She's O.B.M.

By yeppome

35.5K 509 38

Property of YeppoMe ---- (Completed: March 07, 2014) Story: Eh paano nga ba kung isa kang babaero, walanghiy... More

Prologue
Meet the Casanova
Author's Note: About OBM
How I met her
The Punishment
01. She's so not my type.
02. She's so gullible!
03. She's a "he"
03.02: She's a "he"
04. She's a bookworm.
4.2
05. She's childish. A coward.
05.02
05.03
5.4
Author's Note: Matagal Na Update
06. She's bright as the sun.
6.2
Yung bracelet...
Her P.O.V.
HAPPY NEW YEAR!
07. She's afraid to fall.
7.2
Chapter 7.3
7.4 - Save me from this nightmare
Shattered Heart Pieces
Slowly
Alvin
08. She's an attention seeker
Chapter 8.2
Diskarte
Para sayo ♪
Best Day Ever <3
Masaya kami e. Masayang masaya.
The Big Game
Author's Note: Can you guess it already?
Art of Letting Go
The things I do for her
Prom Night
His double ex-girlfriend
"Jagiya"
The Final Test
09. She's a pain in the ass.
Big Reveal to Him
I won't give up.
10. She's my worst nightmare
Epilogue: Never letting go.
Bonus Chappy:

Masarap ang isaw. Bow.

738 12 1
By yeppome

Hello guys! Salamat sa patuloy na pagbabasa dito sa storyang ito. Napakabuti niyo. Naks. HAHAHA. Mahal ko na kayo.

Don't forget to vote! :)

-----

She's mine, okay? She's O.B.M!

His P.O.V.

♫ Torete, torete, torete ako

♫ Torete, oooh, torete

♫  Torete sayo

♫ Wag kang mag-alala, hindi ko ipipilit sayo

♫ At kahit na lilipad ang isip ko'y

♫ Torete sayo

* strums of guitar

*pleeengwh!*

"Aray ko! Letse naman oh, kung kelan nagdradrama saka mapuputol tong pusanggalang string na to!" 

Hinaplos ko yung parte ng mukha ko na nasapul ng string. Buti nalang di nagdugo. Kawawa naman ang kagwapuhan ko diba? Hayy. Binaba ko ang gitara at binuksan nalang ang TV sa loob ng kwarto ko.

Lipat lipat ng Channel.

Uyy Maria Mercedes! 

♫Maria Mercedes ang pangalan ko...

♫Para sa pamilya gumugulong ako

♫Nagtratrabaho ng kahit ano!

♫Sanay akong magbanat ng buto!

Oh yeaaah! Saulo ko pala yung theme song ng Maria Mercedes. Hahaha. Hayy T___T Nababaliw na nga yata ako. Nakakaburat dito sa bahay. Dito sa loob ng kwarto ko. 

Pangatlong araw na yata to. Pangatlong araw na ko sa loob ng kwarto. Di nalabas ng bahay. At bored na bored sa buhay ko.

May kulang kasi..

SIYA.

Tiningnan ko yung cellphone ko at hanggang ngayon, di pa rin siya tumatawag. Di sumasagot sa tawag. Di nagtetext at hindi nagrereply sa text. 

Ganoon na ba kasaklap ngayon mafriend-zoned? </3 Bwahahaha. Hayy, pero tinext niya naman akon noong isang araw na binabasa niya daw mga libro kong bigay sa kanya.Susmiyo.Ang dami non T___T

Baka mamaya 2014 na, hindi pa rin niya ako kinakausap? Bakit kasi ayaw niya aminin sakin na dahil doon sa pagamin ko ang dahilan? Hindi ko yun pinagsisisihan. Dahil totoo tong nararamdaman ko. At least nakahinga ako ng malalim.

Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan ulit siya. Bumili ako ng bagong sim para tawagan lang siya. Haba ng hair ng babaeng yon. Sana naman sagutin na niyaaaaaaa......

"Hello? Sino to?" Yon lang pala kailangan para sagutin eh T___T Bagong number.

"Ang pinakagwapong lalaki sa buong mundo"

"Bye--"

"Ops ops ops! Wag mo ibababa! Kapag binaba mo to, ibig sabihin may gusto ka talaga sakin!"

"Ewan ko sayo!"

"Sige ibaba mo, lalo kong iisipin na dead na dead ka sakin!"

"Eh-- Teka, ang kapal yata ng mukha mo no?"

"Bakit ka ba di ka nagpaparamdam sakin?"

"Di ako multo!"

"Eh bakit multo lang ba nagpaparamdam?"

"Oo. Bye!"

"Teka lang, bakit mo ba ako iniiwasan? Please? Talk to me. May contract tayo diba? At wag mong sabihin na pinanggatong nanamn ng tatay mo ha!"

"Hindi no. Pinantakip lang sa butas ng anay ng bahay namin"

"Oh at least nasa bahay niyo"

"Whatever!"

