He Was A Playboy

By jorlicue

736 189 45

Playboy met the consecutive girl. Will they end up being together? Or will they separate since theyre diffe... More

Note ni Author
UNO
DOS
TRES
KWATRO
SINGKO
SAIS
SYETE
OTSO
NUWEBE
DYIS
ONSE
DOSE
TRESE
KATORSE
KINSE
DISI-SAIS
DISI-OTSO
DISI-NUWEBE
BENTE
BENTE-UNO
BENTE-DOS
BENTE-TRES
EPILOGUE
Note ni Author

DISI-SYETE

15 6 2
By jorlicue

Magsisimula na ang service sa church. Ilang minuto nalang. Marami parin ang mga patuloy na pumapasok sa loob ng simbahan. Walang ganap ngayon si Asha. Makikinig lang siya ng sermon ng pastor nila.

Tinitingnan niya rin ang mga patuloy na pumapasok sa simbahan. Kahit wala siyang gagawin ngayon sa worship ministry, sya naman ang naasign sa attendance. Kaya kailangan niyang makuha ang mga pangalan ng dumalo kahit pa hindi niya kilala ang mga yun.

Nagsimula na siyang mag ikot ikot para magsulat ng mga attendee. Para wala na siyang iisipin pa kapag nagsimula na ang programa.

And yes, the service had started. Nagworship, nagpray, nakinig ng word of God. At sa kalagitnaan ng sermon ni pastor, nakatingin sa labas si Asha pero nakay pastor ang pandinig niya. Maganda ang tinuturo ng pastor nila ngayon, about CHANGES.

May mga pailan ilan parin kasing dumadating at pumapasok sa simbahan eh. Kaya nag aabang parin siya para makuha ang attendance nila.

At sa hindi inaasahang pagkakataon, halos hindi makakilos si Asha sa kinauupuan nang makita niyang pumasok sa templo ang pamilyar na tao.

Si Jordan.

Muka itong inosenteng tumuloy sa loob ng simbahan matapos siyang iassist ng isa sa mga ushers. Umupo ito sa last row ng upuan. Pagkatapos ay hindi na niya alam ang nangyari sa paligid niya.

Para na syang nabingi sa sermon ng pastor. Para na syang bulag sa iba pang attendee na humahabol at pumapasok sa simbahan. Tanging kay Jordan lang sya nakatingin.

Nakatingin ito sa nagsasalita sa harapan at walang bahid ng ngiti ang mga labi nito. Pero sa kabila ng kasiryosohan nito ngayon, lantad parin ang kagwapuhan ng binata. At yun ang nangingibabaw sa paningin niya.

"Asha!" Nagising siya sa kalabit ng katabi niya. Si Tiffany. "Bakit hindi ka pa nag aattendance? Ang dami nang pumapasok. Baka malimutan mo yan."

"Ah. Sorry." Aniya.

Tumayo na siya at dahan dahang lumakad. Palapit kay Jordan.

Iniabot niya sa binata ang hawak na papel at ballpen. Tinanggap naman yun ni Jordan at tahimik na isinulat ang pangalan niya.

"Miss?" Tawag niya kay Asha nang iabot niya dito ang papel. Nabigla pa siya ng lumingon si Asha at kunin ang papel.

Waring natulala din si Jordan sa nakita. Ngumiti naman sakanya ang dalaga saka na umalis.

At patuloy na sermon ng pastor ang narinig sa loob ng gusali.




Matapos ang service, nag uwian na ang mga taong nanduon. Nag aawitan naman ang music team habang nag uusap ang iilang mga kasapi. Ang pastor, mga assistant mga leader at iba pa.

Nananatiling nakaupo sa pwesto niya si Jordan. At sa pagitan ng mga taong paroot parito, hinahanap ng mga mata niya ang iisang babae.

Si Asha.

Pero hindi niya makita ang pakay. "Siguro umuwi na siya." Bulong niya at saka na naisipang tumayo.

