Flares of Dawn (Jillian Fuent...

By letmebed1

3.9M 62K 7.5K

[Completed] Mature content | SPG | R-18 | GL Story Sequel of FORBIDDEN FLOWER. Jillian Fuentes and Anne Del... More

Introduction and Cast
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Epilogue

Chapter 23

72.6K 957 68
By letmebed1

Jillian Fuentes

NAKAUPO ako dito sa gilid ng kama habang pinagmamasdan silang tatlo, ang himbing ng tulog nila. Halos wala naman akong tulog dahil sa kakaiisip kaya maaga akong nagising.

Napasandal ako sa headboard saka ko hinaplos ang noo ng babe ko. Kapag naaalala ko yong nangyari kagabi, magkahalong tuwa at lungkot ang nararamdaman ko. Natutuwa ako dahil nagkaroon ng lakas ng loob ang babe ko na ipakilala ako sa mga magulang niya. Malungkot dahil hindi tanggap ng kanyang Ama ang relasyon namin pero ganon pa man, nagpapasalamat pa rin ako dahil andon yong suporta ni Nanay sa aming dalawa.

Tumingin ako sa relo ko, 5:42AM na.

Pasado alas sais sila madalas bumangon pero may mga kaluskos na akong naririnig mula sa kusina. Baka gising na si Nanay!

Yumuko ako saka ko kinapa yong tsinelas ko sa ilalim ng kama at dahan-dahan akong tumayo para hindi sila magising pero bago ako lumabas ng kwarto humalik muna ako sa noo ng babe ko saka ko inayos yong kumot na tumatakip sa kanilang tatlo.

Pinihit ko ang doorknob saka lumabas ng pinto. Diretso ako ng kusina pero wala si Nanay. Sumilip ako dito sa bintana at si Tito ang nakita ko sa labas habang nagsusuot ng bota. Mukhang papunta na siya ng bukid dahil may dala-dala siyang malaking sumbrero.

Himinga ako ng malalim saka sumandal dito sa pader. Pagsilip ko ulit sa bintana, hindi ko na makita si Tito. Mukhang nakaalis na.

Ilang minuto rin akong nakatayo rito sa tapat ng bintana nong maisipan kong sundan siya. Hindi dapat ako papatay-patay dahil baka mamayang gabi uuwi na rin kami ng babe ko. Kahit papaano makausap ko man lang si Tito.

Mabilis akong lumabas ng kusina at naglakad, nawala sa isip kong isuot yong jacket ko kaya tumatayo ang mga balahibo ko dahil sa lamig na dulot ng hamog. Hindi ko na matanaw si Tito pero tanda ko pa naman kung saan kami dumaan ng babe ko nong una niya akong ipasyal dito sa bukid. Palinga-linga lang ako, maraming nagbago dahil dati tuyot ang lupa pero ngayong panahon na 'to karamihan kulay berde ang buong kabukiran dahil sa mga palay na halatang katatanim pa lang. Tumigil ako dito sa ilalim ng isang malaking puno ng manga na mukhang daang taon ng nabubuhay. Napatingala ako at kasabay non naguumpisa na ring sumilip ang araw. Huminga ako ng malalim saka nagpatuloy sa paglalakad.

"Aiiish!"

Napasigaw ako dahil hindi ko inaasahang lulubog yong isang paa ko dito sa gilid ng pilapil, basa at malambot ang lupa.

Asar!

Pilit kong itinaas yong paa ko pero naiwan yong tsinelas ko sa ilalim ng lupa.

Ano ba naman to!

Lumuhod ako saka ko kinapa yong tsinelas ko.

"Ayon! Haha!"

Nakuha ko na!

Ang problema puro putik na tong damit ko, kamay ko at paa ko. Tumayo na ako at nong may makita akong mahabang kahoy pinulot ko. Ginawa kong tungkod.

Maliwanag na ang buong paligid at sa di kalayuan natatanaw ko ang isang lalaki, baka si Tito na iyon!

Mabilis akong naglakad at hindi ako nagkamali, si Tito nga habang nagaararo. Lumapit ako at kahitmaputik lumusong pa rin ako at nilapitan siya.

