My X

By walangmagawa1210

80.3K 2.4K 147

Sapphire is an event stylist of a well known events coordinating company in the country. One day she was aske... More

Chapter 1
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11

Chapter 2

6.7K 212 5
By walangmagawa1210


Chapter 2

"Thank God that's over!" sabi ni Madam Cath.

"I couldn't agree with you more. What a nightmare! "

Palabas na kami ng resto at nagmamadali na ako ng bonggang bongga para makalayo na sa mga taong hindi ko na gustong makita pa. It was the most awkward 3 hours in my life!

Hindi ko alam kung paano ako kikilos kanina. Xaiver pretends that he doesn't know me, so I pretended not to know him either. Akala ba nya sya lang ang may karapatang magka-memory gap?! But the thing is, he's doing a great job on that na para bang naniniwala na ako na hindi nya talaga ako kilala. O baka naman nagka-amnesia talaga sya? Malamang hindi, dahil nakikita ko ang recognition sa mga mata nya.

On the other hand, I think it's better that way. Deadma na lang. He's getting married at wala naman kaming magandang bagay na dapat pang pagusapan. He's part of my past and he will stay there forever.

"That'll be my last client meeting eeeevvveeerrr!!! itaga nyo yan sa bato!"

Despite of my tantrums, napangiti si boss.

"But you were great! I can't even imagine that you can behave like that. You've really made an impression with your over the top ideas. Except of course that collision. That's was a disaster! Muntik na ngang mahulog ang puso ko, akala ko i-d-drop na nila tayo. But still you were the hero of the day and I can't thank you enough."

Overall the meeting went great. Satisfied naman si social climber. Hindi lang pala satisfied, she was definitely impressed. I work best under pressure, at malala pa sa pressure cooker ang pinagdaanan ko kanina kaya ang tindi din kung gumana ang utak ko.

"Basta, last na yon. Maayos naman ang nagiging setup natin dati. May team na nag-c-client meeting. They talk to the client and they convey the ideas to me. Kelan ba ako pumapalpak sa ganong setup?"

"I know. But there will always be an exemption. This client is important. I even gave tome to be here in person." katulad ko, hindi din humaharap si Madam Cath sa client. Nag-m-manage lang sya behind her desk.

"I don't know what's so important about them. We have other elite clients like them. Hindi naman natin binibigyan sila ng importansya katulad nito."

"Yes they're big but not as big as the head of the Phoenix industries."

Nagmamay-ari ng Phoenix industries. Iyon ang pakilala ni madam Cath ay Mr. Xaiver Phoenix. Kelan pa naging Phoenix ang last name nya? Was that the name of his real father?

"A basta. No more client meetings for me." Especially with them. Kung pwede ko nga lang ipasa din sa ibang team itong project na to. Masabutahe nga para tanggalin ako sa project!

"Haaayyy.... bahala na... I just want to go home and relax! Pwede din na ilibre nyo ako ng starbucks. "

Napailing na lang sya.

"I'll see you tomorrow. Tomorrow afternoon I mean." Pangising sabi ni Madam Cath. Ako lang ang natatanging empleyado na pwedeng pumasok ng 2pm. Wala e, ganyan talaga tayo kalakas sa may-ari ng kompanya. Close kami e.. hahahaha!

Hindi nakalusot ang pagiingit ko ng libre. We parted ways. Iniwan ko na sya. At ako naman iniisip ko kung saan ako nakapag-park. Kung minsan kasi kapag masyado akong na-stress, nagkakaroon ako ng temporary memory loss. I looked around and I can't see my car! Saan ko na naman ba iniwan yun? Hanggang bumalik sa akin yung mga pangyayari kaninang umaga.

Gusto kong ituktok na naman ang ulo ko! Oo nga pala! For possible towing nga pala ang kotse ko! NAMMMAANNN!!! Malamang na-tow na nga yon!

Now I need a ride home! Ayokong makipagsiksikan sa MRT at LRT baka paglabas ko don iba na mukha ko!

Hinalungkat ko ang cellphone ko sa bag ko para magpaintay kay boss. Pagtingin ko,,, LOWBAT!!!

AAAAaRRRgggg!!!! Kung kelan kita kailangang kailangan ngayon ka pa na-drain! Haaaiiissst! Nasaan ang pakikiramay mo?!

Nagmamadali akong bumalik kung saan ko iniwan ang boss ko. Sandali lang naman ako nawala, kaya siguro hindi pa nakakaalis yon. Mabagal namang magdrive si manong driver.

Pagdating ko sa entrance, wala na don si Madam.

Naloko na, naiwan na nga ata ako. Tinanong ko yung receptionist ng resto kung nakaalisna talaga ang boss ko. Nagbabakasakali lang na baka bumalik sa loob at nagkape, o baka naman namasyal masyal lang sa paligid. I kept my fingers cross. Ayoko talagang magcommute. Ayoko din magtaxi. Maraming baliw na taxi driver baka kung saan lang ako pulutin.

