She's O.B.M.

By yeppome

35.5K 509 38

Property of YeppoMe ---- (Completed: March 07, 2014) Story: Eh paano nga ba kung isa kang babaero, walanghiy... More

Prologue
Meet the Casanova
Author's Note: About OBM
How I met her
The Punishment
01. She's so not my type.
02. She's so gullible!
03. She's a "he"
03.02: She's a "he"
04. She's a bookworm.
4.2
05. She's childish. A coward.
05.02
05.03
5.4
Author's Note: Matagal Na Update
6.2
Yung bracelet...
Her P.O.V.
Masarap ang isaw. Bow.
HAPPY NEW YEAR!
07. She's afraid to fall.
7.2
Chapter 7.3
7.4 - Save me from this nightmare
Shattered Heart Pieces
Slowly
Alvin
08. She's an attention seeker
Chapter 8.2
Diskarte
Para sayo ♪
Best Day Ever <3
Masaya kami e. Masayang masaya.
The Big Game
Author's Note: Can you guess it already?
Art of Letting Go
The things I do for her
Prom Night
His double ex-girlfriend
"Jagiya"
The Final Test
09. She's a pain in the ass.
Big Reveal to Him
I won't give up.
10. She's my worst nightmare
Epilogue: Never letting go.
Bonus Chappy:

06. She's bright as the sun.

827 10 1
By yeppome

Hallu! Kamusta naman kayo? Hahaha. After 1 month siguro? Ito na yung update. Medyo mahaba ito kaya enjoy niyo na. Sana di kayo nainis. Sorry na po. Busy busy din. Magaral ng mabuti ng makatulong sa bansa. Naks.

Enjoy reading!

06. She's bright as the sun.

December 24

Yan ang sinasabi ng kalendaryo ko sa cellphone ko pagkagising ko. Gumalaw galaw ako ng kaunti pero tumigil ako ng makita kong  nakayakap nga pala siya sakin. Di ko mapigilan na hindi ngumiti. Hinawi ko yung buhok sa mukha niya at hinalikan siya sa noo. 

Damn, I love this girl.

Unti unti akong umalis sa pwesto ko at nagdiretso pababa para ipagluto siya ng breakfast.

Hoy, marunong ako magluto ng breakfast. Ano kala niyo no?

Buti nalang nag-grocery si Tarantina bago umalis dito sa bahay. Kundi =____= Mananagot yon sakin pagbalik. I perfectly cooked  the eggs, bacons, and hotdogs. Oo, perfectly cooked talaga siya. Magaling ako magluto! Kaso...yan lang tatlo ang kaya kong lutuin eh =_____=  Heyy. I tried to cook something different before. Pero di naging kulay toyo yung Adobo. Duhh. Malay ko bang patis yon?! Kala ko toyo eh. Ay, tama na nga tong kabobohan ko!

Gigisingin ko na siya :') With this breakfast. Oh diba, breakfast in bed. Paakyat na ako ng napasilip ako sa garden. 

Nakakatuwa yung kulay ng mga bulaklak. Mahilig kasi si Mom mag-alaga ng bulaklak. Actually, sila ni Dad. Ewan ko ba kung anong buto ang tumubo sa kanila na nalanta sakin? =______________=  Habang nakatingin ako sa mga bulaklak..Napaisip ako...

Magsama kaya ako ng bulaklak? 

Sabi nila, gusto daw ng babae yon. Gusto nga ba? =____= Di pa kasi ako masyado nagbibigay ng bulaklak sa babae ehh. Tsaka, aanhin nila yon? Eh! Bayae na nga. Baka mapangiti ko siya dito. binaba ko yung tray sa lamesa. Lumabas ako ng garden at namili ng bulaklak.

"Rose kaya?" I smiled. Then pinitas ko yung rose. Paalis na ako ng nakita ko ang isa pang flower na di ko alam ang tawag. 

"Parang ang common na ng rose. Ito nalang isa" sabi ko sabay pitas. Napalingon ako sa ibang bulaklak. Lumapit ako doon sa kulay red. Nakakatuwa. Kaya pinitas ko. 

Uyy! Ang ganda noon!

*pitas*

After a few minutes.....

"Ito na talaga ang magandang bulaklak. Sunflower! Bagay sa umaga. Tama ito nalang" sabi ko sabay pinitas ko ito at paalis na ako ng nakita ko yung paligid. Macaroons. 

Kalbo na ang garden ni Mommy O______________O

Dali dali kong inipon yung mga napitas kong mga bulaklak at tinapon sa bakod ng kapitbahay. Bwahahaha. Sama ko ba? Nagmadali akong pumasok sabay nilagay ko sa katabi ng eggs yung flower. 

Siguro kikiligin na sakin tong babaeng to. Sino ba naman magaakala na ganitong kagwapo? Gagawan siya ng breakfast? In bed pa?! Bwahahaha. Miski ako di ko akalain e =____________=

Pero nakakatuwang isipin kung saan kami nagsimula. We started like dogs and cats. Bangayan dito, asaran doon. Sampalan dito, sapukan doon. Then she became special to me in a way that I really don't know. All that I know is that I love her. And I want to make her feel it. Make her feel special. Yun lang. Napangiti ako. At kumatok sa pinto.

Ay teka. Tanga ko naman =_______= Tulog diba? Bakit bubuksan?! Pheeew.

Binuksan ko yung pinto at sakto! Natutulog pa rin siya. Mehehe. *evil smile* Shoo shoo! Di ako ganon noh =_____= 

Inilapag ko yung tray sa lamesang katabi ng kama ko. Tiningnan ko siyang mabuti. Tulog kaya talaga to? Hinawi hawi ko yung buhok sa mukha niya. Unti unti akong napangiti. 

