A.K.A. Neerdy GIRLFRIEND (COM...

By adrian_blackx

415K 13K 1.3K

"Nerd man ako sa paningin nila, but they don't know me very well." -GLAIZA Maybe I judge her before, but then... More

Chapter 1: The Kiss
Chapter 2: Rescue
Chapter 3: Music Room
Chapter 4: New Prof
Chapter 5: Rooftop
Chapter 6: Tutor Mode
Chapter 7: Kathrina
Chapter 8: DATE?!!
Chapter 9: The Truth and The Hell
Chapter 10: Glaiza Galura
Chapter 11: Heaven and Hell
Chapter 12: Elevator
Chapter 13: Kumot
Chapter 14: Glaiza's New Girlfriend
Chapter 15: Wife material
Chapter 16: Hello Past
Author's note
Chapter 17: Over
Chapter 18: Love Guru
Chapter 19: Real
Chapter 20: Forgive and Forget
Chapter 21: Yes
Chapter 22: Tagaytay Adventure (1)
Chapter 23: Tagaytay Adventure (2)
Chapter 24: The Revelation
Chapter 25: Nasa'yo na ang lahat
Chapter 27: Something New
Chapter 28: R vs. S
Chapter 29: Hurt
Chapter 30: Come back is real
Chapter 31: Birthday Surprise
Chapter 32: Closure
Chapter 33: Grow Old with You
Chapter 34: Where are you?
Chapter 35: Happy Ending
EPILOGUE
Mula Sa Author <\3
Hi guysss

Chapter 26: The Comeback

9.4K 272 42
By adrian_blackx

GLAIZA'S POV

Pagkatapos ng mahigit isang taon, muli kong narinig ang tinig na matagal ko ng hindi narinig. Nakaramdam ako ng saya sa aking puso, dahil nagkita ulit kami pagkatapos ng lahat ng nanyari sa amin dati.

Nagulat na lang ako na nakita ko silang nakatayo sa harapan namin, at alam kong nagulat din si Rhian sa nakita niya. Kasama ni Solenn ang pinsan niyang si Max.

Agad na lumapit sa akin si Max.

"We need to talk Glaiza, now" at walang alilangan, agad niya akong hinila palayo kay Solenn at kay Rhian.

"Ano bang mahalaga natin pag-uusapan?" I ask her, dahil pagkatapos niya akong hilain, hindi pa ito makapagsalita.

"Its about Solenn. She had an accident, 5 months ago" I was at the state of shock when I heard that.

"And she's been in coma for 4 and a half months. Pero Glaiza, nagkaroon siya ng amnesia. At hindi niya naalala yung mga recently na nangyari sa buhay niya. Pagkagising niya, ikaw agad ang hinanap niya. Hindi niya maalala na nakipaghiwalay siya sayo."

"So what do you want me to do?" Kasi sa sinasabi niya. May gusto siyang ipagawa sa akin. Sana sinabi na lang nila ang totoo na wala na talaga kami, a year ago, para naman hindi na siya masaktan.

"I want you to pretend na kayo pa din. Glaiza, please help us. She needs you, at alam kong ikaw lang ang makakatulong sa kanya"

"No!" agad ko siyang iniwan sa kinatayuan namin at agad kong hinili si Rhian, palayo sa kanila. Tinignan ko lang si Solenn, at alam kong naguguluhan siya sa nangyayari. Pero sa susunod na lang ako kag eexplain sa kanya. I need time..

"Glaiza, is that Solenn? Yo-your ex?" Rhian ask, alam kong natatakot siya, I can feel her pain.

"Yes. That's Solenn, at yung kasama niya is pinsan niya si Max".

"Rhian, I know natatakot ka. Pero trust me. I won't let you go. Hindi ko siya babalikan, I'll rather die than to hurt you. I love you so much Rhian, I really do." Pagkasambit na pagkasambit ko ay agad akong niyakap ni Rhian.

"Just promise me one thing Glaiza, huwag mo kong iwan. Hindi ko kaya" habang umiiyak siya.

"Shhh.. Tahan na mahal ko, hindi kita iiwan. Mahal na mahal kita"

"Mahal din kita Glaiza,"
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
"So tsong, anong balak mo ngayon?" Tanong ni Chynna, sumama muna si Rhian kay Bianca at Ignacio, labag man sa loob ko na iwan ang girlfriend ko na kasama si Ignacio, wala akong magawa dahil boyfriend na daw to ni Bianca.

