Hi Chat Love On - Completed

De maentblack

1M 35.3K 1.8K

Highest Rank Achieved: Rank #10 in Teen Fiction Start Date: 2016 End Date: October 31,2016 Written by: maen... Mais

P R O L O G U E
CHAPTER ONE
CHAPTER TWO
CHAPTER THREE
CHAPTER FOUR
CHAPTER FIVE
CHAPTER SEVEN
CHAPTER EIGHT
CHAPTER NINE
CHAPTER TEN
CHAPTER ELEVEN
CHAPTER TWELVE
CHAPTER THIRTEEN
CHAPTER FOURTEEN
CHAPTER FIFTEEN
CHAPTER SIXTEEN
CHAPTER SEVENTEEN
CHAPTER EIGHTEEN
CHAPTER NINETEEN
CHAPTER TWENTY
CHAPTER TWENTY-ONE
CHAPTER TWENTY-TWO
CHAPTER TWENTY-THREE
CHAPTER TWENTY-FOUR
CHAPTER TWENTY-FIVE
CHAPTER TWENTY-SIX
CHAPTER TWENTY-SEVEN
CHAPTER TWENTY-EIGHT
CHAPTER TWENTY-NINE
CHAPTER THIRTHY
CHAPTER THIRTY-ONE
CHAPTER THIRTY-TWO
CHAPTER THIRTY-THREE
CHAPTER THIRTY-FOUR
CHAPTER THIRTY-FIVE
CHAPTER THIRTY-SIX
CHAPTER THIRTY-SEVEN
CHAPTER THIRTY-EIGHT
CHAPTER THIRTY-NINE
CHAPTER FORTY
CHAPTER FORTY-ONE
CHAPTER FORTY-TWO
CHAPTER FORTY-THREE
CHAPTER FORTY-FOUR
CHAPTER FORTY-FIVE
CHAPTER FORTY-SIX
CHAPTER FORTY-SEVEN
CHAPTER FORTY-EIGHT
CHAPTER FORTY-NINE
CHAPTER FIFTY
EPILOGUE
HI CHAT LOVE ON
PLAYLIST
FAQs

CHAPTER SIX

25K 851 18
De maentblack



―Ashfaith Hernandez―


✉✉✉



Waaa, buti na lang at nakalayo agad ako sa kanila. Wushu. Napagod ako. Pero teka, oo nga pala, hindi ako makakaligtas sa kanila kasi kaklase ko sila at ang mas malala, katabi ko pa ang tatlo. Kung pwede nga lang magditch ng class. Kasi naman sya, 'pakiss' daw ba? Syempre magugulat ako don kaya nasuntok ko sya. Mahilig pa naman akong manuntok.

Nagpunta muna ako ng canteen para bumili ng pagkain. Nakahinga ako ng maluwag nung makalabas ako ng canteen na walang nakitang Oliver, Deniel at Patrick. Nilagok ko na yung binili kong softdrinks at kinagatan na ang hamburger.

*KRINGGGG* KRINGGG* KRINGGG*

Hala, ang bilis naman ng recess. Ayoko pang pumasok sa room namin. Napansin kong nawawala na ang estudyante sa ground at pumapasok na sa kanya kanyang rooms. Ayoko talagang pumasok.

Naglakad pa rin ako papuntang room. Kinakabahan ako. Nasa tapat na ako ng pinto, bubuksan ko na lang at eto na. Dahan dahan ko iyong binuksan. Nakapikit pa ko habang binubuksan yon. Hindi pa ko pumapasok kasi baka may trap sina Oliver.

Pero nagkamali ako. Nakita ko silang tatlo na tahimik at may kanya kanyang ginagawa. Gumuhit naman sa bibig ko ang malapad na ngiti. 'Yes' Hindi sila gumanti. Masaya akong binuksan ang pinto ng pagka-wide na wide.

"Good morn—"

*Plok*
*Plok*
*Plok*

"Hahahahahahahahahahahahahahaha!" sila

*Plok*

"Hahahahahahaha!" sila


Tinignan ko muna sina Oliver na tuwang tuwa doon at pinagtatawanan ang nangyari sakin bago ako tumakbo papalayo. Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako. Nakakahiya yung nangyari sakin, sa harap pa talaga ng maraming tao. Sino ba ang hindi mapapahiya sa mahulugan ng apat na ilog sa ulo. Masakit na, malansa pa sa buhok.

