A Prince Wife
#058
×+×
( Miss L Pov )
" S-Sebastian .." Nanlalaki ang matang wika ni Bryan nang makita sa harapan niya ang wasak na sasakyan na ginamit nang asawa kanina , agad na nanginig ang katawan nito at halos manlambot ang paang naglalakad patungo sa wasak na sasakyan,
" T-This .. t-this isn't h-happening .." Wika ni Bryan sa kanyang sarili at saka umagos ang luha nito , muntik na rin itong matumba habang papalapit sa sasakyan, agad namang umalalay si Sebastian na nagulat rin sa nangyari ..
Nagsitakbuhan naman ang mga guards sa sasakyan habang si Bryan ay hindi maatim ang baka sakaling makita nito sa loob ,
" M-Milord .." Nawawalang pag asang ani ni Sebastian, agad na tinabig ni Bryan ang kamay nito sa kanyang balikat at hinawakan sa kwelyo ang binata ,
" D-Don't call o-on me like that Sebastian!!!!!!" Galit na galit na sigaw nito , napapikit naman si Sebastian at akmang magsasalita nang may lumapit na guard sa dalawa ,
" Milord , we found the Princess !!" Agad na wika nito , muling bumalik sa sarili si Bryan at agad na tumakbo patungo sa aksidente , naiwan namang tulala si Sebastian at napakuyom na lamang ito nang kamao,
" I gave up my feelings for her because .. they both feel the same way , so please god .. please, let the girl i loved survive .. "
Wika ni Sebastian sa sarili ,
Habang papalapit naman si Bryan sa gitna kung saang maraming tao ay unti unting bumibigat ang dibdib nito , hindi siya sigurado kung tama lang bang makita niya pa ito ngunit hindi rin niya kakayanin kung sakaling mawala ang mag ina niya sa kanya ,
Pagdating sa harapan ay agad niyang nakita ang dalaga na puno nang dugo ang katawan , puro sugat ito at wala nang malay , agad na umagos ang luha ni Bryan at tumakbo papalapit sa asawa ,
" JAX !!! O-OH GOD JAX !!! CALL THE MEDIC , CALL THE MEDIC !!" Natatarantang sigaw ni Bryan habang nakaupo sa gilid nang asawa at hindi malaman kung ano ang gagawin , halos na blanko ang utak nito at halos mawala lahat nang pinag aralan niya tungkol sa first aid sa sobrang takot na nararamdaman niya sa kanyang dibdib,
Umiyak lamang sa tabi nito si Bryan na tila nababaliw na sa sinapit nang asawa , hindi niya ito makahawakan na parang takot na takot itong sa isang hawak lang niya ay baka mawala ang asawa ,
Habang umiiyak ay agad na bumaba ang tingin ni Bryan sa tiyan nito , ngunit napapikit na lamang ito at napakuyom nang makitang puno nang dugo ang bandang ibaba nang asawa ,
" O-Oh god .." ani muli nito at hinawakan sa kamay ang dalaga , maya maya pa ay dumating na ang medics at maingat na binuhat ang dalaga , hindi naman binitawan ni Bryan ang kamay nito at sumama na ito sa sasakyan nang ambulansya ,
Agad na nagsunuran ang grupo nila Sebastian hanggang sa makarating ang mga ito sa hospital na pag aari nang royal family , agad na sinalubong nang limang doctor ang dalaga at dinala agad iyon sa emergency room ..
" M-My prince , I'm sorry but you need to wait outside! "Wika nang doctor nang akmang sasama pa sa loob nang emergency room si Bryan ,
" I am a prince! Let me i-in !!" Utos nito ngunit hindi parin niya nakumbinsi ang doctor,
Walang nagawa ang umiiyak na si Bryan at napaupo na lamang sa may pintuan nang emergency room,
Agad na nagkalat sa paligid niya ang mga reporters, ngunit hindi na ito nakalapit pa sa emergency room dahil nakabantay ang mga body guards nito ..
Makalipas ang dalawang oras ay tumahan na sa pag iyak si Bryan ngunit nanatili itong tulala sa kanyang wedding ring ..
" Y-You can't leave me .. y-you can't. " paulit ulit na ani nito ..