"Tito good morning po, baka pwede ko po kayong makausap?"

Wala siyang imik patuloy lang siya sa ginagawa niya.

"Tito-"

Nakailang tawag ako sa kanya nong bigla siyang tumigil at hinila yong tali ng kalabaw.

"Ano bang kailangan mo?"

"Y-yong tungkol po sa amin ni Anne Tito."

Dalawang dipa lang ang layo ko sa kanya pero hindi man lang niya nagawang lingunin ako.

Nagpatuloy siya sa ginagawa niya.

Sumunod ako at hirap na hirap akong maglakad dahil lumulubog ang paa ko sa lupa.

"Nagtiwala ako sayo bilang kaibigan ng anak ko pero hindi ko akalaing-" tumigil siya pagsasalita saka bumuntong hininga.

"Kung gusto mong maging kaibigan ang anak ko tapusin mo kung ano man yang relasyon ninyo. Maaaring matanggap pa kita."

Napayuko ako at napahigpit ng hawak sa kahoy na dala ko.

Masakit dahil para sa akin minahal ko na ang Tatay niya bilang totoong Ama pero ngayon ramdama ko ang galit niya sa akin dahil minahal ko ang anak niya.

"Tito I'm-I'm sorry po pero mahal ko po ang anak ninyo."

"Naririnig mo ba yang sinasabi mo?!"

Sa pagkakataong iyon nagawa na niyang tumingin sa akin.

"Bilang Ama gusto kong magkaroon ng normal na pamumuhay ang anak ko. Magkaroon siya ng pamilya at mga anak. Oo, maaaring mabigyan mo siya ng magandang buhay pero mas higit don ang pinapangarap ko para sa anak ko!"

Masakit man marinig pero hindi ko siya masisisi kung bakit tumututol siya sa pag mamahalan namin ni Anne. Durog na durog ang puso ko, pero hindi ako titigil.

"Alam ko pong hindi ko maibigay ang lahat ng bagay na pinapangarap niyo para kay Anne, pero handa po akong harapin lahat para ipaglaban siya. Mamahalin ko po siya at hindi sasaktan."

"Madali lang sabihin yan, pero mga bata pa kayo at habang maaga pa itigil niyo na iyan. Gusto ko maging masaya ang anak ko pero hindi sa kapwa niya babae, sana naiintindihan mo ang ibig kong sabihin."

Hindi na ako nakasagot pa dahil tumalikod na si Tito at nagpatuloy ulit sa ginagawa niya.

Halos hindi na ako makaalis sa kinatatayuan ko dahil pakiramdam ko manhid na yong mga paa ko, pero hindi naman pwedeng manatili lang akong nakatayo dito.

"Tito a-alis na po ako." sabi ko pero hindi ako pinansin ni Tito kaya mabigat ang loob ko na uuwi ng bahay nila.

Siguradong gising na ang babe ko at baka hinahanap na ako.

Sinundan ko ulit ang daan pauwi at mabilis na naglakad, malayo pa lang ako nong matanàw ko ang babe ko sa likod ng bahay nila kaya binilisan ko lalo ang paglalakad.

Halata sa mukha ng babe ko ang pagaalala nong palapit na ako sa kanya.

"Hi babe! Goodmorning" nakangiting bati ko sa kanya.

"Jillian? Anong nangyari sayo? At tama bang umalis ka ng walang paalam?! Kanina pa ako nagaalala!"

Tsk ang aga-aga umuusok na ang ilong ng babe ko.

"Eh babe wag ng magalit, sinundan ko si Tito sa bukid." sabi ko sabay hagis ng kahoy na hawak ko.

Ngumiti ako pero halatang naiiyak siya.

"Babe bakit?"

"Kainis ka! Akala ko iniwan mo na ako!"

"Bat ko naman gagawin yon?"

Hindi ko akalaing hahanapin pala niya ako. Napangiti ako lalo na nong magpout siya.

"Basta bakulaw wag mo ng uulitin to ha?! Lagot ka sakin!"

Tumango ako saka ngumiti.

