Kidnapped By My Ex-Boyfriend

By rhenmnlnsn

368K 5.7K 312

I knew no matter if I changed my entire look, my name...everything. He'll still find me, and that's exactly w... More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
The Girl Behind the Mask (Pierre Isaac Lopez Story)

Chapter 27

6.6K 95 6
By rhenmnlnsn

ZEPHRINE’S POV: 

Habang nakaupo kami ni Ayesha kanina sa sala ng condo ni Alexa, hindi ko alam kung ano itong nararamdaman ko. Nakakaramdam ako ng kaba sa tuwing sinasabi niyang may surpresa siya sa aming dalawa ng anak ko.

Umiling-iling na lang ako para mawala ang mga iniisip ko.

Kanina pa kami nakaalis nina Alexa papunta sa sinasabi niyang surpresa. May kalayuan daw kasi ang lugar na yun kaya’t dapat maaga kaming makaalis. Nakadungaw lang ako sa bintana ng sasakyan niya ng mapansin kong may kulay silver na kotse ang sumusunod sa amin.

Pamilyar sa akin ang sasakyang iyon. Para bang nakita ko na siya dati pa at hindi ko lang maalala kung sino ang nagmamay-ari noon. 

Pilit kong iniisip kung saan ko nakita ang sasakyang yun at kung sino ang may-ari nun pero napailing-iling na lang ako. Siguro ay nagkataon lang na magkapareho sila ng sasakyan at nagkataon lang sigurong pareho ang daang tinatahak naming ngayon.

 Sumulyap ako saglit kay Ayesha na mahimbing na natutulog sa likuran ng sasakyan. Nitong mga nakaraang araw, napapansin kong palagi na lang siyang tahimik. Napakamasayahing bata ni Ayesha. Sa tuwing kasama ko siya, hinding-hindi kami nagkakaroon ng dull moments pero ngayong para na siyang nalantang bulaklak sa tuwing kasama namin si Alexa. Ano kayang nangyayari sa anak ko? May problema kaya?

Hindi ako makatulog kaya’t itinuon ko na lang ang paningin ko sa labas ng sasakyan. Hanggang sa mapansin kong bumibilis ang pagpapatakbo ni Alexa ng sasakyan. Tinanong ko siya kung may problema at sinabi niyang may sumusunod sa amin kaya’t bigla akong kinabahan.

Iniligaw ni Alexa ang mga sumusunod sa amin hanggang sa mawala na sila sa likuran namin. Ibinalik ko na ang paningin ko sa labas ng sasakyan nang bigla na lang akong may malakas na pagpukpok sa ulunan ko dahilan para magdilim ang paningin ko at mawalan ng malay.

LURCH'S POV:

Napamura na lang ako nang biglang mawala sa paningin naming ni Jethro ang sasakyan kung saan nakita kong nakasakay sina Zephrine. Hindi ko na ang gagawin ko! Saan naman kaya sila dinala ng kasama nila?

 Malapit na magdilim at medyo liblib na rin ang lugar na dinadaanan namin. Ngayon, kailangan talaga naming makita ang mag-ina ko.

"Bro, baka naman namamalik mata ka lang kanina na si Zephrine yun?" Nag-aalangang tanong ni Jethro sa akin na nagmamaneho pa rin hanggang ngayon.

"Hindi pre. Sigurado ako! Sigurado akong sila Zephrine yun." 

Napatingala na lang ako dahil nararamdaman kong malapit na namang tumulo ang mga luha ko. Gustong-gusto ko na silang makasama. Bakit ba nangyayari sa amin to?! Naramdaman ko na lang na tinatapik tapik ni Jethro ang balikat ko para pagaanin ang loob ko.

"Bro, mas mabuti kung umuwi na muna tayo. Tutulungan ka namin nina Spade, Ross at Pierre sa paghahanap sa kanila pero sa ngayon, kailangan mo na munang magpahinga."

Tumango na lang ako sa kanya bilang sagot dahil kahit naman magmatigas ako, alam kong iuuwi niya pa rin ako. Isa pa't medyo nanghihina na rin ako dahil sa sobrang pagod at gutom. Nagmaniobra na ng sasakyan si Jethro nang bigla kaming makarinig ng sunud-sunod na pagputok ng baril mula sa isang abandunadong gusali sa di kalayuan.

Nanlalaki ang mga mata namin at nagkatinginan sa isa't isa. Bigla na lang akong nakaramdam ng sobrang kaba nang marinig ako ng mga pagputok na yun kaya nagpumilit ako kay Jethro na sundan kung saan man nanggaling ang mga putok na yun.

Kailangan kong makasigurado.

Wala akong pakialam kung may mangyaring masama sa akin basta malaman ko lang na hindi sina Zephrine at Ayesha ang nandoon sa lugar kung saan nanggaling ang mga pagputok. 