"Wow ha, sossy na rin? Please. Kulengot naman eh. Look, sorry. Sorry kung di mo nagustuhan mga sinabi ko. Pero gusto ko lang malaman mo na totoo lahat yon at wala akong pinagsisisihan na sinabi ko yun at--"

"Yan ka nanaman e! Kakatakot naman yang kakornihan mo e!"

"At least totoo!"

"Di yan totoo. Manahimik ka"

"Look, magkita tayo. Please? I really miss you. And nawala na sakin lahat ng inaral ko kaya kailangan ko ng Tutor. Please?"

"Reasons"

"Come on. Sige ka kapag di ako pumasa, di naman ako mawawalan ng scholarship eh. Ikaw naman yata"

"No"

"Sige ka, pagisipan mo din"

"Fine! You got me! You got me! Casanovang to. Saan tayo pupunta?"

"Susunduin kita sa inyo"

"No. Ayoko non. Tweetums"

"Edi magmeet tayo sa Park. Sa Bluetooth Park. Okay?"

"Fine"

"And wear something nice, please?"

"Maguuniform ako" Baduy nanaman T_____T

"Edi maguniform ka. Kahit anong suot mo, mamahalin pa rin kita"

"Chura mo. Sige na. Papunta na ako"

"Yes! I love--"

Toot toot toot.

Pinatay agad T____T Pero parang nawalan ako ng tinik sa lalamunan. Yes! Nagkausap na kami  ^___^ And magkikita pa kami. Agad agad akong nagbihis ng maayos ayos at nagpaalam na kay Mom. Sabay sakay sa bago kong kotse. Yes naman. 

Wala pa akong 2 minutes, andoon na ako. Oo dahil inabot ako ng 10 minutes. Letsugas T___T Daming tao. Traffic. Pheew T___T

Pinark ko muna yung kotse ko sa tingin ko ay safe na lugar tapos hinanap ko agad siya. Madali ko lang siya mahanap. Andoon lang siya sa dating pwesto ng hotdog stand nila. Hay. Naalala ko noong may suot suot siya na cap na lalawit lawit na hotdog. Disgusting T_____T Tapos nagtitinda pa siya dito ng hotdog. Tapos me, her prince charming saved her.

Nakakatuwa naman pala tong love story namin e. Kailangan nga lang mainlove siya sakin. 

Lumakad ako ng dahan dahan papalapit sa kanya. Sakto, nakatalikod siya. Tumigil ako sa likod niya.

"Miss, may hinihintay ka ba?" Iniba ko boses ko,syempre.

"Oo, kaninang kanina pa nga ako dito e. Pagdating non, bubuhusan ko talaga yon ng acido. May dala pa naman ako, sakto

Nanlaki bigla yung mata ko sa sinabi niya. Yung tono pa ng pananalita niya parang totoohanin talaga T___T Kaya niyakap ko siya bigla.

"Sorry na. Eh kasi traffic e. Alam mo yun?" sabi ko sabay humarap siya sakin. At sinapok ako. Pagkaharap niya, natigilan ako bigla. Ang ganda niya. Nakakamiss din pala siya. Sobra. Kaya niyakap ko ulit siya ng mahigpit.

"Teka..Ano ba! Baka isipin nila nag MMK shooting tayo dito oh..."

"Namiss lang kita, ikaw naman"

"Ang korny mo"

"Mahal naman kita"

"Stop"

Then she started walking away pero syempre hinabol ko. Hinarap ko siya sakin at umupo kami sa isang bench.

"Look Kulengot. Ayoko ng may pagbabago sating dalawa. Ayoko ng snob ka sakin. Ayoko ng maiilang ka sakin. Just think na manliligaw mo ako. Okay?"

"Ayoko din ng korny at tweetums"

"Fine"

"Basta, ayoko ng may pagbabago. We're still friends, no matter what happens okay?"

Ngumiti siya at niyakap ako bigla.

"Namiss din kita e"

"O kala ko ba walang tweetums? Chansing ka e"

"Kaw naman!" sabay sapok sakin. Di talaga nawawala yung sapok.

Inilabas niya bigla yung maraming papel sa bag niya.

"Ano yan?"

"Reviewers"

"Ng ano?"

"Literature, Physics, and Trigonometry. You ready?"

"That sounds creepy"

"Come on! Review lang!"

I rolled my eyes and agreed. Naging maayos naman yung pagrereview namin. Nakakasagot naman ako. Nakakapagsolve ng tama. Nakakatuwa nga e. Kasi may natutunan din pala ako. Syempre! Kung kaharap mo ba naman kasi ang inspirasyon mo, hindi ka ba matutuwa? 

Sana nga lang kaharap ko siya sa exam T_____T 

Pagkatapos namin magreview, nilagay niya sa bag niya yung mga reviewers ko. Gusto kong guluhin yung moment sa pagtatanong sa kanya kung ano ginawa niya noong iniiwasan niya ako at kung bakit at kung ano ang ibig sabihin ng huling sinabi niya sakin bago siya umalis?

