King Brothers

By my_love_letter

832K 33.7K 1.4K

King Brothers, these boys are well known at school as the cuties brothers/athlete and campus heartthrobs. Dam... More

King Brothers - PROLOGUE
King Brothers - 1
King Brothers - 2
King Borthers - 3
King Brothers - 4
King Bothers - 5
King Brothers - 6
King Brothers - 7
King Brothers - 8
King Brothers - 9
King Brothers - 10
King Brothers - 11
King Brothers - 12
King Brothers - 13
King Brothers - 14
King Brothers - 15
King Brothers - 16
King Brothers - 17
King Brothers - 18
King Brothers - 19
King Brothers - 21
King Brothers - 22
King Brothers - 23
King Brothers - 24
King Brothers - 25
King Brothers - 26
King Brothers - 27
King Brothers - 28
King Brothers - 29
King Brothers - 30
King Brothers - 31
King Brothers - 32
King Brothers - 33
King Brothers - 34
King Brothers - 35
King Brothers - 36
King Brothers - 37
King Brothers - 38
King Brothers - 39
King Brothers - 40
King Brothers - 41
King Brothers - 42
King Brothers - 43
King Brothers - 44
King Brothers - 45
King Brothers - 46
King Brothers - 47
King Brothers - EPILOGUE ❤

King Brothers - 20

17K 818 33
By my_love_letter

Natapos namin ang movie ng hindi manlang namin napanuod to ng maayos, paano naman kasi.. wala na siyang ginawa kundi pakiligin ako. I mean, titigan ako kasi nga daw ang ganda ko! Haha.

Hindi pa nga mawala sa isip ko yung pag amin niyang ako pala yung babeng nagugustuhan niya, pinapakilig na naman niya ko. Paano kasi hawak hawak niya lang yung kamay ko at pinaglalaruan habang ako naman nakasandal lang yung ulo ko sa balikat niya.

Ang sweet namin. Hihi.

"Nasaan pala ang Mama mo?" Tanong niya.

"Nasa convention sa Cebu, bukas pa ng gabi ang uwi niya."

"Wala kang kasama dito?" Pagaalala niya.

Tinangal ko ang pagkakasandal ng ulo ko sa balikat niya at tumingin sakanya. "Yup, di naman to ang first time eh kaya sanay na ko."

"Pero, babae ka pa din at dilikado kung mag isa ka lang."

"No choice naman ako."

"Kung gusto mo sasamahan nalang kita dito." Hinalikan niya yung kamay ko na hawak niya habang hindi inaalis ang tingin sakin.

I blink at him, shockingly. "Ha?"

"Sasamahan kita dito, okay lang ba? Ayaw kitang iwan mag isa." Paguulit niya.

"Uh.. hindi ka ba hahanapin sainyo?"

He laughed. "Hindi na ko bata para hanapin nila, tsaka wala pa naman sila Mama kaya ayos lang. So payag ka ng mag stay ako dito?"

"Uh.. okay sige."

"Dito na ko matutulog sa couch."

"Tingin ko hindi ka kasya dito."

He chuckled. "Gusto mo ba tabi tayo?"

I slapped him on his shoulder. "Sira!" Isinandal ko nalang ulit yung ulo ko sa balikat niya. Sa pagsandal ko naramdaman ko ang paghalik niya sa ulo ko.

"I like you." He whispered.

Tinangla ko ulit ang pagkakasandal sa balikat niya at pag kakahawak niya sa kamay ko tsaka ako tumingin sakanya. "I like you too."

We stared at each other as we confess our feelings, wearing a happily smile on our face. He kissed my forehead, down to my nose then my lips. Mas matagal tong nasa labi, so i response. He slowly laying us down to couch, not breaking our kissed.

"Goodnight." He said after our long kissed.

"Goodnight." I said staring at his lips. Hinalikan ko lang ulit siya ng mabilis sa labi niya tsaka na namin naisipang tumayo.

Dinala ko na muna sa kusina yung mangkok na ginamit ko sa pagkain namin ng Popcorn, sinamahan pa niya ko na akala mo maliligaw ako. Ang dami ko ng hugasan pero, bukas na yan.

"Ikukuha lang kita ng kumot sa taas, baka lamigin ka." I said.

"Pwede ko bang makita yung kwarto mo?" Tanong niya, kaya medyo nakaramdam ako ng nerbyos kasi naman kakagaling lang namin sa kiss baka may isipin pa siyang gawin. Shocks! Mamaya ako lang nag iisip nito.

"Okay sige." Pag sangayon ko. Hinawakan ko siya sa kamay at hinila na papunta sa second floor kung nasaan ang kwarto ko tsaka kami pumasok. Habang inililibot niya yung tingin sa kwarto ko kinukuha ko naman siya agad ng kumot niyang gagamitin.

Nang ibalik ko ang tingin sakanya, nakita kong nakatitig siya sa picture frame kung saan kami ni IC ang nandun.

"Ito na yung kumot mo." I said making him look at me.

Naglakad siya papalapit sakin at kinuha yung kumot. "Gusto ko din magkaroon tayo ng pictures."

"Uh.. okay, mag picture tayo pero sa ngayon.." Hinawakan ko yung mga kamay niya. "Matulog na tayo."

He bends down and kissed my lips again. Mukhang hindi ako magsasawang halikan niya. "Goodnight again, beautiful."

"Goodnight again, handsome."

Nag simula na siyang maglakad palabas ng kwarto ko at nang masara niya to, ibinagsak ko yung katawan ko sa kama at nagpapapadyak sa kilig. Grabe, totoo palang ako nga yung babaeng gusto niya di ako makapaniwala.

