A.K.A. Neerdy GIRLFRIEND (COM...

Par adrian_blackx

415K 13K 1.3K

"Nerd man ako sa paningin nila, but they don't know me very well." -GLAIZA Maybe I judge her before, but then... Plus

Chapter 1: The Kiss
Chapter 2: Rescue
Chapter 3: Music Room
Chapter 4: New Prof
Chapter 5: Rooftop
Chapter 6: Tutor Mode
Chapter 7: Kathrina
Chapter 8: DATE?!!
Chapter 9: The Truth and The Hell
Chapter 10: Glaiza Galura
Chapter 11: Heaven and Hell
Chapter 12: Elevator
Chapter 13: Kumot
Chapter 14: Glaiza's New Girlfriend
Chapter 15: Wife material
Chapter 16: Hello Past
Author's note
Chapter 17: Over
Chapter 18: Love Guru
Chapter 19: Real
Chapter 20: Forgive and Forget
Chapter 21: Yes
Chapter 23: Tagaytay Adventure (2)
Chapter 24: The Revelation
Chapter 25: Nasa'yo na ang lahat
Chapter 26: The Comeback
Chapter 27: Something New
Chapter 28: R vs. S
Chapter 29: Hurt
Chapter 30: Come back is real
Chapter 31: Birthday Surprise
Chapter 32: Closure
Chapter 33: Grow Old with You
Chapter 34: Where are you?
Chapter 35: Happy Ending
EPILOGUE
Mula Sa Author <\3
Hi guysss

Chapter 22: Tagaytay Adventure (1)

11.1K 310 41
Par adrian_blackx

GLAIZA'S POV

Hindi ako makapaniwala na for real na talaga kami ni Rhian, grabe ang saya. Hindi ko nga akalain na kaya kong gawin magpropose sa kanya sa harap ng maraming tao, never in mylife na inimagine ko na gagawin ko to, pero wala eh, mahal ko eh. Sabi ko nga, lahat gagawin ko para maipakita at maiparamdam na mahal na mahal ko siya, feeling ko naman naipapakita ko naman yun.

After ng nangyari sa gym, agad na akong pumunta ng locker room para makaligo na din, sobrang pawis ko din kasi eh.

"HOY CHA!" Ok Chynna is here.

"Tsong, what's up?" I ask her.

"Grabe ah! Double celebration na ba? Una nanalo kayo, tapos girlfriend mo na talaga si Rhian, ano san tayo?" She ask.

"Anong saan tayo, baka kami. Saan kami? Hahaha" pang-aasar ko dito.

"Tsong naman eh! Daya mo. Dapat kasali kami ni Kath jan, alam mo naman tinulungan ka namin, huwag kang madamot." Pagrereklamo nito. Pero nagbibiro lang naman ako.

"Joke lang, syempre lalabas tayo nila Rhian ngayon, my treat, don't worry. Sige puntahan niyo na si Rhian, pakisabi hintayin niyo ko, at pakisabi mahal na mahal ko siya" lahat naman ng nasa locker room napatingin sa sinabi ko, pero wala akong pakielam, bahala sila. Basta ako masaya at inlove. Hehehe

"Corny mo tsong! Sige na bilisan mo! Gutom na kami" umalis na din si Chynna,.

"Glaiza, congrats ah, galing ng mga damoves mo! Hahaha" sabi ni Mrs.Helen. Kaso hindi ko alam kung anong damoves ang sinasabi niya, yung damoves ko ba sa game kanina or yung ginagawa kong diskarte kay Rhian. 

"Uhm. Thank you po" I said to her.

"Bakit hindi ka sumali sa team? You can do better, magaling kang bata" Mrs.Helen said. Pero ayoko talagang sumali.

"Ma'am, retired na ako sa paglalaro, pinagbigyan ko lang po kayo, besides, I have my priorities, hindi ko pwedeng pabayaan yun."

"Hmmm. I understand Ms.Galura. But if you change your mind, welcome ka sa team."

"Thanks coach"

Buti na lang tapos na akong nagshower at agad na din akong umalis para puntahan mga kaibigan ko at syempre pati ang girlfriend ko!

"Sorry, medyo natagalan ako. I miss you!" I said to Rhian.

"Hoy Cha! Mamaya na yang paglalambing mo! Gutom na kami" singit naman ni Kath, kahit kailan talaga to panira!

"Glai, halika na, gutom na talaga kami. Hahaha" Rhian said. Syempre hindi ko hahayaan magutom ang mahal ko.

