Stupidly Inlove With A Cheater

By _BlackEmpress_

20.6K 530 97

Stupidly Inlove With A Cheater................................................ Posible nga bang may mabuong p... More

Prologue
Knight-in Shining Armor
Moment... (Part 1)
Moment (Part 2)
Chapter 3 & 4
Jelous (Part 2)
Boyfriend?
Gangsters...
Introducing.....The Gangsters
.....
Bonding with my Cousin
CHAPTER 10
I'M BACK!

New Friend...

1.2K 44 23
By _BlackEmpress_

Kenneth!

"What the Hell! Binasa mo yung uniform ko!" Ungol ng unggoy, kilala niyo naman kung sino yung tinutukoy ko di ba?

"That is what you wanted Ken! Ginambala mo ang mahimbing kong tulog! Karma mo yan!" Mataray kong sagot sa kaniya.

"Well, problema mo ngayon ang uniform ko, hindi ka makakalabas ng kwarto mo hanggang hindi ako nakakapagpalit!" Aish! Pati ba naman pamalit niya kailangan kong sagutin?

"Pati ba naman pamalit mo kailangan ko pang problemahin?!" Palibhasa spoiled kaya hindi marunong gumawa ng mga simpleng gawain!

"Yes" Tipid niyang sagot. Sinamaan ko siya nang tingin.

Tumingin ako sa orasan. WHAT THE! 6:00 AM NA! 30 MINUTES NALANG! Walang anu ano, tinabig ko siya at nakalabas ako nang kwarto, nakita kong ininda niya yung sakit nung tumama siya sa cabinet ko. Ngayon ko langnarealize na ang lampa niya pala.

Tumakbo ako papuntang sala. Nakahanda na yung pagkain, wala na pati si Kuya Andrei.

"Ma nasan po si Kuya?" Sasabay sana akong pumasok sa kaniya eh.

"Ah may camping daw ang section nila sa Bulacan, three days and two nights daw sila dun"

"Ah sige po." Sabay kuha ng tuwalya, handa ng uniform at punta sa banyo.

Mga 10 minutes akong naligo at 5 minutes na nagbihis. Pumunta agad ako sa sala para kumain at naabutan ko si Kenneth at Mama na nag aagahan. Umupo ako sa tabi ni Mama at kumain.

"Hoy unggoy, bakit ka nandito?" Pang iinis ko kay Kenneth.

"Ah nak. Hindi ko pa pala nasasabi sayo, dito muna si Kenneth habang wala ang kuya mo" Sabi ni mama. Bigla akong nabulunan kaya inabutan niya ako ng tubig.

"So ma. Ang ibigsabihin ba niyan siya muna ang papalit kay kuya? Eh bakit hindi siya dun sa kanila?" Hindi ako papayag na mapalitan ni Ken si kuya ko

"Wala rin kasi siyang kasama dun, si Maxine kasama ng parents niya na nasa Cebu, dahil sa business" Eh bakit di nila isama 'tong asungot kong pinsan?

"Eh bakit di nila isama 'tong si Kenken?" Sabay turo kay Kenneth

"Don't call me Kenken! I'm a teen now!" Inis na sabi ni Kenneth. Dinilaan ko lang siya.

"Kasi daw dadami ang absents niya sa school. Eh si Maxine hindi pa naman nag aaral." Ah ganun pala yun. Tumango tango nalang ako bilang pagsagot.

Biglang nag alarm ang cellphone ni Mama. 5 minutes left. Ibigsabihin ay 6:25 na, kaya kinuha ko yung bag ko sa kwarto at nagpaalam kay mama.

Habang naglalakad ay nakita kong nakasunod sa akin si Kenken.

"Oh bakit ka nakasunod?" Irita kong sabi.

"Papasok ako sa school, wag kang assuming, pareho lang tayo nang pupuntahan" Sarkastiko niyang sagot.

"Dami mong alam" Pabulong kong sabi.

