Tricia's POV
Maghapon akong nakatulala sa kawalan.
Sarisaring alaala at mga masasayang araw ang pumapasok sa isip ko.
"Miss!"
Sigaw ng lalaking naka uniform at may cap sa ulo
Lumingon ako sa likod upang makita ang taong tumatawag sakin...
nang Masiguro Kong ako nga ang tinatawag Ay tumayo ako sa aking kinauupuan at humarap sakanya.
Hingal na hingal Ito at nakahawak sa magkabilang tuhod.
"Bakit?"
Tanong ko
"Miss, Panyo mo, nalaglag"
Sabi nito. Agad ko iyong Inabot at umalis sa aking kinaroroonan
Aaminin ko... Nag kagusto ako sakanya ng una kaming magkita.
Umalis ako noon dahil Di ko Alam ang gagawin ko.
Nakakaloko Kasi yung mga tingin niya. Parang malulusaw ka.
...
"Sayi'n I love you,
is not the words I
want to hear from you
It's not that I want you
not to say, but if you only
knew..."
Nandito ako ngayon sa likod ng Pintuan, at pinapakinggang kumakanta si Lloyd.
Ang Sarap sa tenga ng mga boses ng lalaking to.
nagigitara Ito mag Isa sa music room, at nakatingin ng malayo sa bintana.
... Ano Kaya yung iniisip mo?...
Hanggang sa dumaan ang araw, nag kasalubong ang landas natin.
Nakita Kita sa cafeteria.
May mga panahong nag kakasalubong ang mga tingin natin, Kaya minabuti Kong lumihis.
Kahit singkwenta nalang ang Pera ko, Bumili ako ng pagkain sa pangatlong pagkakataon... para makapag stay sa kinaroroonan ko.
Nang mawala ka sa paningin ko Agad akong tumayo at kinuha ang inumin ko.
"Nasan na yun?"
Sabi ko at Pilit hinahanap ang maamo mong mukha.
Wala ka sa aking bandang likod Kaya sinubukan Kong maghanap sa harap.
Pero laking gulat ko ng mabunggo Kita.
Natapon ang inumin ko sa damit mo.
Kita ko ang gulat sa mga mukha mo.
May mga Yelo pang nagkalat sa sapatos mo, Kaya Agad akong nagabot ng Panyo at umalis.
Alam mo? ayan Kaya yung Inabot mo sakin.
"Hoy! Ililibre mo po ako!"
Sabi mo, Nakanguso ka noon.
"Ah?... hehe, S-Sige"
Yan ang nasabi ko, dahil hinila mo na ako papuntang stall.
Um-order ka ng pagkain.
Pinapanood Lang Kita, habang ako nasa harap mo, pasimpleng sumusulyap sayo.
"Kumain ka na?"
Halos Di ko ma pigilang tumawa, dahil andami mong kalat sa mukha at puno pa nang laman ang bibig mo habang sinasabi iyon.
...Pero Bakit ganon ang gwapo mo parin?
"Huy!"
"Ay! Oo, Kumain na ako."
Tumango Lang Siya at pinagpatuloy ang pagkain.
Nang matapos ka. nalaglag ang pitaka ko.
Atsaka doon ko Lang naalala, na ubos na pala ang Pera ko.
As in Wala. simot, ni singko Wala.
Pumila Kami para magbayad sa in-order niya.
"Ah... eh.. Lloyd."
"Hmmm?"
Tanong mo
"Wala pala akong Pera.."
.
.
Sandaling nagkaroon ng katahimikan sa atmospera nating dalawa.
"Yung totoo?, Joke to Diba?"
Sabi mo.
"Hindi"
Sabi ko at pinakita an wallet ko.
Napasapo naman si Lloyd sa kanyang ulo.
*10 mins after*
"Pano na tayo makakatakas nito?"
"Di ko Alam, Ikaw Kasi eh!"
Sabi ni Lloyd sakin.
nasa detention area Kami.
Wala Kasi kaming Pang bayad
"Wait... mabilis ka bang tumakbo?"
Tanong ni Lloyd.
Napataas naman ang kilay ko.
Sh*t, I know what he means
...
"Waah!"
Sigaw ko, Hingal na hingal Kami.
Tumakbo Kami sa detention room papuntang room namin isa isa.