"Thank you sa pagpunta sir. Mabuti po at nakabalik kayo." Wika sakanya ng isang babae nang makalabas na siya ng building. Sa pagkakaalala niya, ito ang huling nag assist sakanya nang pumunta sya dito, si Rhian.

Ngumiti lang sya dito at saka na umalis.




Mula naman sa likod ng simbahan ay tahimik na tinanaw nalang ni Asha ang lalaking tahimik na umalis ng simbahan.


























Nag uusap usap sila Jordan at ang mga kaibigan niya sa classroom nila ng vacant time nila.

"Pre, dapat sumali ka. Malay mo nandon si Asha. Chance mo na yun." Wika ni Brax sakanya.

"Basta ako sasali ako. Maraming chicks ng gabing yun panigurado." Dagdag naman ni Tim.

"Oo nga. Maisayaw nga si Asha." Ani Josh.

"G***!" Mabilis na napamura si Jordan sa sinabi ng kaibigan.

"Bakit pre? Wala namang magagalit eh. Hindi ka naman sasali eh." Sagot naman ni Josh.

"Oo nga pre. Saka hindi naman kayo eh. Okay lang na isayaw namin siya." Gatong pa ni Sky.

"Wag ka nang sumali Sky, magagalit si madam Jessica!" Ang girlfriend niya ang tinutukoy ni Brax.

"Wala naman siya don eh." Totoo. Nasa school nito malamang si Jessica. Magkaiba kasi sila ng school.

"Ano pre?" Tanong ni Josh kay Jordan. Hindi sumagot ang binata. "Sasali ka naba?"

"Hindi ko alam." Yun lang ang nasabi niya.



Ang pinag-uusapan nila ay ang paparating na acquaintance ball. Kasali ang lahat ng year level dito. Pero especialty ito ng university para sa mga freshmen. Sila kasi ang mga baby ng campus at mas inaalagaan ang mga first year para mas maging comfortable sila sa buong school at sa mga senior levels.

Kakaannounce lang nito sa kanila ng SSG officers. At meron nalang silang apat na araw para magprepare. Friday night kasi gaganapin ang party.

"Excited na ko." Masayang wika ni Mica habang naglalakad sila patungong library. "First time ko to."

Hindi naman sumasagot ang kasama nitong si Asha. Tahimik lang ito at parang wala nanaman sa mood makipag usap. Napansin naman yun ni Mica.

"Asha? Okay ka lang ba?" Usisa ni Mica sakanya. "Kanina ka pa tahimik. May problema ka ba?"

"Wala Mica." Sagot niya. "Hindi lang maganda ang pakiramdam ko."

"Ah dapat umuwi ka nalang. Dapat hindi kana pumasok." Wika ni Mica. "Uminom ka ba ng gamot?"

Ngumiti sakanya si Asha. "Hindi na mahalaga yun." Aniya saka na pumasok sa loob ng library at tahimik na ginawa ang dapat na tapusin.











Mabilis na lumipas ang mga oras at araw. Walang paramdam si Jordan kay Asha simula nang gabing kamuntik na niyang mawala ang virginity niya. Wala na rin siyang naririnig na balita kay Alexa. Ang tsismis ng mga estudyante, matagal na daw na hindi pumapasok ang babae. Wala din daw itong pasabi kaya wala ding idea ang mga professor kung ano na nga bang nangyari sakanya. Wala din naman itong kamag anak sa school. Kahit ang bestfriend nito ay wala din daw alam.

Paminsan minsan nalang din siyang kinukulit ng mga kaibigan ni Jordan. Habang tumatagal, mukang nagiging kampante na ang mga ito sa kaligtasan niya. Gayon pa man, palagi parin naman siyang kinukumusta ng mga ito. Nagtatanong kung wala bang kahina-hinala sa paligid niya. At pinapaalala sakanya palagi na tawagan niya lang sila kapag kailangan niya ng tulong,na syang never niyang ginawa.