Hanggang ngayon, umiiyak pa rin ako habang pinupunasan ang malansang itlog sa buhok ko. Ang daming dilaw.

"Nakakainis naman oh! Sobra naman yung ganti nya saken." Nabubwisit ako habang pinupunasan yung buhok ko. Kawawang buhok.

Nagulat naman ako ng may mag-abot ng panyo sa harapan ko. "Here." boses lalake. Huh? Sino kaya 'to?

Inabot ko yung panyo na ibinigay nya. Hindi ko alam kung saan ko ipupunas, sa luha ko o sa buhok ko? Nakakahiya naman kung sa buhok ko ipupunas kasi may itlog, pero mas nakakahiya kung singahan ko yon. Pero pinunasan ko na lang yung luha ko.

"Hayaan mo na lang sina Oliver." naramdaman kong umupo sya sa tabi ko.

"Hayaan? Eh grabi naman sila gumanti e. Nakakasakit na."

"By the way, I'm Keith Tolentino." inabot nya sakin ang kamay nya.

" Ash—"

"Ashfaith Hernandez. " Alam nya pangalan ko eh di pa naman ako tapos magpakilala.

"Pa-pano mo nalaman ang pangalan ko?" nacurious ako kung bakit.

" I.D. Hahahaha. "

Napakamot ako sa ulo. "Ahh, hahahaha. Oo nga pala, may ID nga pala ako. Hehe. "

"Maligo ka na muna kaya. Ang lansa ng buhok mo." Sabi ni Keith.

"Paano ako maliligo eh wala akong towel at sabon? Tsaka shampoo."

"Halika. Samahan kita." Pagkasabi nya non, hinawakan nya ang kamay ko at binitbit kung saan. Lambot ng kamay nya. Parang hindi lalake.

Nakarating kami sa isang, parang room ng isang player.

"Nagtataka ka siguro kung bakit dito tayo nagpunta no?" ays, paano nya nalaman? ID na naman ba?

"Hahaha, oo." sagot ko.

"Varsity kasi ako ng basketball kaya dito kita dinala. May towel din dito, may extra naman ako kaya yun muna ang ipapagamit ko sayo."-habang sinasabi nya yon ay kinukha na nya yung mga gagamitin ko. "Tsaka yun ang CR, ilock mo ha, hahahaha. May shampoo at sabon na din don. Hintayin na lang kita matapos. "

"Salamat."kinuha ko na yung towel na binigay nya. Nagtungo na din ako sa CR.


✉✉✉


After 30 minutes, natapos din ako. Naglandi pa kasi ako ng tubig e, may heater. Hahahaha. Saya. Lumabas na ako ng CR na fresh na fresh. Salamat kay Keith [Pronounce as: Kit]

"Okay ka na?" nakadikwatro pa syang nakaupo sa blue couch habang nagcecellphone, ang angas nya tignan.

Tumango ako at ngumiti. "Hmm, may suklay ka ba?" nakakahiyang magtanong pero kinapalan ko na ang mukha ko.

"Yah. Eto oh." Inabot nya sakin ang suklay.

✉✉✉



Pagkatapos non ay lunch na. Grabe, first day of school ko, nakapagcut na agad ako ng 2 hours class.Shit. Kasalanan kasi to ni Oliver! Nakakainis.

"Tara, lunch tayo, treat ko."

"Sigurado ka?" tanong ko.

"Oo naman. Tara na." Naglalakad na kami sa hallway papuntang canteen.

"Hi Keith!" bati nung babae. Nakita ko namang ngumiti lang si Keith. Gwapo na, gentleman pa, hindi pa snob tsaka mabait pa!

Nakailang babae din ang bumati kay Keith, nakailang babae din ang umirap sakin, di ko na lang sila pinansin.

"Anong gusto mo?" tinatanong pala ako ni Keith.

" Kaldereta." sagot ko.

"Ahh sige– Ate dalawang order po ng kaldereta at apat na order ng kanintsaka po coke float."-ang takaw naman ni Keith, pero parang hindi sya mataba.Sinusukat ko kanina pa yung braso nya, aba may muscles.

