Lakserf's Obscure: Heresy [Bo...

By EGStryker

15.2K 949 3K

Tulad ng naibahagi noon ng isang Nelheim ay ang Diyos Amang Laksen Erfus ang Tigapaglikha ng Lakserf. Ito ang... More

Lakserf's Obscure: Heresy
The Heresy
Prologue
Chapter 2: Impatience
Chapter 3: Friendly Duel
Chapter 4: Shady
Chapter 5: Status: Active
Chapter 6: Lands of Caidel
Chapter 7: Rebellious Stage
Chapter 8: Big Favor
Chapter 9: Faithful Womanizer
Chapter 10: To Do or Not To Do
Chapter 11: Red Thanksgiving
Chapter 12: What It Takes To Be A Man
Chapter 13: Second Home
Chapter 14: Rivalry and Competition
Chapter 15: The Guardians and the Officers
Chapter 16: Reason For Fighting
Chapter 17: The Erfus Accords
Chapter 18: Back Together
Chapter 19: Trampled On
Chapter 20: Diary
Chapter 21: An Avenging Hero
Chapter 22: Utterly Inhumane
Chapter 23: Vengeance and Justice
Chapter 24: Gift
Chapter 25: To Be Happy
Chapter 26: Underneath
Chapter 27: Well Played
NOTIFYINGATION
Chapter 28: Darkness of Guardians
Chapter 29: Get Mad
Chapter 30: Metania
Chapter 31: Never Ending Winter
Chapter 32: Gambit
Chapter 33: The Light Amidst
Chapter 34: Benediction
Chapter 35: Beneath
Chapter 36: Unmasked
Chapter 37: Memories
Chapter 38: Something Right
Chapter 39: Goddess of War
Chapter 40: Breakout of the Holy War
Chapter 41: Shattered
Chapter 42: Reliving Bonds
Chapter 43: Battle to Fight For [Part 1]
Chapter 43: Battle to Fight For [Part 2]
Chapter 44: Full Alliance
Chapter 45: Opposing Gods
Chapter 46: The Inevitable
Chapter 47: From the Beginning
Chapter 48: Ruin
Chapter 49: Our Stand
Chapter 50: Seven Pillars
Epilogue

Chapter 1: Vex

562 28 16
By EGStryker

*Ean

Humihikab akong umupo sa metal na silya habang namumungay ang aking mga mata. Pakiramdam ko ba ay napakabigat ng mata ko at gusto na lang nito manatiling nakapikit. Tinatamad ako. Inaantok ako. In englishining, I'm slippery. Pero hindi ko alam kung alin sa dalawa nga ba ang naradamdaman ko. Baka bought. I'm filling bought at the same momention.

Inalog ko ang aking ulo upang labanan ang antok ko. Nakatingala akong dumilat at namataan ang maliit at nag-iisang ilaw dito sa loob ng kwarto. Dahil nga sa maliit lamang ang ilaw ay dito lamang sa gitna ng kwarto umaabot ang liwanag. Sa paligid ay halos wala na akong maaninag. Eto na naman. Nandito na naman ako sa kwartong 'to. Napaismid na lang ako dahil sa pagkabugnot ko.

Nang ibaba ko ang aking tingin ay bumungad sa akin ang nasa tapat na upuan na tanging maliit na mesa lang ang pumapagitna sa amin, isang napakapanget na lalake na akala mo gusto na ako patayin, ngunit imbis na matakot ay pinamungayan ko lang siya ng mata. Ano kaya problema nito sa akin? Ang sama talaga ng tingin.

Pinagsawalang bahala ko na lang ang katapat ko saka tumingin sa lalakeng prenteng nakatayo sa gilid ng kwarto. Sa dilim ay pang-ibaba at sapatos niya lang ang nakikita ko. "Nasaan 'yung partnerings in crime ko? Nandito ba siya?"

Isang hakbang ang ginawa ng lalake dahilan para makita ko ang mukha niya. Umiling siya na may bahid ng pagkailang. Siguro dahil sa napagsabihan ko ang buong unit kanina. Hanep ba naman kasi-- sa akin na inasa lahat ng trabaho dito sa interrogation unit. "Wala po siya ngayon, sir. Balita ko po ay nasa isang misyon siya."

