Chasing That Nerd

By blackhiraeth

22.4K 614 22

A girl who didn't know herself from the past, struggling because of the people who surround her. Until she de... More

Prolouge
Chapter 01
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06

Chapter 07

943 53 1
By blackhiraeth

---

Eliana's POV

Gumising ako ng maaga ngayon dahil dadaaan ko pa si Lucy sa bahay nila. Dahil baka kung ano pa ang mangyari sakanya.


Alam naman natin yung demonyong utak ng Madeline na yon. Nanggigigil na ko sa babae na yon.


Kinuha ko muna ang cellphone ko at nag bukas ng Facebook.


Agad akong napabuntong hininga sa nakita at nabasa ko


"Hayss. Kelan mo ba kami titigilan Madeline?" sambit ko sa isip ko


Binasa ko yung post ni Madeline at as i expected. Pa victim effect na naman siya kahit wala naman ginagawa sakanya.


Maluwag ata turnilyo sa utak nun eh. Di na tinigilan si Lucy sa pang bubully nya



Baliktarin ba naman daw yung nangyari kahapon? Taena. Siya nga may kagagawan kung bakit na hospital si Lucy eh. Siya din kaya pa hospital ko? Bwiset.


Nag inhale exhale ako dahil hindi maganda sa beauty ko yon. Argh! Umagang umaga Madeline. Sinisira mo mood ko. Kairita.


Tumayo na ko at pumunta na sa baba para mag breakfast.

"Goodmorning! Sweetheart!" nakangiti at malambing na bati ni Mommy saakin habang papalapit ako sakanya


"Goodmorning Mommy!" sambit ko at niyakap siya ng mahigpit.

"Sweety, take your breakfast na" sambit niya at pinag hainan ako ng pagkain.

Umupo na ako at nag simula ng kumain.


"hmmmmm... ang sarap mommyyy" sambit ko na parang batang binigyan ng candy at nasarapan.


"Kamusta na nga pala si Lucy?" tanong nito


"Ayun, umuwi na siya kagabi. At inaalagaan na ni tita lea yun for sure" sagot ko sakanya at kumain na uli


"Sure ka bang okay lang kayo sa school na yon?" alalang tanong niya saakin


"Mommy, sabi mo maganda dun? Pero bat parang di naman? Sa mga estudyante palang. Bagsak na" irap kong sagot sakanya


"Ganun ba? You want to transfer ba anak?" tanong nya uli


"Mom? Really? Wala pa kaming 1 month don. Transfer na agad? Edi para kaming talunan?" kontra ko sa sinabi nya


talaga naman eh, pag kami nag transfer ni Lucy. Kami ang mag mumukhang talunan. Dapat sila Madeline yon. Tama!

"Well... i know you can survive. Both of you" nakangiting sabi niya saakin


"Duh? Walang talunan sa lahi natin mom remember?" irap na sagot ko at tinuloy nalang ang pagkain.


"Hahahaha. Sige na, bilisan mo na dyan. Susunduin mo pa si Lucy diba?"


Tumango ako at tinapos na ang pagkain. Pagkatapos kong kumain ay naligo na ako at nagbihis.

Pagkatapos ay kinuha ko ang cellphone ko at nag browse uli sa Facebook.

Agad akong nainis sa mga sinabi nila Mia sa post ni Madeline.

Madeline Dela Sierra > Dela Sierra University
1 hour ago

Attention Everyone! I just want to inform you that we have a schoolmate and she's a certified flirt!! Imagine! Nag paawa  effect pa kay Dylan, sa boyfriend ko! Kaya nagalit si Dylan saakin dahil i hurt that girl daw, and until now Dylan just ignore me for that stupid slut bitch!!. Well, the truth is me and my friends was attacked by her at the comfort room, just because of what i did to her at the cafeteria. She even drowned me in the toilet bowl and because of that i've been in near death situation! Imagine that!

'Dami palang alagad ni satanas no?'

Sa inis ko ay hinagis ko yung cellphone ko. Pero syempre sa kama, mahal to eh.

Inayos ko na yung mga gamit na dadalhin ko at bumaba na para magpaalam kala mommy.