Nandito kaming tatlo nila Chynna at Kathrina sa rooftop, kailangan ko ng tulong nila.

"Oo nga cha, anong balak mo, Solenn is back, at tulad ng sinabi mo, hindi niya naaalala na nakipaghiwalay siya sayo" sabat naman ni Kathrina.

"Honestly, I don't know. May pinagsamahan naman kami Solenn, kaya willing akong tulungan siya, pero ayoko ding saktan si Rhian. Mahal ko siya eh" I said to them.

"Siguro naman, maiintindihan ka ni Rhian, kapag pinagbigyan mo yung gusto ni Max, pansamantala lang naman eh. At kapag alam mong medyo ok na, dahan dahanin mo, sabihin mo sa kanya yung totoo"

"Anong totoo? Yung hindi ko na siya mahal tulad ng dati? Na may mas minahal akong iba kaysa sa kanya? Yun ba Chyns? Oo she deserve to know the truth, pero kasi ang hirap, naiipit ako"

"Isa lang naman ang solusyon diyan eh" sabay kaming napalingon sa likod dahil bigla na lang sumulpot yung pinsan ko.

"Piliin mo kung sino ba talaga ang gusto mo, edi tapos ang usapan" sabi ni Ange.

"Well my dear cousin, hindi po ako makapili" i said to her.

"Kaya mo, kaso ayaw mo lang pumili."

"What do you mean?" I ask her.

"Kung talagang naiipit ka jan, edi sana umalis ka na lang. Pero pinipilit mong ipagitna yang sarili mo, dahil akala mo kaya mo lahat. Ayaw mo lang pumili, dahil isa sa kanila pwedeng masaktan." She said to me.

"Ang point eh, kahit sino ang piliin mo sa kanilang dalawa, may masasaktan at may masasaktan." Well she's right. Kahit sino ang piliin ko, may masasaktan at kung ako lang ang masusunod, ayokong may masaktan sa kanila.

Siguro sa ngayon, kailangan kong piliin ang sarili ko. Piliin ang kaligayahan ko.

Pipiliin ko ang sarili ko, kaya pipiliin ko si Rhian, maybe ipapaintindi ko na lang ang lahat kay Solenn, ipapaliwanag ko sa kanya na matagal na kaming tapos, at si Rhian na talaga ang mahal ko, ang mamahalin ko.

Agad kong hinanap si Rhian, buti na lang nasa cafeteria lang silang tatlo.

"My loves!" I called her. Agad din naman siyang tumingin sa akin at kumaway.

"Hey! Glaiza, how is you? Is you fine? I hearing that your ex is in this school. Is you fine?" Ito bang Ignacio na to, dadagdag ba sa sakit ng ulo ko?

"Don't worry I'm fine." I said to him

"Oh. That was ok. So we will seeing you around. Me and Bianca having to go." Ngumiti na lang ako sa sinabi niya. Tangina nito sakit talaga sa ulo. Iniwan na kami nung dalawa, kaya kami na lang ni Rhian ang nandito sa table.

"You ok?" I ask her.

"Yes, I'm good. Ikaw ba?" Bakas sa mga mata niya ang takot.

"I'll be fine, don't worry. So kamusta si Solenn?" She ask. I guess kailangan ko din sabihin sa kanya yung sinabi sa akin ni Max.

"Well, according to Max, she had an accident, 5 months ago at na-coma siya ng 4 and half months, and nagkaroon siya ng amnesia. Hindi niya naalala yung mga recently na nangyari sa kanya, at isa na dun yung paghihiwalay namin. She still think na hanggang ngayon kami pa din" nalungkot ako habang kinukwento ko yun kay Rhian.

"And? Glaiza, I know there something more" hindi na talaga ako makakatakas dito.

"And Max ask me a favor, to pretend to be her girlfriend, dahil ako lang daw ang makakatulong sa kanya. But I rejected it" i said to her.

"Why?"

"Because I'm choosing myself, and it means, I'm choosing you. Rhian, gusto kong tulungan si Solenn, pero ayokong saktan ka, ayokong makita mo ko na hawak ng iba ang kamay ko, at ayoko din na may ibang humahawak ng kamay ko, maliban sayo. Oo naging espesyal sa buhay ko si Solenn at kahit kailan hindi maiaalis yun, pero hindi ko kaya eh. Mahal kita eh. Kaya ayae kitang saktan" I said to her. Ayokong makita siyang masaktan.

"Paano si Solenn? Glai she ne-" I cut her off.