"Ahh, sige," nasabi ko na lang. See? Ako na naman mag-isa gagawa ng trabaho ko. Ayaw ko ng ganito, hindi masaya. Walang ano... 'yung grill ba? O insightment? Ah, basta nalalapit diyan ang gusto kong iparating, tch.

Binalik ko ang atensyon ko sa katapat ko at kung kanina ay parang pinapatay niya na ako sa tingin, ngayon ay halos sumpain niya na ako. Sinubukan niyang gumalaw ngunit umalingawngaw lang sa buong silid ang pagtama ng posas sa kanyang inuupuan.

"Wala kayong mapapala sa akin! Kung ako sa inyo, pakawalan niyo na lang ako!" Paghuhuramentado niya habang pilit na kumakawala.

"Eh bakit naninigaw? Nag-uutos na nga lang," walang gana kong sagot habang kinakamot ang aking tainga. Grabe kasi 'tong kausap ko, akala mo ang layo ko. "Tsaka wala pa akong tinatanong, you come yourself in there, ok?"

Tinukod ko ang dalawang braso ko sa mesa saka bahagyang lumapit sa kanya. "Para matapos na 'to, saan niyo dinala ang mga smuggled weapons?"

Umuyam ito at ngumisi pa nang nakakaloko. Aaminin ko, nakakabanas 'yung ngisi niya. "Sinasabi ko na sa inyo, wala akong sasabihin sa inyo!"

Tinitigan ko siya na para bang nagtatanong na seryoso ba siya sa sinabi niya. Ang labo kasi eh. "Ano ba talaga? May sasabihin ka o wala?"

"Wala akong sasabihin," tila nang-aasar niyang tugon.

"Huh? Eh ano 'yang sinabi mo?" Pagtataka ko naman.

"A-ang alin? Ano sinabi ko?" Naguguluhan niyang tanong.

"Ayan oh! May sinabi ka eh."

"Ano nga sinabi ko?" Medyo naaasar niyang sabi.

"Oh ayan, may sinabi ka na naman!" Bulalas ko sabay turo pa sa kanya.

"Wala nga akong sinabi!" Bahagya nang tumataas ang boses niya, senyales na mas naaasar na ito. Ang engot ng loko, hindi makuha ang gusto kong iparating.

"Niloloko mo 'ko, may sinasabi ka eh!" Pang-aasar ko pa sa kanya.

"P*tang ina mo! Hindi ako nakikipagbiruan!" Bulyaw niya sa akin at sinubukan akong sugurin, ngunit dahil nga sa posas niya ay napaupo lang ulit siya.

"Grabe, kuya! Wala namang murahan!" Reklamo ko. Sobrang lutong ng mura eh. Kung nakakain lang 'yan, wasak ngipin ko sa lutong. "Ano nga? Saan niyo nga tinago ang mga armas?"

Hindi ko inaasahan ay dumura si kuya sa sahig dahilan para mapangiwi ko. "Wala kayong makukuha sa akin, mga hangal!"

"Yuck! Ang baboy!" Bulalas ko nang tignan ko ang laway niyang nangingintab at bumubula pa sa sahig. "Haay, walang mannersim. Saan ka ba nag-aral? Linisin mo 'yan mamaya!"

"Mannerism? Ha! At ako pa ang tinanong mo kung saan nag-aral? Ikaw, saan mo napulot 'yang utak mo?" Balik kantiyaw niya sa akin na ikinatigil ko. Nakakaasar eh. Parang pinaparating niya na ang engot ko.

"Hoy! 'Wag mo akong tinatanong tungkol sa utak ko ah! Mapapahiya ka sa talino ko, sige ka," pagmamayabang ko sa kanya habang nilalabanan niya ng nakakaasar na tingin ang titig ko. "Tsaka para sa kaalaman mo, 'yang utak ko, hindi napulot 'yan! Ano 'yan, in birth. Nandiyan na talaga 'yan nang ipinanganak ako. Ikaw ba kuya, napulot mo lang 'yang sa'yo? O baka transplant lang 'yan?"

Bumunghalit ng nakakaasar na tawa ang kaharap ko dahilan para magsalubong ang kilay ko. May kakaiba talaga sa tawa niya na nakakapangasar lang. Dagdag mo pa 'yung binayuot niyang mukha. Nakakainsulto. "Isa ka ngang bobo! Paano ka nakarating sa posisyon mo, huh!?"

"Hoy! Makabobo ka ah!" Bulyaw ko sa kanya sabay tayo at duro sa mukha niya na tinawanan niya lang ulit.