"Mommy, i gotta go na. Byeee!!" paalam ko sakanya at nag kiss ako sa cheeks niya.

Pag pasok ko sa sasakyan ay tinext ko muna si Lucy na papunta na ako.

 

To: Lucy
Goodmorning! Okay ka na ba? By the way. OTW na ako :>

From: Lucy
Goodmorning. Ok naman na ako. Ingat ka sa pag dadrive! :>



Pag tapos kong basahin yung reply ni Lucy ay binaba ko na yung phone ko at nag focus nalang sa pag dadrive.


Habang nakahinto dahil sa stop light, napalingon ako sa kanan ko at kamalas malasan na bumungad sakin ang isang demonyo.



'kaya pala biglang uminit.. andito na anak ni satanas'



Napairap nalang ako sa nakita ko at bumaling sa kaliwa ko.


'mag kaaway nga pala yung dalawa.. Kaya di magkasama. Pfftt'

Pumasok bigla sa isip ko yung post ni Madeline sa group. Kaya tinawagan ko si Lucy habang naka stop pa yung stoplight.

Lucy: Hello?

: Nag bukas ka ba ng social media ngayon?

Lucy: Messenger lang bakit?

: Wag ka munang mag bukas ng, social media mo hah?

Lucy: Hah? Bat naman?

: Wala yon. Basta wag muna. Malapit na pala ako sainyo

Lucy: Ah sige. Ingat.

Binaba ko na ang phone at nag focus na uli sa pag dadrive. Nag GO signal narin kaya pinaandar ko na ulit ang sasakyan.

 

'Kilala ko na yang si Lucy. Kahit sabihin mo na wag. Titignan niya parin yon.'



Napabuntong hininga nalang ako sa naisip ko.

Naaawa na ko kay Lucy. Ilang araw palang kami sa school na yon tas ganto na nararanasan nya. Ang worst pa, nahohospital na siya

Pagkalipas ng ilang minuto ay nandito na ko sa tapat ng bahay nila kaya agad akong bumusina.

Habang hinihitay ko si Lucy ay biglang tumunog ang phone ko. May nag message ata.

*bling*

From: Aly
Are u guys on your way na ba? Coz im so irritated to see Mia. Argh! So annoying! May pinaplano nanaman ata sila.

'may pinaplano nanaman? Ano walang pahinga? Sumosobra na sila ah?'

Seryoso at kunot noo kong sambit sa isip. Natauhan nalang ako ng may magbukas na ng pinto kaya bigla akong napalingon at ngumiti sakanya.

"Anong meron? Bat ang seryoso mo kanina?" tanong ni Lucy habang inaayos yung seatbelt niya


"Hah? Di ah" tanggi ko naman at humarap na sa manibela


"Ay so nag sisinungaling tong mata ko hah?" sambit niya


"Hahaha. Wala yon ano ka ba" sagot ko nalang sakanya at inistart na yung kotse at nagdrive na.

Di nanaman mawala sa isip ko yung pose ni Madeline at yung sinabi ni Aly. Kase for sure may gagawin nanaman sila saamin. Lalo na may Lucy.

"Eli? May problema ba?" biglang tanong ni Lucy kaya natauhan ako at napalingon sakanya


"Wala. Hehe" sagot ko at umiwas na ng tingin


"Ano nga? Kanina ko pa napapansin na seryoso ka masyado. May problema ba?" tanong niya ulit

Nag buntong hininga muna ako bago ako mag salita.

"Nag bukas ka ng social media mo?" tanong ko habang nakatingin lang sa harapan.


"Ahm.. Oo hehe.. Kahit sinabi mo na wag" nahihiya niyang sagot at nakita kong tumingin nalang siya sa bintana.


"Hays" malalim na buntong hininga ko

Wala ng nag salita saamin at naging tahimik kami sa byahe hanggang sa makarating sa school.

And as i expected, nakasalubong namin sila Mia at ang mga alalay nya sa likod pagkapasok narin.

'jusko.. umagang umaga'

Nakakarindi yung bunganga niya. Kung ano ano sinasabi. Bakit ba kasi siya nangingialam kala Madeline? Kala mo naman boyfriend si Dylan kung maka asta ng ganyan amp. Sarap batukan eh.


