made it through the lonely to the other side

Eto na naman po, kumakanta na naman si Oliver, nasa tabi ko pa sya! Tumitili ako sa utak ko lang, pero sina Andrea, sobrang lakas ng sigaw, napapatingin na nga samin yung mga dumadaan.

You set it again, my heart's in motion
Every word feels like a shooting star
I'm at the edge of my emotions
Watching the shadows burning in the dark,
And I'm in love and I'm terrified.
For the first time and the last time
In my only life.


Lalong namangha ako kay Oliver. Ang ganda talaga ng boses nya. Habang nakanta sya, tinititigan ko yung labi nya. Maniac mo Ash! Napalunok tuloy ako.

And this could be good, it's already better than that
And nothing's worse than knowing you're holding back
I could be all that you're needing if you let me try


Habang kumakanta sya, nakatingin sya sa malayo. Nagulat naman ako ng bigla syang nagside papaharap sakin.

You set it again, my heart's in motion
Every word feels like a shooting star
I'm at the edge of my emotions
Watching the shadows burning in the dark
And I'm in love and I'm terrified
For the first time and the last time
In my only .


**

Pagkatapos ng nakakabaliw na gabing ito, pumunta na kami sa mga rooms namin. Parang ayoko ng makasama si Oliver sa iisang kwarto. Hindi ako makahinga. Ang hirap huminga kapag malapit sya sakin. Ang hirap kasi kapag kinikilig, parang gusto ng sumabog ng puso mo.

Naguguluhan na talaga ako kay Oliver. Ayoko naman na mag-assume pero hindi naman ako manhid. May gusto din kaya sya sakin?

"Ash tara na! "-nagulat ako nang may magpatong ng braso sa balikat ko.

O tignan nyo na? Paano ko hindi iisipin na gusto nya rin ako? Tignan nyo nga sya. Tignan nyo sya kung paano ako itrato. Inakbayan pa ako ni Oliver! Waaaa. Gusto ko syang tanungin kaso baka mali ako! Nakakahiya naman no! Ayokong ako yung gumagawa ng first move.

"Hoy! Teka nga. "-inalis ko ang braso nya. Ang bigat e.

" Anong problema mo? "-tanong nya. Ay, nasa room na pala kame.

" Bakit mo ko inaakbayan ha? "

" Akbay ba tawag mo don? Hahahahaha. Pftt, hindi yon akbay. "-pagkasabi nya non naghubad sya ng tshirt nya. Owemji!

" Ho-hoy! A-ano ba yang ginagawa mo? Bakit ka naghuhubad! Isuot mo nga yan. "-nagtakip ako ng mata gamit ang dalawa kong kamay.

" Okay na!" Pagkasabi nya non, inalis ko yung taklob sa mata ko tapos dumilat ako.

" Waaaaaaaaa! –Diba sabi ko magdamit ka! "-grabe, may abs pala sya! Pwe! Erase erase.

Ano bang nangyare sa lalaking to? Nakadrugs ba sya? Nagbago na naman ang mood. Bati na ba kame? Tangina Oliver!

" Come here. "-waaa inaakit nya ko!

"Anong come here! Tumigil ka nga! Nakakaakit—este nakakadiri ka! "-halos takbuhin ko na yung buong kwarto wag lang akong mahawakan ni Oliver! Grabe! Ano ba talagang kinain nito at nagkaganito to?

"Lagot ka sakin pag nahuli kita! "-mas bumilis ang takbo ko nung habulin nya din ako. Enebe? Natatakot na ko!

Help! Help! Rapist Alert! Help.

Nagtago ako dun sa may gilid ng dalawang magkatabi na kabinet. Tutungo lang ako para di nya ko makita.

" Hoy Abo, nasan kana! Hahahahaha. "-Oliver nakabatak ka ba? Huhuhu. Mama! Nakarinig ako ng yabag papalapit sakin.

Pagkamulat ko, nakita ko yung paa at tuhod nya sa harap ko. Waaaa, nakita nya ko. Help!

" Waaaaaaaa! "-buti na lang at nakabukaka sya kaya lumusot ako dun sa pagkakabukaka nya.

Makakalayo na sana ako pero hinawakan nya ang paa ko. Oliver ano bang ginagawa mo? Tinatakot mo na ko.

" Di ka na makakatakas sakin. Hahahaha. "-yung tawa nya parang kontrabidang gwapo! Waaa. Enebe!

Pumikit ako ng madiin. Waaa, pumaibabaw sakin si Oliver! Oliver ano ba! Ang harot mo!

" Open your eyes. "-naramdaman ko ang init ng hinginga nya.

Open my eyes daw? Bakit?

" I said open your eyes. "-natakot ako kaya binuksan ko ang mga mata ko.

*Click*

" Hahahahahahahahahahaha! "-tawa na lang ang naririnig ko kay Oliver.

" Walangya! Ang sakit sa mata ha! Ang sakit ng flash! Hayop ka! "-kinusot ko ang mata ko, feeling ko nanlalabo sya. Blurred!

Tinignan ko si Oliver, medyo aninag ko na yung mukha nya.

Nakahawak sya sa abs—este sa tiyan nya habang tumatawa. Feeling ko pagod na pagod na syang tumawa, waaaa, pinagtatawanan nya yung picture ko na kinuha nya. Bwisit! Pipicturan lang pala ako, ginamit nya pa yung pa-ganon effect nya!

" Ang pangit mo dito! Hahahahaha. "-tumawa na ng tumawa. Pft.

Lumapit ako sa kanya.

" Idelete mo nga yan! "-pilit kong inaagaw sa kanya yung cellphone nya.

" Akin na yan! –Hoy yung cellphone ko! "

" Idedelete ko muna to! –sandali! Hoy! –"

Ang likot nya makipag-agawan.

Nagtatakbo ako dun sa may CR.

Hahaha, buti na lang mabilis ako tumakbo.

Isinarado ko agad yung pinto.

" Hoy Ash pag hindi mo yan binalik sakin lagot ka! Ash—"-kinakatok nya ng malakas yung pinto.

" Idedelete ko lang naman e! "-sagot ko.

*DELETED*

" Okay tapos na. "-lalabas na sana ako ng CR ng may makita akong kakaiba pagkaclick ko nung home. Totoo ba to? Bakit mukha ko ang nakalagay sa home screen nya?

Continue Reading

You'll Also Like

175M 3.7M 76
Sa Kingdom High kung saan magkakaaway ang mga lalaki at babae, posible bang may mabuong relasyon at pagkakaibigan? (Completed. Published under Pop Fi...
2M 71.1K 56
Ano ang gagawin mo kung humingi sa 'yo ng favor ang bestfriend mo na magpapanggap ka bilang Girlfriend ng Boyfriend niya? Papayag ka ba? Kilalanin na...
17M 730K 41
Isabelle Dizon was perfect. A straight A business course student, a sensible lady, a responsible daughter any parent would wished for. But she felt s...