Habang umaalingawngaw ang halakhak niya sa silid ay unti-unti akong bumalik sa katinuan. Pinakalma ko ang sarili ko. Lintek, mukhang nadala ata ako sa kabagutan, pagod at antok ko. Bumalik sa akin ang plano ko. Nais ko sanang asarin si kuya hanggang sa umamin na lang, ngunit parang ako pa ang mas naaasar. 'Yung itsura kasi niya talaga eh, hindi ko maatim.

Muli akong umupo habang binabato niya pa rin ako ng nakakaasar na ngisi. Nagsimula akong mag-isip ng panibagong paraan para mapaamin siya. Sa sitwasyon ngayon, hindi uubra ang pang-aasar. Ako ang naaasar sa mukha niya eh. Isang paraan na lang ang naiisip ko para umamin siya. Hindi ko akalaing gagawin ko 'to. Minsan lang 'to mangyari.

"Ano na? Sumusuko ka na ba?" Muli niyang pangangantiyaw sa akin.

Asar man ay sinuklian ko lang siya ng ngiti. Hindi dapat ako magpadala sa itsura niyang bwiset. Baka makapatay ako nang wala sa oras eh. "Kung ayaw mo talagang sabihin sa amin, ganito na lang, huhulaan kita."

"Ano!?" Hindi makapaniwala niyang bulalas.

Tinaas ko ang kamay ko sabay baling sa tauhan ko. "Patanggal ng posas niya. Maghuhulaan kami."

"S-sir?" Nagdadalawang isip nitong tugon. Tinanguhan ko lang siya upang iparating na magiging ayos lang ang lahat. Bakas man ang pagdududa ay ginawa niya na lang ang inutos ko.

Umuyam ang kaharap ko na tila hindi makapaniwala sa ginawa ko. "Seryoso ka sa ginagawa mo? Hindi ka ba natatakot sa kaya kong gawin sa oras na pakawalan mo 'ko?"

Nanatili ang ngiti ko sa aking labi habang magkakrus ang mga braso ko nang sagutin ko siya. "Hindi na ako magugulat kung susubukan mong tumakas." Tinanggal na ng tauhan ko ang posas at agad kong namataan ang kakaibang ngisi sa lalakeng kausap ko. Akmang tatayo na ang lalake nang kumislap ang katiting na kuryente malapit sa akin. "Ngunit 'yun ay kung kaya mo."

Ang ngising suot niya kanina ay unti-unting nawaglit. Kitang-kita ko sa mukha niya ang takot habang nakikita ang panaka-nakang kislap ng kuryente mula sa akin. Nahagip ko rin ang paggalaw ng lalamunan niya. Doo'y nakumpirma kong nakakaramdam na nga siya ng takot.

Hindi na nagsalita o umimik pa ang kaharap ko. Ako naman ay binabato pa rin siya ng ngiti. "Ano? Game? Huhulaan kita!" Nilahad ko ang kamay ko sa ibabaw ng mesa at natunghayan ko ang bahagya niyang pag-iwas dito. "Akin na ang kamay mo."

Kumunot ang noo ng lalake sa sinabi ko. Base sa mukha niya ay unti-unti na siyang nilalamon ng takot. Sinasadya ko pang panatilihin ang ngiti ko habang ang mga mata ko ay matamang nakatingin sa kanya.

"A-ano'ng balak mo? Hi-hindi mo ako p-pwedeng saktan!" Kinakabahan nitong sabi.

"Oh? Maghuhulaan nga, 'di ba? Bakit sasaktan?" Sarkastiko kong tugon. "Ano na? Dali! Kamay mo!"

Sa sitwasyon niya ngayon, wala na siyang nagawa kung hindi ang sumunod sa inuutos ko. Dahan-dahan niyang inaabot sa akin ang kanyang kamay habang lumalapad naman ang ngisi ko. Kitang-kita ko sa mga mata niya ang takot at pagdadalawang isip na ilahad ang kamay niya, ngunit hindi ko na siya binigyan ng pagkakataon at agad ko nang hinablot ang palad niya.

"Sa-sandali lang!"

"Relax, p're! Pigil ko sa kanya nang magbadya siyang magwala sa ginawa ko. Kung pwede lang humagalpak ngayon, ginawa ko na. Halos maihi na sa takot ang kaharap ko eh. "Libre lang 'tong hula ko. 'Wag ka mag-alala. It's freedom charge."

