Seducing Alexandra

By DianeJeremiah

1.5M 28.1K 3K

Arabella Mendez -- She's ambitious and determined. Hindi siya naniniwala sa true love. She said, love is just... More

Author's Note
Chapter 1 Arabella "Ara" Mendez
Chapter 3 The Mission
Chapter 4 Alexandra "Alex" Montalban
Chapter 5 Close Encounter
Chapter 6 Play with Fire
Chapter 7 The Gravity Between Us
Chapter 8 Feeling Accomplished
Chapter 9 Everytime We Touch
Chapter 10 The Fever
Chapter 11 Don't Fall For Me
Chapter 12 The Mission or Alexandra?
Chapter 13 Washout
Chapter 14 Change of Heart?
Chapter 15 Hurt
Chapter 16 Hard To Say I'm Sorry
Chapter 17 The Punishment
Chapter 18 Hot 'n Cold
Chapter 19 Guilty
Chapter 20 Irreplaceable
Chapter 21 Just So You Know
Chapter 22 The Deal
Chapter 23 Courtship
Chapter 24 Hottest Girl in Town
Chapter 25 My Fallen Angel
Chapter 26 Hatred
Chapter 27 Taking the Fall

Chapter 2 Search Operation

49K 1.1K 97
By DianeJeremiah

"Look into your heart and soul, the answer is always there. Follow it and you'll find it."

Ara POV

After mom and dad told me about the problem, para akong wala lagi sa sarili. Nakatanga lang din minsan. I'm trying to figure out what will I do to help them. God! I'm not ready to let go of everything we have. I need to find solution to this, the sooner the better.

"Ara?" I heard Sofia's voice. "Ara?" She called again.

"Huh?" Maang na tanong ko sa kanya.

Naguguluhang tiningnan ako ng mga kaibigan ko. Nasa cafeteria pala kami ng school eating lunch.

"What's eating you up?" Penelope asked. "You're not yourself lately."

Maybe I need to tell them, baka sakaling matulungan nila ako. Pero nag-aalangan ako baka layuan nila ako dahil anytime soon magiging mahirap na kami. But... I need help. I know I can't do this alone.

Kaya wala na ako nagawa kundi sabihin sa kanila ang totoong nangyayari sa akin... sa family ko.

"What?!" Sabay sabay na bulalas nila.

"Ssshhhh." I hushed. "Please, lower your voices. Baka may makarinig sa atin na iba." Saway ko sa kanila. Ayoko munang may makaalam na iba tungkol sa amin dahil baka magbago pagtingin nila sa akin.

Para namang nakuha nila ibig ko sabihin. Unti-unti naman silang nahihimasmasan sa pagkagulat sa pinagtapat ko sa kanila.

"So how can we help you with this?" Concern na tanong ni Sofia.

"I need money." Sagot ko. "Can you lend me some?" Tanong ko sa kanila.

"As much as I wanted to help you babe, wala akong ganun kahalaga." Sabi naman ni Athena.

"Me too." Si Penelope.

"And me too." Malungkot na sabi din ni Sofia.

Bagsak ang mga balikat na sumandal ako sa upuan. Saan ako ngayon hihiram ng ganun kalaking halaga?

"But maybe we can lend you a little." Bawi ni Sofia. "May konti akong pera sa bank."

"Thank you, Sofia." Malungkot na ngiti ang sinukli ko dito.

"Okay, I have a little savings too. It might not be enough but it can help you." Sabi naman no Athena.

"Salamat, Athena." Naiiyak na yata ako sa mga friends ko. We're bitches pero may soft heart din naman kami paminsan-minsan.

"Uhm, Ara?" Nakangiwing tawag sa akin ni Penelope. "I'm sorry I don't really have cash or savings right now. I bought a new car kasi."

Ngumiti ako ng may pang-unawa sa kanya. "It's okay, Penelope."

"But I can sell it ---"

"Oh no! Please don't." Putol ko sa sasabihin pa niya. Ayoko naman na umabot sa ibebenta niya yung bago niyang car na alam kong noon pa niya pinag-ipunan para lang mabili ito.