Sinasabi na nga ni Lucy na ayaw niya ng gulo pero di parin sila tumitigil. Mga bingi ata tong mga to. Nag sama pa ng lalaki.

"Sila ang nang gugulo kay Lucy kaya pwede ba?! Tigilan niyo na nga sya!" sigaw ko sakanila


"Si Lucille ang ginugulo? Tignan mo nga si Mads! Nagkapasa dahil sa ginawa mo sakanya Lucille!" sambit ni Emily sabay turo kung nasan si Madeline kaya agad akong napaligon


'Wow. Just wow. Galing umarte. Kanino kaya yan nag pasapak? Para magkaroon ng pasa? Eh hindi nga yan ginalaw ni Lucy tas mag kakapasa siya ng ganyan? Galeng ah?'

"See! I pity Ate Mads because she was suffering!" sabat naman ni Abigail


"Pity pity. Pity niyo mga mukha nyo! Ni di nga ginalaw ni Eli yang si Madeline na yan!" sagot ko naman sakanila


"You! Slut bitch! Halika dito!" biglang sabi ni Mia at hinablot ang buhok ni Lucy


"Oy! Wag nyo siya sabeng sasaktan eh!" akmang susugod sana ako ng bigla akong hawakan ng dalawang lalaking kasama nila Mia.


"Ikaw! Panget ka na nga! Malandi ka pa!" sigaw ulit ni Mia at pinag pasa pasahan si Lucy nilang tatlo kaya mas lalong nag init ang dugo ko.


"Di ka magugustuhan ni Dylan dahil kay Madeline lang siya!" sigaw naman ni Emily


"Aray! Tama na" rinig kong daing ni Lucy pero leche wala akong magawa dahil ang lakas netong mga lalaking to.


"You ugly slut! Don't you dare ruin their relationship!!" sigaw naman ni Abigail at ibinato na ako sa sahig kaya napa higa naman ako


"Sabing tigilan nyo sya eh! Bitawan nyo nga ako!" sigaw ko habang kumakawala sa dalawang lalaki dahil punong puno na ko sakanila.

Pero buti nalang at dumating si Dariel at sak umalis na yung mga bwiset na yun.

Pagkatapos nun ay bumalik na kami  sa room namin at sinimulan  na kaming intrigrahin ni Elle dahil wala siya dun kanina.

Kwinento naman ni Aly ang nangyari kaya maging si Elle ay nainis din. 

"Okay ka lang ba?" alalang tanong ni Elle sakanya


"Oo ayos lang ako" sambit sakanya ni Lucy at ngumiti nalang .


Pero dahil ako ang matagal na nyang nakakasama ay kabisado ko na siya. Alam kong di siya okay at may iniinda siya. 

'Bwiset talaga yang sila Mia nanggigigil talaga ako '

Hanggang sa may pumunta saaming istudyante na nag inform na wala pala kaming prof sa first subject. 

Napag pasyahan namin na pumunta muna sa cafeteria dahil mang lilibre daw si Aly ng snacks. Napaka generous talaga netong babae na to.

Habang nag uusap kaming apat ay sumulpot nanaman yung tatlong bwiset na babae na to. Di na kami tinantanan. Hanggang dito ba naman na tahimik nalang kami na nag iisnacks. 

At ayun kung ano ano nanaman yung pinuputak nila kay Lucy. Di na nahinto yung mga sinasabi nila at nang aaway nanaman.

Hanggang sa pumunta sa likuran ni Lucy si Abi saka si Emily at hinawakan yung braso ni Lucy para di siya makawala

'Siraulo to ah!' 

"Hi Lucy. Mads ask me to do this" sambit ni Mia saka akmang bubuhusan ng chocolate drink si Lucy pero agad na nakaiwas ni Lucy kaya ang natapunan ay si Abi 

'Woah.. that's my girl! HAHAHA' 

natatawa nalang ako sa itsura ni Abi ngayon dahil punong puno yung damit nya ng chocolate drink. 