"Wag mo akong biruin ng ganyan kasi ako seryoso talaga ako. Mahal talaga kita noon pa. Hindi nagbabago yon.....Mark"

Nakakagulat kasi ang dami pala niya alam T___T Huminga ako ng malalim. Bahala na, gusto ko talaga itanong e.

"Kulengot?"

"Oh?"

"Bakit mo ako iniwasan noong nakaraang tatlong araw?"

"Eh--"

"Okay lang kung di mo sasagutin"

"Sasagutin na nga diba? Ikaw naman!" sabay sapok niya sakin. Tapos ngumiti siya. "Binasa ko kasi lahat ng librong binigay mo sakin. Ang gaganda nga e! Salamat ha?"

"Talaga? May katulad ba ng love story natin?"

"Wala e"

"Bakit wala?"

"Wala kasi tayong love story"

"Ayy"

Tapos tumawa siya ng tumawa. Ako naman, ngiting aso lang. Sakit kaya ng sinabi niya para sa isang taong nagmamahal ng seryoso T___T

"Kulengot"

"Ano nanaman?"

"May gusto pa kasi akong itanong sayo"

"Ano yun?"

"Bago ka umalis noong Pasko...May sinabi ka sakin.."

"Na?"

"Yung mahal.."

"Anong mahal?"

"Yung-- BASTA! Alam  mo na yun. Paliwanag mo nalang ibig sabihin non!" Ang hirap kasi sabihin eh T___T 

"Di ko nga alam. Ano ba sinabi ko?"

"Di mo tanda?"

"Hindi"

"Yung ano..binanggit mo pa nga pangalan ko noong huli e.."

"Pangalan mo? E di ko nga alam yung pangalan mo e!"

"Patay malisya ka pa e! Nu bayan. Sabihin mo na kasi. Nalilito kasi ako ehh.."

"Alin ba kasi?"

"Yung sabi mo mahal mo ako tapos seryoso ka?"

Tumigil siya sa biglaan kong pagkasabi. Sabay tumawa ng tumawa. 

"Hay nako! Ewan ko sayo! Tara kain nga tayo"

And she always changes the topic T___T Hinila niya ako para maghanap ng pagkain. Pagkain nanaman. Wala akong nagawa kundi sumama sa kanya. Higit niya ako eh >_____<

"Ano gusto mo kainin? Gusto mo punta tayong mall?" tanong ko.

"Hmm, di na no! Layo na layo. Dami naman ditong pagkain eh"

"Di naman yata safe dito e"

"Siguro. Pero di mo naman ikamamatay diba?"

Umirap ako sa kanya at naglakad lakad kaming magkahawak ang kamay. Hinila niya ako sa isang stand ng hotdogs. At syempre, binili ko siya.

"Mmmm, sarap! Gusto mo Tutee?"

"Kulang pa sayo, iyo nalang"

"Sige naaa! Say aaaa!"

Dahil gusto ko rin namang kiligin, syempre nagpasubo na rin ako sa kanya. Dumadamoves. Hahaha. Okay naman kami sa mga kinain namin. Pero mukhang di yata nabubusog tong babae na to. Hinila niya ulit ako sa isang stand.

"Tutee, gusto mo isaw?"

"Ha?"

"Isaw, kung gusto mo?" 

"Isaw? Ano yon?"

Tiningnan niya ako ng nakakaloko. Tapos sinapok ako. Aba, masakit yon T___T

"HAHAHAHAH. YOU MEAN DI KA PA NAKAKATIKIM NG ISAW?"

"Tanga ka rin no? Di ko nga alam yung isaw tapos tatanong mo kung nakatikim na?"

"HAHAHA! SORRY NAMAN! Oh well, ito bili tayo. Tapos ikaw kakain"

"ayoko nga, mamaya lasang paa yan. alin ba yon dyan?" sabi ko sabay tiningnan ko yung mga nasa lamesa.

"Ito" turo niya don sa may paswirl swirl. Aminado ako na nakita ko na yon kung saan pero hindi ko alam na isaw yon. Di pa nga ako nakakatikim non T___T Ewan ko. Bakit naman kasi ako pupunta sa pipitsuging mga ganito kung pwede namna ako kumain sa malls diba?

"Ate, dalawa nga pong isaw" sabi niya doon sa Ale sabay bayad. By the way, snatch na nga pala wallet ko. Nasa kanya na. Jusmiyooo T____T

Pinanood namin na ihawin noong Ale yung isaw daw. Iniihaw pa pala yon. Buti di naisipan ng babaeng to na ipakain nalang sakin ng hilaw yon. May pagkademonya pa naman to T___T

"Ito po, Ate" 

"Salamat!" sabi niya tapos kinuha yung isaw. Binigay niya sakin yung isa. "Bon apetit?"

"Minura mo yata ako don"

"tange! Bon apetit means yung kain na tayo o kaya eat well. jusmiyo!"