Nagkwenta sila kung magkanu ang malilipon nilang cash kung sakali man mula sa pinagsama-samang resources nila.

"One million three hundred forty lang eh." Malungkot na sabi ni Athena na siyang nagkwenta.

"Haist, kulang pa rin." Malungkot na sabi ko.

"Magkanu pa ba exactly ang kailangan ng dad mo para di ma-foreclosed yung business and house niyo?" Sofia asked.

"Nakahiram na siya sa mga friends niya ng around P70 Million and binenta namin yung namana ni mama na lupa sa Pampanga." Sagot ko sa kanila. "Plus yung papahiram niyo sa akin, mga P86 Million na lahat. Kulang pa ng P64 Million."

"Gosh, ang laki pala ng kailangan mo." Di makapaniwalang sabi ni Penelope.

"Wait!" Sambit ni Athena. "How about we asked Benedict's help?"

Si Benedict ay yung ex boyfriend kong di yata maka-move on at gusto pang makipagbalikan sa akin. Naging kami mga eight to nine months siguro. Not sure anymore.

"No way." Tanggi ko.

"Ang yaman kaya nila. He can help you solve your problem." Sabi pa niya.

"Hello?" Maarte namang sabad ni Sofia. "Dad niya ang mayaman, hindi siya. Hindi siya pinapahawak ng daddy niya ng pera dahil wagas kung gumastos siya 'no. And wala pa siya karapatan sa kompanya nila until di siya nagtitino at maging responsible."

And Benedict is Sofia's cousin. Kaya kilala niya ito. And knowing Benedict, wala yung sense of responsibility.

"So delete siya sa list ng posible na makaka-solve sa problema mo." Wika ni Athena at nag-isip ulit siya.

"How about Ian?" Parang nasindihang kwitis naman na sabi ni Penelope.

"Ian who?" Tanong ni Athena.

"Duh?" Maarteng sambit ni Penelope na pinatirik pa ang mga mata. "Yung patay na patay kay Ara."

"Yung manliligaw slash stalker ni Ara?" Tanong naman ni Sofia.

"Bingo!" Bulalas ni Penelope.

"Oh please not him." I rolled my eyes. "He wants commitment and I don't. So delete him dun sa option. Plus he's possessive."

Nag-isip ulit sila. And then bigla naman ng ring yung bell. It means lunch is over and so with the search operation kung kanino pa kami, I mean ako, magpapatulong para ma-solve yung problema ko.

Pumasok na kami sa klase namin, and honestly, wala ako naiintindihan sa sinasabi ng professor. Next week na ang mid term exam and then sem break na.

Sana naman ma-solve na problema namin. Ang hirap ng ganito, nakakabaliw.

"So bukas na ang Enterpreneurship seminar and I require all of you to attend." Sabi ng professor namin. "Ang hindi a-attend minus ten points sa mid term exam."

Kanya kanyang reaction ang mga kaklase ko. Bakit pa kasi kailangan ang seminar na yan eh.

"Kailangan ninyo itong seminar para mas madami pa kayo matutunan. At magaling at succesful yung kinuha namin na speaker. And through her experience, you'll learn more." Dagdag pa ng professor.

"Are you okay?" Bulong naman na tanong sa akin ni Sofia sa tabi ko.

Hindi na kasi ako talaga makapag concentrate eh. Nasa ibang bagay na yung utak ko.

"Yeah. I'm fine." Pilit akong ngumiti dito.

"You know we're here for you." Pinisil pa niya ang kamay ko na hinawakan niya sabay ngiti sa akin.

I'm still thankful kasi may mga kaibigan akong kagaya nila. They're willing to help me. At kahit papano, naiibsan ng konti yung mga dalahin ko.

Pagkauwi ko sa bahay, sinalubong ako ni mama sa may living room.

"Hey, how's your day?" Masiglang tanong niya sa akin.

That's my mom. Ayaw niyang ipakita na nahihirapan siya, na may malaki kaming problemang kinakaharap ngayon. And she believes na malalampasan din namin ito. She's always positive.

"Good." Matipid na sagot ko.

