POSSESSIVE 12: Cali Sudalga

By CeCeLib

53.4M 1M 229K

Cali Sudalga got everything. Limited edition luxury cars. Wealth. Money. Yachts. And a very huge mansion that... More

SYNOPSIS
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
Please Read
CHAPTER 20
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
EPILOGUE

CHAPTER 21

1.9M 35K 15.8K
By CeCeLib

CHAPTER 21

"CALI, okay lang ako." Ilang ulit na 'yong sinabi ni Annette sa asawa na panay ang alalay sa kanya habang naglalakad siya patungo sa pinto ng bahay nito. "Really, Cali, I'm perfectly fine."

"Let me take care of you," sabi ni Cali.

At mukhang hindi pa nakontento ang asawa, pinangko siya nito at binuhat patungo sa pinto ng bahay.

"Cali!" Natatawang tinampal niya ito sa dibdib. "Ibaba mo nga ako. Kaya ko ang sarili ko."

"Just let me do this, sweetheart," sabi ni Cali, saka hinalikan siya sa pisngi at nagpatuloy sa paglalakad.

Napailing-iling na lang si Annette. Mula kagabi nang magising siya mula sa pagpapahinga, may naging extra sweet ito sa kanya.

At mula nang maalala niya lahat ng nawawalang memorya, parang nabuo na ang pagkatao niya. She felt whole and complete. And happy. Lalo na't ramdam na ramdam niya ang pagmamahal sa kanya ng asawa.

Cali never stopped taking care of her since last night. He was caring, he was sweet and he was loving. Just like the Cali she married years ago.

"Open the door, sweetheart," sabi ni Cali sa kanya.

Nangingiting pinihit niya pabukas ang pinto na hindi naka-lock, saka malakas na itinulak iyon pabukas.

Nakangiting pumasok si Cali sa kabahayan na sa sala lang ang nakabukas ang ilaw kaya medyo may kadiliman ang paligid.

"Hanggang ngayon, hindi ka pa rin mahilig mag-lock ng pinto," sabi niya sa asawa, saka pinanggigilan ang ilong nito.

"Safe naman dito sa village."

"Hmm-mm," sang-ayon niya.

Safe nga roon sa Bachelor's Village. Masyadong mahigpit ang seguridad dahil halos mayayaman lahat ng nakatira.

"Ibaba mo na ako," sabi niya.

Tumango si Cali at ibinaba siya. Akmang hahalikan siya nito nang biglang umilaw ang buong kabahayan dahilan para pareho silang magulat.

"What the fu—"

"Surprise!" sigaw ng pinaghalong mga boses ng lalaki at boses ng babae.

Napamulagat na nagkatinginan sila ni Cali, saka sabay silang napatingin sa dereksiyon ng pinanggalingan ng mga boses.

Napuno ng kasiyahan ang puso niya nang makita ang mga kaibigan ni Cali na naging kaibigan na rin niya noon kasama ang mga asawa nito.

"Hey, lunatic," sabi ni Thorn na nakangiti at may dalang bulaklak, saka ibinigay iyon sa kanya. "For you, my lady. My apologies for my rude behavior towards you."

Natawa na lang si Annette nang si Cali ang tumanggap ng bulaklak at itinapon 'yon sa may pang-isahang sofa. "No flowers." Pinandilatan nito si Thorn. "She's my wife. Ako lang ang puwedeng magbigay sa kanya ng bulaklak."

Sa sinabing iyon ni Cali, lahat ng lalaking naroon ay sabay-sabay na naglabas ng tig-iisang tangkay ng tulips, saka iniabot ang mga 'yon sa kanya.

"Welcome back to the Possessive Men's Club, my man," sabi ni Tyron. Ang bulaklak nito ang una niyang tinanggap.

Si Lysander naman ay nagbigay ng cupcake kay Cali. "Welcome back to Lunatic's Club, my man."

"I'm no lunatic anymore, lunatics," sagot ni Cali na ngingiti-ngiti. Tinanggap nito ang cupcake at kinagatan iyon. "This tastes good. Thanks, buddy."

Mahinang natawa si Annette. Oo nga pala. May dalawang club ang Bachelor's Village. Ang Possessive Men's club na Club ng mga may mga asawa na raw o kaya naman 'yong mag-aasawa pa lang at ang Lunatic's club—ang club ng mga single at walang love life.

"Welcome back, Annette," sabi ni Lander, sabay abot ng isang tangkay ng tulip. "Good to see you again."

Nginitian niya ang bayaw. "Salamat. Good to see you too."

Cali possessively wrapped his arms around her shoulder. "Don't talk to that man. Baka maakit ka sa mga asul niyang mga mata."