Kumuha ako ng unan at niyakap to ng mahigpit. Shocks! Kinikilig talaga ako. Hihi!

Ipinikit ko nalang yung mga mata ko at sinubukang matulog kahit alam kong napakahirap nun ngayon dahil kahit nakapikit na ko, naka ngiti padin ako na parang baliw at kinikilig kay Damon.

Naramdaman kong may humaplos sa pisnge ko na dahilan para magising ako sa pag tulog, dahan dahan kong minulat ang mga mata ko at si Damon ang nakita ko.

"Hi, sorry to wake you up. Naiwan mo kasi yung cellphone mo sa sala at nag alarm kaya nagising ako, naisip ko na baka dapat gisingin din kita."

Umupo ako sa pagkakahiga at inayos yung buhok ko. Buti nalang ginawa niya yun dahil baka malate ako sa school. "Salamat." I said yawning.

He smiles at me. "You really look pretty."

"Damon, ang aga mong mangbola." I said making him laughed, softly. Inilapit niya yung kamay niya sa mukha ko at hinaplos ang ilong ko gamit lang nung hintuturo niya pababa ng labi ko hanggang sa chin ko, inangat niya bahagya yung ulo ko para lumevel sakanya gamit nung daliri niya tsaka niya dahan dahang inilapit ang labi niya sa labi ko.

"Kailangan ko ng umuwi, baka malate ako sa school."

I chuckled. "Okay."

"See you at school."

"Yah, see you at school." I said nodding. "Thank you at sinamahan mo ko dito sa bahay."

"Welcome, next time ulit."

I giggle. "Okay."

"Ito nga pala yung cellphone mo, kumuha ako ng pictures mo kaya.." Pinakita niya sakin yung screen ng cellphone niya. "Ikaw na ang wallpaper ko."

Oh-wow!

Hinalikan niya ako sa noo. "Aalis na ko."

"Ihahatid na kita hanggang pinto." Bumangon na ako ng kama at magkahawak kamay kaming lumabas ng kwarto ko hanggang sa makarating kami sa pinto.

"Ingat ka pauwi." I said waving my hand.

"I will." He kissed my cheek then nag simula na siyang maglakad papunta sa kotse niya. Nang makasakay at masimulan ang byahe pauwi, sinarado ko na yung pinto at dumiretso na sa kusina para makapag breakfast.

Nang matapos naman akong kumain, hinugasan ko lahat ng hugasan sa kusina at tsaka naman ako pumunta sa kwarto ko para makapag handa naman sa pag pasok ng school.

Kinuha ko lang yung towel ko tsaka pumasok g bathroom, shower time!

Nang matapos naman ako sa pag ligo, nag bihis naman agad ako at nang saktong palabas na ko ng kwarto ko nakarinig ako ng doorbell mula sa labas ng bahay. Dali dali akong bumaba para pag buksan yun at ang nakita ko ay si IC.

"Amber.." nagpapaawa look siya sakin. Siguro nandito siya para humingi ulit ng sorry sa ginawa niya kahapon. "Sorry na." Hinawakan niya ko sa kamay isinasampal to sa pisnge niya.

"Kung galit ka, sige sampalin mo na ko basta patawarin mo na ko. Di ko talaga sinadya yun, nabigla lang din ako."

Hinila ko yung kamay kong hawak niya. "Oo na sige na! Basta wag mo nalang uulitin." Tsaka tingin ko din naman nawala na yung inis ko sakanya dahil nabura naman na ni Damon yung halik na ginawa niya eh. Hihi.

Itinaas niya yung kanan niyang kamay habang yung isa nasa dibdib niya na akala mo namamanata. "Promise!"

I chuckled. "Para ka ng ewan dyan!"

He smiles. "Sabay na tayong pumasok ng school?"

"Wag na, baka isang beses ko lang di magamit yung kotse eh mag tampo na at masira na naman."

He pouts. "Okay. By the way, may laro kami bukas! Alam mo na? Dapat manuod ka!"

I roll my eyes. "Oo na! Para namang may pinalampas akong laro mo. Siguraduhin mong hindi ka bangko ah."

"Grabe siya ka ah! Ang galing ko kayang mag laro!"

"Oo na! Nag mayabang ka na naman! Sige na umalis ka na, baka pareho pa tayong malate niyan sa school." Pagtataboy ko.

"Teka lang.." Pagpipigil niya. Inilapit niya yung mukha niya sakin at tinitigan ako. "Blooming ka ah! Ano nakain mo?"

I blushed instantly. "Tumigil ka nga! Gusto mo bang awayin ulit kita?!" I warned.

"Oo na! Ito naman di na mabiro, binibigyan ka na nga ng compliment eh."

--

Please vote. 😁

Continue Reading

You'll Also Like

21.5K 2.8K 57
May mga pag ibig na hindi inaasahan at may mga pag ibig naman na nabuo sa isang pag kakaibigan. Sa pag takbo ng oras hindi mo mamamalayan na nahulog...
2K 251 9
Sa aking obrang Panulaan ng Buhay(Poetry of Life), naibabahagi ko ang aking pagkamulat sa mga kaganapan o nangyayari sa ating mundong ginagalawan. Tu...
50.9K 5.4K 27
Si Patty ay may nakilalang Anghel ng Kamatayan sa isang sekretong pintuan sa Recto, Manila. Malamig man ang Anghel at weirdo pero paano naman hindi...
178K 8K 45
Caught In The Temptation 1 : refers to being entangled or ensnared by a strong desire or urge to do something that may be considered wrong or forbid...