"Do you want me to fix you a sandwich?" She asked.

"No, mom." Tanggi ko. "I'm still full." Saka ako nagpaalam sa kanya na sa kuwarto muna ako.

Naglista ako ng mga pangalang pwede makatulong sa akin. But when I sorted it out, na cross out din lang lahat.

What should I do now? Time is running.

Para akong nakakarinig ng tunog ng orasan. Tik tok tik tok tik tok.

Naiinis na bumangon ako sa kama at ihinilamos ko ang aking mga kamay sa mukha ko. Naiinis ako, na naiirita na parang nagmamadali yung utak ko. Mababaliw na ba ako?

Ang saklap naman kapag nangyari yun, magiging mahirap na nga kami tapos yung nag-iisang anak nila dad mababaliw pa.

"Erase, erase, erase." Kalma ko sa sarili ko. "I won't let it happen. Be strong Ara, be strong." Payo ko sa sarili ko.

Oo na. Ako na ang tangang kumakausap sa sarili niya.

--------------

The next morning, para tuloy akong zombie na nagdadrive papunta sa school. Naisip ko na din na ibenta itong kotse ko. Pero iniisip ko lang, wala ako sasakyan papuntang school or kung may lakad man kami ng mga kaibigan ko. Alangan naman na pahatid sundo ako sa driver nila mama.

Sa totoo lang, nagbawas na nga kami ng katulong. Natira na lang dalawa tsaka dalawang guard. Dati apat guard namin tapos lima ang katulong. Yung isang guard pa minsan ginagawa ng driver ni mama kapag may pupuntahan.

Para tuloy akong nagi-guilty dahil sa mga paggastos ko ng wala namang katuturan. Yung pagwawaldas ko ng pera na wala namang saysay. Yung pagbili ko ng mga mamahaling gamit na yung iba hanggang ngayon hindi naman nagagamit.

Pagdating ko sa school, I parked my car along Penelope's. Andun din sila sa parking lot hinihintay ako.

"Where is the sun?" Birong tanong sa akin ni Athena ng makababa ako ng kotse.

Tinanggal ko naman ang shades ko. "Laki kasi ng eyebags ko eh." Matamlay na sabi ko. Hindi kasi ako masyado nakatulog kagabi sa kakaisip.

"We'll find a way to solve this." Nakakaunawang sabi ni Sofia.

"We?" Kunot-noong tanong ko.

"Yes we." Sagot niya. "Alangan naman hayaan ka lang namin. Di ba guys?" Sabi niya kina Athena at Penelope na agad namang tumango sa akin sabay ngiti.

"Oh..." Nata-touch na sabi ko. "Thank you."

"Group hug!" Natatawa namang sabi ni Penelope.

"Hmp!" Umismid naman si Sofia sa kanya. "Tsatsansingan mo lang ako eh." Sabi niya.

Did I ever mention that Penelope's a gay? Okay. Sabi ko nga hindi eh. Well, like I said, Penelope's a gay. And we thought she has a thing for Sofia.

"Yuck!" Para namang nandidiri kunwari ito kay Sofia. "You're not my type."

"Weee, di nga?" Di naman naniniwalang sabi ni Sofia. "Let me see your phone." Sabay lahad pa ng kamay.

"Bakit ko naman ibibigay sayo yung phone ko? Girlfriend ba kita?" Angil naman nung isa.

Napapailing na lang kami ni Athena. Minsan kasi para itong aso't pusa, o di kaya mag jowang may LQ.

"Bakit sinabi ko bang girlfriend mo ako?" Naiinis namang sagot ni Sofia.

"Hey that's enough!" Di na nakapagpigil na saway ni Athena sa dalawa.

Tumahimik nga sila pero nag-iirapan naman at nag-iismidan.

"Tayo na nga sa stadium." Aya pa ni Athena. Ma-late pa tayo sa seminar." At nagpatiuna na itong naglakad saka sumunod ako tsaka yung dalawang di pa rin nag-uusap.

