Moving Into My Ex's House

By areyaysii

11.2M 187K 23.2K

Georgina is homeless and broke, and her ex-boyfriend came to her rescue by letting her temporarily stay in hi... More

Announcement re: Wattpad Originals
PUBLISHED BOOK
Moving Into My Ex's House
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Blast from the Past: V-Day
Blast from the Past: First Fight
Blast from the Past: First Anniversary
Blast from the Past: A Different Side of Him

Chapter 5

558K 11.8K 2.8K
By areyaysii

Nang maka-recover na ako sa pagka-windang ko dahil sa pagkaka-discover ko sa mahiwagang pinto and all of the house rules that he has stated (Yes, may house rules pa kami. Daig pa niya si Big Brother kung maka-house rules. Akala mo naman may gagawin akong hindi maganda.), I decided to rest na lang muna. Nakakapagod din palang makipagtalo sa ex ko. Kahit na pagbali-baligtarin ang mundo, ex ko pa rin siya and I know for a fact na makikipagtalo at makikipagtalo siya sa akin just to prove that his point is correct. Fine. E 'di siya na ang kumukuha ng Political Science at gusto pang mag-take ng Law. Pssh.

Nang magising ako, tiningnan ko agad ang orasan. Nasanay na rin kasi ako na tinitingnan agad ang orasan the moment I wake up. It gives me time to think things through kasi para alam ko rin kung paano ko iba-budget ang oras ko. Kaso pagkatingin ko sa orasan ngayon, nagulat ako kasi malapit na palang mag-six ng gabi. Napasarap yata masyado ang tulog ko. Pakiramdam ko tuloy, ang dami kong nasayang na oras.

Nag-strech lang ako saglit and I fixed my hair in a messy bun. After that, bumangon na ako mula sa kama at nagsimula na ako sa pag-aayos ng mga gamit ko. Inilagay ko na sa mga cabinet 'yong mga damit ko tapos ipinatong ko na sa mesa yung laptop at mga picture frames ko. Nang natapos na ako sa pag-aayos, binuksan ko na ang laptop ko para makapagsimula na rin sana ako sa thesis revisions ko. Isasaksak ko na sana 'yong broadband stick ko sa laptop nang may napansin ako bigla.

"Ay shet! May WiFi!" sabi ko sa sarili ko at agad kong sinubukan na maka-connect sa WiFi dito sa bahay. Kaso nang lumipas ang ilang segundo, biglang may lumabas na window. Ang sabi: Type the network security key.

"Anak ng pating. Ang damot lang." Na-frustrate ako dahil kailangan pa ng password ng WiFi dito. Pero alam ko namang wala ring patutunguhan 'tong frustration ko kaya napagdesisyunan kong gamitin na lang 'yong broadband ko. Kaso parang may problema. Ang lakas naman ng signal pero hindi ako maka-connect.

"Holy guacamole! Bakit ngayon pa? Kung kailan kailangan ko pang tapusin 'yong research ko para sa thesis, saka pa ako nawalan ng load! Aish! Ang malas-malas ko lang talaga!" sigaw ko for two reasons.

Una, totoo naman talaga kasi na kailangan kong tapusin 'yong research ko para sa thesis. Kapag hindi ko kasi natapos 'to ngayon, baka hindi na ako maka-graduate. Deadline na rin kasi ng thesis revisions namin bukas. Pangalawa, gusto ko lang sanang magparinig kay Dwight. Baka kasi hindi ko pa nasasagad ang kabaitan niya. Who knows? Baka bigla pa niyang ibigay sa akin 'yong password ng WiFi. There's nothing wrong in trying naman 'di ba?

Trying is one thing but assuming is another. Masyado yata akong nag-assume na ibibigay agad sa akin ni Dwight 'yong password ng WiFi. Ilang minuto na rin ang nakalipas pero hindi pa rin nagre-react si Dwight sa naging pagsigaw ko. Hindi ko tuloy malaman kung narinig niya ba talaga ang pagpaparinig ko o nagpapanggap lang siyang hindi niya ako narinig. Dahil na-curious na rin ako sa kung ano ba talaga ang totoo, I decided to check kung nasa loob ba siya ng kwarto niya. Might as well use the mahiwagang pinto for once and for all.

"Dwight, nandiyan ka ba? Papasok ako, ah?" sabi ko habang kumakatok sa pintuan. Ang weird lang na kumakatok pa ako sa pintong 'to pero whatever. Ginawa ko na lang din. Baka sabihin niya ang manyak ko pa dahil pumasok na lang ako bigla sa kwarto niya gamit 'yong pinto na 'to. Saka kailangan ko na talaga siyang makausap.