"I saw her walk towards the parking lot a while ago, she can't be far." Sabi ng recptionist at nakahinga naman ako ng maliwag.

Haaaaayyyy salamat! May pag-asa pa!

"Thank you! " mabilis na sabi ko at nagmadali na akong pamunta sa parking lot.

Wait for me! wait for me!!!!

Paulit ulit kong iniisip. Kailangan talagang makasama ko si madam. Kailangan pa nyang tubusin ang kotse ko. Paano ako papasok bukas kung wala akong kotse? Kung sabagay, pwede ko din namang maging dahilan yon para sa bahay na lang muna ako magtrabaho. Pwede ko namang i-group chat ang staff ko, para mabigyan sila ng assignments. But No.. i need my car! Kahit na kakarag karag na yon, malaki pa din ang silbi sa kin non!

Nang makarating ako sa parking lot, halos ngumiwi ako sa sobrang frustration! 3 floors lang naman ang parking lot!

Kalma! makikita mo din sya. Walang mangyayari kapag magtatantrums ka!
Sabi ko sa sarili ko. Kaya nagtyaga na lang akong maghanap ng anino ni Madam pati na rin ang kotse at ang driver nya.

Natapos kong suyurin ang first floor, pero wala doon ang hinahanap ko. Paakyat na ako ng 2nd floor ng may nagsalita sa likuran ko at napatalon ako sa gulat!

"You lost your car again?"

Napahugot ako ng hininga ng ma-recognize ko ang boses nung lalake.

Bwiiisssiiittt!, bakit sa lahat naman ng lugar at pagkakataon, dito pa sya napadpad!

Naramdamn ko ang pagiinit ng pisngi ko. Namamawis ang mga palad ko at bumibilis ang pagtibok ng puso ko. I can feel the butterflies in my stomach that makes me feel sooo uncomfortable.

Pero hindi ko pwedeng ipakita sa kanya na affected pa din ako sa presence nya.

Dineadma ko na lang sya at nagpatuloy na ako sa paglakad.

"I see that you still have that pride and a big chip on your shoulder." He said mocking me.

Grabe... ang bango nya! He's still using the perfume that I love so much!

"Get lost!" sabi ko at patuloy pa din ako sa pag-akyat ng hagdanan. Pero sa halip na umalis ay patuloy pa din nya akong sinundan.

Deadma.

Nung nakarating na kami sa 2nd floor, andon pa din sya sa likod ko. Nakikiramdam tuloy ako, hindi ko kasi alam kung anong problema nya, kung ano ang gusto nyang mangyari! Bakit ba nya ako sinusundan? Di naman nagsasalita?

Ganon... Kanina sabi mo get lost tapos iniisip mo kung bakit hindi sya nagsasalita?

Badtrip! feeling ko may stalker ako!

Inilibot ko na lang ang mata ko sa paligid, baka sakaling andon si boss. Mas lalo kong binilisan ang paglalakad ko, pero maya maya lang ay naiirita na ako. Hindi ko na natiis at hinarap ko sya.

"Ano ba talagang problema mo at sinusundan mo pa din ako!!!!"

"What made you think na sinusundan kita? Ang taas naman ng tingin mo sa sarili mo." pangiinsulto nya sa akin. Pinindot nya ang button sa keychain nya at may tumunog na sasakyan na hindi na kalayuan sa amin.

Shoooccckkksss pahiya ako!!! Mas lalo tuloy namula ang mukha ko!

Kainis! dapat talaga dineadma ko na lang e! Grrrr!

Tinalikuran ko na sya pero hinawakan nya ako sa braso at iniikot ako!

Dahil sa ginawa nya ay napasubsob ako sa kanya. Mabilis ko naman syang tinulak para magkaroon kami ng distansya, pero nakahawak pa din sya sa braso ko at mas madiin na ito ngayon. It's as if he's making a point on something by just touching me.

"I just want to make something clear, since ayaw na kayong bitawan ni Lauren kahit na anong convince ko sa kanya. Hindi tayo magkakilala at ayokong magkaroon ng kahit na anong hint si Lauren sa nakaraan natin." nanliit ang mga mata nya na para bang nagbabanta sya. " Am I making myself clear?"

Hindi ko alam kung magagalit ako, o matatakot sa ipinapakita nyang kagaspangan ng ugali.

"Whatever you want, master." sabi ko. Alam kong ayaw na ayaw nyang tinatawag ko syang ganon at mas lalong humigpit ang pagkakahawak nya. "'Wag ka ding mag-alala. Ito na ang huli nating pagkikita. I will try to transfer this project to somebody else. Kung hindi man pumayag si Madam Cath, sisiguraduhin kong hindi mo na makikita ang pagmumukha ko. "

He doesn't look convinced. Bahala sya kung anong gusto nyang isipin. That's his problem!