"Malamang nag aaral eh." Biruin mo narinig niya pa yon?

"Tsk" Inis kong sabi at binilisan ang paglakad. Nang makarating ako nang gate tumingin ako sa relo ko. 6:29 am na. Aabot pa yan 6:45 naman ang una naming subject eh.

Pag dating ko sa room nakita ko ang pictures namin ni Andrew nung nasa clinic kami at Kiel habang buhat niya ako papuntang clinic, na nakadikit sa pader, may caption pa sa taas na "Ang Malanding Babae". Inisa isa kong tanggalin yun pero wala pa rin ang daming masyado. Pinagtitinginan ako ng mga estudyante sa labas at para silang mga bubuyog na bulungan nang bulungan.

"Grabeng lumandi 'yang babaeng yan! Dala dalawa!"

"Una si Andrew tapos sinunod si Kiel, baka pati pinsan niya landiin niya?"

"Dapat patalsikin yan dito sa school sa sobrang kalandian!"

"Gusto ko siyang sabunutan!"

"Ang landi talaga niyang babaeng yan!"

Ilan lang yan sa mga narinig kong bulungan, ang sakit nilang magsalita.

Lumuhod na ako at umiyak dahil sa kahihiyan, nabasa na yung eyeglasses ko, hindi ko na alam kung anong gagawin ko, hindi pa rin sila umaalis sa paligid ko, gusto kong tumakbo pero hindi ko magawa dahil nanghihina ako, ilang sandali pa ay may babaeng nag tayo sa akin.

Binigyan niya ako ng panyo at pinagpag ang palda ko, ang bait niya, mukhang sinuwerte ako. Hindi ko pa siya nakikita dito sa campus dati, baka baguhan siya.

"Sa-salamat." Mangiyak ngiyak kong sabi.

"Dapat ay hindi ka tinatamaan niyan at wala kang pake jan kung alam mong hindi naman totoo na nilalandi mo yung nasa picture." Nakangiting sabi niya sa akin. Maganda siya, matangkad, maputi at may eyeglasses din na pang nerd. Pero kahit naka eyeglasses siya ay maganda at maayos pa rin siyang tignan.

"Ang bait mo naman. Salamat ha." At saka ako tumigil sa pag iyak.

"Naku. Nasabihan pa ako ng mabait. Thank you din." Nginitian niya ulit ako.

Tinulungan niya akong pumasok sa classroom namin at umupo sa tabi ko sa bandang likuran.

"Oo nga pala, ako nga pala si Jiana, kaklase mo ako." Nakangiti niyang sabi. Lagi siyang nakangiti at napaka ganda niya. Hindi ko maiwasan na hindi tumingin sa kanya. Ang sexy niya pati.

"And you are?"

"Kathrine" Sabay ngiti ko sa kanya. "Familiar huh." Sagot niya.

Dumating na yung Adviser namin. Tinawag niya muna si Jiana at pinapunta sa harapan.

"Okay class. She is your new classmate." Sabi ng adviser sa buong klase.

"You may now introduce yourself." Sabi ng Adviser kay Jianna.

"Hello everyone. I am Jiana Ayesha Mae Lim, Jam for short, but you can call me Jiana, I am your new classmate, I am from Stanley Academy, I love to sing and dance, that's all" Magana niyang pagpapakilala sa buong klase.

Pagkatapos niyang mag pakilala ay nagturo na ang adviser namin, first subject ay GMRC, sumunod ay ENGLISH, then may lumipat na teacher samin, teacher namin ng SCIENCE, sunod ay COMPUTER at lastly para sa umaga ay FILIPINO.

Omoo! Kasama ng teacher namin sa filipino si Andrew! Nag bulungan na naman ang iba kong kaklase.

"Malilipat ba siya sa section natin?"

"Uy magiging kaklase na natin si Andrew!"

"Sana kagrupo natin siya."

At may iba pang girls na pinapaalis ang seatmate nila para duon paupuin si Andrew.