"Halina kayo! My loves, sa akin ka kayo sakay ni Bianca" Rhian just nod at me."
.
.
.
.
.
.

"PIZZA HUT!" Sigaw ni Chynna, hindi talaga halata na gutom to ah! 

"Tamang tama, gusto kong magpizza, nakakapagod naman kasing iistalk si Florante buong araw!  Haizt" sabi ni Bianca. Sino naman yung Florante? Grabe ang baduy ah.

"B! Ano ba, pwede bang huwag mo munang isipin o kaya banggitin yung pangalan ng crush mo! Baduy eh!" Saway ni Rhian sa kanya, ako naman pati na yung dalawa medyo natawa, pero di na lang namin pinahalata.

"Basag trip ka talaga bestie! Hmft!" Sabat naman ni Bianca sa kanya.

"Guys, just order what you want." I said to them, syempre itong mga kaibigan ko, aabusuhin nila to, once in a blue moon lang ako manlibre pagdating sa kanila eh. Hahaha.

"So B, so crush mo si Florante? Kaklase mo ba siya? Kwento ka naman on" I ask Bianca. Wala lang gusto ko lang malaman kung anong meron sa Florante na yan,. Ito namang girlfriend ko, ang sama ng tingin hindi interesado sa pag-uusapan, pero gusto ko lang ng mapagttripan.

"Well yes, kaklase ko si Florante. Grabe ang gwapo niya!" Sabi ni Bianca, si Rhian, sama pa din ng tingin sa akin. Hahaha.

"Tapos alam niyo ba, ang sweet niya sa akin kanina!" Pagmamalaki ni Bianca sa amin.

"Talaga? Pinansin ka?" Walang ganang tanong ni Rhian.

"Oo bes! Hindi lang pinansin, SINIGAWAN PA AKO! Grabe sobrang kinilig ako kanina. Tapos sabi pa niya 'STAY AWAY FROM ME YOU FREAK!', grabe talaga, iba yung dating niya eh, ang hot" ako naman, natawa sa sinabi niya, pero siniko ako ni Rhian, para magstop, pero yung dalawang asungot, ayun hindi mapigilang tumawa.

"Tapos kanina, hinarangan ko siya, para naman matouch ko yung skin niya sa skin ko, tapos binangga niya ako, kaya napatumba ako! Grabe bestie! That was the best day of my life! Itong si Florante pakipot pa eh. Type din naman ako" napanganga na lang kami sa mga sinabi niya.. Wow, just wow.

"Wow bestie, congrats. Hehehe" sabi ni Rhian, sabay lingon sa akin.. Buti naman dumating na yung food.

Habang kumakain kami, hindi namin mapigilan na maging sweet sa isa't isa. Sinusubuan niya ako, pati siya ganun din sa akin. Yung tatlo naman kinikilig na ewan, kahit si Kath, kinikilig din, nakamove on na daw siya sa akin, may bago na daw siyang type, kaso di pa niya sinasabi kung sino.

"Grabe kayo ni Glaiza bestie, sana maging ganyan din kami ni Florante!" Sabi ni Bianca sa amin.

"Ahh. Hehehe" sagot ni Rhian. Natawa na lang ako sa reaksyon ng girlfriend ko! Hahaha.
.
.
.
.
.
.

"Guys, kayo na bahala kay Biaca ah." Sabi ko dun sa dalawang asungot.

"Don't worry. Oy cha! Don't be so hard on her, baka hindi yan sanay. Just be soft" sabi Chynna, and to be honest I don't know what she's talking about.

"Ano?" Ask her.

"Ang sabi ni Chynna, huwag mong pagurin at sagarin si Rhian! Baka hindi sanay sa sex yan" sabat ni Kathrina. WTF?!

"ALAM NIYO ANG DUDUMI NG UTAK NIYO! UMALIS NA NGA AKO! MGA PUNYETA TALAGA KAYO" Bwisit. Ito naman si Rhian, tawa ng tawa.

"Hey what's so funny?!" Kunot na noo kong tanong sa kanya.

"Wala, hahaha. Ang cute niyo lang kasi. Hahahah" 

"Ikaw, halika na, hatid na kita" i said to her.

"Hatid lang?" Disappointed na tanong niya,

"Oo why?"

"Wala kang gustong gawin sa akin this night? Malamig pa man din" she said. Problema nito.

"Edi magkumot ka. Alam mo halika na nga! Daming satsat eh!" I said to her. Ang rude ko nuh.