"B-Bryan !!" Walang buhay na napalingon si Bryan nang marinig niya ang pamilyar na boses na iyon , doon ay nakita niya ang ina ni Jax na si Patricia ,
Agad namang napatayo ang binata ngunit nanatiling blangko ang ekspresyon nito ..
" Oh god !" Iyak nang ginang at agad na niyakap ang binata , natulala muna muli sandali si Bryan hanggang sa unti unti nanamang winawasak ang puso niya, yumakap rin ito sa ginang at umiyak sa balikat nito ..
" Shss , shss .. she'll be a-alright , i-i know her , she will b-be fine .. s-she .. s-she's a strong woman !!!" Iyak nang ginang kahit na hirap na hirap na ito , hindi nagsalita si Bryan at mas lalo lang itong umiyak ..
Makalipas pa ang ilang oras ay dumating narin ang kapatid ni Jax na si Paolo , agad itong nilapitan nang kanyang ina na nakatabi kay Bryan ..
" Anak .. " Wika ni Patricia sa anak ngunit mas dehado pa ang muka nito nang makita ni Paolo kung gaano kabaksak ang itsura ni Bryan,
" Fuck you !!" Sigaw ni Paolo kay Bryan at saka pumasok sa loob nang emergency room,
" Anak !" Tawag ni Patricia ngunit hindi na ito nakapasok nang harangan ito nang iilang nurse ..
Hindi naman na nagtaka si Bryan kung bakit ito nakapasok ,marahil ay isang doctor si Paolo ..
Naiwan lamang ang dalawa sa labas at nag aantay na lamang nang resulta nang mga doctor, makalipas muli ang tatlong oras ay lumabas na si Paolo kasama ang dalawang doctor ,
Agad napatayo si Bryan at nilapitan ang kapatid ni Jax ngunit isang suntok lang ang natanggap nito ..
" PAOLO !!" Sigaw nang ginang sa anak at inalalayan ang natumbang si Bryan ,
" IT'S HIS FAULT MUM !! JAX WOULD NEVER GO OUT ALONE BY HERSELF, SHE'LL NEVER DO THAT UNLESS SHE HAD A PROBLEM, JOSH IS RIGHT , MAKING HIS FAMILY KNOW ABOUT HER GETTING PREGNANT IS A WRONG DECISION !!" Sigaw nito at akmang susuntukin muli si Bryan ngunit agad narin itong inawat ni Sebastian na nakabantay lang din sa gilid ,
" Paolo !! T-That's enough, i-it was an accident!!" Naiiyak na ani nang ginang, natawa nang sarkastiko si Paolo at tumulo ang luha nito ,
" let him go ," Malamig na wika ni Bryan , agad na napatitig si Sebastian kay Bryan sa sinabi nito ..
" B-Bryan , you don't n-need to blame yourself! " pilit na ani ni Patricia, ngunit sa kaloob looban niya ay hindi niya rin matanggap ang nangyari sa unika hija ..
Agad namang binitawan ni Sebastian si Paolo at agad ding sinugod ni Paolo ang nakahigang si Bryan , agad na napaiwas ang ginang sa dalawa at inalalayan na lamang ni Sebastian ang ginang ,
" P-Paolo stop .." iyak nito ngunit parang walang narinig ang anak niya mula sa kanya at patuloy lang nitong sinusunggaban si Bryan na malayang tinatanggap lahat nang suntok mula sa kanya ..
" THIS IS ALL YOUR FAULT!!!!!!" Galit na galit na ani nito , hindi kumibo si Bryan at sinalo lamang ang matitigas na suntok ni Paolo,
" BECAUSE OF YOU !!!BECAUSE WHAT HAPPENED ... B-BECAUSE WHAY H-HAPPENED , T-THE BABY .. T-THE BABY IS DEAD BRYAN !!!!!!!!!" Huling sigaw ni Paolo at agad na napaupo sa gilid at umiyak , agad namang humagulhol nang iyak ang ginang sa gilid at patuloy parin itong inaalalayan ni Sebastian,
Habang si Bryan ay naiwang nanlalaki ang mata sa narinig mula sa lalaki ..
" M-My baby ..." wika nito at agad na umiyak ..
#2016