Natatawang niyakap niya ang asawa na alam niyang nagseselos na naman. Minsan kasi nasabi niya rito noon na nagagandahan siya sa mga mata ni Lander.

"I like yours more, hubby," paglalambing niya. "Mas gusto ko ang kulay-berde mong mga mata."

That put a smile on Cali's lips. "Hmm... I love you, my wife." Hinalikan siya nito sa noo.

"Love you too." Hinalikan niya ito sa leeg. "Kaya huwag ka nang magselos diyan."

"Can't promise that, wifey."

Umikot ang mga mata ni Annette, saka bumitaw siya sa pagkakayakap dito. "Entertain your friends. I will entertain their wives," suhestiyon niya.

"Okay."

Humiwalay siya kay Cali, saka nilapitan ang asawa ng mga kaibigan nito na nagkukumpulan sa sa coffee table.

"Hey," bati niya sa mga ito.

"Annette!" Si Mhelanie ang unang lumapit, yumakap sa kanya at nakipagbeso-beso. "Kumusta ka na? Two years ka ring hindi namin nakasama. The Possessive Wife's Club misses your presence."

"Sis, kumusta?" malapad ang ngiting tanong sa kanya ni Raine.

"Na-miss ka namin," sabi ni Nez na ngayon ay yakap siya.

At marami pa siyang "kumustang" narinig sa mga babaeng itinuring niya noon na mga kaibigan. Parang may humaplos na kamay sa puso niya. So they missed her? Aww. That made her heart smile.

"Okay lang ako," sabi niya at ipinilig ang ulo, saka tinama ang sinabi. "Okay na ako ngayon."

"That's good to hear," sabi ni Haze na sumisimsim ng kape.

"Oo nga," dagdag ni Mhel na nakayakap pa rin sa braso niya. "Na-miss ka namin. Sobra. At dahil dalawang taon kang nawala, hindi ka puwedeng tumanggi kapag kinuha kitang ninang."

Namilog ang mga mata niya at bumaba sa tiyan nito. "Buntis ka?"

"Yep." Mhel was happily grinning. "It's a boy. Thank God nasundan na rin si Hoax." Halatang excited ito. "May pangalan na nga ako, eh. Ryker Gage Vaughn Vergara. O, ' di ba? Sino'ng lalaban?"

Tumaas ang kamay ni Grace ang asawa ni Valerian. "Ilalaban ko ang pangalan ng panganay ko. Reev Venedict."

Nagtaas din ng kamay si Themarie. "Ako. Ilalaban ko ang pangalan ng anak ko. Eiji Rake."

"Me." Itinaas ni Nez ang kamay. "Phaxton and Pharexter."

Umikot ang mga mata ni Etheyl. "Sige, magpagandahan pa kayo ng pangalan. Kasalanan 'to ni Calyx, eh. Ang sisimple ng pangalan ng triplets namin."

Sabay-sabay silang nagtawanan. Kapagkuwan ay pinaupo siya ng mga ito sa sofa at doon nag-umpisa ang seryoso nilang usapan.

"We heard what happened to you," sabi ni Anniza. "Ikinuwento sa 'min ni Vienna. Okay ka lang ba?"

Nakangiti siyang tumango. "Maayos na ako ngayon. Mahuhuli rin ang gumawa nito sa 'min."

Tumango si Themarie. "Mahuhuli rin 'yon. Ang alam ko hindi lang ang asawa ko ngayon ang gumagalaw. So is Andrius and Evren. Those two are powerful. Hindi lang halata."

Nagpapasalamat si Annette sa impormasyong nalaman. "Sana nga mahuli na kung sino siya. Hindi pa rin kasi ako mapakali, eh. Baka maulit ang nangyari."

"I heard Lysander tightened the security around the village," imporma sa kanila ni Krisz na kumakain ng cake. "Kaya huwag kang mag-alala. On alert ngayon ang mga security guard."

Nakahinga siya nang maluwang. "Salamat naman."

Pinisil ni Mhelanie ang kamay niya. "Nandito ang buong village para sa 'yo. So huwag ka nang mag-alala. At nasisiguro kong hindi na hahayaan ni Cali na may mangyari uli na masama sa 'yo."

Annette smiled. "Salamat sa inyong lahat."

Nagpatuloy ang usapan nila hanggang sa may pumasok na kalalakihan sa bahay. Doon tumuon ang atensiyon nila at kay Thorn na siyang nag-uutos sa mga bagong dating ng dapat gawin.

"Deretso sa may side ng pool," sabi ni Thorn. "Nakaayos na doon ang paglalagyan ng mga pagkain." Tumuon ang mga mata nito kay Andrius. "Tapos ka nang mag-skirting doon sa buffet table?"