"Hahaha! Sayang, akala ko I'll get laid tonight hahaha!" 

"Seriously Rhian? Pati ba naman ikaw? Kung alam mo lang, hirap na hirap akong pigilin yung hormones ko sayo, pero kasi I respect you, at ayoko munang gawin yun, kasi hindi pa ito yung right time"

"Joke lang, ito naman, sinasakayan ko lang trip ng mga kaibigan mo. Hahaha. Halika na nga"

Sumakay na kami sa kotse ko. Habang nasa byahe kami, pinag-uusapan namin si Florante ni Bianca, grabe tawa kami ng tawa. Iniisip ko nga kung magbestfriend ba talaga sila Rhian at Bianca, grabe kasing makalait tong si Rhian eh. Hahaha.

Ilan sandali pa lang ay nasa condo na kami ni Rhian..

"So dito na ko, sure ka na wala kang gagawin sa akin tonight?" Loko talaga to.

"RHIAN!"

"HAHAHAHA! Joke lang po my loves, sige na, punta na ako. Ingat ka sa pagddrive ah", Paalala sa akin ni Rhian, ang sweet niya ah. Loko loko din.

Bago pa man makaalis si Rhian, agad ko siyang hinila at hinalikan sa lips, syempre good night kiss yun nuh. Sayang naman.

"Ikaw talaga napakaninja mo!" Sabi niya sa akin.

"Para naman masarap tulog ko. Btw, DAPAT 5:00am GISING KA NA, kasi kung hindi gagapangin na talaga kita!" 

"BAKIT? Glaiza, 8:30am ang klase natin bukas, and you want me to wake up at 5AM?! No way!" Pagrereklamo niya. Sabi ko na nga ba eh.

"Just do what I said. Ok! See you tomorrow, I LOVE YOU!"

"I LOVE YOU-HIN MO YANG MUKHA MO! Hmft!" Agad na itong bumaba ng kotse, ako naman tawa ng tawa., HAHAHAHA.. Grabe siya oh.

RHIAN'S POV

Ang saya ko naman this day. Naging GIRLFRIEND ko na nga yung dating nerd na yun. Hahaha. Yung dating pretending girlfriend ko, ngayon talagang girlfriend ko na. Hayss! Ang saya talaga. Di ko talaga akalain na ganun yung gagawin niya, ang effort niya ah, talagang nagsalita siya sa harap ng maraming tao. Well wala naman silang magagawa, mahal lang talaga ako ni Glaiza, at syempre mahal ko din siya.

Pero pinoproblema ko pa din yung Georgina na yun, paano kung umeksena yun? Sabi naman ni Glaiza, siya na daw bahala, so I'll just trust her, lalo na ngayon girlfriend ko na siya,. I know Glaiza love me so much, nararamdaman ko yun, kaya willing akong ibigay sa kanya ang full trust ko. Susuportahan ko siya sa lahat ng desisyon niya., at hindi ako magsasawa sa moody niyang ugali..

Sa buong gabi namin magkasama ni Glaiza, naging masaya naman kami, dahil kasama namin mga kaibigan namin na labis kung makasuporta.. Puro kami tawanan dahil sa mga kwento ni Bianca kay Florante na yan, hindi ko alam kung aware siya na ayaw sa kanya nung lalaki, based sa pagkkwento niya, pero itong si bakla, feel na feel, feel niya may gusto din sa kanya si Florante, kaya hinayaan na lang namin.

Pagkahatid sa akin ni Glaiza sa condo ko, hindi ko maiwasan na hindi siya asarin, loko kasi ng mga kaibigan niya at binigyan ako ng idea to make fun of her. Hahaha. Grabe, pero syempre joke lang yun, sabi nga ni Glaiza, may time para dun, and for sure hindi pa yun ngayon.

Hindi pa din maalis sa isipan ko kung bakit kailangan kong gumising ng maaga bukas, anong trip ni Glaiza. Pero sundin ko na lang, baka di makapagpigil yun. Kaya after kong maligo, agad akong humiga at matulog.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

"Good Morning sleeping beauty" grabe sino ba yun? Nananaginip ba ako? Parang si Glaiza yun ah. Haizt. Itulog ko na lang.

"Hey, Rhian, wake up!" Hindi ko pa din pinansin kung sino man yung nagsasalita, inaantok pa ako.

"Gigising ka o gagapangin kita?" Shet! Bigla akong napaupo sa narinig ko, Glaiza is here. Agad kong chineck yung time ko, and it was 4:47am.