Lumapit siya sakin saka niya ako tiningnan mula ulo hanggang paa. Mukha tuloy akong batang gusgusin ngayon hehe.

"Maligo ka na at magbihis. Pupunta tayo ng palengke mamaya."

"Okay babe. Pero pwede bang kuhanan mo ako ng damit sa bag? Pati undy ha?"

Sumunod naman agad siya sa sinabi ko.

Pumasok na ako dito sa banyo kaso wala namang tubig.

"Babe walang tubig?"

"Magsalok ka na lang sa Poso."

"Bakit ako?"

"Anong gusto mo? Ako magsalok para sayo? Mukha mo!"

Tsk! Suplada!

"Hay! Ano ba yan!" reklamo ko.

Kinuha ko yong timba saka ako pumunta ng poso. Ang daming tao. Mga kapit bahay ata nila na naglalaba at nagsasalok din.

Napatingin silang lahat sa akin nong palapit na ako.

Karamihan mga kababaihan yong mga nagsasalok. Yong iba Lola na.

"Pwede po bang ako na lang po mag ganyan?"

Itinuro ko yong hawakan ng poso na tinataas baba nila para lumabas ang tubig.

Gusto ko ding gawin yon eh.

"Ah sige sige." sabi ng isang Lola saka siya tumabi.

"Nakakatuwa naman po 'to." sabi ko sa kanila nong ako na ang may hawak ng hawakan ng poso.

"Bakit? Ngayon ka lang ba nakakita ng poso?" tanong ng isang babae, siguro nasa edad kwarenta pataas.

"Hindi naman po, pero ngayon lang ako nakahawak neto." sabi ko saka ngumiti.

Nakatingala lang silang lahat sakin dahil matangkad ako at yong iba nakaupo habang nagkukusot ng labahin nila.

Nong mapuno ko lahat ng timba nila yong timba ko naman ang pinuno ko.

Napansin ko yong isang Lola na bubuhatin yong timba niya na puno ng tubig.

"Lola saglit lang po. Bubuhatin niyo po yan?" gulat na gulat ako dahil matanda na siya para magbuhat.

"Oo, kaya ko naman."

"Ay ako na lang po magbubuhat? Tumabi ho kayo diyan." wala ng nagawa si Lola nong binuhat ko yong timba niya.

"San ka ba galing Apo?"

"Sa Manila po."

"Ngayon lang kita nakita dito."

"Bisita po ako ni Anne, Lola."

"Ah si Anne? Mabait na bata yon."

"Tsaka maganda po."

"Ay Oo tsaka maganda nga."

Natatawa ako dahil nakakatuwang kausap si Lola. Kapag ngumiti walang ngipin at kahit matanda na malakas pa rin ang pandinig niya.

Ang sarap siguro mamuhay ng simple kasama ang taong mahal mo. Kagaya neto, magsasalok ng tubig saka magwawalis at kakain.

"Apo dito mo na lang ipatong." itinuro sakin yong lababo na gawang kawayan.

Doon ko na ipinatong yong timba.

"Sige po La aalis na po ako."

"Salamat Apo."

Ngumiti lang ako kay Lola saka tumakbo na pabalik ng poso at naabutan ko ang babe ko na nakataas na naman ang kilay.

"Jillian lagi ka na lang nawawala!"

"Babe hinatid ko lang si Lola, binuhat ko yong timba niya. Nagiging nerbyosa ka na babe."

"Kasi ikaw eh!"

Binuhat ko na yong timbang dala ko kanina at sabay na kaming naglakad papuntang bahay nila.

"Jillian?"

"Hmm?"

"Kinausap mo ba si Tatay?"

Nilapag ko yong buhat ko saka tumingin sa kanya.

Ngumiti ako saka tumango.

Hindi na siya nagtanong pa. Ramdam naman siguro niya na hindi naging okay yong pakikipagusap ko kay Tito.

Pumasok na ako ng banyo saka naligo.

Pagkatapos kong maligo naabutan kong nakikipag-usap ang babe ko kay Ate Lilet at sa dalawang cute na kapatid niya sa mesa, habang nagtitimpla ng kape ang babe ko.