Sana lang mali ang hinala ko. Sana.

ZEPHRINE'S POV:

Ramdam na ramdam ko ang sakit ng ulo ko nang magising ako. Wala akong makita! Anong nangyari? Bakit nakatakip ang mga mata ko? Pinilit kong galawin ang mga kamay ko pero hindi ko magawa. Ang higpit ng pagkakatali sa mga kamay at paa ko.

Nasaan sina Alexa? Si Ayesha? Anong nangyari sa amin?

“A-ayesha?” Sigaw ko sa pangalan ng anak ko pero tanging boses ko lang ang naririnig ko sa buong silid na kinalalagyan ko ngayon. Nagulat na lang ako nang biglang may humaplos sa hita ko.

Nanginig ako sa sobrang takot.

“S-sino k-ka?” Tanong ko pero hindi siya sumagot. Patuloy lang siya sa paghaplos sa mga hita ko kaya’t pilit akong nagpupumiglas sa bawat paghaplos niya.

“Wag ka na manlaban kung ayaw mong may mangyaring masama sa anak mo.” Bulong niya sa tenga ko kaya’t ramdam na ramdam ko ang mainit na hininga niya sa leeg ko. Sa sobrang takot ko, hindi ko na nagawang sumagot sa kanya. “Naiintindihan mo ba ako?!” Sigaw niya at biglang hinila ang buhok ko kaya naman tumango-tango na lang ako habang pinipigilan ang sarili ko sa pag-iyak. Hinila niya ako patayo at kinalagan ang mga paa ko. Kinaladkad niya ako papunta sa kung saan.

Nang huminto kami, bigla niya akong itinulak dahilan para mapaupo ako. Agad din naman niyang tinanggal ang pagkakatakip ng mga mata ko. Napapikit ako ng mariin dahil hindi pa ako masyadong makakita ng maayos mula sa pagkakatakip ng mga mata ko. Agad kong nilingon ang paligid ko at nanlaki ang mga mata ko nang makita kung sino ang nasa harapan ko ngayon.

Si Alexa na nakatingin ng diretso sa akin at may malokong ngiti sa mga labi.

Magsasalita sana ako nang bigla akong tutukan ng baril ng lalaking nasa tabi niya na nagdala sa akin dito. Ngumiti lang ulit sa akin si Alexa at sinenyasan ang lalaking iyon na ibaba ang baril. Unti-unti siyang lumapit sa akin at hinaplos-haplos ang mukha ko.

"Anong kailangan mo?! Bakit mo ginagawa sa amin to?" Tuluy-tuloy kong tanong sa kanya pero tulad ng kanina, ngumiti lang ulit siya.

"Whoa! How many times do I have to tell that it’s a surprise?!”

Nasaan na ba ang anak ko? Nasaan na si Ayesha? Kung may masama man silang balak sa akin, sana wag na nilang idamay pa ang anak ko. Ako na lang ang saktan nila tutal ako rin naman ang pakay nila.

“Such  a crybaby, eh?”

Hindi ko na napigilan ang sarili ko kaya namang umiyak lang ako ng umiyak pero nakaramdam ako ng hapdi sa pisngi ko nang bigla niya akong pagsasampal-sampalin. Nagmamakaawa na ako sa kanyang tumigil pero parang wala siya naririnig at mukhang nasisiyahan pa siya sa ginagawa niya.

"Masakit ba, Zephrine? Paano ba yan? Nagsisimula palang tayo ng laro natin? Umaayaw ka na kaagad? Kumbaga, appetizer pa lang to, Zeph. Wala pa ang main dish at dessert.”

Tinalikuran na ako ni Alexa at saka lumabas ng silid. Pilit akong kumakawala sa pagkakatali ko pero wala akong magawa kaya kusa na lang tumulo ang mga luha ko. Ano bang nagawa ko sa kanya para gawin ang mga ganitong bagay sa amin ng anak ko? 

Napayuko na lang ako nang bigla kong maalala si Ayesha. Saan nila dinala ang anak ko? Sana nama'y wala silang ginawang masama sa kanya. Nanatili lang akong nakayuko hanggang sa makarinig ako ng mga yabag na papunta sa kinaroroonan ko.

"Hey babe!” Napaangat ng tingin ko nang marinig ang boses na yun. Nakita ko si Matthew na nakangisi sa harapan ko habang may hawak hawak na tray ng pagkain. Inilapag niya ito sa harapan ko at pinilit akong kumain.

"Hayop ka! Paano mo nagawa sa amin to?! Nasaan ang anak ko? Pakawalan mo kami dito!" 

“Whoa! I miss you too, Zephrine.” Nakangising sabi niya. Lumapit siya sa akin at inilapag ang dala-dala niyang tray ng pagkain sa harapan ko.