Sinimulan ko na ang ang pagkukunwaring manghula sa paghimas ng magaspang niyang kamay. Ano ba ginagawa nito ni kuya? Daig pa sun pepper ang palad sa sobrang gaspang. Mukhang ako pala dapat ang magreklamo. Eh kamay niya palang, gasgado na palad ko.

"Hmm... may nakikita ako," mahina kong sabi habang pinakikiramdaman ako ng kaharap ko. "Isang magandang buhay. May naghihintay na magandang buhay sa'yo." Hindi nagsalita ang katapat ko at nanatili lang nanginginig sa kanyang kinauupuan. "Pero, teka... ano 'to!"

"Ahh!" Hiyaw niya nang sa paghatak ko sa kamay niya ay natunghayan niya ang paghiwalay ng kaluluwa ng kamay niya at pagbagsak ng pisikal niyang kamay sa mesa. "A-ano 'yang gina-- ginagawa mo-- ahhh!"

Agad kong napansin ang pamamawis sa buong mukha niya dahil sa ginawa ko. Hawak-hawak ko na ngayon ang parteng kamay ng kaluluwa niya dahilan para hindi niya na magalaw o maramdaman ito. Sa oras na tuluyan kong ihiwalay ang buo niyang kaluluwa sa pisikal niyang katawan ay tuluyan na siyang mawawalan ng kontrol sa buo niyang katawan. Hindi rin magtatagal ay babawian siya ng buhay.

"Nasaan na ang mga armas?" Seryoso ko nang tanong habang unti-unti na siyang nanghihina.

"Pa-- paano? Spiri... spirit... magic a-at light-- lightning magic?" Nanglalaban niyang tanong sa gitna ng kanyang hingal.

Bahagya akong naasar sa pagbabaliwala niya sa tanong ko at hinigit pa ang kaluluwa niya dahilan para muli siyang mapahiyaw. "Sagutin mo ang tanong ko!"

"B-bayan... O-oak... limb..." putol-putol niyang sabi na nagpalaki sa mga mata ko. Sa bayan ng Oaklimb? Sa parteng ibaba lang 'yun ng bayan ng Orthil ah.

Walang anu-ano'y muli ko nang binalik sa tama ang kanyang kaluluwa at doo'y nanghihinang bumagsak ang ulo niya sa mesa. Ginamit na ng tauhan ko ang pagkakataong iyon para muli siyang iposas. "Sasabihin naman din pala eh. Gusto pang sinasaktan. Haay, mga tao talaga, kung kailan huli na lahat, doon lang sasabihin."

Iyon lang at dali-dali na akong lumabas ng silid at hinayaan na ang tauhan kong asikasuhin ang naging kliyente ko. Grabe, hindi nakuha sa pang-aasar. Dahas ang gusto. Tsk tsk.

Pagkalabas ko ng silid ay agad kong namataan ang isang lalakeng mukhang kakatapos lang magbigay ng mga utos sa mga Seniors sa harapan niya. Tumango ang mga Seniors sa kanya at agad lumabas ng observation room.

"Rare for you to use that method in interrogating," salubong niya sa akin. Bumuntong hininga na lang ako saka sabay kaming lumabas ng obervation room. Hindi ko na kasi talaga makakayanan pang manatili pa roon. Utang-uta na ako sa ambulance doon. Ay, mali. May 'I' 'yun eh. Ambiulance? Ah, basta!

"Nagpadala na ako ng mga Seniors to take care of the smuggled weapons," imik niya na walang gana kong tinanguhan.

"Tss. 'Wag mong dinadamay ang trabaho sa init ng ulo mo," tila iritado niyang sambit habang tinatahak namin ang tahimik na pasilyo.

Napakamot ako sa aking batok saka sumagot. "Sino ba namang hindi maiinis? Wala nang magandang nangyari ngayong araw. Dagdag mo pa mga tao ko sa unit. Nakakainis! Nakakabagot! Come on, I need a break!"

Biglang tumigil sa paglalakad ang katabi ko dahilan para lingunin ko siya. Tinignan niya ako nang nakasimangot. "Oha! Bilib ka na naman sa englishining ko? Wala, taob ka, Rake!"

"Tss."