"Jillian magkape ka muna saka eto pandesal." inabot sakin ng babe ko yong isang tasa ng kape pag lapit ko sa kanya.

"Uy Jillian, punta kayo mamaya sa bahay. May konting salu-salo don kasi birthday ng Nanay ko." pagaaya sakin ni Ate Lilet.

Tumingin ako sa babe ko at ngumiti lang siya.

Humigop muna ako ng kape saka kumagat ng pandesal. Grabe, miss na miss kong kumain ng pandesal.

Pagtingin ko kay Ate Lilet nakatitig pa rin siya sakin. Mukhang hinihintay niya yong sagot.

Lumunok ako saka nagsalita.

"Basta pumayag po si Anne, sasama po ako."

"Oh yon pala insan eh." sabi niya sa babe ko.

Sigurado akong marami na namang lalakeng aaligid sa kanya doon.

Nong makita ko nga yong Ex niya kahapon parang gusto kong halikan sa labi ang babe ko para hindi na siya lapitan pa. Guapo pa naman yong Ex niya,pero ang sarap tadyakan sa mukha hmmp! Basta mas guapo ako don!

"Ate tara punta tayo don?" sabi ni Sheena kay Anne.

"Basta ako pupunta ako, magpapaalam ako kay Nanay." sabi naman ni Mara.

Nakakatuwang makita ang isang maganda at dalawang cute na makukulit dito sa bahay nila.

"Ano Anne? Hintayin namin kayo sa bahay. Ngayon lang tayo magkita-kita ulit kaya punta naman kayo."

"Okay Ate magpapaalam lang kami kay Nanay."

Tuwang tuwa yong dalawang kapatid niya.

"Maliligo lang din ako Jillian. Sa kwarto ka muna o kaya don ka muna sa may Terrace maupo pagkatapos mo diyan ha?"

Tumango ako at sumunod naman agad sa sinabi ng babe ko pagkatapos kong magkape.

Pumasok muna ako dito sa kwarto saka nagpatuyo ng buhok.

Sa totoo lang medyo nagaalala ako dahil hindi ko alam kung ano ang susunod na mangyayari sa amin ng babe ko pag-uwi namin ng Manila. Gusto ng Tatay niya na tapusin na namin kung ano mang relasyon ang namamagitan sa amin ni Anne kaso hindi ko yon magagawa. Hindi ko kaya at lalong hindi ako papayag na maghiwalay kami, hay.

Bumuntong hininga ako saka tumayo, kumuha ng hanger at sinampay tong towel. Hinihintay ko lang ang babe ko.

Tok

Tok

Tok

"Ate Jillian?" boses ni Sheena.

"B-bakit?"

"Ate tapos ka na bang magbihis?"

"Oo" sagot ko saka binuksan tong pinto.

"Ate pasok kami ha? Nagpaalam na din kami kay Nanay. Pumayag po siya." natutuwang sabi sakin ni Sheena at kasabay niyang pumasok ng kwarto si Mara.

"Buti pumayag si Nanay."

"Oo Ate."

Nakaupo na kaming tatlo dito sa kama habang hinihintay ang Ate nila na matapos maligo.

"Ate Jillian may kapatid ka din?"si Mara.

"Ah, Oo si Wendy. Mas ahead sakin ng isang taon."

"Wow parang kami ni Mara, eh di maganda din po siya?" tanong naman ni Sheena.

"Oo, maganda din gaya natin."

Ngitian kaming tatlo. Pinakita ko sa kanila yong picture ni Wendy na nasa phone ko at iisa lang ang sinabi nilang dalawa. Kamukhang kamukha ko daw ang kapatid ko.

"Ate Jillian may boyfriend ka na?"

"Ha?!" nabigla ako sa tanong ni Sheena. Sunod sunod ang tanong ng dalawang to sakin.

"Kung may boyfriend ka na daw Ate." si Mara.

"Ah eh wala.''

"Si Ate din namin wala eh. Ayaw namin siyang magboyfriend." si Sheena.

"Bakit naman?"