“Nasaan ang anak ko?! Pakawalan mo kami dito, Matthew!” Lalong lumaki ang ngisi niya at saka hinawakan ang pisngi ko gamit ang isang kamay. Pilit niya akong pinapatingin sa kanya pero pilit kong iniiwas ang paningin ko sa kanya. Ayokong makita ang pagmumuka niya!

Marahas niya akong iniharap sa kanya at biglang hinalikan sa labi. Lalo akong nagpupumiglas nang bigla niya akong sinampal at itinulak pahiga sa sahig. Wala akong magawa para labanan siya. Iyak lang ako ng iyak habang binababoy niya.

Bumaba ang mga labi niya sa leeg ko at marahas akong hinalikan doon. Marahas niyang hinubad sa akin ang t-shirt na suot-suot ko na halos mapunit na niya. Bumalik ang mga labi niya sa labi ko.

Natigil siya sa ginagawa niya sa akin nang makarinig kami ng kumakatok at biglang pagbukas ng pinto.

“Oooops! Did I disturb you, guys?” Napahagikgik si Alexa nang makita niya ang itsura naming ni Matthew. Nakakunot ang noo ni Matthew nang nilingon niya si Alexa na ngayon at sumeryoso ang itsura.

“Tangina, Alexa! What the hell are you doing here?!” Sigaw niya kay Alexa at sinenyasang lumapit sa kanya na nasa ibabaw ko parin. Diring-diri na ako sa sarili ko ngayon. May kinuha siya sa bulsa niya at itinapat sa mukha ni Alexa na biglang nawalan ng malay.

Tinawag niya ang mga tauhan niya at pinabuhat si Alexa palabas ng silid. Madilim ang mga mata niya nang bumalik ang atensyon niya sa akin. Nakangisi lang siya sa akin. Kitang-kita sa kanya ang pagkasabik sa ginagawa niya.

"Now, let's pick off where we left off." At itinuloy na naman niya ang masamang balak niya. Nagpupumiglas ako sa mga hawak niya pero wala akong magawa dahil mas malakas siya sa akin at sobrang sakit na rin ng katawan ko dahil sa pambubugbog na ginagawa niya.

Matapos ang pambababoy niya sa pagkatao ko, nagbihis na siya at iniwan na lang ako sa isang tabi na parang isang bagay na pinagsawaan niya.

 MATTHEW’S POV:

Hindi maalis-alis ang ngiti sa mga labi ko habang papalabas ako ng gusali. Akin na ngayon si Zephrine. Iniwan ko siyang parang basahan sa silid matapos ko siyang angkinin. Hindi pa ako tapos sa kanya. Kailangan ko lang munang pag-isipang mabuti ang susunod kong magiging hakbang.

 Nagsindi lang muna ako ng sigarilyo at biglang sumagi sa isipan ko si Alexa. Si Alexa na walang malay hanggang ngayon. Napailing na lang ako. Wala siyang kaalam-alam sa mga bagay na nagyari at mangyayari sa kanya.

Hindi ko tunay na kadugo si Alexa. 

Ginamit ko lang siya para maibalik sa akin si Zephrine at ngayon nakuha ko na si Zephrine. Wala na siyang silbi para sa akin. Pwedeng-pwede ko na siyang idispatsa. 

Napangiti na lang ako mag-isa sa naisip ko. Itinapon ko na ang sigarilyo ko kung saan at saka bumalik sa loob ng gusali.

 *

Nakita kong nakahawak si Alexa sa ulo niya at unti-unti ng nakakamalay pagkapasok na pagkapasok ko sa silid katabi ng silid na pinag-iwanan ko kay Zephrine.

"M-matthew, anong nangyari?" Tanong niya sa akin pero imbis na sagutin siya, binigyan ko lang siya ng isang nakakalokong ngiti. Lumakad ako papalapit sa kanya at wala siyang kaalam-alam na maaaring ngayon na ang katapusan ng buhay niya.

"A-aray! N-nasasaktan ako, M-matthew. A-ano ba? B-itiwan mo n-nga ako!" Sigaw lang ng sigaw si Alexa habang higit-higit ko ang buhok niya at pilit siyang itinatayo. Hindi ko siya pinakinggan at saka ibinigay sa mga tauhan ko.

"Kayo na bahala sa kanya. Gawin niyo kung anong gusto niyong gawin. Dispatsahin niyo na pagtapos." Sabi ko sa isa mga tauhan ko at nanlaki naman ang mga mata ni Alexa sa narinig.

"What the hell, Matthew?! Did I hear it right? Anong kalokohan naman to, ha? Bitiwan niyo nga ako, leche!”