Isa pa 'tong si Rake. Puro na lang tss tss ang naririnig ko. May sa ahas ba 'yan? Tagal ko nang kaibigan 'yan at walang araw ang lumipas na hindi ko narinig ang tss sa kanya. Tirisin ko 'to eh. Teka, bakit ba ang init ng ulo ko? Ah, tama. Kasi naiinis nga ako. Eh sino kausap ko?

"But what you did back there," muling imik ni Rake. "I admit, nagugulat ako sa bilis mong matuto. You can already use high tier spirit magic in just almost three years of having Nelheim's magic within you."

Marahan akong tumawa sa pagpupuri niya at inakbayan siya. "Siyempre! Magaling trainer ko eh."

Minsan lang ako purihin ng masungit na 'to kaya lulubusin ko na. Hindi rin naman ako masasanay na gumamit ng spirit magic kung hindi siya nagtiis na i-train ako. Tulad na lang ng pagturo niya sa aking makawala sa isang ilusyon kanina. Ayon sa kanya ay kailangan ko lang daw magabay ang spirit magic ng mga tulad nilang Mysticium Seniors. Parte raw kasi ng mga exam nila noon sa academy ang pagkontrol sa spirit magic dahil may kaakibat na panganib ito. Malay ko bang lapitin ng masasamang kaluluwa ang may taglay ng spirit magic. Lalo na't spirit magic pa ng Nelheim ang nananalaytay sa akin. Lintek, takot na takot ako noong nalaman ko 'yon. Buti na lang walang ganyan sa Magicus.

Aaminin ko rin, hindi ko akalaing magagawa kong gamitin nang ganito ang spirit magic na binigay sa akin. Ni hindi nga sumanggi sa isip ko noon na gumamit ng ibang mahika maliban sa lightning magic. Kahit kailan ata ay hindi ako masasanay na magkaroon ng ikalawang mahika.

Tulad din ng sinabi niya, magtatatlong taon na rin ang nakakalipas matapos ang mga kaganapan noon. Ang misyon. Ang pagkawala ng ala-ala ko. Ang Crack. Ang pakikipaglaban namin sa Julia's Tower. Lahat ng mga bangungot namin noon, ngunit ngayo'y heto't normal na ang lahat. Nakakabagot nga lang dahil paulit-ulit na lang ang nangyayari. Higit sa lahat ay magmula noon, hindi na ako nakalabas ng Orthil.

"Siyanga pala, principal Rake, may--"

"Tss, sinabi nang--"

"'Wag kang tawaging, principal Rake!" Pangunguna ko sabay taas ng pareho kong kaway at bahagyang layo sa nanggagalaiting Rake. "Oo na, sorry na sorry na." Napailing na lang siya sa inakto ko habang tinatago ko naman ang pagtawa ko. Katawa kasi mang-asar. "Wala bang pwedeng maganap ngayon?" Pinaningkitan niya lang ako ng tingin. "'Yung... ano ba... alam mo na... misyon?"

Bumuga siya ng malalim na hininga saka inis na sumagot. "We've talked about this, Ean. Hindi ka pa pwedeng lumabas ng Orthil."

Inaasahan ko na naman ang magiging sagot niyang 'to, pero nakakadismaya pa rin talaga. Hindi ko tuloy naiwasang malungkot. "Haay..."

"Sorry not sorry. Kailangan ko lang 'tong gawin," sabi niya sa akin at nauna na sa pagbagtas sa pasilyo. "This is for your own-- no, this is for our own good."

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Grabe haba ng interrogation scene. Daldal kasi ni Ean eh. Hahaha!

I hope this clarify the time and setting the story will be in after what happened sa last book. :)

Votes and comments are highly appreciated.

Continue Reading

You'll Also Like

72.9K 2.7K 53
New fantasy story! And I hope you'll spare time to read this! This story is about the girl who escaped from her own reality. But later on, she disco...
145K 6.6K 39
Patintero, Tagu-taguan, langit-lupa, jack-en-poy at habulan... Ilan lamang 'yan sa mga madalas nating laruin, buong maghapon maghapon tuwing bakasyo...
1.6M 64.1K 79
Previous title: SIGNUS ACADEMY Her family was killed. The kings and queens were their murderers. Having the unique ability like no other, she decided...
100K 3.8K 71
This is a tale of love, magic, battles and aeons.Yes Aeons!They are mythical creatures that can be summoned to aid their master in battle.Kingdom aga...