"Yes, she needs me, but you also needs me, right?" Tumango lang siya sa sinabi ko.

"Tsaka pwede ko pa din naman siyang tulungan eh, unti unti kong ipapaalala sa kanya ang lahat ng nangyari. At dahan dahan kong sasabihin na ikaw ang mahal ko, na ikaw na ang mahal ko at hindi na siya, kaya Rhian, huwag kang matakot. Hindi ako mawawala sayo"

"I know, I know..."

RHIAN'S POV

Aaminin ko natakot ako sa biglaang pagsulpot ni Solenn. Natatakot ako baka mawala sa akin si Glaiza, natatakot ako na baka bawiin niya ang minsang naging sa kanya, natatakot akong iwan ako ni Glaiza dahil sa kanya. Hindi ko kaya.

Pinaliwanag na lahat sa akin ni Glaiza ang lahat, tungkol sa aksidente, sa coma, at sa gusto ng pinsan ni Solenn na mangyari. Nang malaman ko lahat yun, nakaramdam ako ng awa, awa sa kanya at awa sa sarili ko.

Naaawa ako sa kanya dahil sa mga dinanas niya, sa mga panahong kailangan na kailangan niya si Glaiza pero wala siya, dahil sa sakit na dinanas niya ay nasa tabi ko si Glaiza at nagpapakasaya sa piling ko, ngunit naaawa din ako sa sarili ko, dahil hindi ko alam kung totoo ang sinasabi niya na hindi niya ako iiwan, dahil natatakot talaga ako.

Naisip kong umuwi muna sa bahay namin sa Batangas dahil kailangan ko ding makausap ang mga magulang ko sa ginawa nilang set-up sa amin ni Glaiza. Kung may dahilan ba ang lahat, kung bakit nila kami balak ipakasal. Hindi naman sa nagrereklamo ako, pero kasi parang may iba.

"So di ka muna papasok bukas?" Glaiza said, andito siya sa condo ko ngayon, tinutulungan akong mag-ayos ng mga gamit ko.

"Oo eh. I need to talk to them, about us." I said.

"Gusto mo samahan kita?"

"No, its ok. I can handle it" gusto ko muna talagang iwan sandali si Glaiza para makapag-usap naman sila ni Solenn, dahil pakiramdam ko, habang nasa tabi niya ako, hindi niya maaayos ang gusot sa kanilang dalawa.

"Ok then, hatid na kita." She offered.

"Hin-"

"No Rhian, ako ang maghahatid sayo. Hindi na nga kita sasamahan, sana hayaan mo na hatid kita, I promise I'll behave" sabay ngiti sa akin na napakatamis. Gosh how could I resist her? She's so charming. Kung titignan parang wala siyang problema. Hays, how to be you po?

"Ok, kulit kasi ng girlfriend ko eh" i said, napatawa naman siya.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Ilang oras din ang byahe, buti na lang talaga kinaya ni Glaiza na magdrive. After she left agad na din akong pumasok sa bahay namin,. Nakita naman ako agad ng mga kasambahay namin.

"Ma'am Rhian, kamusta po kayo? Napadalaw kayo. Mamaya pa darating sila Sir" sabi ng isa naming kasambahay,

"Ayos lang ho yun manang. Ipaghanda niyo na lang po ako ng makakain, magsshower lang ako" utos ko kay manang..

Pagkapasok ko sa kwarto ko, agad akong humiga dahil na din sa pagod sa byahe.. At ng nakapagpahinga na ako, I decided to take a bath.

GLAIZA'S POV

Hindi ko kasama si Rhian na pumasok ngayon, dahil nga nasa Batangas siya. Namiss ko na siya. Hindi ako sanay na walang nag susungit sa akin. Hayss....

Pagkapasok na pagkapasok ko palang sa room namin, agad kong nakita si Solenn.

"Good Morning hon." Sabay halik sa pisngi ko. Hindi ako naging komportable sa posisyon namin ngayon, dahil ang lapit lapit ng mukha niya sa akin.

"Solenn what are you doing here?" I ask her. Para naman makalayo ako.

"Dito na ako mag-aaral. Hindi ka ba masaya? At magkaklase pa tayo, nirequest ko kasi na dapat magkaklase tayo" patay.

"Ganun ba. Sige na maupo ka na, kasi maya-maya, darating na yung prof natin."

At tama nga ang hinala ko, biglang pumasok si Ms.Smith.