"Ahh! Bon Apetit!" Sorry na.Di ako bobo. Slight lang.

"Psssh"

Kakainin ko na to?"

"Yup, lagyan mo ng suka kung gusto mo"

"Nilalagyan to ng suka?"

"Yung iba naglalagay, yung iba hinde. Depende sa trip mo. Gusto mo lagyan mo ng peanut butter" 

Sinimangutan ko siya tapos hinipan ko muna yung isaw. Nagdadalawang isip ako kainin. Parang di safe.

"Ikaw muna Kulengot baka mamaya may lason to"

"Arte mo! Oh eto, masarap kaya to" sabi niya sabay subo sa isaw. Umarte pa siyang endorser habang kinakain yon sa harap ko. Pero parang nakakaloko T___T

"De na, iyo nalang. Ayoko ng isaw" sabi ko sabay inabot ko sa kanya yung stick.

"KJ mo naman! Pleaseeee? Para sakin, kainin mo?"

"No"

"Sige, ayaw mo naman e" sabi niya sabay tumungo at unti unting naglakad papalayo pero buti nalang nahigit ko siya at ang kaartehan niya.

"Oo na, oo na! Kakainin na!" 

"Yey!"

Para siyang bata na tuwang tuwa dahil kakain ako ng ganito T___T Hinipan ko ulit yung isaw sabay isinubo. Nakatitig siya sakin habang kinakain ko. Nagiintay ng response..

And...

Nguya....

Teka...

Ba't masarap?

"Masarap nga! Astig neto!" sabi ko sabay nagapir kaming dalawa.

"Sabi sayo masarap yan e! Di ko nga lang favorite. Siomai favorite ko e" Humarap siya doon sa Ate na nagtitinda. "Isang order nga po ng siomai, yung spicy ate ha" Tumingin ulit siya sakin.

"Sarap pala ng isaw. Magiging favorite ko na to" sabi ko habang ngumuguya sa sarap.

"Naman! Sarap talaga yan"

"Ano ba to? Ba't ang sarap?"

"Bituka ng manok"

"Ahh. Bituka ng ma--" Napatigil ako. Tiningnan ko yung mga isaw sa lamesa. Ubos na kasi yung akin e. Tumingin ako sa kanya ng gulat na gulat. Masusuka yata ako. "Bi..Bi...Tu...Ka...Ng....Punyeta! Bakit hindi mo sinabi?!"

"Hahahahahah. Hindi mo ba alam?! Bituka yan ng manok! Intestines ba?"

"Kaya pala may swirl swirl pa! Kala ko style. Nakakasuka!" sabi ko sabay kamot sa ulo ko. 

"Arte naman neto samantalang noong di pa alam na bituka yon, sarap na sarap. Edi wag mong isipin na bituka! As simple as thaat!"

"Sabagay. Masarap naman"

Masarap naman talaga kasi. Kaya umorder pa ako ng apat na isaw. Oo na, matakaw na.

"Hindi mo naman hilig ang isaw no, Tutee?"

"Ikaw? Hindi mo naman hilig ang siomai no?"

"Sakto lang" sabi niya sabay subo sa siomai "Ang hang hang! WAAAA. HAAAAAAAAAAA!" 

"Oh eh bakit mahanghang?" 

"Pinalagyan ko ng chilli eh"

"Yun naman pala eh! Tapos magrereklamo ka. Labo din ng trip mo no?"

"Ikaw din naman. Isaw isaw ka pero ayaw mo sa bituka ng manok"

"Che. Siomaigirl"

"Isawman"

Bigla kaming natahimik dahil parehas kaming kumakain. Nagsimula kaming maglakad papalayo don sa stand na yon. At umupo sa isang bench. 

"Tutee, ano yon?" sabi niya sabay turo pero hindi ko tiningnan.

"Ewan ko"

"Puntahan natin"

"Unless na tindahan yan ng isaw, pupunta ako"

"Sira! Mga blouses. Tara tingnan lang natin ehh"

"Sige na nga. Para sayo"

"Korny mo nanaman"

"Mahal naman kita"

"Che"

Inirapan niya ko sabay walk-out. Hahaha. Natawa naman ako. Di niya matake yung gwapo mambabanat sa kanya. Can't blame her.

"Hoy intay"

"Dyan ka na sa isaw mo"

Tumigil ako. 

"Sige!" sabi ko sabay balik sa may isaw.

"Huy teka teka teka lang!"

Sabi ko na nga ba e. Hahaha. Hinigit niya ako at hinawakan ang kamay ko. Tapos naglakad kami papunta doon sa tindahan ng mga blouses na mukhang ukay ukay. Ew. 

"Sakin ka muna ngayon e" sabi niya pero noong nakita na niya yung mga blouse sa booth/stand na yon, binitawan niya yung kamay ko at namili na agad.

"sayo pala ha. pagpalit kita sa isaw dyan e"

I rolled my eyes and watched her shop. 

"Tutee, alin ang mas maganda? Itong Batman o Superman shirt?"