"Arghh!! Kasalanan mo to! Bat ka umiwas!!" sigaw ni Mia kay Lucy kaya di ko na napigilan na sumabat sakanila.

"Tanga ka ba? Edi kung di siya umiwas. Edi siya ang natapunan mo" sagot ko sakanya kase feeling ko wala siyang common sense. 

Aalis na sana sila pero wait there's more! 

"You forgot this one" sambit ni Aly at binuhusan niya si Mia ng chocolate drink

'buti nga sakanya HAHAHAHA' 

At ayon para na siyang sasabog na bulkan kaya mas lalo kaming natawa sa mukha niya.

Nung umalis na sila ay napag pasyahan namin na mag libot libot uli dito sa school dahil may hindi pa kami napupuntahan na lugar dito sa school na to.

Tinuro nila yung gymnasium na napakalaki at halata mong air-conditioned pa. Napaka laki din ng field dito kung saan ginaganap daw yung mga events.

'napaka ganda pala dito'

Pero may isang naka agaw ng pansin ko. Ayun ay yung  malaking classy na gate na kulay dark red na black.

"That's DSU Fire Shooting Range" sagot naman ni Aly sa tanong ni Lucy

Oww Fire shooting range in school huh?

"Diba ayun yung pinag papraktisan ng pag baril?" tanong ko naman sakanila 


"Oo nga bat meron dito nun?" pag tatanong ni Lucy


"Wala talaga kayong idea sa school na to?" sambit naman ni Aly


"Wala eh" sagot naman ni Lucy


"Sabi kasi ng nanay ko. Maganda daw dito kaya dito ako nag aral" wika ko. 


Ikaw mom ha! baka scam tong sinasabi mong magandang school. Hays


"Oh.. i see" sambit ni Aly at nag lakad na kami papaalis duun.


At sinabi ni Elle ay yun yung pinaka importanteng lugar dito sa DSU kaya mas lalo talaga akong na curious sa school na ito.

Ano ba naman yan pa mysterious pa kasi tong school na to. 

At tuloy tuloy lang ang pag totour samin nila Elle at Aly at tinuro pa ang mga iba pang buildings, fields, at kung ano ano pa . Apaka lawak talaga ng school na ito.

Hanggang sa napunta kami dun sa mini park slash na kung tawagin nila at sinasabi nilang tambayan daw nila yun. 

Pag dating mo dito ay bubungad agad sayo ang isang statue na imaheng angel.

Kung idedescribe mo sya. Purong puti ito at walang ka kulay kulay. Naka tayo, Naka tiklop ang kanyang malaki at magandang dalawang pakpak. Ang kanyang kaliwang kamay ay nakataas at naka tapat sa kayang kaliwang balikat. Medyo naka tabingi ang kanyang ulo pa kaliwa at naka tingin sa baba. Ang kanya naman magandang mukha aya medyo naka ngiti lamang pero di sobrang saya.

kung pag mamasdan mo ay apaka ganda nya.

Pero ang masasabi ko lang ay apaka preso dito. Apaka hangin at apaka liwalas.

At maya maya pa ay nag simula ng mag kwento sila Elle at Aly tungkol sa kaibigan nila.

Nakakaawa dahil nawalan sila ng dalawang malapit na kaibigan. Ayokong madanas yun huhu.

Maya maya pa ay dumating sila Dariel at ang mga kaibigan nya. Andito din pala sila

Hanggang sa pinag kwekwentuhan na namin ang mga nang yayari samin dito sa school na ito. At kinalaunan ay nag asaran narin . Lalo na yun dalawa, si Aiden at Aly. Bagay sila 

Ay beh sana ol 

Maya maya ay nagka yayaan narin na kumain dahil di kami nakakain ng maayos dahil sa letcheng sila Mia na yon. Kaya eto pare parehas kaming gutom.

Mahaba pa naman oras namin para sa next subj. 

Nang makarating na kami dito sa cafeteria ay pumunta na kami sa table namin. 

Pero di namin inaasahan na makiki salo samin sil Dariel at kinuha pa ang kanilang table para itabi saamin

Aww nakaka touch naman tong sila bebe Dariel hihi. Char. Ship ko sya kay Lucy duh.