"Ok, good morning class, you have a new classmate Ms.Solenn Heussaff. Ms.Heussaff, please introduce yourself" agad naman tumayo si Solenn.

"Hi everyone, I'm Solenn, and I'm Glaiza's girlfriend. I came from Europe just to be with her. Sana maging friends tayong lahat dito" lahat ng kaklase ko ay nagulat sa mga sinabi ni Solenn, dahil alam nilang si Rhian ang girlfriend ko.

Nakita ko naman si Ms.Smith na napangiti lang sa ginawa niya.

"You may sit down si- Ms. Heussaff" sumunod naman si Solenn at agad umupo sa tabi ko.

Buong araw kong kasama si Solenn, lagi kong tinetext si Rhian, pero hindi sumasagot, tinatawagan ko din, pero ganun din. Iniisip ko na baka busy lang siya,

Kumakain lang si Solenn, habang ako abala sa tetext at kakatawag sa girlfriend ko.

"Hon, kumain ka naman" Solenn said.

"Sol, di ako gutom, salamat na lang, just eat ok?" I said to her, at balik naman ang atensiyon ko sa cellphone ko.

Habang busy ako, biglang may nakiupo sa amin, at sa kasamaang palad, si Rafael.

"Hi!" Bati nito sa amin.

"Hello" bati din naman ni Solenn.

"What do you want?" I ask him

"Rhian" nagsmirk lang to akin at umalis na kaagad. Maaga ata akong makakapatay. Mukhang nanadya eh.

"Who is he?" Solenn ask.

"A jerk" I said. "Are you done?" I ask her. Dahil naiimbyerna na talaga ako.

"Yup."

Agad akong tumayo, balak ko ng sabihin sa kanya ang totoo. Para matapos na to. Pinunta ko siya sa office ko..

"George, labas ka muna." I said to my secretary, at agad din naman itong sumunod.

"Solenn" panimula ko.

"I have something to tell you" I said.

"About what?"

"About us." I said. This is all or nothing. Kailangan niya tong malaman.

"Solenn you know, I love you right? Pero kasi marami ng nagbago. Solenn, naging mahalaga ka din sa buhay ko, at nagpapasalamat pa din ako sa Diyos na binigay ka Niya sa akin. But the thing is, Solenn you and I just bro- Solenn?!!"

Biglang siyang nahimatay, buti na lang agad ko siyang nasalo at dinala agad sa clinic.

RHIAN'S POV

Nagising ako sa malakas na katok na galing sa pintuan ko, at sigurado akong si Nadine yun. Siya lang naman yung kumakatok ng ganun na parang walang bukas.

"WAIT!!" Agad akong tumayo sa malambot kong kama. Pagbukas ko ng pintuan, hindi nga ako nagkamali dahil si Nadine nga yun.

"What do you want? Its too early, hindi naman ako papasok ngayon" I said to her.

"Well, good morning and I miss you too sis! Dami kong nabalitaan ah. Pero ni isa wala kang kinukwento. Ayiieee! Sila na talaga ni Glaiza for real! Uy! Basa nanaman ang papet niya! Ahhahaha" THE F?!!

"NADS! Ang dumi ng utak mo! Pwede ba, mamaya na yan, umagang umaga eh" I said to her, grabeng mag-isip tong babaeng to. Sarap ilunod eh.

"Wala ng mamaya, dahil... Mom and Dad wants to talk to you" seryosong pagkasabi niya.

"Ok, I'll just take a bath, kailangan ko din silang makausap." Tumango lang ito sa akin at umalis na din agad.

Mabilis lang akong natapos kaya agad akong bumama. Nakita kong nakaupo sila Mom, Dad, and Nadine sa garden.

"Good morning mom, good morning dad. I miss you both!" I said to them, habang niyayakap ko siya. Tagal ko din silang hindi nakita, dahil may inasikaso sila sa New York.

"We miss you too baby. Kamusta ka naman?" My mom ask.

"Ok lang naman po." I said.

"Mom, Dad, alam kong alam niyo na. Glaiza is my fiancee right? She's Iza na sinasabi ko sa inyo nung bata ako. Pero bakit? Dahil ba sa pinangakuan niya ako ng kasal, kaya dapat matupad yun?" I ask them.

"No Rhian." My Dad said.

"Alam namin lahat ng pakulo ni Mr. Galura, regarding sa set-up na ginawa niya, me and your mom agreed with it. Rhian, we need them. We need them to save our company"

"Wh-why? Nalulugi na ba tayo?"' I ask.