"Try mong Ironman"

"De letse ka"

"Eh bakit kasi di mo bilhin parehas?"

"Eh isa lang kaya ng budget ko e! Dali na, alin mas maganda?"

Ngumiti siya sakin habang hawak yung dalawang t-shirt. I rolled my eyes tapos kinuha ko parehas sa kanya. Sabay inabot ko doon sa Ale.

"Ate, pabalot na. I will take both of it"

"Sige po, Sir"

"Huy, huy. Sinong may sabi na dapat mo akong ibili ha?!"

"Wala"

"Eh Tutee naman eh! Nakakahiya na kaya sayo. Tama na nga. Para naman akong orphan na kailangang bilhan ng kung ano ano e. Ano ba gusto mo iparamdam sakin? Na mahirap ako?"

"Ganon agad? OA mo ha" sabi ko sabay labas ng cellphone ko tapos binuksan ko yung Camera. 

"Eeeh kasi Tutee. Ayoko naman isipin nilana Gold Digger ako sayo e. Di pa nga tayo, dami mo na naibibigay, paano pa kaya kung--"

"Kung ano? Maging tayo? Yieee. So merong chance?"

"Ay ewan ko sayo! Tutee naman. Tama na please?"

"Smile ka muna" sabi ko sabay pinicturan ko siya. "HAHAHA. Nakanga nga ka ohh. Mukha kang tanga. HAHAHA"

"Patingin nga!" sabay hablot sa cellphone ko. "Timang naman. Isa pa. Yung ready ako!"

"Kunwari ka pa" sabay kinuha ko yung cellphone ko. Ngumiti siya at pinicturan ko siya. Mga tatlong shots. Wala lang, ang cute niya kasi ngayon. 

"Picture tayo Tutee!"

"Ayoko pangit mo. Pag nagtabi tayo, mukha kang muchacha. Hahahaha"

"Sama mo naman. Ganyan ka ba sa taong mahal mo?"

"Syempre hindi sabi ko nga diba? Picture tayo?" Then yon, nakailang shots kaming picture saming dalawa. May nakangiti na inosente, nakanguso, nakadila. Sabi pa nga niya gusto daw niya yung shot na parang "bobo" daw. Tapos natawa siya kasi normal lang daw dapat yung akin yung kanya hindi.

Napaisip ako don.

At narealize ko na nilait niya ako don. Huhuhuhu.

Mukha ba talaga akong bobo? </3 Sige try ko magnerdy shades. Hayys. 

"Cute natin Tutee!"

"Ako lang" 

"Sama neto! Teka nga lang, may pinaguusapan tayo diba kanina? Yung...ano nga yun..." Nagkamot siya ng ulo. "Ay oo nga pala! Tama na to ha? Last na regalo mo na sakin to. Okay?"

Ngumiti lang ako at hinawakan ko yung mga kamay niya.

"Baby, hayaan mo lang ako ha? Ito yung way na alam  ko na pwede kong iparamdam kung gaano ka kaspecial sakin. Ha? Tsaka hayaan mo lang sila magsalita ng magsalita. Resbak kita. Ha baby?" tapos kiniss ko siya sa noo.

"Eh kasi..Tingnan mo naman tong regalo mo sakin oh.." sabi niya sabay hawak sa necklace na suot niya. "Mamahalin na kwintas samantalang yang regalo ko sayo, tingnan mo.." Tiningnan niya yung bracelet na suot ko. Oo proud ako na suot ko to. "Mukhang tali ng baka na nilagyan lang ng kulay"

"Don't worry baby. Special sakin to kasi galing sayo kaya smile ka lang ha? Mahal kita e" Tapos kiniss ko ulit siya sa noo.

"Nakakarami ka na ah! Tsaka Baby? Sino naman may sabi na pwede mo akong tawaging baby ha?" sabi niya na halata naman sa boses na pakipot lang.

"Wala, amoy lungad ka kasi. Yung laway ng baby na malapot"

"Yuck! Ambaboy mo!" sabi niya sabay sapok sakin. Binayaran ko na sa counter yung dalawang shirt na gusto niya. Tinanong niya ako kung gusto ko rin bumili ng shirt doon sa Booth na ito. Aba yuck. Malay ko ba na mga basahan to na may design lang. WOW. Yabang much. HAHAHAHA. 

"Tutee! Tingnan mo! Tingnan mo!"

"Ano nanaman?!" I rolled my eyes. Pagod na ko. Mga babae nga naman.

"Couple shirt. Ang cute!" sabi niya tapos lumingon ako sa kanya.

"HUWAAAT? Anong cute dyan?"

"Buy this, dali Tutee! Bagay satin tong dalawa" sabi niya. Tingnan mo to T___T Kanina ayaw maging Gold Digger tapos ngayon naman nagpapabili. Labo kausap.

"Ayoko nga. Sayo bagay, sakin baduy tsaka di ganyan ang tipo ko no. Ew. Jologs pHOWSZ"

"Sige na Tutee. Cute kaya. Red sakin, black sayo. Polka dots pa!"