"Eh Mara bakit daw ayaw natin mag boyfriend si Ate?"

Napansin kong siniko ni Sheena si Mara.

"Eh ikaw na magsabi." sagot naman ng isa.

Pabaling baling ako ng tingin sa dalawang toh. Ang tagal namang sabihin.

"Eh kasi Ate Jillian pag nagboyfriend si Ate. Paano na kami?"

"Anong ibig niyong sabihin?"

"Kasi Ate Jillian secret lang natin to ha?"

Tumango ako kay Mara.

"Kasi ang dami talagang manliligaw si Ate Anne."

"Oh ngayon? Anong kinalaman non sa inyo?"

"Eh kasi Ate baka pag nagboyfriend siya baka pakasalan agad siya kaya pano na kami ni Mara?"

"Ah..."

Nagets ko na. Nagaalala ata tong dalawa na baka pag nag boyfriend ang Ate nila baka wala ng tumulong sa kanila na magpaaral?

Yon kaya yon?

Ang hindi nila alam katabi nila ang boyfriend ng Ate nila haha.

Ang swerte ko di ba?

"Eh pano kung may mahal na ang Ate niyo?"

"Eiiii..."

Natatawa ako dito kay Sheena dahil nakanguso siya habang nagpoprotesta sa sinabi ko.

"Hoy kayong dalawa layas muna kayo dito sa kwarto, dali magbibihis ako." napalingon kaming tatlo sa may pintuan. Ang babe ko na nakatapis lang.

Kapag nakikita ko siyang ganyan para akong laging lalagnatin.

"Ate Anne, wag kang magbo-boyfriend." reklamo ni Sheena saka yumakap sa bewang niya.

Nagkatinginan tuloy kami ng babe ko.

"Ate pag nagboyfriend ka yong mayaman ha? Para di na kami maghirap ni Sheena."

"Mukha ka talagang pera bata ka." sagot ng babe ko kaya natatawa tuloy ako.

"Sheena bitaw na magbibihis muna ako."

Sinenyasan din niya si Mara kaya lumabas na yong dalawang kapatid niya.

"Bakulaw sensya ka na sa dalawang kapatid ko ha? Sa una lang talaga sila mukhang mahiyain."

Ngumiti lang ako saka tumango.

"Alam mo bakulaw si Mara napapansin kong praktikal, si Sheena naman halos walang makalapit na lalake sakin dahil lagi yang nakadikit sakin pag may mga nanliligaw sakin."

"Pano pag si Rhen ang pumupunta dati dito?" curious ako kaya ko natanong.

"Hmm okay lang naman sa kanila si Rhen dahil alam nilang bestfriend ko siya, madalas kalaro nila ng scrabble yon."

"Talaga?" may konting selos akong nararamdaman, kung bakit naman kasi natanong ko pa.

"Laging talo si Rhen sa scrabble kahit mga high school ang kalaro niya."

Natatawang sabi ng babe ko.

Tatango tango lang ako.

"Hmm wag ka ng magselos diyan bakulaw."

Ako naman ang natawa nong kalabitin niya pataas yong ilong ko. Napansin pala niya na nagseselos ako.

Nakaupo pa rin ako dito sa kama habang pinagmamasdan siyang nagpapatuyo ng buhok.

"Babe-"

"Hmm?"

"Ah eh wa-wala."

Itatanong ko sana kung balak din ba niyang sabihin sa mga kapatid niya yong tungkol sa amin. Pero kung hindi man, maiintindihan ko naman dahil mga bata pa sila Sheena at Mara.

"Hindi mo ba ako palalabasin babe?" tanong ko sa kanya pagkatayo ko. Lumapit ako saka ko siya niyakap sa likuran niya.

"Nakita mo na nga ang lahat sakin, ano pang silbi na palabasin kita?"

Napangiti ako habang nakasubsob sa balikat niya. Dati kung ipagtabuyan niya ako wagas pero ngayon medyo nagiiba na ang babe ko. Medyo nababawasan na rin konte yong pagkamasungit niya.

"Pero sige na nga, labas ka muna bakulaw."