Ay ayun dahil sa ginawa nila ay pinag bulung bulungan na naman kami. Pero binaliwala nalang namin to dahil gutom na kami

Ay nako pasalamat sila wala ko sa mood 

Nag sabihan na kami ng mga orders at umorder na sila. Kami naman ay mag huhugas ng kamay dun sa hand washing area. Sanay kasi kami ni Lucy na malinis ang kamay before kumain.

Nauna na akong mag lakad papunta dun at nag hugas. Habang malapit na akong matapos mag hugas ng kamay ay napansin ko na wala si Lucy sa likod ko kaya agad akong napalingon sa likuran ko at hinanap si Lucy. 

At nanlaki ang mata ko kasi kaharap nya ngayon yung demonyitang bwiset na yon. Agad naman umakyat ang inis sa bunbunan ko. 

"Hoy Madeline! Ano nanaman bang ginagawa mo sa kaibigan ko hah?" sigaw ko ng makalapit na ako sakanila. Talagang sinasagad netong babae nato yung pasensya ko eh. 


"Nothing! May sinasabi lang ako" sagot ni Madeline at umakto pa na parang susuko dahil nakataas yung, dalawang kamay nya


"Nothing ka dyan. Subukan mo lang talaga galawin ulit kaibigan ko. Ikaw ang sunod na mahohospital" Pag babantang sabi ko sakanya dahil alam ko naman na may sinabi yan kay Lucy.


"Omg. Death threat ba yan? Guys! Narinig nyo ba yun? Pinag babantaan nila ako oh!" paawa epek pang kunwaring sumbong ni Madeline sa mga estudyante dito sa cafeteria



Ay gago? baliw na ata to.



At nag simula na uli ang bulong bulungan saamin na kesyo binabantaan daw namin si Madeline at kawawa sya.

Ay talaga lang huh? sya pa ang kawawa sa lagay na yan? Duh!

"Wag naman kayong nang babanta" paawa epek ulit na sabi samin ni Madeline habang papalapit samin


"Wag kang lalapit samin" banta ko ulit sakanya


"Wag nyo naman akong takutin. Please?" nag mamakaawang sambit niya ulit na akala mo totoo


What the fvck? anong droga ba nainom netong babaeng to? naging sintu sinto na bigla. Jusq.

Nang tuluyan na siyang makalapit saamin. Bigla siyang may binulong saamin ni Lucy.

"Ang tapang nyong mag kaibigan hah? Tignan natin yang tapang nyong dalawa"  naka ngising bulong nya saaming dalawa.

"Oh eto piso. Bili ka ng kausap mo. Kawawa ka naman eh" Pang aasar ko sakanya at nilagay ang piso sa palad nya.

Binaliwala nalang namin sya at inaya ko na si Lucy na umalis na at bumalik na sa upuan namin. 

Nauna na akong tumalikod at nag lakad pabalik sa upuan namin ng bigla-- 

"Omgg! Kawawa naman si ateng nerd!!" malakas na sabi ng nung isang estudyante na nanunuod naamin

Agad akong lumingon at laking gulat ko ng nakita ko na nag dudugo ang tyan nya at may naka saksak duun na kutsilo na siyang sinaksak ni Madeline sakanya.

"Lucy? HALA!! LUCYY!!" tarantang sigaw ko at pumunta sa gilid nya para tignan ang kalagayan nya.

Tarantado kang babae ka! Pag may nang yari masama sa kaibigan ko malilintikan ka talaga sakin! 

Maya maya pa ay bumagsak na si Lucy sa sahig pero naka alalay parin ako sakanya. Dumating narin ang mga kaibigan namin pati narin sila Dariel para sumaklolo.

"HAYOP KA TALAGANG BABAE KA!! ANONG GINAWA MO SAKANYA!!" galit na galit na sigaw ko. Pero nananatiling tahimik at mukhang gulat parin si Madeline sa nagawa nya.