"Ayoko! Ayokong mapagkamalan na place-mat no. Baka mamaya patungan ako ng pinggan"

"Eh arte naman nito e. Please Tutee?"

"Baby, tingnan mo nga yang damit. Bagay sayo kasi babae ka. Polka dots, long sleeves at walang porma, walang dating. At ang gay pa. Come on. Pwede bang sa Penshoppe na tayo maghanap ng couple shirt?"

"Ayoko. Gusto ko to"

"Bahala ka"

"Iiyak ako dito"

"Umiyak ka. Hahaha. As if iiyak ka para dyan"

"Fine"

"Fine" sabi ko sabay tumalikod ako. At pinagpatuloy ang pagtetext sa mga kaibigan ko. May pinaplano kasi kami na gala. 

After 1 minute...

"Kala ko pa naman mahal mo ako" 

Ops.

Lumingon ako sa kanya at tinaas ko yung kilay ko sa kanya noong nakita ko siyang nagpu-puppy dog eyes sakin. Okay, fine. Saming dalawa, siya naman lagi mananalo. Tingnan lang niya ako ng ganyan, yakapin. Okay na. Fine.

"Fine, bibilhin ko na"

"Yey! The best ka talaga Tutee!" sabi niya sabay yakap sakin. 

"Pssh. But I'm not going to wear this outside!"

"Eh? Bibilhin pa natin kung di mo isusuot?"

"Eh bahala na!" sabay kamot ko sa ulo. "Ate bilhin ko na to"

Yumakap ulit sakin tong babaeng to. Nawala naman bigla yung inis ko. Eh kasi naman T____T Ayaw na ayaw ko nga ng korny things like couple shirts, couple bracelet, couple rings, couple earrings? Pwede ba yun? Couple shoes? Couple everything! Ang gusto ko lang maging couple saming dalawa ay yung damdamin namin no. Para parehas kami ng nararamdaman.

Tsaka pwede bang couple mind na rin? Para hindi ako ganito kabobo.

Hayy.

Inintay ko siya sa labas ng booth o tindahan. Di ko na kaya sa loob. Ang jenets. Katext ko yung tropa ko e.

"Intay kita sa tapat na bench ha?"

"Sige"

Tapos umuna na akong umupo kasi pagod na ako. Pagod na akong makipagbargain sa utak niya. Hayy. Pero tiis lang. Siya naman yan e. Wala kasi akong babae na ginanito e. 

Naku subukan lang naman nila no. Dati yung isang girlfriend ko niyaya akong mag-Zagu, e gusto ko Krusherz. Nagmakaawa siya. Iniwan ko nga. Kairita e. Dami choices. Pasalamat tong babaeng to, malakas ang tama ko sa kanya kundi tatamaan siya sakin. 

Papalapit na siya sakin ng biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Eh? Kaba agad, kanina pa kasama? Bwisit na puso ng inlove ohh. 

Pagkaupo niya, sinandal  niya agad yung ulo niya sa balikat ko. 

"Pagod ka na baby?"

*poink*

"Aray! Ba't sinapok mo ako?"

"Eh baby ka ng baby e! Kaka-aduwa! Hahaha"

"Eh ano ba gusto mo tawagan natin?"

"Hmmm. Tawag ko sayo Tutee. Tawag mo sakin dyosa ng kagandahan sa balat ng lupa"

"Sa balat ng lupa? Eh paano kung sabihin ko sayo na mukha kang lupa?"

"Che!" sabay simangot siya tapos niyakap ko siya. 

"Joke lang. Hahaha. Sige na, ikaw na umisip ng tawagan. Yung seryoso ha?"

She nodded. Natahimik kaming dalawa. Ano kaya magandang tawagan?

"Cupcake?" sabi niya.

"Bwisit. Di ako tinapay"

"Hmmm. Puto?"

"Mukha ba akong dinuguan?"

"Hindi. Gwapo mo nga e"

"Yes, bumabanat ka ah. Hahaha. Ikaw nalang si Chichay ako si Joaquin"

"Masyado kang fanatic ng G2B. Bading ka na yata e"

"Di no! Magisip ka na nga ulit" sabi ko sabay kamot ng ulo ko. Sumasakit ulo ko kapag nagiisip ako. Grabe T___T Di na magamit tong utak na to eh.

"Mhie at Dhie?"

"So jeje. Wag yun, gusto ko unique"

"Hubby and Wifey?"

"Wag sa ex ko yun eh"

"Eh ikaw nalang kaya magisip no!"

"Eh kung POSH?"

"Posh? Pwede rin. Pero tawagan na yun ng kakilala ko na hindi magkaaminan ng nararamdaman eh"

"Ganon? Bakit naman?"

