Good To You

By winglessbee

165K 5.9K 692

She's full of angst, who wears baggy clothes and despised high heels and dresses. She's the kind of girl who... More

GOOD TO YOU
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
CHAPTER 58
CHAPTER 59
CHAPTER 60
CHAPTER 61
CHAPTER 62
CHAPTER 63
CHAPTER 64
CHAPTER 65
EPILOGUE

CHAPTER 50

1.6K 59 20
By winglessbee


Sorry.

Ano bang nagagawa ng salitang sorry? Hindi naman nababawasan ng paghingi ng sorry yung sakit na nararamdaman ng isang tao sa maling nagawa dito.

Ilang beses ko na bang narinig to? Kay Papa, kay Cone at ngayon kay Ian.

"Bakit ka nagsosorry?" Walang ekspresyon na tanong ko.

"I planned of making you fall for me" sagot nito ng hindi makatingin sakin.

Biglang nangilid ang mga luha ko. Pumikit ako ng mariin saka huminga ng malalim tapos tinitigan ko siya at hindi ako nagsalita. Tumingin siya sakin at pakiramdam ko parang may kumurot sa puso ko nung magtama ang mga mata namin. Para akong nananalamin nung makita ko kung gaano kalungkot yung mga mata niya.

"Im not really.. shit" tumigil siya at ginulo ang buhok niya "Im the one who fell instead."

Naningkit ang mga mata ko. Unti unting napapalitan ng galit ang nararamdaman ko. "Hindi ko maintindihan"

Pumikit siya at huminga ng malalim "Pam.. im sorry" sabi niya saka nagdilat ng mga mata at tumitig ulit sakin "The courting.. is just part of my plan"

Napapikit ulit ako ng madiin. Nasaktan ako sa narinig ko.

"Pustahan ba?" mapaklang tanong ko.

Umiling siya at nag-iwas ng tingin. "No"

"E ano? Bakit may plano? Para saan? Para bigyan ako ng leksyon? Para mapatunayan mong walang dapat bumangga sayo? Revenge ba?" Naikuyom ko ang palad ko habang titig na titig ako sa kanya.

Hindi ako makapaniwala na naloko niya ko. Tangina.

Tinakpan niya ang mukha niya gamit ang mga palad niya na parang napufrustrate pero wala na kong pakielam.

"Sumagot ka"

Inalis niya ang mga kamay niya sa mukha niya at humakbang palapit sakin. Hindi ako nagpatinag, sa halip, tiningnan ko siya ng masama.

"Subukan mong lumapit" pagbabanta ko.

Tumigil siya sa paghakbang at tumitig na naman sakin.

"Im sorry.." sabi niya na parang nagmamakaawa at kulang na lang lumuhod siya sa harap ko.

Pero tapos na, nagawa na niya. I trusted him already tapos ganito pala? Tangina.

"So revenge nga?" nag-iwas ako ng tingin at nangilid ulit ang mga luha ko "Tangina" I hissed.

Tumingala ako at pinikit ko ng mariin ang mga mata ko para pigilan ang nagbabadyang pagpatak ng luha ko. Tangina lang talaga.

"Pam.."

Binalik ko ang tingin ko sa kanya at matalim ko siyang tinitigan pero wala akong sinabi. Masyado ng mabigat ang dinadala ko para magalit at sumigaw pa.

"I love you.. I really do. I fell for you while I was in the process of making you fall for me. Pero habang nakikilala kita, narerealize kong mali yung desisyon ko" sabi niya.

"Bakit?" halos mabasag ang boses na tanong ko "Bakit gusto mo kong mainlove sayo?"

Huminga siya ng malalim at tinalikuran ako. Naiisip ko na tungkol lang to sa pagganti sakin sa pagpapahiya sa kanya sa ocean park at pagkuha sa cellphone niya pero ang babaw na dahilan nun! Kingina. Sinong matinong tao ang gagawa ng ganun dahil lang sa mababaw na dahilan?

"Because im a jerk" sagot niya saka tumingin sakin "Im a big jerk. And im admitting it" sabi pa niya saka naglakad palayo.

Pinanood ko siya hanggang sa mawala siya sa paningin ko. Pumikit ako at huminga muna ako ng malalim saka nagsimulang maglakad palabas ng mansyon nila. Tuluy tuloy lang ako sa paglalakad at hindi ko na pinansin si Manong guard, pero may pumigil sakin at hinawakan ang braso ko pagkalagpas ko sa mataas na gate.

"Ay, tangina!"

"Tss"

Walang sabi-sabi akong hinila ni Cone at pwersahang pinapasok sa kotse niya.

"Seatbelt" sabi niya ng hindi tumitingin sakin.

"Syet! Ano ba!" sigaw ko ng mabilis niyang pinaandar ang kotse pagkakabit ko pa lang ng seatbelt.

Tangina. Pag ganitong bad mood ako, baka gumulong siya sa labas ng wala sa oras!

Hindi niya ko pinansin at seryoso siyang nagmamaneho. Tumigil ang sasakyan pero hindi sa tapat ng bahay namin. Lumabas agad siya ng kotse at pinagbuksan ako ng pintuan. Hindi ako gumalaw sa kinauupuan ko at sinamaan ko lang siya ng tingin.

Matalim ko siyang tinitigan. "Nasan tayo?" tanong ko.

"Building ng condo ko" sagot niya habang seryosong nakatingin sakin "I won't bring you inside my condo, we'll go to the rooftop" mabilis niyang dinagdag nung bubuka pa lang ang bibig ko.