"Ash!– Uy Ash.– Bakit nakakagat labi ka dyan?"

"Ha? Ako? Nakakagat labi? Hindi ah." napaiba naman ang tingin ko. Nahuli nya ata akong nakatingin sa tiyan nya. Naku naman Ash!

"Ano? Tara na?" ngumiti sya. Tumango na lang ulit ako at ngumiti.

"Ang anghang."-halos nakailang tubig na ako, di pa rin maalis ang anghang sadila ko.

"Hahaha, ganyan talaga ang kaldereta dito.Favorite food ko to kaya kapagna-order ako, dinadamihan nila ng silly. Sorry ha, di mo naman sinabi na hindimo kaya ang sobrang anghang, edi sana nasabi ko na wag ng lagyan ng silly."-natatawa si Keith habang pinapanuod akong nagkakaway kaway na sa sobranganghang.

" Ilan ba silly nito? "-nakadila pa ako at pinapahid ng tissue ang labi ko.Maanghang e.

"Anim."-sagot nya sabay subo.

" Seryoso? Grabi ka naman, kaya pala sobrang anghang e. Naapoy na ang ilong ko.Wuuuu. "

" Hahaha, sige next time, isang silly na lang ang iyo."

" Teka, nagditch ka ba ng class para samahan ako? "-tanong ko.

"Hmmm, pwede na rin. Tinatamad din ako sa topic natin kanina e. "-natin? Huh?Ano daw?

" Ha? Kaklase ba kita? "-tanong ko.

"Yep. Haha, nasa unahan lang ako in the right side kaya hindi mo ako nakita.Pero nakita kita nung nagpapakilala ka. " –ang daldal nya.

"Ahh ganun ba."

"Oo, tsaka nakita ko din yung ginawa nina Oliver sayo kaya sinundan kitakanina, mga badboy kasi talaga ang mga yon. Hayaan mo na lang minsan."-ngumingiti yung mata nya kapag nagsasalita.

Hindi ko na muna inintindi yung sinasabi nya. Tinapos ko muna ang kinakain kobago ako makipagkwentuhan kay Keith. Yes, may kaibigan na agad ako.

Habang nagtatawanan kami ni Keith doon dahil sa mga kalokohan nyang ginawa sain the whole year, may biglang umakbay sakin.

"Can we join?" Boses pa lang nya kilala ko na kung sino.

"Anong ginagawa mo dito? "-inalis ko yung pagkakaakbay ng kamay nya. Umupo na naman yung tatlo sa table namin ni Keith. At talagang tumabi pa si Oliver sakin. Walangya.

"Syempre kakain."-kinindatan pa ako. "Ano? Kamusta yung itlog. Hahahahaha. "-tumawa pa ang tatlong bugok.

"Tssss. Keith tara na nga. Tapos na naman akong kumain."-inaya ko si Keith tapos kinuha ko na ang bag ko.

Tumalikod na kami ni Keith sa kanila. Nakakawalang gana, to be honest, di pa talaga ako tapos kumain. Nakakaasar kasi si Oliver, tuwang tuwa pa nung nahulugan ako ng apat na itlog! Bwisit, eh kung batuhin ko kaya sya ng hotdog!

"Aray!"-nakaramdam ako ng sakit dahil may bumato sakin. Pagkatalikod ko, may gumugulong na kalamansi sa sahig. Tinignan ko ng masama si Oliver at sina Patrick! Hindi ako nagkamali, sila nga ang bumato sakin, nagtatawanan pa sila!

Bumalik ako sa table nila. Pinipigilan ako ni Keith pero hindi ako nagpapigil.

"Ano bang problema nyo ha?"-hinampas ko ng malakas yung table.

"Wow, nakakatakot!"-nakipag-appear pa si Oliver tapos tumawa silang tatlo. Sa sobrang inis ko, kinuha ko yung toyo at ibinuhos ko sa damit ni Oliver.

"What the fuck!"-napatayo si Oliver sa kinauupuan nya at nakatingin na samin ang lahat ng nasa canteen.

"Dinumihan mo ang uniform ko!"-oo alam ko. Sinadya ko yan!

