Unexpected Turns (BOOK1): His...

By ImperfectPiece

624K 10.7K 281

Will regrets and love can change everything? Highest Ranking: #27 in General Fiction (10/24/16) All rights re... More

Unexpected Turns: His Return
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Epilogue
Author's note

Chapter 27

11.1K 192 0
By ImperfectPiece

UNEXPECTED TURNS
C H A P T E R - 27
Family.








"Papa?"








Napasigaw ako at agad na niyakap ng mahigpit si Ixion sa aking dibdib ng biglang gumewang ang sasakyang kinapapalooban namin na minamaneho ni Nixon.











"I got it, I got it. I-I'm sorry." Sumulyap siya sa akin ng may nanlalaking mata at pagkatapos ay ibinalik ang mga mata sa kalsada.










"What did you just called me, bud?"
Pinapaulit niya iyon na para bang hindi siya makapaniwalang narinig niya iyon galing sa anak niya.









Nagkatinginan kami ng aking anak. Nagtaas ako ng kilay ng sulyapan niya ng bahagya ang tinawag niyang papa. Binunggo ko ng mahina ang kanyang balikat at ngumuso sa kaninang tinawag niyang Papa.









"Papa po."








Pagkatapos 'non, hindi na nagsalita pa si Nixon. Hindi ba siya natutuwa? Ito ang gusto niya, at pinagbigyan o siya. O huwag niyang sabihing binabawi niya na? Wag siyang magkakamali dahil ayaw kong makita ang lungkot sa mukha ng anak ko. Pero ganon pa man, hihintayin ko muna siyang magsalita. Nangunot ang noo ko ng huminto kami sa harap ng isang condominium building. Hindi ko natatandaang dito ang bahay ko kaya tinignan ko ng may pagtataka si Nixon.







"Bakit tayo nandito?"






"I live here." Nagtaas ako ng kilay. "I thought, maybe-maybe we could talk."





Oh. Gusto niyang magusap kami. Well, mabuti. Gusto kong kausapin siya tungkol sa mga paparazzi niya at sa reporter na nababaliw sa kakasunod at kakabantay sa mga pangyayari sa buhay niya.





Tumango ako. "Okay."







Gumuhit ang gulat sa kanyang itsura, sigutoro hindi niya inaasahang papayag ako. Ngumiti siya pagkuwan at idineretso sa parking lot ang sasakyan.











Habang naghihintay sa elevator, naramdaman kong hinihila ni Ixion ang kamay ko. Tumingin ako sa kanya, nang makita niyang nakatuon na ako sa kanya ay inilapit niya ang bibig sa aking tenga. "Saan tayo, mama?"









Nagkibit-balikat ako. "Dito daw nakatira ang Papa mo."





Nangunot ang noo ng anak ko. Alam kong marami siyang gustong itanong, mga bagay na hindi niya maintindihan, mga bagay na hindi niya alam. Pero itinikom niya ang bibig ng magtangkang magtatanong na ng lumapit na sa amin si Nixon pagkatapos makapagpark. Sabay sabay kaming pumasok ng elevator.











Habang naghihintay sa kung saan man hihinto, napansin ko ang tatlong pigurang kaharap ko. Nakatitig ako sa medyo malinaw na repleksyon naming tatlo sa pader ng elevator. Mukha kaming isang natural na pamilya na uuwi pagkatapos mamasyal. Kung naging mabuti ba ang dati, kung tinanggap ba kami ni Nixon noon, kung naging isang pamilya nga kami sa nagdaang pitong taon, ganito ba ang litrato?










Nakikita ko ang mga ganitong senaryo dati-rati. Oo. Nakikita ko dati ang hinaharap kasama si Nixon, kasama ang magiging anak namin. Nakikita ko na iyon kahit na alam ko kung ano lang ang mayroon kami. Ganoon ko ipinaikot ang mundo ko sa kanya. Na inisip kong mahal ko siya.










Pero, katulad ng inaasahan, hindi iyon tumugma sa kagustuhan ko. At iyon ang naging daan sa kung ano man kami ngayon, kung saan man kami nakatayo ngayon. Alam kong lahat ng mga nangyayari ay may rason. Ngunit ano nga ba ang rason para mangyari sa akin iyon? Sa anak ko?






Nagbalik ang aking isip sa kasalukuyan ng may maramdaman akong mainit na kamay sa aking likod.








"Larie? Okay ka lang?"







Tumango ako at pasimpleng lumayo sa kanyang haplos at sumunod sa aking anak.










***

ImperfectPiece

Continue Reading

You'll Also Like

207K 4.7K 39
What's more painful than not being loved back?
266K 817 5
Hellina Marieve Amante, a Governor's daughter and a Mayor's sister, promises to herself that she wont let any of her family's enemies enter in her li...
174K 2.4K 65
Coleen Andrea Salazar knew that spending the night with that stranger was a mistake. It was a stupid move to get drunk and even more stupid to give i...
616K 20K 61
2 years of relationship ended. 12 years later, they are married. Bob's Story (4th installment of MAH Series) Started: Dec 2, 2019 Ended: Aug 15, 2020