"Yes, before, pero dahil sa tulong ng mga Galura, nasalba namin ito. Pero may kapalit yun,. Kapalit nun ay ang ipagkasundo ka sa nag-iisang tagapagmana ng mga Galura, at Glaiza yun, nung una ayaw namin pumayag, pero nagmakaawa si Mr.Gerold. Tsaka inisip ko din naman yung pangako na binitawan ni Glaiza sayo noong mga bata pa kayo, at pinanghawakan ko yung sinabi mong hihintayin mo siya, kahit anong mangyari. Maybe it will work. At tama nga si Mr.Gerold, mahal niyo nga talaga ang isa't isa. Kaya Rhian, sorry"

Hindi ko alam kung magagalit ba ako o hindi, pero isa lang naman ang importante eh, tanggap kami ng pamilya namin., at masaya ako para dun.

"Its ok dad, I understand, besides, mahal naman namin ni Glaiza nag isa't isa. Kaya walang problema." I said to them. Niyakap naman nila ako ng mahigpit.

After namin mag-usap, agad na din kaming kumain ng breakfast. Kinuwento ko na din sa kanila kung paano ba ako niligawan ni Glaiza, natuwa naman sila at ito namang si Nadine, kilig na kilig, halos bugbugin na nga ako sa kakasapak niya sa akin eh.

Natapos na kaming kumain, pumasok na agad ako sa room ko para makapag-ayos ng gamit, dahil mamaya uuwi na ako sa condo ko.

Habang nag-aayos ako, biglang nagtext si Bianca.

From: Bestie B

Bestiee! Nakita ko si Glaiza, may kasamang babae, mukhang foreigner. At yung babae halos ayaw alisin ang kapit kay Glaiza. Pero si Glaiza, pilit naman siyang lumalayo, pero higad lang talaga yung babaeng kasama niya, kilala mo ba yun?t

Biglang nasira ang araw ko dahil dun. Oo, gusto kong mag-usap sila about sa kanilang dalawa, pero hindi yung lalapit yung Solenn na yun sa girlfriend ko na fiancee ko na.

To: Bestie B

Huwag mo na lang pansinin, kilala ko kung sino yun. Kaya hayaan mo na lang. Salamat. :)

Nakakainis talaga. Humiga muna ako para makakalma, dahil naiinis talaga ako. Nagulat na lang ako ng biglang tumunog ang phone ko.

From: Glaiza Myloves <3

I miss you myloves. Balik ka na oh!

Hindi ko na lang pinansin ang mga text niya, dahil naiinis ako.

From: Glaiza Myloves <3

Myloves, kasama ko nga pala si Solenn, sana huwag kang magalit ah. Don't worry mamaya sasabihin ko na.

Kahit anong text niya hindi ko pa din siya papansinin. Madami na siyang natext at ilang beses na din siyang tumatawag, pero bahala siya.

THIRD'S PERSON POV

"Konti na lang, mapapasaakin na si Rhian. Maganda tong plano natin, maasahan ka talaga" sabi ng isang lalaki sa kausap niyang babae.

"Oo naman, para sa kaibigan ko, I will do anything, kahit buhay ko pa ang kapalit. Alam mo naman, kung hindi dahil sa kanya, malamang wala na ako. Kaya utang ko sa kanya ang buhay ko, gagawin ko ang lahat, napasakanya lang ang taong mahal niya"

"Good! I like it!"

--------

AN:

Ayiiieee! NakapagUD ulit ako. Haha. Pasensya na sa late UD ah. Pagtiyagaan niyo na to. Charot. :)

Don't forget to vote.







MASAKIT, PERO KAKAYANIN. GOODBYE NA LANG. TAKE CARE. :)

Continue Reading

You'll Also Like

405K 9.7K 69
Meghan - Ano nga bang masasabi ko bukod sa naiinis ako sa kagandahan ng babaeng transferee na ito? eh wala na wala na akong maisip bahala na lang kay...
528K 18.2K 78
I never imagined myself liking someone the same as me, let alone falling in love with them. // "Sinabi ko na sa'yo, hindi kita mahal." "No. You love...
83K 3.2K 38
ayon sa iba, Ang GREATEST LOVE raw ang hinding-hindi mo makakalimutan sa lahat. Ang GREATEST LOVE raw ang nagturo sayo kung paano totoong magmahal...
180K 5.4K 97
Two opposite worlds come together. How will they establish harmony after their initial encounter was unfavorable? Would you be open to befriending so...