Andrius nodded. "Ako pa. Who says only gays and women know how to fucking skirt?"

Nagtawanan ang mga kalalakihan, saka tulong-tulong ang mga itong inilipat ang mga pagkain, pinggan, inumin at kung ano-ano pang kagamitan.

"Ano'ng mayroon?" nagtatakang tanong niya.

"Welcome back party para sa 'yo," sabi ni Czarina. "Kasi mamayang gabi, lalaspagin ka ni Cali."

Namula ang mga pisngi ni Annette. "Ikaw talaga, Doc, ang halay mo pa rin."

Tumawa lang si Cza, saka tumayo at naglakad palapit kay Ymar. Umupo ito sa hita ng asawa, saka yumakap sa leeg nito.

Mukhang nainggit ang ibang kababaihang naroon dahil nagkanya-kanya ito ng lapit sa mga asawa at umupo rin sa mga hita ng mga ito, saka naglambingan.

But in her case, si Cali ang lumapit sa kanya at umupo sa tabi niya. Ang ginawa niya ay umupo rin siya sa mga hita nito.

"Ang dami namang pagkain," sabi niya na nakatingin sa kalalakihang may dalang mga pagkain.

"Para 'yan sa 'yo lahat," sabi ni Cali, saka hinalikan siya sa leeg. "But I wish they're not here so I could make love to you 'til dawn."

That made her smile and blush. "Mukhang matatagalan pa sila rito sa bahay."

"We could ditch them," suhestiyon ni Cali.

Inirapan niya ito, saka hinalikan ang tungki ng ilong. "I love you and all that but I think we should stay. Mamaya na yang kahalayang naiisip mo."

Cali face fell. "Come on."

"Nope." Umalis si Annette sa pagkakaupo sa mga hita nito, saka nauna na siyang nagtungo sa bakuran sa may side ng swimming pool. Umawang ang mga labi niya nang makita ang pagkakaayos ng buong bakuran.

Parang may Christmas lights ang buong paligid sa sobrang liwanag. Iba't ibang kulay 'yon. Kahit ang gilid ng swimming pool ay may nakapaligid ng mumunting ilaw. Ang buffet table naman ay natatakpan ng kulay-itim at green na tela. Napakaganda ng pagkaka-skirting n'on. Parang professional ang may gawa. Ang mga upuan din at mesa ay nababalot ng kulay-itim at berdeng tela.

"Nagustuhan mo?" sabi ng boses ni Thorn sa tabi niya.

Nakangiting tumango siya. "Oo."

Humugot ito ng malalim na hininga. "This is my way of saying sorry... I hope you find it in your heart to forgive me—"

"You're forgiven. Salamat sa pagiging mabuting kaibigan at pinsan kay Cali," putol niya sa iba pang sasabihin ni Thorn, saka iminuwestra ang kamay sa buong bakuran. "This is too much, Thorn. Thank you."

Itinuro ni Thorn ang buffet table. "Tumulong si Andrius sa skirting."

"Hindi ko alam na marunong siyang mag-skirting."

"Well, he's full of surprises."

Tumango si Annette bilang pag-sang-ayon. "True."

Nagulat siya nang may umakbay sa kanya pero nang maamoy niya ang pamilyar na pabango ni Cali, ihinilig niya ang ulo sa balikat ng umakbay sa kanya. "Ang ganda, 'no?" sabi niya.

"Yeah," Cali answered. "Let's eat."

Tumango siya at akmang maglalakad na sila patungong buffet nang bigla na lang lumusob ang mga kaibigan nito roon na may dalawang pinggan na dala. Isa para sa mga ito at isa para sa asawa ng mga ito.

Napailing na lang si Cali. "Lunatics."

Mahina siyang natawa sa tumango bilang pag-sang-ayon. "Very true."



HALOS apat na oras na namalagi ang mga kaibigan ni Cali kasama ang mga asawa nito sa bahay nila bago napagod at nagpaalam na uuwi na. Ang iba naman ay nagpaalam dahil hinahanap na ng mga anak.

Si Thorn ang tanging bisitang naiwan sa bahay nila.

"Ipapakuha ko na lang bukas ang mga ginamit sa—"

"Thorn, lumayas ka na sa bahay ko," wika ni Cali na kanina pa nagtitimpi.

Kinunutan ito ng noo ni Thorn. "Ano'ng problema mo, insan?"

"Just leave," inis na sabi ni Cali.

Mahina malang natawa si Annette sa ginagawi ni Cali. She perfectly knew why Cali was being grumpy.