"Okay class. Magiging kaklase niyo siya sa Filipino, sa subject ko." Sabi ng teacher namin. Tumigil na rin ang bulungan

"Hindi niya na siguro kailangang mag pakilala di ba?" Sabi ng teacher.

"Yes madame!" Sagot ng buong klase.

Nagsimula nang maghanap ng upuan si Andrew. Nakita niya ang bakanteng upuan sa likod namin ni Jiana, kaya dun siya umupo. Nagsimula na naman ang mga nakakairitang bulungan ng mga kaklase ko.

"Hey Jam", mahinang tawag ni Andrew sa likod kay Jiana.

"Why?" Pabulong na sagot ni Jiana nag tuturo na kasi ang teacher namin.

"Can I borrow a pen?" Tanong ni Andrew

"I don't have any extra, sorry" Sagot ni Jiana.

"Here." Sabat ko sa usapan nila, sabay abot ng ballpen kay Andrew.

"Oh thank you Kathrine." Sabi ni Andrew.

"Magkakilala kayo?" Tanong ko.

"Yes, I am his cousin" Sagot ni Jiana.

"HEY! THE THREE OF YOU!" Tawag samin ni madame.

"Yes madame?" Kinakabahang sagot naming tatlo?

"WHY AREN'T YOU LISTENING?!" Lagot kami neto!

"Sorry madame! I am the one who started it!" Sagot ni Andrew.

"Don't do that again! Because of you, the two ladies we're distracted" Panenermon ni madame, pero teka, bakit sila nag eenglish-an, filipino time naman. HAHAHAHA.

"I'm sorry madame." Sabi ni Andrew.

Matapos ang ilang minuto nang pakikinig ay lunch na din namin!

"Hey Drew! Kath! Sabay na tayong mag lunch sa canteen!" Nakangiting sabi ni Jiana este Jam pala.

"Sure." Nakangiting sagot ni Andrew.

"Okay." Sagot ko naman.

"Let's Go!" Excited na sabi ni Jam at nagpunta na kami sa canteen.

Habang nag lalunch kami ay napaisip ako, bakit kaya ngayon lang nakapasok si Jam? Samantalang nung isang linggo pa yung first day of school.

"Ahhm Jam, bakit ngayon ka lang nakapasok? I mean bakit absent ka ng first week of class?" Mukhang naintindihan naman niya yung tanong ko.

"Ahh, nung Monday kasi inatake ako ng Hika, tapos sabi ng doctor ko ay magpahinga daw muna ako." Nakangiting sagot niya. Halatang masiyahin siyang tao ah.

Habang nagkukwentuhan, biglang sumingit ang unggoy kong pinsan.

"Pwedeng maki-share?" Bait baitan niyang tanong, palibhasa nakakita ng chicks.

"I'm sorry pero hindi na pwede" Sabay lagay ko ng gamit ko sa nag-iisang bakanteng upuan.

"Insan." Sabay tapik niya sa balikat ko. "Paupuin mo na ako." Sabay tanggal ng gamit ko sa upuan at umupo siya dun. Asungot 'tong lalaking 'to!

"Uhm. Hi?" Sabi niya sabay ngumiti nang pilit kay Jam.

"I'm sorry but I do not talk to anybody that I am not interested to." (A/N: Tama ba ang grammar ko?) Mataray na sagot ni Jam. Dinilaan ko siya. Halatang napahiya siya. Buti nga. Ang karma nga naman ang bilis kumilos!

Nakisabay na rin sa pag kain namin ang asungot na, unggoy pa, kong pinsan. Tingin siya nang tingin kay Jam. Hindi ko naman ikakaila na nakaka attract talaga si Jam dahil maganda nga siya.

"Huy dre! Ingat sa pagtingin sa pinsan ko! Baka matunaw!" Natatawa-tawang sabi ni Andrew.

"Pinsan mo?!" Hindi pa nga pala niya alam.