"Glaiza! Ano ba! Ang aga aga eh! Please, let me sleep!" Pagmamakaawa ko sa kanya, dahil sa antok ko humiga ulit ako at tinakpan ng unan ang ulo ko, para di ko marinig ang sasabihin niya.

Pero agad niya akong binuhat ng parang sako! 

"ANO BA GLAIZA! IBABA MO AKO! GUSTO KO PANG MATULOG ANO BA?!!!"

Ipinunta niya ako sa cr, at agad niyang binuksan ang cold water.

"AHHHHHHHH! GLAIZZZZAAAAA!" Tili ko dahil sa sobrang lamig, at agad din umalis si Glaiza.

Dahil sa basa na ako, naligo na ako. Naku Glaiza,, this better to be good or else, kakatayin kitang buhay! 

Ilan sandali din ay natapos na akong naligo at pagkalabas ko, napansin kong wala si Glaiza sa kwarto ko, and may damit na akong nakaready. At sa pagkakaalam ko, wala akong ripped jeans at black v-neck na print na red na circle sa gitna.,

Agad ko naman itong sinuot at inayos ko na din sarili ko, para makalabas na ako ng kwarto at masapak ko na si Glaiza sa pagsira ng tulog ko.
.
.
.
.
.
"ARAY NAMAN RHIAN. SORRY NA." halos ihampas ko na sa kanya yung unan na nasa salas, bwisit talaga tong babaeng to, ganito ba tong magtrato sa girlfriend niya.

"Alam mo kaasar ka ah! This better be good, or else!"

"Hahaha! Opo. Halika na, kain na muna tayo ng breakfast bago tayo umalis." She said.

"San tayo pupunta?" I ask her.

"On a date." 

"DATE?! AT 5AM SOMETHING? Anong trip mo Glaiza?!" Tanong ko sa kanya.

"Don't worry, ipapasyal kita. Pupunta tayo ng Tagaytay" wow, Tagaytay.

"Bakit sa Tagaytay? Glaiza may klase tayo mamaya" Paalala ko sa kanya, baka nakalimutan niya eh.

"I know, pero walang pasok ngayon,." Walang pasok? Why?

"Bakit walang pasok?" I ask her.

"Simple lang, sabi ko eh. Hahaha! Sige na kain ka na jan" Oo nga naman, pagsinabi ni Glaiza na walang pasok, walang pasok. Naalala ko, siya pala ang may-ari ng university, tanga mo talaga Rhian, di ka nag iisip..

"Ganun po ba Ms.Galura?" 

"Yes, Ms.Howell, kaya please, bilisan mo na jan, at makapunta na tayo. Dahil marami tayong pupuntahan" 

Medyo naexcite ako sa sinabi ni Glaiza, grabe makakapasyal ulit ako, dahil stress na ako sa school works! 

Ilan sandali lang, natapos na din kaming kumain, syempre dahil mabait ang girfriend ko siya ang naghugas. Hahaha. Cute cute niya lang.

"Ready ka na ba?" She ask me.

"I'm always ready Ms.Galura" 

"Ok, halika na"

Nasa kotse na kami ngayon ni Glaiza, habang nasa byahe kami, tahimik lang sa loob, dahil itong si Glaiza focus sa pagddrive.

"My loves, tulog ka muna, mahaba haba byahe natin" pagbabasag ng katahimikan ni Glaiza.

"Osige, medyo inaantok pa ako eh"

"I'll just wake you up, kapag andun na tayo. Ok? Sweet dreams. I love you!" Ang tamis naman ng babaeng to!

"I love you more!" Agad na din akong pumikit dahil sa antok ko.
.
.
.
.
.
"Rhi, wake up andito na tayo, mag ayos ka na jan" Glaiza told me.

"Hmmm. Asan na ba tayo? Grabe nakatulog lang ako buong byahe. Hehe"

Nakarating kami mga bandang 9:32am.

"Halika na, baba ka na jan. Para mailagay na natin gamit natin sa loob" she said.

Dahil medyo nagmamadali siya, mabilis ko na inayos sarili ko.

"Asan ba tayo Glai." Tanong ko sa kanya, andito kasi kami sa isang hotel.

"Sa Taal Vista Hotel" wow, ang ganda naman dito. Mukhang mag eenjoy ako sa early bakasyon ko ah.

Agad na kaming pumasok at kinausap yung nasa receptionist area.