"Takot kasi umamin yung babae e. Tsaka di niya alam kung gusto talaga siya noong lalaki o hindi"

"ImPOSHible ba? Hahaha. Chismosa ka a"

(A/N: Posh tawagan namin ni crush eh. Hahahaaha. Back to the days na jeje pakami. So noong nakaget overna kami sa jejemons. Pinanindigan na namin ang posh. Pagpray niyo kami ha? HAHAHA"

Natahimik ulit kaming dalawa. Ano bang magandang tawagan na medyo unique? Yung kami lang dalawa ang nagkakatawagan non? Hmmm..

"Tutee? I interrupt ko lang yang pagiisip mo ha? Kahit for the first time ka palang yata magisip" sabi niya tapos ngumiti siya. "Pero mas gusto ko kasi na Tutee yung tawag ko sayo eh. Sanay na kasi ako don tsaka sanay ka na rin na ako lang ang natawag sayo nond iba?"

"May point ka. Eh ano tawag ko sayo?"

"I dunno. Yung about sakin"

"Hmm" Tiningnan kita mula ulo hanggang paa. Napatitig ako sa bag niyang Panda. She loves Panda. "Alam ko na! Panda nalang tawag ko sayo"

"Panda? Di unique!"

"Panda ko?"

"Parang pandakot. So ikaw si walis? HAHAHAH"

"Panda..Pandee nalang..Tama! Pandee. Para katunog ng Tutee diba?"

"Yan na yata ang pinakakorny mong nasabi sa buhay mo"

"What? I like it. Pandee. Pandee nalang. Diba? Pandee. Pandee. Pandee.  You're my Panda and Tutee loves you"

"Ay ewan ko sayo Tutee. Nakakaloko ka" 

"Icarve natin dito sa bench"

"Maninira ka nanaman ng gamit"

"Teka lang.."

Sabay naming kinarve ang Tutee <3 Pandee sa upuan na sira sira na ang pintura. Simula ngayon pagaari na namin to. Hayy. Gusto kong bumanat ng isa pang sweet na banat kaso wala na talaga akong maisip. 

"Pandee? Kamusta na nga pala yung anak natin?"

"Sino? Si Mark?"

Dugdug. Dugdug.

Could she please stop  mentioning that name? Tumataas balahibo ko e. Napapaisip ako ng di oras. 

"Ah..Oo.."

"Okay naman siya. Kayakap ko gabi gabi. Para kunwari ikaw ang kayakap ko diba?"

"Gumaganon ka ahh"

"Ikaw kasi e. Kakahawa ka. Sweet mo kasi ehh" sabay suntok niya ng pabiro sakin. Kinilig naman ako don. Shets. HAHAHA. Ang gay ko.

"Mahal kasi kita ehh" sabay suntok ko din sa kanya tapos nalaglag siya sa bench na inuupan namin.

"Aray!" 

"Sorry!"

Inalalayan ko siyang tumayo. Grabe, ganon na yon kalakas? Ay de letse. Babae siya, lalaki ako T___T Ang bobo ko lang talaga. Oh katalinuhan! Sapian mo ako! Hay T___T

"Okay lang ako! Okay lang ako! Hahaha" sabi niya sabay tawa. Baliw na yata T___T

"Ano nakakatawa?"

"Tayong dalawa"

"Bakit?"

"Eh kasi ganito tayo. May tawagan. May anak pero di naman tayo. Di mo pa nga ako nililigawan ehh"

"Well, yon nga balak ko e. Can I court you? Balak ko naman talaga na ligawan ka..Di ko lang alam kung paano magsisimula.."

Totoo naman e. Di ko alam kung sa magulang niya ba ako magsisimula o pagpapatuloy ko tong ginagawa ko. Labo.

"You really have fallen for me, don't ya?" sabi niya sakin. Ngumiti ako sa kanya at hinawi yung buhok niya at nilagay sa likod ng tenga niya.

"Sobra. Tinamaan na nga yata ako"

"Pero sorry ka, bawal manligaw" 

Patigil ako sa sinabi niya.

"WHUUUUUT?!! Bakit?"

"Ayoko ehh"

"Bakit nga? Teka nga lang..Feeling ko kasi may tinatago ka sakin ehh...May gusto ka bang aminin sakin tungkol sa totoong ikaw? Sino ka ba talaga?"

"Yun nga eh. Liligawan mo ako pero di mo ako kilala"

"Kaya nga manliligaw para makilala ka diba?"

"Ayoko. Di ako papayag"

"Ano pa bang gusto mo para pumayag ka na manligaw ako? Seryoso ako. Seryoso na to. Maniwala ka lang, buksan mo puso mo and I swear gagawin kong ikaw ang pinakamasayang tao sa mundo"

"Wehh?! Ayoko. Hulaan mo muna pangalan ko"

Oo nga no. Di ko pa nga parin alam pala yung pangalan niya. Halos mag 3 weeks na kaming magkasama pero hindi ko pa rin alam yung pangalan niya. 

"Ang hirap naman non. Miski si Rosenburg, ayaw sabihin pangalan mo"

"Hulaan mo muna"

"Fine"

"Magdalena?"