"Oo." Sagot ni Andrew.

"Ahh sige." Sabi ni Kenneth.

Tumingin ako sa relo 12:47 pm, malapit nang magsimula ang math subject namin.

"Jam malapit na tayong malate, tara na." Kinuha naman agad namin ni Jam yung mga gamit namin at bumalik na sa classroom.

Pag balik namin sa classroom ay madami pa ang wala, ang ilan ay gumagamit pa ng gadgets. Wala siguro yung teacher namin sa math. Nagtanong ako kay Nick.

"Bakit wala pa si Ms. Guevarra?" Tinignan niya ako.

"Absent daw." Sabi niya.

"Ah sige. Thank you." Pasalamat ko.

"Ano daw sabi?" Tanong sakin ni Jam.

"Absent daw teacher natin. 1 hour pa man din naman" Sagot ko.

"Pwede bang lumabas ng classroom?" Tanong niya.

"Pwede naman, basta, pag wala lang kayong adviser." Sagot ko.

"Kung ganon, i-tour mo muna ako sa school na 'to" Naka ngiting sabi niya.

"Okayyy. Sige, tara!" Masayang sabi ko.

Una naming pinuntahan ang Campus ng Elementary, sunod High school, lastly sa College. Pag katapos libutin ang bawat campus, nag ounta kani sa gymnasium, music hall, storage room, guidance, clinic, stadium at sa covered court, inabot kami ng 45 minutes sa paglilibot, inaya niya ako sa canteen, nilibre niya ako ng isang biscuit at bottled water.

"Grabe malaki din pala 'tong Evans Academy." Mangha niyang sabi. " Yung Stanley Academy parang kalahati lang nitong school na'to." Dagdag niya pa.

Pagkatapos naming kumain ay dumiretso na kami sa classroom. Kasunod lang naming dumating ang adviser namin sa History, sinwerte pa kami! Muntik pa ata kaming malate.

Pagkatapos magsulat nang 'sandamakmak na sulatin ay Msep na!, last subject na din! Malapit nang mag uwian!

Habang wala pa ang adviser namin ay nakita kong ginamit saglit ni Jam yung cellphone niya at kinausap niya ako.

"Kathrine pwede bang sa inyo muna ako pag uwian na? Nasa Tagaytay pa daw kasi sina Mom and Dad at balita ko din na walking distance lang ang school hanggang bahay niyo" Aba! Bilis mong makasagap ng impormasyon tungkol sakin ah?

"Ahh oo naman" Nakangiting sagot ko sa kaniya.

"Sige, salamat" Nakangiti niyang pagpapasalamat sakin.

Sabay dating naman ng adviser namin sa Msep, buti nalang at hindi nagpasulat si Sir, pagod na kasi kamay ko, hahaha.

Ilang minuto ay natapos na din agad ang last subject namin! Uwian na din sa wakas!

"Tara na sa'min" Pag yayaya ko kay Jam.
Nag simula na kaming mag lakad pauwi at nakarating din naman agad kami sa bahay.

"Nandito na po ako!" Sigaw ko at may narinig akong tunog ng oven! COOKIES!

"Tara pasok ka." Sabi ko kay Jam at pinaupo siya sa sala. Sabay takbo ko naman sa kusina.

Nakita ko si Mama na isinasalang na ang hindi pa baked at nakalagay na sa plato yubg mga baked na.

"Kasabay mo bang umuwi yung pinsan mo?" Tanong ni mama.

"Hindi po ma. Hindi naman pati sasabay sakin yun eh." Sagot ko kay mama.

"Eh sino yung kasama mo?" Tanong ulit ni mama.

"Kaibigan ko po ma. Jam po ang pangalan." Sabi ko kay mama.

"Mabuti naman at mayroon ka nang kaibigan." Natutuwang sabi ni mama.