"Saang Floor ka?"
Sabi niya.
"4th floor"
Napangiwi naman Siya.
"Bakit?"
Tanong ko.
"Hay! Nako Wala!. Tara na, Hatid na Kita."
Sabi niya.
Naka upo parin ako dito sa sahig.
iniabot niya ang kamay niya sakin.
"Tara na akyat na tayo..."
Hinihingal parin Siya.
"Ubusan na nang hininga to"
nagtawanan Kami...
At Sabay kaming umakyat papuntang taas.
Na magkahawak kamay...
...
At noong araw nayon... lagi na tayong magkasama. Simula sa kalokohan... at ka gaguhan
Di ko akalaing mahuhulog ang loob natin sa isat isa.
Marami pag tayong pinagsamahan, at doon mas lalong na buo ang aking pagtingin
Niligawan mo ako. At pagkatapos ng 1 taon Ay sinagot Kita.
Napalapit ako sa barkada mo.
Sila Aeon, jeric, Denver, rued, Sarah at Gwen.
We act a normal bestfriends.
Yung parang Dati parin...
Kulitan asaran. Lahat.
At Hiling ko Di na matapos.
lahat ng alaalang Hindi malalaos...
***
Pumatak nanaman ang mga luha ko.
Di niyo ako masisisi
Tao Lang ako, nagmamahal din
Di ko inasahan na aabot sa gantong punto.
Pano na ako? Iniwan mo na ako era..
Lumabas ako ng bintana. nasa labas parin silang lahat, habang ako nasa loob ng kwarto.
"Ang daya mo, Lloyd Era!, Sabi mo Walang iwanan! Sabi mo Walang bibitiw!?... Eh gago ka pala eh! Ikaw yung unang umayaw!"
Hagulgol na Sabi ko.
"Bwisit ka!? akala mo gwapo kaPara iwanan ako!?. Pakyu, Manigas ka!"
Sabi ko.
"Medyo matigas na si era.."
Nagulat ako ng May nagsalita sa likod ko.
"Aeon nman eh!"
Sabi ko.
Agad akong lumapit sa kanya at yumakap.
"Ang daya ng ulupong mong kaibigan, Paasa..."
Medyo natawa pa Kami noon
Gumaan gaan din yung pakiramdam ko Nang nagsidatingan ang mga kaklase ko, para sabihing magiging maayos din ang lahat.
Pagkatapos ng ilang oras, Matutulog na kami.
Muli na namang matatahimik ang resort. Muli nanamang magbabalat kayo ang Isang Magulong lugar sa Isang tahimik.
Mahimbing na naman ang tulog namin. kaPagod din ah...
Nakukuha pa naming matulog noh?.
Kailangan yan, para may lakas pa sa susunod na mangyayari.
humiga ako sa Kama. Pinagmasdan ko ang mga bituin.
Era,
Mahal na mahal Kita,
Nagsisisi ako na sa bawat paghigpit mo ng hawak sa kamay ko, Di ako humahawak.
Nagsisisi ako sa bawat pag tingin mo sakin,
Di ako gumaganti ng tingin.
Nagsisisi ako sa bawat ginagawa mo, Di ko man Lang sinuklian.
Nagsisisi ako,
Kasi nang mga araw na nandidito ka, Hindi ko pa pinahalagahan
Sana bawat segundo, Di na Kita inalis sa tabi ko.
Pero Sabi mo nga sakin...
Regrets, didn't make situation better.
Kailangan mo Lang harapin lahat ng mga Sukli sa ginawa mo.
At doon.
Doon mo malalaman, Kung gaano ka katatag.
Hanggang sa tuluyan na akong nakaidlip, ng mahimbing.
••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••
A/N:
Ayun naman pala!. ❤️🤘🏻
may labstory din pala tong Sila Tricia.. haha. 😂🤘🏻 Oh Ano!? para sa ka batch Kong si Tricia, Did you like it MUWEHEHEHZ! Kala mo ah.
Anong mas bet niyo..,
Yung Kay *Toot* and Francine (CP - Flashback)
or
Tricia and Lloyd Era.
And about Kay Lloyd... Siya po si era 😂🤘🏻 iisang Tao lang sila Ayun...
Vote na! 😂💕👊🏻😊💋