Nagtitigan pa kami ng ilang segundo at hinintay kong lumitaw yung ngising aso niya pero nanantiling neutral ang ekspresyon niya kaya napabuntong hininga na lang ako at bumaba ng sasakyan. Ayoko pa din namang umuwi. Psh.

Nauna siyang maglakad sakin, wala kaming imikan hanggang sa makarating kami sa rooftop. Nilagpasan ko siya at lumapit ako sa railings saka tumingala. Stars.

Bigla kong naalala si Ian. Ayaw niya sa bituin. I sighed at napapikit ako. Kinginang revenge yan. Naikuyom ko ang mga palad ko dahil gusto kong manuntok para lang malabas ko ang galit ko. Tangina. Sobrang bigat sa pakiramdam.

Hindi ko alam kung gaano ako katagal nakatayo dito at nakatingin lang sa kawalan. Kumalma ako kahit papaano dahil sa overlooking ng syudad sa ibaba at sa katahimikan ng paligid. Tumingin ako sa likod ko at nakita kong nakahalukipkip sa may pintuan si Cone habang nakatingin sa direksyon ko.

Nag-iwas ako ng tingin at kumunot ang noo ko habang papalapit ako sa kanya. Ramdam na ramdam ko ang titig niya pero hindi ko na sinubukang salubungin ito.

"Uuwi na ko" sabi ko at nilagpasan siya.

Dinig ko ang mga hakbang niya mula sa likuran ko kaya alam kong nakasunod lang siya sakin. Walang nagsalita samin hanggang sa huminto ang sasakyan sa tapat ng bahay namin. Mabilis akong bumaba ng hindi nagpapasalamat at tuluy tuloy lang ako sa pagpasok sa loob.

"Pam" salubong ni Papa na nakatayo sa pintuan katabi si Stella.

Tinikom kong mabuti ang bibig ko saka umiling, pero pinigilan ako ni Papa bago ko pa sila malagpasan.

"Kailangan natin mag-usap anak" malumanay na sabi niya habang nakahawak sa braso ko. "Pam, matagal ko na tong gustong sabihin sayo, I don't want to hide it to you after I introduced Stella but something suddenly came up kaya hanggang ngayon hindi pa namin nasasabi"

Tiningnan ko si Papa ng nakakunot ang noo. Kinakabahan ako na hindi ko alam kung bakit. Halata sa mukha ni Papa na nahihirapan siya. Bakit? Gaano ba kahalaga yung tinatago niya?

Huminga muna ng malalim si Papa saka tumingin ng diretso sa mga mata ko. "Hindi lang si Stella ang titira dito" sabi niya.

Napangisi ako. "So, tama ako? May sabit pa?" sarkastikong tanong ko.

Pumikit si Papa at halatang nagpipigil na sigawan ako. Papa was never been this impatient to me, na mas lalong nakakadagdag ng sakit na nararamdaman ko. Unti unti na talagang nagbabago ang lahat ng nakasanayan ko.

"Pamela" sabi ni Stella kaya naman tiningnan ko siya ng walang binibigay na kahit anong ekspresyon.

Sinalubong niya ang titig ko. Nag-iwas agad ako ng tingin ng makita ko kung paano magsumamo ang mga mata niya. Na parang nagmamakaawa na pakinggan ko at tanggapin ko siya. Hindi ko kayang titigan kung ganun ang sinasabi sakin ng mga mata niya. Hindi ko kaya dahil lalo lang bumibigat ang nararamdaman ko.

"May anak ako" sabi ni Stella na nagpabalik ng tingin ko sa kanya "Gusto kong bumawi sa kanya kaya nakiusap ako sa Papa mo na kung pwede rin siya na dito tumira. I left him alone and I want him to feel that I regretted those years that I took him for granted.." biglang tumulo ang mga luha niya.

Bigla akong naguilty. Ramdam na ramdam ko yung pagsisisi niya. Kung sana lang, sinabi nila to ng mas maaga.. Pero huli na, kasi nangyari na ang lahat. Pare-pareho kaming nasasaktan ngayon.

"Stella.." binitawan ni Papa ng braso ko at agad na niyakap ang fiancée niya.

"Please.. accept him" sabi pa niya bago tuluyang humagulgol.

Naikuyom ko ang mga palad ko at nag-iwas ako ng tingin. Tinalikuran ko na sila at nagsimulang maglakad papasok ng magsalita ulit si Papa.

"Si Ian.."

Napatigil ulit ako sa paglalakad at kunot noong nilingon si Papa. Diretso siyang nakatingin sakin.

"Si Ian ang anak ni Stella, Pam" sabi ni Papa.

***

A/N: Matagal ko na tong gustong ipost, naghintay lang talaga ako na makahabol yung BTY. haha. Sorry and thank you for waiting! Merry Christmas guys :*

P.S. Malapit na tong matapos. Kapiy lang. ;)

#teampia or #teamconella?

Continue Reading

You'll Also Like

30.6K 823 43
BOOK 2 Sometimes when we experience pain and heartaches our brains can suppress a memory out of our awareness. Savannah was so lost when she wake up...
211K 4.2K 67
Pagkatapos ng napakatagal na pagbuhos ng ulan sa buhay mo, makakakita ka pa rin ng rainbow sa langit. ** Status: Completed Cover by: wp_mariawhyyy (T...
256 51 21
LIFE ARC SERIES #1 COMPLETED. "On the verge of giving up. May was adopted by a household that treated her as their own. She felt like she belongs to...
8.8K 422 47
Heaven Eranista, a high school student who experienced a lot of heartbreak from cheaters, wants to take revenge on those who have hurt her-men in gen...