"Mama. Dadalhin ko na po yung cookies sa sala baka nag hihintay na si Jam." At saka nag punta na ako ng sala. Binuksan ko yung tv at niyaya siyang kumain. Napa rami kami ng kain ni Jam, mga anim na plato ata ng cookies? Sarap kasing mag bake ni mama.

Five na. Hindi pa rin umuuwi yung asungot kong pinsan.

"Nak, pwede bang puntahan niyo yung pinsan mo sa eskwelahan? Magpa-five na, wala pa" Utos ni mama.

"Sige po ma" Bumalik kami ni Jam sa school para tignan kung nasaan yung asungot kong pinsan.

Naabutan namin si Ken, Kiel, Andrew, Nick, Shawn at Jim na nasa covered court at mukhang nag papractice ata sila ng basketball. Tinext ko si mama at sinabing nagpa-practice sila at manonood muna kami ni Jam saglit.

"Sino ba jan yung pinsan mo?" Sabi ni Jam.

"Yung nag-Hi sayo kaninang lunch." Halatang gulat siya.

"Bakit hindi mo sinabi agad? I should apologize to him." Napaka bait naman netong si Jam, kapag kamag anak or kaibigan ng kaibigan niya, kaibigan niya na rin.

"No you don't have to. Okay lang yun" Sabi ko sa kanya"

"Okay." Sabi niya at nagpatuloy na sa panonood ng practice.

Pasulyap sulyap akong tumitingin sa kanya at nakita kong kay Kenneth lang siya nakatingin.

"Hinay hinay lang sa pagtitig, baka matunaw pinsan ko niyan." Natatawa tawa kong sabi. Mukhang kinikilig naman siya at nagi-guilty sa sinabi ko.

Ilang minuto lang ay natapos na yung practice. Tinawag ko si Kenneth at mukhang hindi ako ang nakita niya, si Jam. Nag punta siya sa gawi namin ni Jam, nakita niya ako at biglang sumibangot ang masigla niyang mukha.

"Tara na umuwi na tayo!" Sabi ko.

Habang naglalakad kaming tatlo, tahimik lang silang dalawa, nasa kanan ko si Ken at nasa kaliwa ko naman si Jam, para akong heart sa gitna, sa bagay, bagay silang dalawa, aminado akong gwapo 'tong asungot kong pinsan, ang ugali nga lang.

Pag uwi sa bahay ay tahimik pa rin silang dalawa, pero hindi na ata naka tiis 'tong si Kenken at nagsalita na.

"Jam?" Tawag niya.

"Hmm?" Sagot ni Jam.

"Can I get your number?" Ayan! Jan nagsisimula yan eh!! Sa pag kuha ng number, magiging textmate sila, magiging close, magkakapalagayan ng loob, magliligawan, sa huli magiging mag syota, halata naman na gusto nila ang isa't isa eh.

"Sure." Maiksing sagot ni Jam. Kinuha niya yung cellphone ni Kenneth at nilagay yung number niya. Binigay din naman ni Kenneth yung number niya. Aysus nagkakahiyaan pa!

Nasa gitna pa rin nila ako, sila nag uusap habang ako nanonood  ng tv, hindi ako interesado sa pinag uusapan nila, tungkol sa mga paborito lang NILANG DALAWA hindi ako sinasali.

Kenneth POV.

Sa gitna nang pag kukwentuhan namin ni Jam ay may bumusina na sasakyan sa labas, tinignan ito nina Jam at nang manang kong pinsan.

"Andyan na yung sundo ko mauuna na ako ha." Sabi ni Jam sakin at kay Kathrine.

"Ma. Nandiyan na po yung sundo ni Jam, uuwi na daw po siya." Sigaw ni Kathrine kay Tita.

"Sige nak." Matipid na sagot naman ni Tita.

"Mauuna na ako ha." Sabi ni Jam. Inihatid namin siya ni Kathrine hanggang gate.

Pag katapos maka alis nung sasakyan ay umakyat na agad ako sa kwarto at nag palit ng damit. Tumunong yung cellphone ko, nag text siya.

