The Perfect Fake Marriage (BO...

By Jennie_Jem

765K 15.6K 269

R-18. Bumagyo? Check. Sa isang kubo. Check. Nagkayapakan. Check. Nagkatabing matulog sa buong magdamag. Check... More

Prologue
Kabanata 1- To Be A Maid
Kabanata 2 - The Ex
Kabanata 3- Memories in Baking
Kabanata 4- Act Of Kindness 101
Kabanata 5- Together Alone
Kabanata 6- The Tradition
Kabanata 7- The Bride's Duty, They Said
Kabanata 8- Together Alone 2
Kabanata 9- The Wedding
Kabanata 10- Sunday's Best
Kabanata 11- We're Back Home
Kabanata 12- Being His Wife
Kabanata 13- Act of Kindness 102
Kabanata 14- Jessica Meets Ella
Kabanata 15- Past 'n Present
Kabanata 16- Trip To Boracay
Kabanata 17- Sense of Duty
Kabanata 18- Pain With Regret
Kabanata 19- Hurtful Feelings and Confessions
Kabanata 20- The Best Day
Kabanata 21- Marriage Is For Real
Kabanata 22- The Knowing
Kabanata 23- He Is Invited
Kabanata 24- The Annulment Papers
Kabanata 25- She Signed It
Kabanata 26- His Heartbreak, Wine and Beers
Kabanata 27- You Will Not See Him Again
Kabanata 28- New Chapter, New Life
Kabanata 29-We Meet Again
Kabanata 30- Alexiane and Alexis
Kabanata 31- 2 Alex Meets Xander
Kabanata 32- The Savior
Kabanata 33- A Gloomy Day
Kabanata 34- Trip To Ilocos
Kabanata 35- Ilocos With Love
Kabanata 37- Kiss The Rain
Kabanata 38- Accidents Happen
Kabanata 39- Engagement Crasher
Kabanata 40- 'Ipaglalaban Kita'
Kabanata 41- Best Gifts
Kabanata 42- Stormy Night
Kabanata 43- Gift Like Romance?
Kabanata 44- Falling Apart
Kabanata 45- Rain of Love
Epilogue - Jenelle's POV
Author's Note

Kabanata 36- The Plan

12.3K 277 1
By Jennie_Jem


Keiser's POV

"Finn, sige na, pumayag ka na kahit isa lang, give her flowers, treat her to the nearby restaurant, sige na, tulungan mo ang kaibigan natin," nagmamakaawa na ako sa kay Finn na kakarating lang kagabi. Nakatingin siya sa aming apat. Knowing Finn, hindi siya sasabak sa ganitong mga plano.

"Alam niyo ba ang ginagawa niyo? You're will cause trouble, at idadamay niyo pa ako. At, alam niyo naman na may girlfriend na 'yung tao, ipagpipilitan pa ang hindi na."

"Finn, hindi mo ba nakikita. Xander is not totally happy. Parang hindi siya kumpleto, parang may kulang. Madami na siyang nagawa sa atin, kahit ganito, matulungan natin siya na mahanap ang totoo niyang nararamdaman."

"But he has Charmaine now, at nakikita kong masaya siya sa kanya."

"Hindi mo kami naiintindihan, prinsipe. The complete happiness, hindi pa siya naka-move on, sabi niya di ba, mahal pa niya. Mahal pa niya. We're just helping him realize, forget, forgive, and define the word of fight. Hindi siya marunong ipaglaban ang nararamdan niya, kaya, tutulungan natin siya. Narinig mo, mahal pa niya si Jenelle, at girlfriend niya si Charmaine, tutulungan din natin na hindi na sila maglokohan sa isa't-isa. Masasaktan lang si Charmaine kapag naipagpatuloy lang ito. At, ikaw, gusto mo bang masaktan ang babaeng mahal mo, hindi, di ba?" hindi na ako ang nagdaldal nun, si Slater na. Pero, may point naman siya. Ganito talaga ang plano namin.

"Kung ano ang pinagsasabi ninyo, I will try. Kapag masasabit ako, kayo talaga ang itutulak ko sa problema."

"No problem, basta tumulong ka lang."

"Anong gagawin nga?," sa wakas naging interesado na rin. Ang hirap talagang mapasagot ng prinsipeng ito. Kasing hirap ng trigonometry.

"Jessica is part of this 'Starting Over Again Plan'. Kasabwat namin siya, at huwag ka ng aangal diyan," susubukan pang umangal, eh. "Jenelle is taking her coffee at the Garden Cafe, kasama niya si Alexis, you've got to say good morning, alam mo na 'yun, makipag-usap ka sa kanya, treat her lunch or something. Don't forget to make Alex jealous, nandoon rin siya nakikipag-usap kay Micheal."

"Basta, sundin mo lang ang ipagagawa namin, Mr. President slash Prince Charming."

***

Jenelle's POV

Alexis was busy eating his breakfast while Alexiane was with Carol, strolling in the seashore. Maaga silang natulog, maaga rin silang gumising. Wala talaga ako sa mood na mabuhay ngayon. Naguguluhan pa rin ako, 'Do you really see that I am happy?', isang tanong na nakakapagpabagabag sa utak ko ngayon. Ano ang ibig niyang sabihin? May ibig sabihin ba nun? Bakit? Ano?