Dahil hindi pa rin sumasagot si Dwight despite the fact na ilang beses na akong kumatok, pinihit ko na 'yong doorknob. Sumilip muna ako nang kaunti to check kung nandoon ba sa loob ng kwarto si Dwight pero hindi ko siya makita. Bilang isa akong makulit at curious na nilalang, pumasok na ako nang tuluyan sa kwarto niya at nagulat ako sa nakita ko.

Sobrang linis at sobrang organized lang ng mga gamit! Parang hindi lalaki ang may-ari. I'm not generalizing pero hindi talaga ito ang ine-expect ko sa kwarto niya, e. Pero teka, nasaan na ba kasi 'yong lalaking 'yon? Kung kailan ko kailangan, saka pa nawala!

"Dwight, yoohoo! Nasaan ka ba?" tanong ko pero wala pa ring sumasagot. Because of that, I decided to go back to my room na lang. Baka kasi wala naman pala talaga siya sa kwarto niya. Masyado lang akong nag-feeling na roon ko siya makikita. Napahiya pa tuloy ako.

Papalabas na sana ako mula sa kwarto ni Dwight nang bigla siyang nagsalita.

"Bakit mo ba ako hinahanap ha? Sinabi nang hindi kita gagapangin. Hindi mo na kailangang ipagpilitan sa akin 'yon. Pero teka, baka naman ikaw ang may pagnanasa sa akin ha?" sabi niya kaya nanlaki bigla ang mga mata ko.

Nag-init agad ang ulo ko dahil sa sobrang frustration kaya humarap na ako sa kanya para sapakin sana siya. Kaso anak lang ng pating! Bakit naka-towel lang siya?! Agad akong tumalikod mula sa kanya tapos nagsimula na akong mag-panic mode.

"B-bakit naka-towel ka lang? S-saka wala akong pagnanasa sa 'yo, ah!" nauutal kong sagot sa kanya. Takte. Ano ba talaga 'tong napasok ko?

"E bakit ka nag-sa-stammer?" bulong niya sa tainga ko.

Pakiramdam ko, biglang nagsitayuan ang mga balahibo ko sa katawan dahil sa bulong niyang iyon. And to make things worse, sobrang nakadikit pa 'yong katawan niya sa may likuran ko.

Langya. Bakit biglang nagkakaganito si Dwight?

"Aaaah!" nagsisigaw ako at nagsimula na akong tumakbo pabalik sa kwarto ko. Isinara ko na agad 'yong pinto at nagharang na ako ng isang upuan. Sobra-sobra na ang frustration at pagkahiya na nararamdaman ko ngayon pero ang mas nakakainis pa roon, naririnig ko ang pagtawa ni Dwight mula sa kabilang kwarto. Lalo lang tuloy akong nanggalaiti dahil sa inis.

Nakakainis lang talaga! Bakit ba kasi ako nag-react nang ganoon? Pakiramdam ko tuloy, iniisip na ni Dwight na may pagnanasa talaga ako sa kanya. Dakilang feelingero pa naman siya. Kaya niya nga ako nilapitan at kinausap dati kasi feeling niya, may gusto ako sa kanya kahit wala talaga. Kasalanan ko bang mas trip kong tumingin sa may bintana kung saan siya nakaupo kapag may class? Hindi naman 'di ba? Sa sobrang kakulitan niya lang naman kaya ako nagkagusto sa kanya, e. Okay fine. Gwapo na rin siya kahit noon pa pero the heck. Ang epal niya lang talaga!

***

Flashback

Isang beses lang namin kami naging magkaklase ni Dwight. Never kaming naging seatmates, partner, groupmates o kung ano pa mang mate but he always sat down at the spot where I wanted to be seated. Nandoon siya palagi sa may bintana. I know marami namang seats na katabi ng bintana pero I can't help but envy him kasi 'yong pwesto niya ang perfect spot para makalimutan mo ang lahat ng nangyayari sa paligid mo. 'Yong tipong sumilip ka lang sa labas, parang ang peaceful na ng lahat. Pero wala naman akong magawa noong panahon na iyon. He was the good-looking guy that every girl would want to have and I'm just G. The plain and boring G.

Paano nga ba nagsimula ang istorya naming dalawa? No, it wasn't the cliché moments that happened in other TV shows, movies, Wattpad stories and such. Walang banggaang naganap o kaya naman ay may nagtanong ng oras, nanghingi ng papel, nanghiram ng ballpen, iniligtas mula sa bully, etcera, etcera. He went straight to the point and that made me go ballistic.