Pagdating namin dun, madami ng estudyanteng nakaupo. Naglagay ang school ng mga monoblocks na upuan sa gitna ng stadium para dun maupo ang mga estudyante. Di lang kasi ang mga BS Entrepreneurship ang nandito pati din mga BSBA. Third year and fourth year students ang nandito para makinig sa seminar.

"Calling the attention of all participants to come now here at the stadium. The seminar will begin anytime now." Sabi nung Dean Rosales ng BSBA department.

Pagkatapos namin mag-register with our name tags, naupo na kami sa bandang dulo. Mahirap na kasi baka may question and answer portion eh di naman kami makikinig.

Ilang minuto din ang nakalipas at nagsipasok na ang mga estudyante. Maayos namang humanap ng mga upuan ang iba. Nang makita ni Dean Rosales na okay na lahat, nagsimula ba ang programa.

"It's my honor to introduce to you our young yet talented and gorgeous speaker, a very successful lady at the age of twenty four, a multi-millionaire," Nag-pause si Dean. "I mean, she's a billionaire now yet she remain simple and down to earth. She's currently managing a sugar plantation, coconut plantation, hacienda and many more."

Grabe naman, dami namang inaasikaso. And to think na 24 years old lang siya. May oras pa kaya ito para matulog?

"Please let's give a round of applause to Miss Alexandra Montalban!" Dagdagpa ng dean.

Nakita kong tumayo ang isang maganda at matangkad na babae sa harap, kasabay nun ang pagtayo din ng mga estudyanteng nagpapalakpakan.

Pero di ako pwedeng magkamali kahit saglit ko lang siyang natingnan. Siya yung babaeng hinalikan ko sa bar! Hindi ko makakalimutan ang mga mala-tigreng mata nito.

"Thank you, Dean Rosales." Tipid ang ngiting sabi ni Alexandra. Ang lambot naman ng boses. "Nakakataba naman ng puso ang sinabi mo Dean." Sabi pa.

"And I forgot to mention," Nakangiting sabi ni Dean Rosales. "Alexandra is single but sorry guys, she's not looking for a prince, but a princess."

Narinig kong tumawa naman si Alexandra. At may sinabi, di ko naintindihan dahil medyo shock pa ako sa nakikita ko ngayon.

"Hoy," Siniko pa ako ni Sofia. "Kanina ka pa tulala diyan."

Bumaling ako ng tingin sa kanya. "Remember nung Saturday night sa bar?" Naguguluhang tumingin sila sa akin. "Yung truth or dare natin."

"Yeah..." Parang naaalalang sambit ni Athena.

"Siya yung girl na nahalikan ko." Sabi ko pa na di makapaniwala.

"Are you sure?" Eksaheradang tanong ni Sofia.

Tumango ako. "Di ako pwedeng magkamali, siya yun." Mariing sabi ko.

Napatingin silang lahat kay Alexandra na busy ng nagsasalita sa harap.

"Gosh!" Bulalas naman ni Penelope na di pa rin makapaniwala.

"Ara." Tawag sa akin ni Athena at agad naman akong bumaling ng tingin sa kanya. "I think we have a prospect now." May makahulugang ngiti sa mga labing sabi niya.

"What?" Naguguluhang tanong ko.

"Masosolve na yung problema mo." Kung makangiti naman parang evil queen ang dating. "Through Alexandra Montalban."

"What???" Sabay sabay pa naming bulalas sa kanya.

Ano na naman kaya binabalak nitong babaeng to? At nasama pa si Alexandra.

Continue Reading

You'll Also Like

377K 19.7K 31
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
926K 34.7K 39
Paano mo sasabihin sa isang tao kung gaano mo siya kamahal at pinapahalagahan kung ang katumbas nito ay ang posibleng pagkasira sa nakasanayan at ugn...
4.2M 246K 64
She may be beautiful, but she is aware that she's quite the airhead and is pretty dense. As such, Vivi masks her weaknesses behind a snobby and haugh...
838K 29.2K 33
[FILIPINO] Umuwi si Sam galing sa matagal na pagtira sa Europe dahil nakatanggap sya ng balita na ang isa sa malaki nilang kumpanya ay ninanakawan ng...