"Hi, Jenelle," napatingin ako sa bumati sa akin, at bumungad sa akin ang gwapong prinsipe. Hay naman. Buti wala si Chaniel dito, at baka, nasunggaban na ito ng mga madaming selfies.

"Hi, Finn, good morning, nandito ka rin? Bakit ngayon lang kita nakita?," umupo siya sa tabi ni Alexis. At ngumiti ang bata sa kanya, nag-ngitian silang dalawa.

"Good morning,..."

"Ah, Alexis, anak ko," magugulat pa ba siya kung may anak ako?

"Good morning, Alexis, I'm Finn, or you can all me Tito Finn if you want," nagkamayan silang dalawa. My son was smiling great, may naalala na naman siya siguro, dahil na naman ito sa magazine na palagi nilang pinapaunod ng Ate niya.

"Hi, Tito Finn, nice to meet you," maliit talaga ang tinig ng anak ko, kasing liit niya. Nagkibit ako ng balikat sa titig niya sa akin, at ngumiti lang.

"Well, dumating ako kagabi, hindi ako sumama sa kanila dahil masyado silang maingay kapag nagkakasamang anim. Kung anu-anong pinag-uusapan." Pailing-iling siya sa mga kaibigan niya, Tama nga naman, ang ingay-ingay nila kapag nagkakasama. "Eh, ikaw, anong ginagawa mo rito? Di ba, may trabaho ka? And, by the way, thank you for letting us enter your mall. We owe you something."

"Gusto kong ipasyal ang mga anak ko, they love sea kaya, dinala kami ng kapatid ko rito. And, don't thank me, its nothing, maganda naman talaga ang mga products ninyo."

"Include the models, pang-pa-akit talaga." Nagkibit lang ako ng balikat ako ngumiti. Uminom kami ng kape, when someone, covered my eyes.

"Grabeh, wala akong makita, Finn, sino naman ito?"

"Well, hindi ko alam." Tama nga naman, wala siyang alam sa mga kilala kong tao. Kinuha niya ang mga kamay niya, at tumalikod ako.

"Chaniel? Ano na naman?" Chaniel talaga, ke-aga-aga.

"May surpsie ako sa'yo. TADA!," lumitaw si Phia sa likod niya. DIYOS KO PO! GANDANG BABAE! Magkasing heihgt na sila ni Chaniel, at well, pina-aral ko siya ng tuluyan at ka-ka-graduate niya lang ng Grade 12 last month. Bigla akong natulala sa pinagbago niya, ano naman ang ginawa ng kapatid ko sa kanya, she was pretty and charming.

"Ate?"

"PHIA!," bigla siya nasakal sa yakap ko na kasing higpit ng yakap ko kay Xander kagabi. XANDER NA NAMAN! Tigil mo na ito, Jenelle. "Miss na miss kita. Kamusta na? School? Lovelife? Family?"

Napatawa siya.

"Miss rin kita, okay lang ako. Okay naman ang school ko, naka-with-honors ako this year. Love life, wala talaga, wala pa sumasagi sa isip ko 'yan. Family, gumaling na si Mama, at thanks to you, wala na kaming utang kay Mr. Rivera."

"That's good."

Tumingin ako sa kapatid ko na kanina pa walang salita, nasa harapan na pala siya ni Finn, nakikipag-usap na naman. Gwapo raw kasi, kaya 'yan, ang OA talaga.

"Finn, this is Chaniel, my sister. And this is Sophia, my cousin," pakilala ko sa kanilang dalawa sa twenty-four year old bachelor. Ganito ang mga paningin ni Chaniel, hinuhulaan ang edad sa itsura. At, twnety-four naman talaga si Finn.

"Hi, Chaniel, nice meeting you." Nagkamayan silang dalawa, at sinapak ko ang likuran ng kapatid ko, at tigilan na niya ang pagpapa-cute diyan. At,...tumayo ang prinsipe, saka, inabot ang kamay sa magandang dilag na katabi ko ngayon. "Hi, Sophia, glad to know your name. I'm Finn." Namula ang ale ninyo. Dahan-dahan niyang kinuha ang kamay ng prinsipe, at nagkamayan silang dalawa. Naman.

"Hello, Finn, nice meeting you." Kung hindi umubo si Chaniel, ay hindi mabibitawan ang mga kamay nila. Kinilig na naman ako.

"So, Jenelle, sige, mukhang madami pa kayong pag-uusapan, eh. Una na ako," naglakad siya patigil, pero huminto ulit. "Its glad to meet you, Sophia." Tumango lang ang pinsan ko na nakangiti. At, nawala na si Finn na lumabas ng cafe.

"Haba ng hair mo, Phia. Prinsipe, tiningnan ka ng ganoon." Hinawakan pa ni Chaniel ang mahabang buhok ni Phia, at nilalaro niya ng magkatabi sila.

"Prinsipe pala siya?"