"Excuse me lang. Napansin ko kasi na kanina ka pa nakatingin sa akin. May gusto ka ba sa akin ha?" he asked right on the dot. Noong mga panahon na iyon, ang tanging nagawa ko na lang ay panlakihan siya ng mga mata kahit na sobrang trying hard at sobrang fail naman dahil singkit talaga ako. Pero ewan ko ba. Words can't explain how I felt at that time. Naghalo-halo na ang pagkagulat, pagka-inis at pagka-amuse ko sa kanya. Doon lang kasi ako nakakita ng taong bilib na bilib at gwapong-gwapo sa sarili.

"So, should I take that as a yes? Alam mo, miss, kung may gusto ka sa akin, okay lang naman na umamin ka. Marami naman na ang mga umamin sa akin dati. Hindi na ako nagugulat kapag may biglang lumalapit sa akin para amining gusto nila ako," pagpapatuloy niya na sinundan niya ng isang kindat.

That's the time when I came into my senses. Kailangan kong patunayan sa kanya na hindi totoo ang mga sinasabi niya. I had to fight for myself and show him that I'm different. That I'm not like the other girls who would do everything just to get his freaking attention.

"FYI, Mr. Mahangin and Feelingero Forever, hindi lahat ng tao nagkakagusto sa 'yo. So please cut the crap, will you? 'Wag kang masyadong feeling," sagot ko sa kanya tapos tumayo na ako mula sa upuan ko.

Akmang lalabas na sana ako mula sa classroom namin nang bigla na naman siyang nagsalita.

"Stage 1: You're in denial. Or in this case, you're denying that you like me." Napahinto ako bigla dahil sa sinabi niya. Ang pinaka-ayaw ko pa naman sa lahat ay 'yong ginagamit sa akin ang mga lesson na katuturo pa lang sa amin especially when it's related to my course which is Psychology. Feeling ko kasi, nagmumukha akong tanga sa ganoong paraan. Naturingang major ko 'yon tapos biglang may ibang taong magsasabi noon sa akin? Nakakainsulto lang.

Yes, I know that what he's saying is really not related to our situation right now but the fact that he's saying those words against me? That's plain crap.

"What the hell? E kung sinasapak kaya kita ngayon nang makita mo kung anong hinahanap mo?!" sigaw ko sa kanya kaya napatigil ang mga kaklase namin sa mga ginagawa nila. I am fully aware na pinapanood na nila kami ngayon and at that moment, I didn't care. Kailangan kong maipakita sa kanya yung point ko—na hindi ko siya gusto. Pero imbis na lubayan na niya ako, pinagtawanan niya lang ako and he started talking again.

"Stage 2: Anger. Bakit ka nagagalit? Guilty ka ba? Alam mo, 'wag ka masyadong defensive. Mapaghahalataan ka lalo niyan, e," sagot niya sa akin at sinundan niya na naman iyon ng isang kindat. Dahil doon, lalo lang nag-init yung ulo ko kaya sinigawan ko ulit siya.

"Kung wala kang magawang matino, hetong piso. Maghanap ka ng ibang mabwibwisit mo!" Ibinato ko papunta sa direksyon niya 'yong piso at pagkatapos noon, lumabas na ako ng classroom namin. Kahit nasa labas na ako ng room, dinig na dinig ko pa rin ang pagtawa niya. Bwisit talaga 'yan!

Kapag naaalala ko kung paano kami nagsimula, hindi ko maiwasang mapaisip kung naging mabuti ba o masama ang epekto noon sa buhay ko. Yes, being with him became one of the happiest moments in my life pero dahil na rin sa naging relationship naming dalawa, nagkagulo bigla ang buhay ko.

***

Dahil sa nangyari sa kwarto ni Dwight, nagkulong lang ako lalo sa kwarto ko. Bahala na si Batman, Iron Man, Spiderman at kung sino pang man! Ayaw ko munang makita si Dwight. Pakiramdam ko kasi, aasarin niya lang ako nang aasarin. Hindi na nga kami ganoong ka-close tapos biglang ganoon pa 'yong mga nangyayari sa aming dalawa.

Patong-patong na ang awkwardness na nararamdaman ko rito. Hindi naman niya kailangang dagdagan pa iyon sa tuwing magkikita kaming dalawa. Pwede namang mag-coexist sa iisang lugar ang dalawang tao in a peaceful manner 'di ba? Hindi niya ba kayang gawin 'yon? One week or maybe less than that lang naman ang hinihiling ko mula sa kanya, e.

Maya-maya lang, kumakalam na ang sikmura ko. Naririnig ko na ang pagtunog nito na para bang nagrereklamo at nagsusumamo na 'yong mga alaga ko sa tiyan na padaanan ko na sila ng pagkain dahil kung hindi, kakainin na nila ang mga laman-loob ko. Dahil doon, napagdesisyunan ko nang lumabas ng kwarto at pumunta sa kusina ni Dwight para makapaghanap ng makakain. Makapal na kung makapal ang mukha pero uunahin ko pa ba ang hiya kaysa gutom?

Bago ako lumabas ng kwarto, huminga muna ako nang malalim sabay hiling na sana ay hindi muna kami magkitang dalawa. Kaso sa sobrang kamalasan ko, bubuksan ko pa lang sana 'yong pinto pero pagmumukha na agad ni Dwight ang nakita ko sa harapan ko.

"Anak ng buntis na kalabaw! Ano ba?! Bakit ba bigla-bigla ka na lang sumusulpot?!" sigaw ko sa kanya kaya nagulat din siya.

"Sorry naman! Kasalanan ko bang kakatak na dapat ako sa pinto ng kwarto mo nang bigla mong buksan 'yan ha?" sagot naman niya.

"E bakit ka ba kasi kakatok ha?"

"Yayayain lang naman sana kitang kumain. Baka kasi nagugutom ka na. Kapag hindi naman kita niyaya, baka sabihin mo wala akong kwentang tao."

Ay wow. Concerned na concerned si kuya. Not.

"Libre ba 'yan? Baka mamaya, idadag mo pa lahat ng kakainin ko sa mga babayaran ko," sagot ko sa kanya at bigla siyang napailing dahil doon.

"Hindi ka na talaga nagbago! Oo na. Libre na 'to. Nakapagluto na ako at nakahain na rin 'yong pagkain sa baba kaya halika na at kumain na tayo. Okay?" Tumango na lang ako bilang sagot sabay ngit nang pagkalaki-laki.

Nagmadali akong bumaba papuntang kusina dahil sa sobrang gutom ko pero paglingon ko kay Dwight, nandoon pa rin siya sa labas ng kwarto ko at nakangiti rin siya.

Hala naman daw! Ngumingiti na nang mag-isa si Dwight! Hindi kaya psychotic na talaga 'tong tao na 'to? Kaya ba kami nag-break dati kasi may problema talaga siya sa pag-iisip? Pero siyempre, kapraningan ko lang naman 'yon. Kahit madalas mukha siyang kulang-kulang, matino naman siya. I think?

"Hoy, Dwight! Para ka nang baliw diyan! Bumaba ka na nga rito!" sigaw ko sa kanya tapos doon lang siya kumilos ulit at nawala na rin ang ngiti niya. Bumaba na siya sa hagdan at nang magkatabi na kaming dalawa, humarap ako sa kanya tapos tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa.

"Hoy, ano na naman 'yang ginagawa mo? Are you checking me out? May pagnanasa ka yata talaga sa akin, e."

"Pssh. Feelingero na nga, abnormal pa!" sabi ko sabay belat sa kanya. After that, dumiretso na ako sa mesa at nagsimula na akong kumuha ng makakain.

"Sana nag-aaya ka man lang na kumain 'di ba? Medyo ako kasi ang naghanda ng pagkain, e," bigla niyang hirit kaya napatigil ako sa ginagawa ko.

"Alam mo, Dwight, matanda ka na. Marunong ka naman na sigurong kumain nang mag-isa. Saka bahay mo naman 'to kaya bakit kailangan pa kitang yayain sa pagkain ha? Sa 'yo rin naman na mismo nanggaling na ikaw ang naghanda ng pagkain 'di ba? As far as I know, kung sino ang naghanda, siya dapat ang nag-aaya. Ano ba 'yan? Gamitin mo naman 'yang utak mo, Dwight!"

"Ewan ko sa 'yo! Kumain ka na nga lang. Mas maganda ka kapag tahimik ka, e," sagot niya sa akin kaya bigla akong napatigil sa pagkuha ng pagkain at napatingin ako sa kanya. Anak ng abnormal talaga!

Continue Reading

You'll Also Like

13.9K 898 54
"I love how my life works, that is, until you chased me." Normality is her thing. She's dreaming of a simple life-in short, no complications. She's b...
121K 5.9K 42
You don't have all the time in the world. Iyon ang totoo. Blessed to have survived her fatal illness and learning more to live with it, Polka tries t...
123K 5.9K 74
"OH MY GOSH SINO KA?! Bakit mo ko ginagaya! Hoy!" Gulong gulo ang isip ko habang nakatingin sa lalakeng nasa harapan ko. Bawat buka ng bibig ko ay na...
93.8M 1.1M 88
Language: Filipino Started in July 2011 | Finished in December 2011 Published in English for paperback (Pop Fiction, 2013) Adapted in Indonesian for...