"Insan, naman—"

"Umalis ka na sabi." Pinukol nito ng masamang tingin si Thorn. "I want to have some privacy with my wife. Darn it!"

Doon naintindihan ni Thorn ang inaakto ni Cali. Napalatak ito. "You could have just told me, you moron." Nagmamadali itong umalis at naiwan sila sa may gilid ng swimming pool.

Nang silang dalawa na lang, humarap sa kanya si Cali, saka siniil ng mapusok na halik ang mga labi niya. Napaungol na lang siya sa ginawa nito at agad na tinugon ang halik nito nang buong puso.

"You know, masarap 'yong longganisa na niluto ni Thorn," wika ni Cali nang pakawalan ang labi niya.

"Mukhang niluto niya iyon para sa 'yo," sabi niya habang hinahalik-halikan ang mga labi ng asawa.

"Paborito ko ang longganisa, eh," sabi ni Cali, saka pinagapang ang mga labi patungo sa tainga niya.

Napadaing si Annette. "Cali..." Kinagat nito ang gilid ng tainga niya. "Shit..."

Habang hinahalik-halikan ni Cali ang tainga niya pababa sa kanyang leeg, bigla na lang itong tumigil sa ginagawa. "Teka," sabi nito. "May naisip ako."

Tumayo ito at kumuha ng pinggan, saka lumapit sa buffet table na may pagkain pa. Kumuha ito ng longganisa at bumalik sa kinauupuan nila.

"Kakain ka? Nagugutom ka uli?" nagtatakang tanong niya kay Cali.

"Nope." Cali cut the longganisa in half. "May naisip ako."

Nakakunot ang noo ni Annette habang nakatingin sa ginagawa nitong pagtanggal ng laman ng longganisa. Ikinalat nito ang laman sa buong pinggan, saka pilyong ngumiti sa kanya.

"Maghubad ka," sabi nito.

Napatigalgal siya. "Ano?"

"Get naked." Tumayo ang asawa niya nang hindi siya gumalaw at ito na ang naghubad ng pang-itaas niyang damit.

"Ano ba ang binabalak mo?" Luminga-linga siya. "Baka may makakita sa 'tin."

"Napapalibutan ng pader ang bahay natin, Annette," sabi ni Cali na binubuksan na ang zipper ng suot niyang pantalon. "Walang makakakita sa 'tin."

Napalunok siya nang mahubad nito lahat ng saplot niya sa katawan. Napakagat-labi siya nang makitang titig na titig ang asawa niya sa kanyang kaselanan na wala nang damit na nakatakip. "Cali—"

"Mahiga ka sa mesa."

Napakurap-kurap siya. "Ha?"

"Lay on the table," ulit ni Cali.

"Cali—"

"Please?"

As if she could say no to her husband.

Maingat na ihiniga ni Annette ang kalahati ng katawan sa pahabang mesa. Hanggang sa may puwit niya ang nakahiga, ang mga paa niya ay nakatiklop at nakaapak sa gilid ng mesa, ang mga hita ay bahagyang nakabuka.

Kinagat niya ang pang-ibabang labi nang ipinusisyon ni Cali ang sarili sa gitna ng mga hita niya

"Cali..." Nag-uumpisa nang mag-init ang katawan niya dahil uri ng pagkakatitig nito sa kanya. "A-ano'ng..." Naputol ang sasabihin niya ng inilipat nito ang laman ng longganisa sa may puson niya. "Cali!"

Pilyong ngumiti ito. "Let me, please?" May pagsusumamo sa boses nito. "Just now, please?"

She didn't have the heart to say to her beloved husband. "Fine. Eat it."

Nagliwanag ang mukha ni Cali at kumislap ang pagnanasa sa mga mata. "Thank you, wifey."

Ipinikit na lang niya ang mga mata at hinintay ang sunod na gagawin ng kanyang mahal na asawa. 


CECELIB | C.C.

Continue Reading

You'll Also Like

2.2M 54.9K 34
Warning | R18 | Mature Content Synopsis: Hiyasmin Real sa edad na trenta ay hindi pa niya naranasan na ma-inlove. She's NBSB -No Boyfriend Since Bi...
168K 7.6K 75
A college girl who jumped on the rooftop of a high-rise building suddenly transmigrated to a world where war and power are twins of survival. There s...
58.5M 1M 25
Train Wolkzbin eluded marriage for eight years. Hindi siya magpapakasal kahit pa mamatay lahat ng kaibigan niya. Kahit pa magunaw ang mundo, hinding...
Mío By Yiling Laozu

General Fiction

84.3K 2.3K 42
In fact, you're already mine since day one, do you hear me? Eres mío, pumpkin. [Hans Gabriel stand-alone story.]