"T-T-Tama... n-a... E-Eli.." mahina at hirap na sambit ni Lucy 


"Lucy. Dadalhin ka na namin sa hospital ah? Gumising ka lang hah?" nag mamakaawang ko sakanya at hinawakan sa pisnge 


Lord, please wag nyo po muna kunin si Lucy. Utang na loob pangalawang araw pa namin to.



"W-Wag... k-kang.. m-mag.. a-alala.." kapos hiningang sagot nya saakin kaya mas lalo akong naluha.



"Lucille. Please.. Hold on" sambit ni Dariel na syang naka alalay na kay Lucy.


Hanggang sa maya maya pa ay nawalan na ng malay si Lucy kaya naman ang iba kong kaibigan ay nag sigawan.


"Dariel! dalhin na agad natin siya sa hospital! Walang tigil sa pag tulo ang dugo niya!" tarantang sigaw ko dahil di ko narin alam ang gagawin ko


Lucy please.. hold on.


Agad naman na binuhat ni Dariel si Lucy na pa bridal at agad agad na nag lakad papaalis sa cafeteria. 


Pero bago ako makasunod sakanila. Napakado ang tingin ko kay Madeline na  naka tingin dun sa daanan kung saan tumungo sila Dariel


Kaya naman agad akong nag init sa galit at sinugod si Madeline. Tinulak ko siya ng malakas sa pader at kwinelyuhan ito.


Nanlilisik ko naman siyang tignan pero bigla niya akong nginisian kaya mas lalo nag init ang dugo ko sakanya



"FVCK YOU MADELINE! ANO BA GINAWA NAMIN SAYO NG KAIBIGAN KO PARA GANITUHIN MO KAMI?!" galit na sigaw ko sakanya habang nanginginig na kwinelyuhan sya ng mahigpit na tila ba parang masasakal na.


"Bakit? anong gagawin niyo sakin?" nakangisi nyang sagot 


"Pag may nangyaring masama sa kaibigan ko. Ewan ko nalang" seryosong sabi ko at tinitigan siya sa mata. 


"Then go. So me what you got. Well, your friend deserves that. And kulang pa yan. Better watch out babe." sagot niya sakin at kinindatan nya ako at nginisian ng mapang asar.


Kaya naman sa sobrang galit ay hinagis ko sya sa sahig at sa kasamaang palad ay tumama ang ulo niya sa may lamesa


Deserve. 


Bigla naman tumakbo papalapit sakanya yung dalawang alipores niya


"Homayghad!! Madeline!! Wake up!!" sigaw nung isa niyang alipores na nag ngangalan ata na Aurora. 


Kasalukuyan na nawalan ng malay si Madeline dahil sa pag kaka tama niya sa may lamesa.


"What did you do!!!" sambit naman nung isa na nag nganganan na Viviene. 


"Kulang pa yan sa ginawa niya sa kaibigan ko' walang emosyon na sagot ko 


Bigla naman dumating ang knight in shining amor niya na si Dylan. 


"What did you do to Madeline!" nanlilisik na tanong nito saakin. 


"Bago mo ko tanungin. Alamin mo muna kung akong ginawa niya sa kaibigan ko" sagot ko nalang sakanya at tuluyan ng lumisan duun sa lugar na yun at dumiretsyo na  sa hospital kung saan dinala si Lucy.


Agad kong sinusian at pinaandar na agad yung kotse na hiniram ko kala mommy at dali daling pinaharurot ito. Buti nalang talaga at malapit lang ang DSU Medical Hospital dito sa campus.


Maya maya pa ay nakarating na agad ako at dali daling sinara ang pinto ng kotse at patakbong pumasok sa hospital.


Agad ko naman nakita sila Dariel , Elle at Aly kaya pinuntahan ko din sila agad 


"Dariel. Asan si Lucy? Kamusta lagay niya? " mabilis na tanong ko sakanila kaya medyo hiningal ako.


"Si Lucy nasa operating room. Wait lang daw natin sabi ng doctor" sagot naman ni Dariel


"Sumosobra na talaga yang sila Madeline!!" inis na wika ko dahil kinakabahan parin ako para kay Lucy. Sa matalik na kaibigan ko.