"Eh ayoko nga!"

"Pano ako magbibihis kung nakapulupot ka na naman sakin?"

"Hmm gusto kitang panggigilan babe."

"Sira ka talaga."

"Babe, sabi ng mga kapatid mo ayaw ka nilang mag boyfriend. Pano kaya yon?"

Humarap siya sakin saka niya pinisil ang magkabilang pisngi ko.

"Wala naman akong balak magboyfriend dahil GF ang meron ako." sabi niya sabay taas ng dalawang kilay kaya napangiti ako.

"Oo nga no?"

Napangiti din siya.

"Basta babe walang magbabago ha? Ako at ikaw hanggang sa huli. Ipaglalaban natin ang isa't isa."

Tumingkayad siya at yumakap sa akin.

"Walang magbago" sabi niya at kasabay non ang paghigpit ng yakap niya sa akin.

"Sige na magbihis ka na baka marape na naman kita eh naghihintay yong dalawang dalaginding na kapatid mo."

Bumitaw na siya sa pagkakayakap sakin pero bago ako lumabas dinampian ko muna siya ng isang halik sa ilong.

Paglabas ko ng kwarto nakita ko yong dalawa na may kinukutingting sa cellphone na hawak nila. Tumabi ako sa kanila at tiningnan kung ano yong tinitingnan nila.

Tsk tsk puro picture ng mga guapong lalake.

Talaga naman tong dalawang to. Kinikilig pa habang isa isang tinitignan yong mga picture. Ibang iba talaga sila sa Ate nila dahil gaya ko silang kiti-kiti at makulit.

Paglabas ng babe ko nakabihis na siya. Excited na tumayo tong dalawang katabi ko.

Nagpaalam na rin kami kay Nanay na nakikipag usap sa ibang mga Tita nila.

"Naku Ate Jillian, siguradong sikat na naman kami ni Mara neto."

"Bakit naman?"

"Kasi nga kami lang namang magkakapatid ang magaganda dito sa baryo tas dumagdag ka pa."

Natatawa ako dito sa bunso nila dahil kabaliktaran talaga ng Ate nila, madaldal.

Naglalakad kaming apat at halos lahat ng madaan naming mga tambay ay napapalingon sa amin.

"Ate anong oras pala kayo uuwi? Mamimiss na naman namin kayo ni Sheena at saka ni Tatay at Nanay."

"Mamayang alas dies ng gabi siguro. Mamimiss ko din kayo, kami ni Ate Jillian niyo." sabi ng babe ko saka kami nagkatinginan.

Pagdating namin sa bahay nila Ate Lilet akala mo may fiesta. Ang daming tao. Akala ko naman konting salu-salo lang.

Agad umupo yong dalawa habang nakatitig sa kumakanta. May videoke at karamihan ng tao kumakain na. Umupo na rin kami ng babe ko at todo asikaso si Ate Lilet sa amin. Palihim kong hinawakan yong kamay ng babe ko sa ilalam ng mesa. Tahimik lang din siya.

Mayaya naririnig ko ng kumakanta si Sheena ng I Will Survive kaya natatawa kaming pareho ng babe ko.

"Ang bibo talaga ng kapatid mo." sabi ko sa kanya.

"Tingnan mo susunod na kakanta si Mara. Mga makakapal ang mga mukha ng kapatid kong yan." sabi naman niya sa akin.

Kinuhanan ko ng video si Sheena habang kumakanta at pagkatapos niya si Mara naman.

"Kayong dalawa magtigil nga kayo." saway ng Ate nila.

"Eh Ate may kakantahin pa ako." reklamo ni Sheena habang nagtitingin ng kanta sa songbook.

Maya't maya kakalabitin pa niya si Mara at itatanong kung ano ang next na kakantahin niya.

Ibang iba sa kanila ang babe ko. Tahimik lang at masungit. Pero nacu-cute-an din ako dito sa dalawang 'to lalo na't nakakatuwa silang kausap.

Kinuhanan ko din ng video si Mara. Ipagmamalaki ko to kina Jean at Jo. Wala silang ganito eh.