"Bitawan mo nga ako! Masakit na a! " Kumawala ako sa pagkakahawak sa kanya. Binitawan naman nya ang braso ko pero kinuha nya ang kanang kamay ko at ininspecsyon nya ito.

"So where's the ring?"

Hinawi ko ang kamay ko at napabitaw sya.

"None of your damn business!!!"

Sakto naman na may pumarada sa tapat namin at bumukas ang bintana ng panssenger side. Si Boss!!!

I suddenly composed myself, masyado akong narattle sa confrontation na yon. I just hope na hindi ito nakita ng boss ko.

"Anong ginagawa mo dito? Akala ko nakaalis ka na?" Tumigin sya sa akin, pagkatapos ay tumulay ang mata nya patungo kay Xaiver na para bang nagtatanong kung bakit andon sya at hindi nya kasama ang fiancee nya.

Inunahan ko na syang magsalita, para madivert ang atensyon ni Madam Cath.

"Hinahanap ko talaga kayo, na-tow kasi yung kotse ko and I need a ride... pati na din ang tutubos sa kotse ko. "

"What?! e ano bang ginawa mo sa kotse mo?"

"I'm just following orders. Sabi nyo na gawin ko ang lahat para makarating lang sa meeting. So I ditched it. You said you'll take care of it."

Dismayadong napailing na lang si boss dahil alam nyang talo sya sa argument.

"Just get in. "

"Gladly. " pumunta ako sa kabilang side ng sasakya. Mabuti naman at makakahinga na ako ng maluwag dahil malayo na ang distansya namin ni Xaiver. There's just this thing when he's around me.

Syempre outof courtesey kinau-kausap pa ni boss si Xaiver. Ako naman deadma kuno. Kinuha ko ang cellphone ko para kunwari ay wala akong interes sa pinaguusapan nila. pero nakalimutan ko na low bat pala! Well, props lang naman ito kaya kunwari na lang interesado ako sa napakaganda kong cellphone. With matching scrolling pa para mas realistic ang dating. Pero yung mga tenga ko nanghahaba para marinig kung ano ang pinaguusapan nila.

Wala namang nabanggit si boss kung nakita nya yung eksena namin ni Xaiver kanina. mabuti na lang, maski papano ay makakahinga na din ako ng malalim. I don't want anybody to know about that. Ayoko na ng complications, nananahimik na nga ako. Maayos na ang buhay ko, and I want it to stay that way.

"You'll never regret having us handle your wedding. We have the best team, and we will make sure that you'll make your bride's dream wedding come true."

"I'm hoping for that, her happiness is my main priority."

Sa pagbanggit nya non ay para bang may kakaiba akong naramdaman. Parang may karayom na tumusok sa puso ko. Bakit parang nasaktan ako?

No! I don't have any more feelings for him. Matagal ko na syang kinalimutan!

"The island will be ready, probably 2 weeks from now. Lauren will just call you if it's ok for your team to go there."

Ang bongga talaga ng kasal nito, bumili pa talaga ng island para lang don. At pinasasadya pa ang resort. Ang arte!

"Ok, see you sir."

"And by the way, please tell her..." tumingin sa akin si Xaiver at sinundan naman ito ni boss. " .. That Cellphones are often use with power."

Bigla akong napatingin sa kanya. Shoooocckkksss... napansin nya? Ialn ba mata nya?

He still have this stern and straight face but his eyes are mocking me!

"Mind your own business..."

"Sapphire!" mabilis na humingi ng pasensya ang boss ko.  " pagpasensyahan nyo na si Sapphine. May ADHD kasi sya dati at paminsan - minsan nag-reresurface."

"Boss naman!"

"Pansin ko nga." sabi pa ni Xaiver.

"But don't worry, she's the best..."

"I'm the best even without direct contact with the clients."

"Yeah.... and that..." hindi alam ni boss kung ano pa ang sasabihin.

"I really have to go. See you on the occular." Sabi ni Xaiver na nakahalata na na-di-discomfort na si boss dahil sa akin.

He went on his way, at hindi ko alam kung bakit ko pa sya sinundan ng tingin. Siguro, dahil alam ko na ito ang huli kong pagkita ko sa kanya.

It's nice to see you again. I'm glad that you're doing fine.. Sana maging masaya ka. You deserve it...

bulong ko sa sarili ko...

Goodbye Xaiver.

Continue Reading

You'll Also Like

80.3K 2.4K 11
Sapphire is an event stylist of a well known events coordinating company in the country. One day she was asked by her boss to attend a very important...
5.9K 758 25
TXT dan Aespa merupakan musuh bebuyutan di sekolahnya karena mereka .......
3 0 2
Dianna has a bf named Axel, Axel dumped Dianna bc he loved Joy, Dianna was heartbroken until a handsome and tall guy named Lucas
0 0 1
TW: JHONLOCK BOYXBOY VIOLENZA SMUT (NOT MY ART) Trama: Sherlock Holmes tornò dall'appartamento completamente ferito e dolorante,la preoccupazione da...