“You heard it right, my dear cousin. And no, hindi to kalokohan. I’m dead serious. Wala ka ng silbi sa akin so ano pang gagawin ko sayo? Wala na, di ba? And for your information, Alexa, hindi naman kita kaano-ano. Ginamit lang kita para mailayo yung hayop na Lurch na yun kay Zephrine. Remember kung paano kayo nagkakilala ni Lurch, well, it’s all my plan. Pero anong ginawa mo? Pinagtagpo mo sila. Wala kang kwenta!”

"Walang hiya ka, Matthew! Matapos lahat ng ginawa ko para sayo gaganituhin mo lang ako. Hayop ka! Mabulok sana yang kaluluwa mo sa impyerno!"

"Don't worry, Alexa. Kung mabubulok man ang kaluluwa ko sa impyerno, sisiguraduhin kong kasama kita." Sinenyasan ko na ang tauhan ko at kinaladkad na nila si Alexa papalayo.

Salamat na lang sa tulong mo, Alexa.

LURCH'S POV:

Nagmadali kaming nagtungo ni Jethro sa lugar kung saan namin narinig nanggaling ang mga pagputok. Kinakabahan talaga ako ng sobra simula nang marinig ko ang mga yun. Hindi pa ako siguradong ang mag-ina ko ang nasa loob pero may parte ng utak ko na nagsasabing sila yun.

"Dude, umalis ka na. Ako na ang bahala dito. Tumawag ka na lang ng mga pulis."

“Are you kidding me, Lurch?! Ngayon na lang tayo nagkita noh tapos hahayaan lang kita dito mag-isa? No, I’ll stay. Baka kung ano pang mangyaring masama sayo dito!”

Napahampas na lang ako sa noo ko. Nakalimutan kong si Jethro Melendez nga pala itong kasama ko ngayon. Alam kong kahit ilang beses kong sabihin sa kanya yun, magpupumilit pa rin siyang sumama sa akin.

Dahan-dahan kaming pumasok sa loob ng gusali at isa-isang tinignan ang mga silid na nasa unang palapag. Nilibot namin ang mga silid hanggang sa nakarinig si Jethro ng mga pag-iyak. Sinundan kaagad namin kung saan nanggaling ang mga iyak na yun at napahinto kami sa tapat ng isang silid.

Agad ko itong binuksan at nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si Ayesha na may dugo sa ulunan niya at puro pasa. Dali-dali ko siyang nilapitan at niyakap. 

“My god! Baby, who did this to you?” Agad kong sabi nang makita ko ang kalagayan niyang yun. Ikinulong ko kaagad siya sa bisig ko at pilit na pinapatahan. Hinalik-halikan ko siya sa noo. Jusko! Sinong may gawa nito sa anak ko?

"Jeth, ilayo mo na si Ayesha dito at saka tumawag ka ng mga pulis." 

"Pero paano ka? Baka may mangyaring masama sayo." 

"D-don’t mind me, Jeth. Kaya ko na sarili ko. Hindi ko kakayanin kung may mangyayaring masama pa sa anak ko at kung madadamay ka pa dito. Kailangan ko pang hanapin si Zephrine." Sabi ko kay Jethro. Kahit na labag sa loob niya, sumuko na rin naman siya.

Hinigpitan ko lalo ang yakap ko kay Ayesha at pinatingin siya sa akin. 

“Baby, listen. Everything will be okay. Stop crying. Sumama ka na muna kay Tito Jethro mo. He’ll take good care of you. Hahanapin pa ni Daddy si Mommy, okay? Be a good girl.”

"B-be s-safe, daddy. P-promise me na walang mangyayaring masama sa inyo ni m-mommy." Sabi ni Ayesha habang iyak pa rin ng iyak. Pinunasan ko ang mga luha niya at saka siya hinalikan sa noo. 

Pagkaalis na pagkaalis nila ni Jethro, nagsimula na akong maghanap kay Zephrine. 

Pinapangako kong sa mga kamay ko mismo mamamatay ang kung sino mang may gawa sa mag-ina ko nito. 

 -----------------------------------------------------

Kidnapped By My Ex-Boyfriend ©2013 All Rights Reserved 

Continue Reading

You'll Also Like

58.2K 3.2K 14
In which Alex Castillo attempts to wreck his best friend's relationship. © 2018 millionaires, all rights reserved. cover by violadavis
1.7M 97.9K 88
Daksh singh chauhan - the crowned prince and future king of Jodhpur is a multi billionaire and the CEO of Ratore group. He is highly honored and resp...
3.3M 190K 77
Nobody ever loved him; she was the first who loved him. He did not have a family and then one day she entered into his life and became a world for h...
453K 24.9K 17
𝐒𝐡𝐢𝐯𝐚𝐧𝐲𝐚 𝐑𝐚𝐣𝐩𝐮𝐭 𝐱 𝐑𝐮𝐝𝐫𝐚𝐤𝐬𝐡 𝐑𝐚𝐣𝐩𝐮𝐭 ~By 𝐊𝐚𝐣𝐮ꨄ︎...