"Anne, tapos na kumanta yong dalawang kapatid mo. Ikaw naman!" sabi ng isang Ale.

"Naku Tita hindi po ako kumakanta." todo iling ng babe ko.

Sa totoo lang di ko pa siya naririnig na kumanta.

"Jillian siya nga pala yong Tita ko, Nanay ni Ate Lilet."

"Ay happy birthday po." nagmano ako dahil halatang may edad na rin naman.

"Naku thank you. Kumain muna kayo."

May mga hinanda ng pagkain dito sa table namin. Takam na takam ako lalo na sa pansit bihon.

"Mamaya Anne kakanta ka ha? Birthday gift mo na sa akin yon." hiling ng Nanay ni Ate Lilet.

"Naku Tita di ko po talaga kayang kumanta."

"Magtatampo ako pag di ka kumanta."

Natatawa ako, napasubo ata ang babe ko ah.

Nagkatinginan kami at halatang humihingi ng saklolo ang mga mata niya pero umiwas lang ako ng tingin saka sumandok ng pagkain namin. Gutom na ako eh.

"Jillian ikaw na lang ang kumanta?"

Sabi ko na nga ba eh. Ako pakakantahin ng babe ko.

"Babe, masakit ang lalamunan ko eh."

Pinipilit kong wag ngumiti.

"Jillian sige na?"

Nagmamakaawa talaga siya sa akin.

"Ate Anne, kumanta ka rin ha?" si Mara.

"Eiii! Ayoko!"

Nakasimangot na ang babe ko. Ang cute tuloy niyang tingnan.

Matutuwa ako kung kakanta siya.

Habang tumatagal medyo kumukonti na ang mga tao. Mukhang parehas lang namin na nakikain yong iba hehe.

"Uy, Insan sabi ni Nanay hihintayin ka daw niyang kumanta." sabi ni Ate Lilet saka umalis din.

"Jillian? Pano to? Ayokong kumanta."

Nakasimangot ang babe ko.

"Babe minsan lang naman."

Inabot sakin ni Mara yong song book.

"Oh babe pili na, ano ba kakantahin mo?"

"Eiiiii Jillian ikaw na lang? Sige na..."

Binitawan niya yong kamay ko saka niya kinamot yong hita ko habang nagmamakaawang saluhin ko siya sa pagkanta.

"Eh pano yon? Ikaw kaya gusto nilang kumanta."

Natatawa ako dahil ang cute ng babe ko habang naka simangot. Nilapit ko konte tong upuan ko sa kanya saka ko kinapa ulit yong kamay niya sa ilalim ng mesa.

Sinimulan kong buklatin tong song book na nasa harap ko.

"Jillian ikaw na lang kakanta?"

Hindi ako umimik. Halos magmakaawa na ang babe ko dahil ayaw niyang kumanta.

"Ate Jillian anong number?" si Mara habang nakasandal dito sa may tagiliran ko.

"Hmmm Eto." tinuro ko yong number katapat ng kantang Love was made for us.

Agad namang nagpunta si Mara sa Videoke Machine saka nagpindot ng number.

"Bakulaw ikaw na lang ang kakanta?" ulit ng babe ko.

"Duet tayo babe?"

"Eiii ayoko."

Umiwas agad siya ng tingin sa akin. Ayaw talaga niyang kumanta.

"Sige kakantahan kita...." bulong ko sa kanya.

Hindi kasing ganda ng boses ni Wendy tong boses ko pero para sa babe ko, kakanta talaga ako.

Bahala silang marindi sa boses ko haha.

"Ate Jillian oh." inabot sakin ni Sheena yong Microphone.

Pinisil ko ang kamay ng babe ko bago ako magsimulang kumanta.

♪♪♪

Nagsimula na yong intro. Nakangiti sakin si Sheena kaya ngumiti din ako saka nagsimulang kumanta.

♪♪

Many times in my life I've felt as if an angel walks with me leading it to the one who'll be taking over demands.

