Chapter 3

6.9K 204 10
                                    

Chapter 3

Dahil masyado akong nagimbal sa muli naming pagkikita ni Xaiver, tinambakan ko ang sarili ko ng trabaho. Halos wala na ngang ginagawa ang team ko dahil inako na ang lahat. Sa pag-co-conceptualize, design, cavassing and marketing, kahit venue set-up ng iba naming events ay inako ko na din. Dati ay bwisit na bwisit ako kapag kailangang magsupervise ako sa venue, pero ngayon, . Nagtataka na nga ang staff ko at gusto na akong ipatawas! Pero take note, hindi pa din ako on time.

Gusto ko palaging occupied ang utak ko. Palagi akong may ginagawa, para kahit kaunti ay hindi makasingit sa isip ko ang lalakeng iyon.

"Sapphire!!!"

Halos mapatalon ako sa gulat ng sigawan ako ng boss ko.

"Huh? Naman boss, wag nyo naman akong ginugulat ng ganyan!"

"I've been trying to get your attention for the past few minutes! What is wrong with you? Dalawang linggo ka ng parang wala sa sarili!"

Wala din ako sa mood makipagtalo, for the first time. Kaya nagkibit balikat na lang ako. Tinatamad na din akong magsalita. Usually kahit na pinagagalitan ako, ino-okray ko lang sya. Wa talaga ako sa mood.

" Ok... what's wrong?" Naupo sya sa tabi ko, without minding the suuuupppeeerrr messy table.

I made a face. "Nothing... Maybe I'm just tired."

Nanahimik sya at tinitigan nya ako. "Something's bothering you, I can tell."

"Can I change your name to Madam Auring? Hinuhulaan nyo ko e!" Nginisian ko sya. Inasar ko na lang sya para hindi na magusisa. And I guess it worked, dahil tinaasan nya ako ng kilay.

"HMmmmpp! What I'm try g to say is, nagbago na naman ng isip ng concept si Ms. Lauren..."

Masasabunutan ko na talaga yon! I-cha-charge ko na sya ng 100,000 sa bawat concept na pine-present sa kanya!

"I know, I know... Nasa number 1 spot na sya ng mga stressful clients natin."

"Hindi ba pwedeng ipamigay nyo sa iba kompanya ang account na yan?"

"You know I can't. Fully paid na nga sila and they are willing to pay additional charges beyond the package."

"O sige, 1 million per concept na ang icharge nyo sa kanila. So as of now, may 4m additinal na sila! "

Umiling na lang si boss. "I granted your request na hindi na makipagkita sa client. All I'm asking is for you to do your job!"

"Baka naman kailangang iba na lang talaga ang magconceptualize para sa kanila. Para may ibang touch. It makes sense diba? Baka hindi nya taoaga type ang designs ko."

"Hindi iyon ang case e, gusto nya lahat ng concept and designs na ginagawa mo, ang problema lang, pabago-bago sya ng isip. "

I rolled my eyes. Ayoko na nga talaga sa project na 'to.

"Ang labo nya... grabe!"

"I know... but.. I'ts our duty to deliver."

Wala na akong nagawa kundi bumuntong hininga,

"Ok sige, one last time, then hands off na talaga ako."

Nagisip sandali si boss. "Ok fine. "

Usually pagkatapos ng convo namin na ganon ay umaalis na sya, pero nanatili sya sa upuan nya at tinitignan nya lang ako.

" Don't bite me please, may asido ang katawan ko!" Sabi ko para tantanan nya ako.

Natawa naman si boss.

My XTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon