Stephanie, The Devil's Slave

Par SexyKisser

12.1M 143K 14.9K

She is not an ordinary slave. Plus

Introduction
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 36
Chapter 37
STDS [38]
STDS [39]
STDS [40]
STDS [41]
STDS [42]
STDS [43]
STDS [44]
STDS [45]
STDS [46]
STDS [47]
STDS [48]
STDS [49]
STDS [50]
Stephanie, The Devil's Slave
STDS [Epilogue]

Chapter 35

190K 2.6K 419
Par SexyKisser

Para na akong tanga kakaulit ulit sa sinabi nya. Sinabi ba talaga nya yun? Hindi naman ako tanga para hindi malaman kung ano ang ibig sabihin nun, pero ang iniisip ko.. sinabi ba talaga nya?

"Ano? Anong sinagot mo sa kanya?" Natigil ako sa pagiisip nang magsalita ulit si Leila.

Tinignan ko lang sya. Ayaw ko na magkwento sa kanya. Pero sa tingin ko, dapat ikwento ko na lahat-lahat. Huminga muna ako ng malalim at inalala ulit ang nangyari.

"H-huh?" Gulat na tanong ko kay Kris sa sinabi nya. Hindi ko malaman kung ano ang sasabihin ko, dahil wala naman akong gustong sabihin. Sobrang nagulat talaga ako.

Hindi sya nagsalita at pinagpatuloy lang ang pagyakap saakin, nakasiksik parin ang mukha nya sa leeg ko at parang naghihintay sya ng sagot.. Niyakap nya ako hanggang sa magsaktong 12:00 am na.. at hindi ako sumagot.

"Let's go.." Sabi nya at kumalas ng yakap saakin. Naglakad sya at nauna saakin ng ilang hakbang lang. Parang biglang bumalik sa dati. Parang bigla syang tumahimik.. nagagalit ba sya dahil wala akong isinagot sa kanya?

Tahimik lang kaming naglalakad at alam kong pinapakiramdaman nya ako dahil patingin tingin parin sya sa gilid at mabagal ang paglalakad nya.

"Steph.." Tawag nyang bigla. Mula sa panunuod ko sa bawat hakbang ko ay napatingin ako sa malapad nyang likod. Nakasuot ang dalawang kamay nya sa magkabilang bulsa ng suot nyang pantalon.

"Bakit?" Tanong ko.

"Ano ako para sayo?" Nagulat ako sa tanong nya. Hindi ko ineexpect na tatanungin nya yun bigla. Bakit bigla syang naging random? Err.

"Ahh.. ehh.." Napakamot ako ng ulo ko. Nakaramdam bigla ako ng hiya sa hindi malaman na dahilan. Bakit kasi sya nagtatanong ng ganun bigla bigla? Tsaka ano nga ba sya para sakin?

"Sagutin mo lang." Utos nya. Seryoso lang ang boses nya at hindi naman sya nag susungit.

"Kakilala? hmm, bumili saakin?" Sagot ko.

Ang tanga naman ng sagot ko! Bakit kailangan ko pang ipaalala yun?

Tahimik sya sandali at patuloy sa paglalakad at biglang nagsalita ulit.

"Bukod doon." Bakas sa boses nya ang kagustuhang malaman ang sagot sa tanong nya.

Napaisip naman ako sandali. Wala naman kasi talaga sya para saakin. Sino nga ba sya? Sya lang naman ang kasama ko sa iisang bubong. Isang lalaki na.. nakauna saakin.

"Wala.." Mahinang bulong ko.

Bigla syang tumigil sa paglalakad pero hindi sya humarap saakin. Tumigil din ako at hinintay syang magsalita, kasi alam kong may sasabihin pa sya. Meron. Alam kong meron at gusto kong marinig yun. Hindi ko masabi ang intensyon nya, pero alam kong 'iyon' ang iniisip nya.

Narinig ko syang bumuntong hininga pagkatapos, naglakad ulit. Hindi tulad kanina na mabagal, ngayon matulin na syang maglakad.

Nakarating kami ng bahay na wala ni isang nagsasalita saamin. Parang wala lang nangyari ah.

Sinusundan ko parin sya hanggang sa pagtaas. Malamang lang, pareho lang naman kami ng pupuntahan.

Akala ko, papasok na sya sa kwarto kung saan kami natutulog pero nagtuloy tuloy sya. Huminto naman ako sa kwarto namin at akmang bubuksan yun nang magsalita si Kris.

"Follow me, Stephanie." Sabi nya sa pinakaseryosong boses nya. I hate it when he calls me Stephanie instead of Steph.

Hindi na lang ako umimik at sinundan sya. Huminto kami sa huling kwarto ng second floor. Eto ang kwarto na hindi ko pa napapasukan.

Binuksan nya yun at pumasok. Pumasok din ako since ang sabi nya naman ay 'follow me.' Madilim ang kwarto pero mararamdaman mo ang nakatodong air conditioner.

Nang buksan nya ang ilaw ay nakita ko ang pinagsamang kulay asul at puti na kwarto. Ang ganda ng loob. Napakarelaxing tignan. Kahit ang mga gamit at displays ay maganda.

"This will be your room." Sabi nya. Bakit ba ang seryoso nya? Alam kong dahil yun sa parke kanina.. pero kasi..

"Huh?" Nagulat na tanong ko. "Saakin?" Paguulit ko.

"Everything is set in here." Saad nya bago tumalikod na wala man lang pasabi sabi.

"Wait." Pagpigil ko sa kanya nang malapit na sya sa pinto para lumabas. Humarap sya saakin. "Bakit may sarili akong kwarto?" Tanong ko. Kasi naman, naalala ko yung sinabi nya saakin dati kung bakit ayaw nya ako sa ibang kwarto matulog: 'Para sa oras na kailangan kitang gamitin, madali lang kitang mahanap.' I dont know kung iyan nga ang exact word na sinabi nya. Pero never kong makakalimutan ang mga sinabi nyang yun. Easy access kung baga.

Napatingin sya sa ibang direksyon. "Aren't you asking for your own room before?" Nakita kong nanginginig ang mata nya. Kinakabahan ba sya?

And he still remembers that.. I thought everything I said just goes in and out of his ears.

"I wanna give you some privacy, and I will respect you sa paraang alam ko.. so please be patient with me." Nag-iwas sya ng tingin.

Napangiti ako nun kasabay nun ang mabilis nyang pagtalikod at paglabas ng pinto. Ni-lock ko agad ang pinto at tumuloy sa malambot at malaking kama at nilagay ang mukha ko sa unan at sumigaw. Hindi ko alam pero yung pakiramdam ko kagaya ng boses ko. Gusto kong isigaw pero ayaw kong may makarinig.

Nagpagulong gulong ako sa kama dahil hindi ko maexplain ang nararamdaman ko. Pilit kong inaalis ang nararamdaman ko, yun lang ang sinabi nya pero sobrang sweet para sa isang katulad nya.

Pauwi na ako ngayon sa bahay, buti naman at pinayagan akong umuwi ni Leila. Kasi naman nagtext saakin si Kris. Ang sabi nya:

From Kris:

Hindi ka pa ba uuwi? Wala ka namang pasok ngayon. Umuwi ka na or else.

See? Baliw diba? Binitin pa ang sasabihin nya. Tska kung makapag-utos sya ah, parang.. ewan lang. Ngayon lang din sya nagtext ng mahaba saakin. Hmm, nakakapanibago.

Sasakay sana ako ng taxi ng may humintong isang pulang sasakyan sa harapan ko, at hindi ko na itatanong kung sino yun. Alam ko kasi ang mga kotse nya.

"Hop in." Sabi nya nang bumaba ang car window. Diretso syang nakatingin at nakaitim na shades. Para syang isang modelo.

"D-diba, nagtext ka sakin na sa bahay ako.. uuwi?" Tanong ko. Hindi parin ako gumagalaw sa pagkakatayo ko.

He just smirked.. sweetly.

"Ahh.. Saan ka pupunta?" Ewan ko ba kung bakit and weird ko. Hindi ko talaga malaman ang itatanong or sasabihin man lang para hindi mag mukhang tanga, pero eto ako ngayon.. ang pinakaweird na babae sa harapan nya.

"Tsk! Pwede bang sumakay ka na lang?" Naiirita nyang sabi sabay kamot ng ulo. Tss. Tignan mo nga to, napakasungit na naman.

Umikot ako sa sasakyan para pumasok sa passenger's seat. Pumasok ako ng sasakyan at umayos ng upo.

Tinignan nya ako at ngumisi sya. "Kaya mo na akong takasan ngayon?" Sabi nya at nagsimula nang magdrive.

"Huh?" Napaiwas ako ng tingin. "Nakipagkita lang ako kay Leila, yung kaibigan ko."

Kumunot ang noo nya. "Still, dapa-- ah sht. Dapat nagpapaalam ka parin." Sabi nya.

"Sorry.." Sabi ko na lang at tumingin sa labas ng sasakyan. Awkward kasi eh.

"Steph," Nagulat ako nang may binato sya saaking maliit na box. Buti na lang napunta sa lap ko.

"A-ano to?" Tanong ko habang tinitignan ang lalagyan ng latest iPhone ngayon.

"Sayo yan, I want you to change your number. Gusto ko ako lang ang lalaking nakasave sa contacts mo."

Napanganga ako sa sinabi nya. Bulgaran na ngayon? Talagang hindi na sya nahihiyang sabihin yan? At nang tignan ko sya nakangisi sya. Ang laki ng ngiti nya sa labi.

"Pero Kris! Paano yung mga contacts ko?" Tanong ko. "Yung number ko na lang dati ang gagamitin ko."

"Nope. May bago dyan." He said playfully. "Akin na yung phone mo." Utos nya saakin.

Huminto ang sasakyan dahil sa stoplight.

"Ayoko nga." Matigas na sabi ko.

"Isa." Bumilang sya. Naging seryoso na naman sya. Hindi ko alam kung seryoso nga sya o pinagti-tripan nya ako. Basta ang alam ko lang, nakakatakot sya pagkaseryoso.

Tsk! Aanin naman nya ngayon ang cellphone ko? Kasi imposible naman na gusto nyang makipagpalit dahil.. hindi naman maganda ang phone ko.

Padabog kong binigay ang phone ko sa kanya. Bigla nyang binuksan ang case at tinanggal ang battery.

"A-anong gagawin mo?" Gulat na tanong ko.

Tinanggal nya ang sim ng phone ko at binuksan ang bintana ng sasakyan.. at hinulog nya ang sim ko!!

"WHAT THE HELL KRIS?! bakit mo ginawa yun?!" Sigaw ko sa kanya.

"Tsk. Bakit mo 'ko sinisigawan?" Umandar na ulit ang sasakyan

Baluw ba sya? Tinatanong nya kung bakit ko sya sinisigawan? Naiinis ako! Eto na naman sya! Yung Kris na lahat ng gusto, dapat makuha. Nakakainis ah!

Umayos ako ng upo at hindi sya tinignan naiinis ako.

"Sayo na yang phone na yan. I don't need that." Malamig na sabi ko.

Narinig ko syang tumawa. "Really? Kung gusto mo, itapon ko na din tong cellphone mo? Mas matanda pa to sa lolo ko eh." Tapos tumawa na naman sya.

How could he? Ang yabang nya talaga. At naiinis akong tumatawa tawa pa sya.. samantalang ako sobrang naghihimutok na dito. Arggg!

"Enough Steph. Wag ka nang makulit. Alam ko namang gusto mo nyan." Tapos narinig ko pa ang impit na tawa nya.

Oo ngat nagbago sya. Oo, napapansin ko yun. Nagiging makulit sya.. yung makulit in a spoiled way! Arg!

"Naandito na tayo." Nagulat ako kung saan kami huminto. Sa restaurant na kinainan namin kahapon ni Max.

Nanatili akong tahimik kahit na ayoko dito. Bakit dito kami?

"May problema ba?" Nagtatakang tanong nya kasi hindi parin ako bumababa kahit naka park na ang sasakyan.

Napatingin naman ako sa kanya bigla. "W-wala.."

Lumabas na din ako ng sasakyan. Habang naglalakad kami papunta sa loob, naramdaman ko ang pagpalupot na braso ni Kris sa bewang ko. Pakiramdam ko nag-init ang buong mukha ko. Hindi ako sanay sa mga ginagawa nya. Oh dear god.

"Nagpe-reserve ka ba dito?" Tanong ko. Si Max kasi ay nagpapareserve pa dito.

"Nope." Umiling lang sya. "Ethan owns this restaurant." He said casually.

Napa "Ahh." na lang ako. Rich kids talaga.

"Kris, magc-cr lang ako." Paalam ko sa kanya. Tinignan ko naman sya at um-oo na lang sya. Nakita ko pang sinuklay nya ang bagsak nyang buhok. Oh, what a sight.

Tumayo ako. Hindi naman talaga ko pupunta sa restroom. Gusto ko lang takasan ang awkward feeling. Naninibago kasi ako sa kinikilos ni Kris. I want the old Kris back. Hindi naman yung pagiging devil-like nya-- Well, okay na pala yung ganyan.

Sana pagbalik ko mamaya, nakaserve na ang pagkain. Papasok na sana ako sa loob ng CR ng girls ng may lumabas sa CR ng boys.

The guy I expect less to see today is right infront of me.

"M-max?" Naramdaman ko ang mabigat na paghinga ko. Ngayon ko lang naramdaman ang sobrang pagwawala ng puso ko dahil sa kaba.

"What are you doing here, Steph?" Tanong nya ng nakangiti.

"I-i, katatapos ko lang kumain. K-kasama ko kasi si-- ahm, si Lory, classmate ko." Pagsisinungaling ko. At sino namang Lory? Imbento ko lang.

"Really? Tara, katatapos ko lang din. I'm with Jhae and Mariel. Sabay na kayo saamin." Mas lalong nanglaki ang mata ko sa sinabi nya.

"J-jhae?" Pakiramdam ko wala nang natirang hangin sa baga ko.

"Ah oo, si Jhaeron nga pala. Hindi ko pa sya naipapakilala sayo." Ngumiti sya at umakbay saakin. "Tara."

Huminto naman ako na ikina-taka nya. "Umuwi na yung.. yung kasama ko eh." Ngumiti ako sa kanya. "Pwede bang lumabas muna tayo?" Hindi kami pwedeng makita ni Jhaeron.

Nagtataka man sya sa inaarte ko, sumunod na lang sya. Lumabas kami at sinilip ko pa si Kris na nakaupo habang nakapatong ang dalawang siko sa table at bored pinaglalaruan ang strap ng bag ko na nakapatong din sa table.

Napapikit ako ng mariin. Ano bang ginagawa ko? Nakaramdam ako ng matinding pagkaguilt.

"Ano ba yun Steph? Naghihintay kasi yung kaibigan ko sa loob, if you want, magpapaalam na lang ako sa kanila, alis tayo?"

"No! Wag na. I mean, i-text mo na lang sya. Gusto lang kitang makausap saglit."

Napatango na lang sya. Hindi naman nya tinext at naging seryoso sya. "Kasama naman nya sila JD."

Si JD ay kaibigan nya, naikwento nya na sakin yun dati pa.

Lumakad ako ng kaunti at umupo sa malapit na bench. "I have something to tell you Max." malungkot na simula ko. I have to say it. It's now or never. Baka kung hindi ko pa masabi ngayon, hindi ko na masabi pa sa kanya.

"I know.." Mapait na ngiti ang binigay nya saakin. Hindi na sya nagulat sa tono ko na parang ineexpect naman na nya. "I've been waiting for you to tell me. Pero parang alam ko na naman ang sasabihin mo.." He said.

Kumunot ang noo ko. Tinignan ko lang sya.

"Is everything fading? Is your love? Alam ko naman yun.. you're not the same Steph I used to know.. I'm trying everything I can para iwasan yan, iyang sasabihin mo."

Umiling ako. Nagkakamali sya. He's misunderstanding everything.

"Max.. look.." Hahawakan ko sana sya nang maramdaman kong may nakatingin saakin mula sa malayo. At nang tignan ko yun, nakatingin sya.

Nakatingin si Kris saakin. Saaming dalawa ni Max. Tinigtigan nya ako at hindi sya nagpakita ng kahit na anong reaksyon. Pagkatapos nun, naglakad sya palayo.

Hindi ko na alam ang gagawin ko. Hindi ko na alam ang dapat at tama kong gawin.

Napatingin ulit ako kay Max na nakayuko lang na nakaupo. "Please think about it first.. pinalipas mo lang ba ang birthday ko?"

Naghintay sya ng sagot ngunit hindi ako makasagot. Bigla na lang lumipad ang utak ko. I cant process anything. What do I do?

"Wala ka na bang sasabihin? Ayokong pagusapan natin to ngayon. Maybe, hindi ito ang tamang oras. Don't rush it, please.." Ramdam ko na pilit nyang iniiba and dinedelay ang kung ano mang akala nya ay sasabihin ko. But that's not it!

Noong nanatili akong tahimik ay tumayo sya. Tinignan kong mabuti ang likod nya habang naglalakad papalayo.

Ano bang ginagawa ko? Dapat sinusundan ko na sya ngayon at sabihing mali ang intindi nya, dapat nage-explain na ako. Pero nakaupo lang ako at nagiisip kung susundan ko ba sya at magpaliwanag.. o sundan si Kris pauwi?

Alam kong hindi ko na dapat pag-isipan yun, dahil unang una sa lahat, si Max ang dapat kong sundan at sa kanya dapat ako magpaliwanag dahil Boyfriend ko sya.

Nagulo ko ang buhok ko dahil hindi ko na malaman ang gagawin.

And then I found myself riding a taxi. Papauwi sa bahay, papauwi kay Kris.

I'm just scared because Kris saw us.. am I making excuses to myself right now? I should have told him!

Pagbaba ko ng taxi, nakita kong pinasok na din ni Kris ang sasakyan nya. Sinundan ko sya sa loob ng bahay.

"Kris." Mahinang tawag ko na sapat naman para marinig nya. "Kris.." Tawag ko ulit.

Tuloy tuloy lang sya sa paglalakad, umakyat sya ng hagdan at sumunod naman ako.

"Ano ba Kris?" Tawag ko ulit. Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko. This is totally insane. Hindi naman ako dapat magpaliwanag pero sa tingin ko, kailangan ko.

Pumasok sya ng kwarto at pumasok din ako sa kwarto nya. Sinara nya yun pero hindi naman lock kaya nakapasok parin ako.

"Kris pansinin mo naman ako." Why am I begging this guy?

Nagulat ako sa biglang paglingon nya. Nakita ko ang mukha nyang walang ibang emosyon bukod sa pagiging pagod at malungkot.

"What? May sasabihin ka ba? Are you sorry 'coz you left me for that bastard?" Mapait na sabi nya. I can sense na galit na galit sya.

Kumunot ang noo ko.

"No.. hindi iyon." Bigla kong nasagot.

Tinitigan nya ako na parang tinutunaw. "Then meron pa? Ano?"

I just sighed. Wala naman eh. Nasabi nya na. Meron pa ba?

"Wala naman na pala." He laughed humorlessly. "Leave." Malamig na sabi nya bago tumalikod at hinubad ang damit nya. Nakita kong nakasando na lang sya ngayon.

"Ano bang problema mo Kris?" Naiinis na sabi ko.

"Problema ko?" Tumawa sya ng mahina. "Gusto mong malaman ang pinoproblema ko?" Tinitigan nya ako. His eyes look so tired. "Ikaw."

Napalunok ako kasi ang lapit lapit nya na saakin.

"Kris.."

"Ikaw yung problema ko Steph. Nasira ang plano ko dahil sayo." His eyes are so deep. Amg napakaganda nyang mga mata ay hinding hindi ko mababasa.

Ako? Plano? What exactly is he trying to say?

"Kasi hindi kasama sa tanginang plano ko to!" Sigaw nya. Napaurong ako.

"A-ano bang sinasabi mo?" Tanong ko.

Kasabay ng pagkasabi nya ay naging.. malinaw ang lahat saakin.

"Hindi kasama sa plano ko ang mahulog sayo.."

Continuer la Lecture

Vous Aimerez Aussi

6.3M 170K 65
Inspired by Mom at 16 MOVIE ..
2.8M 37.7K 60
Compilation [On going] Language: Filipino DyslexicParanoia's collection of erotic short stories based on real confessions.
3.5M 78K 39
The small but wealthy town of Salvacion is being ruled by powerful vampires. The vampire king Devon Havenhurst is in a battle to keep his reign and h...
120K 5.9K 42
You don't have all the time in the world. Iyon ang totoo. Blessed to have survived her fatal illness and learning more to live with it, Polka tries t...