"Ma'am, what can I do for you? Nakapagreserve po ba kayo?" The woman ask.

"Yes, 2 rooms for Ms.Glaiza Galura" Glaiza said, ako naman nakikinig lang sa usapan nila..

"Sige po ma'am, wait lang po" chineck ni ate yung name ni Glaiza sa may computer niya.

"Ah, Ma'am, one room lang naman po yung nakaregister sa inyo" the woman said.

"What? I said two rooms!" Galit na si Glaiza.

"Eh Ma'am, one room lang naman po yung nakalagay eh,."

"Ok sige, kukuha na lang ako ng isa pang room"

"Ma'am sorry, full kami ngayon eh" 

"Ate sige na kukunin na namin yung room" singit ko dun sa dalawa. Si Glaiza naiinis pa din.

"Ate ah. Kapag may nangyari sa amin ng girlfriend ko, kasalanan mo ah." Sabat ni Glaiza, si ate naman, medyo natawa sa sinabi niya. Hahaha. Kaya pala gusto ng dalawang room, para makaiwas sa kasalanan. Hahaha.

"Glai, ok lang yan. Halika na, para mailagay na natin yung mga gamit" i told to her, sumunod na lang siya.
.
.
.
.
.
.
.
"Wow naka suite tayo ah. Sosyal!" Ang ganda kasi nung kwarto NAMIN..

"Oo nga eh. Kaso wala man lang couch na pwede kong pagtulugan" 

"Glaiza, ang laki nung kama oh! Kasya tatlong tao jan!" I told to her

"I know, I can see that. Pero kasi ahhh! Nevermind"

"Sus naman Glaiza, parang walang nangyari sa atin before nag iinarte ka jan!" Sabi ko sa kanya, yun yung time na pagkagising ko nasa unit ako ni Glaiza, nakahubad, literal na nakahubad,.

"Wala naman talagang nangyari sa atin that night eh. Niloloko lang kita. Naniwala ka naman! Hahahah" WHAT? Pero bakit disappointed ako.

"Wa-wala? Eh bakit nakahubad ako? At sabi mo may nangyari sa atin?!" 

"Wala nga, kaya ka lang nakahubad, kasi pinaalis ko damit mo kay manang nasukaan mo diba, si manang isa sa mga nagttrabaho sa condo. Tapos nakatulog ako sa salas that time, dahil sa sobrang antok kaya hindi na niya natanong kung saan siya kukuha ng damit, kaya iniwan ka na lang niyang nakahubad. Rhian, lasing ka that time, hindi ako yung tipo ng tao nagtatake advantage ng lasing, not unless kung gusto mo talaga" 

"Bakit ngayon mo lang sinabi?!" I ask her.

"Wala lang. Hahaha! Alam mo, magpahinga muna tayo kasi mamaya, may pupuntahan na tayo." Agad ng humiga sa kama si Glaiza, wow talaga, hindi na ako pinagsalita pa.

Dahil na din napagod ako sa kakaupo lang, nahiga na din ako kasama ni Glaiza at agad naman niya akong niyakap..

Ilan sandali lang naramdaman ko na nakatulog na siya, kaya natulog na din ako.. Sarap palang katabi ng isang Glaiza Galura sa kama. I feel safe when she's around..

-----

AN:

Ok guys, I change my mind, hahatiin ko na lang para hindi masadong mahaba itong chapter na to. Tagaytay Adventure tayo ngayon. Hahaha. Sweet moments and kalokohan moments muna tayo. :)) 

Enjoy! See you sa next update. 

Don't forget to vote guys. Salamat. 

Continuer la Lecture

Vous Aimerez Aussi

114K 3.7K 57
There's one person who are meant for us ... One person that will let us feel how perfectly imperfect we are. When Mikha met Aiah's eyes she knew at t...
38.1K 946 23
One of the hardest thing to deal with Is being secretly in love with your best friend. ᴊᴜsᴛ ʀᴇᴀᴅ ᴛʜɪs ɪғ ʏᴏᴜ'ʀᴇ ʙᴏʀᴇᴅ. (𝐆𝐗𝐆)ᴄᴏᴍᴘʟᴇᴛᴇᴅ✔
434K 11.5K 63
Completed Story My First gxg story. Paano kung isang araw bigla kang iwan ng taong mahal mo? Yong akala mo kayo na pero hindi pala. Mahirap ang LDR...
469K 13.7K 56
No description . Basta basa lang 😁😁.