"Hi Ken"

"Hello."

"Ano nang ginagawa mo?"

"Nagpapalit ako ng damit"

"Ahh okay sige"

"Eh ikaw?"

"Magpapalit pa lang, kakadating palang namin ng bahay eh."

"Ahh sige. Palit ka muna."

Humaba nang humaba yung conversation namin ni Jam. Ang bait niya. Mag babago na ako para sa kanya.

Gabi na ay mag ka text pa kami.

"Jam tulog na. May pasok pa bukas."

"Ahh oo nga pala. Ikaw din ha. Wag mag pupuyat"

"Good night, sweet dreams"

"Sleep well 😘" Nag reply siya na may kasamang ganung emoji, hindi ako bakla, pero aaminin ko na kinilig ako.

Pag katapos nung message na yun ay hindi na ako nagreply pa, kasi inaantok na din ako.

Ang daming nang yari ngayong araw na 'to, at ang pinaka magandang nangyari ay yung nakilala ko si Jam.

------------------------------

Pili kayo nang magandang tambalan ng name nila tapos comment niyo.

A. KenJam     B. JianNeth     C. KenEsha     D. AyeNeth

Don't forget to vote and comment. Sana nagustuhan niyo yung update. Lovelotss

I need your response guys, please wag muna kayong mag paka silent reader, comment kayo ha, iintayin ko po, sanay naman akong mag hintay eh, lovelotss

Continue Reading

You'll Also Like

49.2K 2.4K 158
This story follows the early life of James also known by his street name Headshot or Shooter. James had an extremely rough childhood, one that turned...
80.4K 3.2K 32
แ€„แ€šแ€บแ€„แ€šแ€บแ€€แ€แ€Šแ€บแ€ธแ€€ แ€›แ€„แ€บแ€ทแ€€แ€ปแ€€แ€บแ€•แ€ผแ€ฎแ€ธ แ€กแ€แ€”แ€บแ€ธแ€แ€ฑแ€ซแ€„แ€บแ€ธแ€†แ€ฑแ€ฌแ€„แ€บแ€กแ€™แ€ผแ€ฒแ€œแ€ฏแ€•แ€บแ€›แ€แ€ฒแ€ท แ€€แ€ฑแ€ฌแ€„แ€บแ€œแ€ฑแ€ธ แ€€แ€ปแ€ฑแ€ฌแ€บแ€”แ€ฑแ€™แ€„แ€บแ€ธ แ€แ€ผแ€ฐแ€แ€ผแ€ฌแ€œแ€ฝแ€”แ€บแ€ธแ€œแ€ญแ€ฏแ€ท แ€€แ€ปแ€ฑแ€ฌแ€บแ€”แ€ฑแ€™แ€„แ€บแ€ธแ€€ แ€•แ€ญแ€ฏแ€ธแ€Ÿแ€•แ€บแ€–แ€ผแ€ฐแ€œแ€ญแ€ฏแ€ท แ€”แ€ฌแ€™แ€Šแ€บแ€•แ€ฑแ€ธแ€แ€ถแ€›แ€แ€ฒแ€ท แ€€แ€ฑแ€ฌแ€„แ€บแ€™แ€œแ€ฑแ€ธ แ€”แ€ฑแ€แ€ผ...
45K 2K 36
แด…ษชแด แด‡ส€ษขแด‡ษดแด›; แด›แด‡ษดแด…ษชษดษข แด›แด ส™แด‡ แด…ษช๊œฐ๊œฐแด‡ส€แด‡ษดแด› แดส€ แด…แด‡แด แด‡สŸแดแด˜ ษชษด แด…ษช๊œฐ๊œฐแด‡ส€แด‡ษดแด› แด…ษชส€แด‡แด„แด›ษชแดษด๊œฑ.
937K 49.8K 31
Millie Ripley has only ever known one player next door. Luke Dawson. But with only a couple months left before he graduates and a blackmailer on th...