"Not even close"

"Rumplestilskin?"

"Seryoso kasi!"

"Elaine? Eunice? Chevelle? Jean? Alex? What? Bubble Buttercup Blossom?"

*poink*

"Bahala ka sa buhay mo. Hahaha"

"Bahala ka din sa buhay mo. Kahit di ka payag, liligawan kita. Pagpapatuloy ko tong pagpaparamdam ko sayo ng nararamdaman ko. I swear, I will make you fall for me"

"Good luck"

Nagkatinginan kaming seryosohan. Mata sa mata. Tipong nanlilisik ba? Samurai challenge! Wapak! Then biglang may nagtext so nawala yung moment.

Yung barkada ko pala. Si Gray. Binabalitaan niya kasi ako na may party sa isang araw. Sa New Year's Eve. Sa 31. May event ang school namin. 

Welcoming 2014

Venue: Wattpad Academy Theme Park

Maraming booths, rides, kantahan, at kung ano ano pang pakulo ang school namin. Excited na nga ako e. Ipapakilala ko na siya. Ilalabas ko na siya sa mundong weirdo niya.

Halos mabitawan ko yung cellphone noong nabasa ko yung...

Visitors: Friendster High

Shet. So...Kailangan invited ang bulok na rival school namin? That's..That's....NOT GOOD! Ibig sabihin, andoon ang kapatid ko? Ang kapatid kong demonyo? Pssh! Ayokong makita pagmumukha niya. Pagkatapos niya kaming pagtripan ng babaeng to sa mga lakad namin? Masusuntok ko siya.

Napisil ko yung cellphone tapos hinigit to ng babaeng katabi ko.

"Masyado ka naman sa cellphone mo. Ano ba nabasa mo?" sabi niya sabay basa. "Oh? May event ulit this year? Sasama ka ba?"

"Oo, di naman ako nawawala don eh"

"Ahh. Sige text mo nalang ako, kwentuhan mo ko ha?"

"You mean...Di ka sasama?"

"Nope. Di ako sumasama sa ganyan. Ang umaattend lang naman niyan yung sociable tsaka yung mga sikat sa school"

"Kaya nga..Kaya isasama kita..Kasi gusto ko makilala ka nila.."

"Makilala na ano?"

"Na...ano...Alam mo na..Na tayo..."

"Tayo ba?" Awts. 

"Hindi pero..Alam mo na.."

"Wag na. Baka mamaya pagtawanan ka pa nila tapos lamunin ako ng buo ng mga admirers mo"

"Edi papatae kita kung lamunin ka nila. Please? Sama ka na. Ilalabas kita dyan sa mundo mo at papakilala kita sa mundo ko. Okay ba yun Pandee?"

"Eh..Sige na nga..On one condition.."

"Kahit ano" sabi ko sabay hinawakan ko yung mga kamay niya.

"Isusuot natin tong couple shirt" 

"Sig--" Napabitaw ako sa mga kamay niya. "No way! That damn polka dots shirt? Dahil ano new year? No way. Andoon ang Friendster High, hindi ako magsusuot niyan"

"Okay then, di ako sasama sayo"

"What? Ba naman yan! Wala bang ibang condition?"

"Wala"

"Psssh..Sige na..Oo na..Sige na nga! Isusuot ko na basta sasama ka at sasakyan mo lahat ng sasabihin ko..Remember...You're OBM so you're still mine..And nasa contract yon..So pag pinakilala kitang girlfriend.."

"Sisipain kita"

"Maki-oo ka nalang"

"Whatever"

"Kaw talaga"

Hinigit ko siya tapos kinutusan ko sa ulo pero syempre mahina lang, tipong ginulo ko lang yung buhok niya. Tapos sinampal niya ako at sinuntok. Kunwari di masakit. Huhuhubells. Pero niyakap niya ako at sinabing masaya siya sa estado naming dalawa. 

Masaya din naman ako. Masayang masaya. Di ko man alam kung ano meron kami ngayon. Huhulaan ko talaga pangalan niya pero kung hindi ko man mahulaan...

Tuloy pa rin tong panliligaw ko sa kanya.

Tuloy tuloy.

Mahal ko siya e.

Tinamaan na ako sa kanya e..

"Ano? Isaw muna tayo bago tayo umuwi?"

"Sige na nga. Adik ka na sa isaw"

"Syempre, favorite ko na yon ehh"

Hawak kamay kaming naglakad papuntang isawan.

Hay <3 

Masarap ang isaw. Bow. 

Continue Reading

You'll Also Like

3.4M 94.8K 63
[PROFESSOR SERIES I] Khione Amora Avila is a transferee student at Wesbech University who aimed to have a fresh start. She only had one goal in life...
7.3M 199K 41
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
168M 5.5M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...
4.7M 315K 73
He is trouble incarnate. While she's a studious, well-mannered student, he's a delinquent who gets tangled up in all sorts of problems. They are comp...