♪♪

Someone who's strong, someone who can love and understand. ♪♪

Someone who accepts the way I am and who will love me for that, just for that...♪♪

Here you are my destiny, and nothing can be better no...ohhh..♪♪

Let's make a promise we'll always stay this way....♪♪

Did you know love was made for us only fairytales come close enough, a love created in heaven.♪♪

In all my dreams I've never been even near to the feeling you give to me I believe we are strong to break our trust, Do know love was made for us.♪♪

When I'm holding you thight my mind is taken far into our past foundation that we made to last through the stormiest nights.♪♪

There is no doubt that all I ever need I have with you, I treasure every moment spent with you and I pray nothing will change, nothing will change...♪♪

Together we are unbreakable and nothing comes between us no no no
I'm so greatful to have you by my side.♪♪

Did you know love was made for us only fairytales come close enough, a love created in heaven.♪♪

In all my dreams I've never been even near to the feeling you give to me I believe we are strong to break our trust, Do know love was made for us....was made for us....♪♪

Did you know that love was made for us.♪♪

Pagkatapos kong kumanta nagpalakpakan yong mga tao sa paligid namin kasama na ang babe ko at itong dalawang makulit.

"Ate Jillian parang ikakasal ka na ah."

Natatawa tuloy ako dito kay Mara sa sinabi niya. Pero kung pwede lang pakasalan ang Ate nila, pakakasalan ko na agad. Para wala ng umagaw pa ng babe ko sa akin.

"Ate Jillian para kay Ate ko ba yong kanta?"

"Ha? Ah-"

Nagkatinginan kami ng babe ko sa tanong ni Sheena.

"Syempre Sheena kay Ate yon. Magbestfriend kaya sila. Di ba Ate Anne?''

"Hmm? Ah-" tumingin muna sa akin si Anne at alam kong humihingi muna siya ng pahintulot sakin kung sasagutin ba niya ng Oo yong dalawa, agad naman akong tumango sa kanya.

"Oo," sagot ng babe ko.

"Oh tingnan mo Sheena magbestfriend sila."

"Bakit sinabi ko bang hindi?! Wala naman akong sinabi na-"

"Kayong dalawa magtigil na nga kayo." saway na naman ng Ate nila sa kanilang dalawa.

Tumigil naman agad sila.

Nagtagal din kami ng dalawang oras kina Ate Lilet at ang sumalo sa babe ko na kumanta ay yong dalawang kapatid niya. Sayang lang hindi ko siya narinig na kumanta.

Magkahawak kami ng kamay habang naglalakad pabalik ng bahay nila nong bigla siyang magsalita.

"Naappreciate ko yong song na yon. Thank you Jillian." humigpit yong hawak niya sa kamay ko saka tumingin sa akin.

Ngumiti ako bilang tugon sa sinabi niya.

"Did you know that love was made for us only fairytales come close enough, a love created in heaveeeeeeen.♪♪"

Natatawa kami nong biglang kumanta si Sheena habang patalon talon kasabay ni Mara.

"Mamimiss ko sila ng sobra pag uwi natin, babe"

"Ako din. Bitin yong bakasyon natin Jillian."

Bitin na bitin talaga. Kung pwede lang mag stay sana ng mas matagal dito para makasama namin ang buong pamilya niya gagawin ko, kaso ang problema hindi naman ako tanggap ng Tatay niya kaya hindi rin ako pwedeng tumagal dito.

Ang tanong, paano ang gagawin ko ngayon para matanggap ako ng Tatay ng babe ko?

.....

Continue Reading

You'll Also Like

948K 28.9K 33
[This is a GL story] Date started: September, 2015 Date completed: January, 2017 CONTENT WARNING: Some content may be objectionable. Scenes may conta...
39.9K 2.6K 8
Sin City Series #1 Galene Montenegro has everything that every woman has dreamed of-a luxurious life, beauty, money, power, an empire, and a husband...
17M 270K 62
"If you are going to enter my world, be ready to play my game," babala ni Mago, "If you can't keep up then you'll have to endure the pain." He was a...
138K 3.2K 33
I can't believe that she's a girl. LIKE A GODDESS ONE! And the worst part is that, she's an Assassin. A person who wants to kill anyone for money. An...