Nandyan naman si Mica para hingan niya ng tulong lalo na kapag inaatake ng asthma ang lola niya at kinakailangan niyang dalhin sa ospital. Si Mica ang tumutulong sakanya. Muka din naman kasing naaawa sakanya ang kaibigan dahil nga ulila na siya.


Sa huling araw bago ang pinag uusapang acquaintance ball, kanya kanyang paghahanda na ang mga estudyante sa big event. Halos hindi na rin nagkaklase ang iilang professor para makapaghanda at makapagrelax ang mga estudyante.


Pero mukang hindi si Jordan.


Habang abala sa paghahanap ng maisusuot at maidedate ang mga estudyante sa buong campus, nasa library lang si Jordan. Tinatapos ang report na gagawin niya pagkatapos din ng acquaintance.

Walang laman ang library. Tanging siya lang. Lahat kasi ng mga estudyante ay wala nang pakialam sa pagsisearch dahil ayon sa kanila, enjoy muna this weekend. Not for him. Wala syang pakialam sa acquaintance. Hindi tulad ng dati na sya pa ang nangunguna sa pag announce dahil nga excited siyang may makasayaw na chicks. At makatsansing narin.



Nang makuha ang libro, dumiretso na si Jordan sa isang bakanteng upuan na hindi niya aasahang makakaharap niya si Asha sa kabilang mesa. Nag aaral din ang babae.

Tahimik na tiningnan niya lang ang babae. Abala ito sa pagsusulat.

"Pupunta ka ba?" Basag niya sa katahimikan.

Huminto si Asha sa pagsusulat at tumingin sakanya. Nahalata naman niya ang bahagyang pagkabigla nito ng makita siya.

Bakit parang wala lang kay Asha ang presensya niya? Ang ibang girls halos magkandarapa sakanya at halos patayin siya sa yakap at halik kapag nasa paligid siya pero si Asha dedma lang.

At ang kinaiinisan niya pa, bumibilis ang pintig ng puso niya kapag nakakaharap niya ang babae.


"Bakit mo kailangang malaman?" Tanong naman nito nang bumalik ulit sa pagsusulat.

"Ah.. wala kasi akong balak na pumunta." Sagot niya sa mababang tono. Napansin niyang napatigil nanaman si Asha sa pagsusulat ng sumagot siya. Pero hindi ito tumitingin sakanya. "Kaya gusto kong malaman kung pupunta ka? Para masabihan ko sila Sky at-"

"Hindi na kailangan." Putol nito sa sasabihin pa sana niya, "Pupunta lang ako don for formality." At saka na ito nagsulat ulit.

"Gusto kong mag enjoy ka." Yun lang ang sinabi niya.

Kinuha niya ang libro at ibang gamit saka na tumayo at iniwan ang babae.


Tiningnan naman ni Asha si Jordan na lumakad palayo sakanya. Nakita niyang dumiretso ito sa librarian at nagsulat ng kung ano man sa ibinigay na book log ng bantay. Saka na umalis ng library na hindi man lang siya nililingon.

Continue Reading

You'll Also Like

4M 196K 101
โœ… "We always long for the forbidden things." ๐๐ฒ๐ฌ๐ญ๐จ๐ฉ๐ข๐š๐ง ๐ง๐จ๐ฏ๐ž๐ฅ โ†ฏ โš”๏ธŽ ส™แดแดแด‹ แดษดแด‡ แด€ษดแด… แด›แดกแด แด„แดแดส™ษชษดแด‡แด… โš”๏ธŽ ...
3.9M 159K 69
Highest rank: #1 in Teen-Fiction and sci-fi romance, #1 mindreader, #2 humor Aaron's special power might just be the coolest- or scariest- thing ever...
88.5K 2.3K 33
A little AU where Lucifer and Alastor secretly loves eachother and doesn't tell anyone about it, and also Alastor has a secret identity no one else k...
9.9M 500K 199
In the future, everyone who's bitten by a zombie turns into one... until Diane doesn't. Seven days later, she's facing consequences she never imagine...