"Bakit ba need humantong sa ganito si Madeline. Oh ghad!" taranta din na sambit ni Aly at nasapo nalang ang kanyang noo


"Calm down guys. Sa ngayon ipag pray nalang natin na sana successful ang operation kay Lucy. Saka na natin atupagin sila Madeline pagka nag papagaling na yang si Lucy" pag papatigil naman sa sabi saamin ni Elle 


Kaya wala kaming nagawa  kundi ang mag hintay nalang dito sa labas ng operating room. Maya maya pa ay lumabas na ang doctor na nag opera kay Lucy


Agad akong napatayo at lumapit sakanya.


"Doc, kamusta po lagay ng kaibigan ko?" kinakabahan na tanong ko 


"Hmm.. stable na siya. Successfull ang operation at buti walang natamaan na vital organ sakanya kaya magiging madali ang pag hilom ng kaniyang sugat at pag papagaling" naka ngiting sabi niya saamin kaya para kaming nabunutan ng tinik lahat


"Maraming salamat Doc." wika ko sakanya 


"Walang anuman. Pero ano bang nang yari? Mukhang mga estudyante kayo diyan sa DSU ah? Bakit may gantong kaganapan ?" takang tanong niya saamin 

Kaya nag katinginan lang kaming apat at wala ni isa ang gusto sumagot sa tanong niya


"Ahm.. Mahaba pong kwento Doc h-he he" tanging sagot ko nalang sakanya. 


Bumuntong hiniga nalang siya at "Oh siya. We will transfer your friend to a private room. Also, we need her guardian or parent" 


"Okay po Doc. Tatawagan ko po yung parent niya" sagot ko sakaniya at tinanguan niya nalang ako. 


"Okay well then. Mauuna na ako." wika niya at nag lakad na papaalis.


"Ahm Dariel, Elle, Aly. Paasikaso nalang muna si Lucy pag transfer sakanya sa private room ah? Tatawagan ko muna si Tita. Yung mom niya. Text niyo nalang ako kung anong room number siya ah?" pag papaalam ko sakanila at tumango naman sila


Lumabas ako ng hospital at dali dali kong dinial ang number ni tita at tinawagan ito.


*ring* *ring*


"Hello Eliana?" bungad ni Tita pag sagot niya ng tawag


"Ahm hello tita? Ahmm ... ano po kasi..." kinakabahan na wika ko dahil di ko alam kung pano sasabihin sakanya na nasaksak si Lucy.


"Ano yung Eliana? May nangyari ba?" tanong niya pero parang nananatiling kalmado ang boses niya


"Ahm.. A-Ano po kasi.. Si L-Lucy po.. Nahospital..." Na uutal kong sabi . Biglang naging tahimik ang linya pero maya maya lang ay nag salita na uli si Tita.


"Bakit? anong nangyari? sang hospital yan??" tuloy tuloy na tanong niya


"DSU Medical Hospital p--


bigla naman binaba ni Tita ang tawag kaya mas lalo akong kinabahan.


Maya maya lang ay tinext ako ni Aly.


From: Aly

Eli. Room 218 si Lucy. Andito na kami now. 


Pagka basa ko ng text ni Aly ay pumasok na agad ako ng hospital at sumakay ng elevator at pinindot ang 3rd floor. Maya maya pa ay bumukas narin ito at lumabas na ko at nag simulang hanapin ang room 218.


ah so mag kakasunod suno lang to kaya di ako malilito.. 


Pero habang nag lalakad ako sa hallway netong hospital. May natanaw akong lalaki di kalayuan na nakatapat sa isang pinto na tila may sinisilip.



Kung ibibilangin mo.. room 218  yon. Anong ginagawa niya sa tapat ng room ni Lucy?? 



To be continued.. 

Continue Reading

You'll Also Like

107K 1.5K 15
18+ဒွိလိင်ပါ စကားလုံးအတိအကျများရေးသွင်းဖော်ပြထားပါတယ်
395K 14.3K 43
!Adult/Possessive and Asshole!
15.1K 791 12
تتبع الحقائق في طريق لا نهايه له !
299K 6.1K 56
Olivia was taken from her family at the age of 2 by her families rivals. She can't remember anything before then, the only thing she can remember is...