"Oo, taga-Italia siya, at namumuhay na sa Pilipinas for six years, kaya, ganoon na lang ang kabihasa niya sa Tagalog."

"Ah..."

Keiser's POV

Nandito na naman ako guyz, nandito ako ngayon kasama si Zion at Micheal sa restaurant. Nasa kabilang table sina Jenelle at Finn. Kanina pa silang nag-uusap na nagngingitian. Kasama ba 'yan? Parang ang oa na, ha. Wala pa kaming nakain sa seryoso nilang pag-uusap. At, pakiramdam ko, madaming tanong si Finn sa kanya na sinagot naman ng babae. Naman, oh! Sabing e-lunch, hindi mag-interview.

Dumating na sina Slater at Alex na kanina pa nagg-golf. Ito si Alex, golf ang inaatupag, eh, 'yang kaibigan niya, sabing e-lunch, parang ang sweet niya pa. Naman, oh. Pagselosin, hindi ligawan ang babae. Pero, infairness...

"Oh, ano naman ang problema ni Finn, parang binuhusan ng isang sako ng asukal, ang tamis ng ngiti. Nanliligaw siya kay Jenelle?" ang galing talagang artista nitong si Sltaer, palakpakan, sa lahat ng kaibigan ko, siya lang talaga ang supportive.

"Ewan, kaninang umaga pa 'yan." Umupo si Alex sa tabi ko, at kumuha ng isang baso ng tubig ininom ito na ang tahimik na tahimik. Magsalita ka bro. Nagtinginan kaming apat.

"Eh, ikaw, bro. Kung manliligaw si Finn sa asawa mo noon. Papayag ka?" ako talaga ang naglakas loob na nagtanong, mukhang ako lang talaga ang may tapang na harapin ang suntok niya.

"Nanliligaw ba siya? Mukhang hindi naman, pero, kung 'yun ang totoo, sino ba naman akong hindi papayag, di ba?" tigas naman talaga. Kailan ba itong mag-wo-work? Simula noong magkahiwalay sila, bumalik na naman si Alex sa dati, ang cold-hearted guy ng Ilocos, Alexander John Rivera, hindi siya playboy, pero bumalik ang dati niyang ugali. Tahimik na siya, at wala na saya sa mga mata.

"Nang ganoon-ganoon na lang?"

"Why? Wala na kaming koneksyon sa isa't-isa. Mahal ko siya pero sinayang niya lang. At, remember, she signed those unwanted damn papers."

"Bro, payo lang, kung mahal mo kasi, ipaglaban, ipaglaban mo. Everything will be worth it kapag ipaglalaban niyo ang isa't-isa. Kung mahal mo, kahit, anong sakit na dinulot niya sa'yo, dahil mahal mo siya, you will learn how to forget and forgive, hindi mo hahayaan na mawasak kayo dahil lang, hindi niyo napatunayan ang isa't-isa," napatingin ako sa mga salita ni Zion. Nakakagulat na sa kanya pa nanggaling 'yun.

"True love is tested in the percentage of your courage on how you fought for each other. Kahit anong haarang, pader, kahit mga naglalaking bato ang humarang, dahil nagmahal ka, kahit anong sakit, you will fought for the girl, because she is worth fighting for."

Maiiyak na ako nito, ang tino-tino ng mga kaibigan ko ngayon, hindi ko na sila kilala sa mga sinasabi nila talaga. Playboys, ganyan ang mga salita, maniwala ako?

"Tingnan mo, may anak na siya, hindi lang isa, pero dalawa. Hindi ka ba nagtaka, hindi siya nagmahal ng ibang lalaki for two years simula ng pakawalan ka niya. You have to understand the situation, Alex, her father is desparate to marry her with a Santos, gagawin niya ang lahat para mapa-sa-kanila ang anak niya. Hindi ka ba nagtaka, kung bakit ka iniwan o pinakawalan ni Jenelle. Hindi niya sinasabi sa'yo, dahil, natatakot siya. Bigyan mo siya ng lakas na maipaliwanag 'yun. May karapatan siyang magpaliwanag at may karapatan kang malaman kung bakit naging ganito ang lahat. Mahina siya kapag ikaw na ang pag-uusapan," tahimik lang siya na nag-iisip ng malalim. Sana naman tumagos na sa isipan niya ang pinagsasabi namin dito?

"Paano niyo nalaman na mahina siya pagdating sa akin?"

He asked.

Continue Reading

You'll Also Like

28.4K 442 29
Aquilla Montefalco a doctor in neorosurgeon department, cold, snob pero may pagkabaliw din minsan. Muling magtatagpo ang landas nila ng lalaking sin...
6.2K 387 44
Napaka mapaglaro ng tadhana para kay Rachel, hindi siya mapansin o magustuhan man lang nang lalaking gusto niya pero paano kung may dahilan yon ay ma...
15.3K 933 54
Ang pag-iibigan nila winter at philip ay sinusubok ng tadhana. Naging matatag sila sa lahat ng pagsubok ngunit hindi lahat ay kaya nilang haraping ma...
887K 655 1
For complete version, visit Dreame/Yugto app