"Wala akong pakealam. Kasalanan mo naman e, nakaganti ka na diba? Bakit nyo pa ko binato ng kalamansi? "

"Humanda ka sakin!"-hinila ni Oliver ang kamay ko at kinaladkad ako papuntang ewan. Ewan ko kung san nya ko dadalhin. Napansin ko na lang na nanunuod na ang mga tao samin.

Napaiktad naman ako ng may humawak sa kabila kong kamay. Napatigil din kami ni Oliver sa paglalakad.

"Oliver, bitawan mo sya."-nakakatakot yung pagkafierce ng mukha ni Keith, pero infairness ang angas at ang gwapo nya pa rin.

"Bakit ka ba nangingialam Keith! Umalis ka nga!"-hinila pa ako ni Oliver papunta sa kanya. Aray ang sakit!

"Pati ba naman babae pinapatulan mo na. Di na ako magtataka kung pati matanda, binubully mo. "-ngumisi si Keith at binawi ang kamay ko. Hawak na nila akong dalawa.

"Diba sabi ko wag kang mangialam?"-nagulat ako ng sapakin ni Oliver si Keith. Hala, nagsuntukan na ang dalawa.

Nagtatatalon ako kung kanino ako hihingi ng tulong. First day ko to sa school at wala pa akong msyadong kilala. Hala, bahala na, humagilap ako ng tatlong lalaking estudyante na nagpapatugtog.

"Boys, awatin nyo naman sina Oliver at Keith oh! "

Nagtatakbo na sila para makiawat kina Oliver at Keith. Pagkarating namin don, ang dami ng tao, pati mga babae nanunuod. Nakita ko na din na may dugo na sa labi ang dalawa pati gusot na ang uniform. Kahit na lima na ang nag-aawat sa kanila, ayaw pa rin nila magpaawat.

"Hey! Stop it! Oliver! Keith!"-biglang may dumating na nakasalamin at naka-updo na puyod na mukhang strictang guro. Bigla namang nahawi ang daan at tumigil na sa wakas sina Oliver at Keith.

"What happened?" -pasigaw na tanong nung guro. Hindi sumasagot sina Oliver.

"Gusto nyo bang masuspend kayo in 3 weeks? Sagot! "-lalong tumaas ang boses nung guro.
"No Ma'am."-sabay silang sumagot.

"So answer me! What happened? "

"Si Keith kasi, sinuntok na lang ako bigla." Palusot ni Oliver

" What? Ikaw nga ang nauna. Sinuntok mo ko!"-sagot ni Keith.

"You!"

"Ikaw yon!"

"Ikaw!"

"Stop it! Kung hindi kayo makakausap ng matino, mas mabuti pang masuspend kayo pareho!"-Ano? Grabi naman, nakonsensya ako dahil don.


"Ma'am, sorry po, pero ako po talaga ang nagsimula ng gulo. "-pinipigilan ako ni Keith. " Binuhusan ko po ng toyo ang uniform ni Oliver kaya po nagalit sya at binitbit ako tapos ipinagtanggol lang po ako ni Keith. Sorry po. –Sorry po. "-tumungo pa ako dahil sa kahihiyan. Ke-bago bago ko, nakagawa agad ako ng gulo. Hays.

"You! You and you! Go to my office! Now!"-
tinuro kaming tatlo nung guro.

Continue lendo

Você também vai gostar

349K 13.9K 32
Alluring Series #2 Ivann Remus Francisco III Started: June 02, 2020 Ended: August 04, 2020 All Rights Reserved 2020 Credits to Voltage Inc for the co...
858 94 69
~•~•~ A typical diary of a typical high school girl. A typical school, a typical life, a typical-well... crush life? But this... isn't your typical t...
Brave Hearts De HN🥀

Ficção Adolescente

1.9M 95.2K 36
[NOW A FREE STORY] Peñablanca Series 1: Brave Hearts "Fragile but brave..." Amalia Argueles has adored the charming basketball captain Atlas Montezid...
Playboy's Girl De #007FFF

Ficção Adolescente

3.4M 39.4K 45
(Informally written and not yet edited.) Book Zero/Prequel of Playboy's Baby. • 𝗖𝗢𝗠𝗣𝗟𝗘𝗧𝗘𝗗 ┊ 𝗣𝗢𝗦𝗧𝗘𝗗: 𝟮𝟬𝟭𝟯 - 𝟮𝟬𝟭𝟰 •