"Gising na" sabi ko sabay upo sa tabi niya. 

"Ayoko"

"Gisi--" Teka... Niloloko yata ako neto eh?! Napatayo ako sa kama. Oo, sa kama talaga. "Eh gising ka naman eh?!"

"Di ah!" sabi niya sabay cover ng kumot sa mukha niya. 

"Gusto mo lang magpagising e" sabi ko tapos umupo ako sa tiyan niya. 

"Eh! Shoo! Ang bigat mo naman!" sabi niya habang sinasapok ako at nagsisisipa. Aba..

"Eh gising ka naman eh!"

"Hindi nga sabi! Gisingin mo ako dali"

"Ewan ko sayo"

I rolled my eyes and stood up again. Nakaisip ako ng evil plan. Kung gusto niya magpagising, magigising talaga siya dito. 

Ngumiti ako ng nakakaloko at bumwelo ng kaunti.

Sabay nagtatalon sa kama.

JUMP! JUMP! JUMP!

"Gising naaaaaa! Ewan ko lang kung di ka pa magising nitong babae ka"

"WAAAAA! LINDOOOOL! TAMA NA!"

"Gising ka naaaaa!!"

"Oo na! Oo na, gising na! Gising na! Kakahilo!" sabi niya sabay inupo niya yung sarili niya sa kama at sumandal sa ding ding. 

Nakasimangot. Tinigil ko yung pagtatalon ko at nilapitan ko siya. 

"Gising ka na ba?" sabi ko sabay ngiti ko ng nakakaloko. 

"Oo na! Oo na. Iba kasi ineexpect ko na panggising mo eh..."

"Oh ano naman yon?"

"Wala! Basta!" 

Sumimangot siya sakin sabay tumungo. Ano  naman gusto nito?! Ang demanding. De puta =_____= Ganito ba talaga mga babae? 

Kailangan ba talaga may encoder kami ng mga gusto niyong gawin namin? Alam niyo  naman na ayaw namin na sisimangot kayo samin eh =____= Anak ng pushanggala nga naman o. 

Iniling ko yung ulo ko sabay napaisip ako. Could it be...Yun kaya yung gusto niya? Tumingin ako sa kanya at nilapit ko yung mukha ko. Tumingin siya sa mga mata ko na parang may sinasabi? And there goes her eyes again. Captivating me over and over again. And that's it, I got lost. Lost inside her eyes. Hinawakan ko yung pisngi niya at pumikit siya. Pero hindi yun yung gagawin ko. Masyado pang maaga. Heller, 6am pa lang?! Ngumiti ako at hinalikan siya sa pisngi. 

"Good morning" sabi ko sabay layo ko. Napailing siya tapos kumunot ang noo =___= Manyak moves niya ohh. "Oh? Ano ba gusto mo?"

"Wa..wala" sabi niya sabay ngumiti sakin. Sakto, bigla siyang napatingin sa tray na nilagay ko sa lamesa. Damn! Nalimutan ko na may dala nga pala ako sa kanya! =____= "Uyyy! Para sakin ba ito?! Wow! Breakfast in bed!" sabi niya at akmang hihilahin na yung tray ng naunahan ko siyang kunin yon. 

"Ops ops ops. Paano ka nakakasigurado na iyo yan ha?"

"Ilangan naman no! May flower kaya. Malamang para sakin! Unless, kumakain ka ng halaman" Ay baliw. Hahaha.

"Ewan ko sayo"

"Sapukin kita dyan e" sabi niya.

"Mahalin kita dyan e"

'Sapu-- Teka, ano?!"

"Wala, wala! Oh para talaga yan sayo" sabi ko sabay umupo ako sa tabi niya. Pinipigilan kong ngumiti kasi napaslow niya talaga. Hahaha. Muntik na ako don. 

"Yieeee. Tutee ha! Mesyedeng sweet!" sabi niya habang sinusundot sundot yung mukha ko.

"Kilig ka naman?!"

"Hindi no!" sabay tumungo siya. She's blusing! I can tell! Hahahaha. "Kain na nga tayo. Sino nagluto nito?" Sabay change topic? Hahaha.

"Ako, syempre!"

"Eh?" sabi niya na ang tono e, parang nawalan ng gana? "Ikaw muna kumain.."

"Ba..bakit? Wala yang lason, timang!"

"Natimang pa ako. Sus, ikaw muna. Naninigurado lang"

"Ayaw mo, edi wag. Ikaw na nga itong pinagluluto e. Ayaw pa" Akmang tatayo na ako ng nahawakan niya ako tapos hinigit.

"Teka, teka!! Joke lang. Masyado kang hot. Agang aga e. Kakain na po" 

"Good girl"

"Pati ba yung sunflower, kakainin ko?" Henebeyen T____________T

"Depende sayo. Di kita pipigilan"

"Patawaaaaaa" sabi niya sabay tumawa siya. Eh? Nakakaloko to. Hahaha. 

Pinagmasdan ko siya habang hinahati niya yung itlog. Parang natatakot pa siyang tikman T____T Walang lason yon e! Pinagluto ko na nga siya. Pweeehhh. Miski nga ako, di pa nakain :((( 

"Mukha namang safe" sabi niya sabay subo. 

"Safe talaga yan!" sabi ko habang pinagmamasdan siya. "Alam mo..Ikaw lang ang pinagluto ko ng breakfast" Ngumiti ako sa kanya.

"Talaga?" sabi niya habang puno pa yung bibig niya. Sinamual ba naman yung buong itlog.

"Oo naman! May Yaya kaya kami. Kaya ikaw lang talaga napagluto ko ng ganyan.."

"Bakit mo naman ako pinagluto? May kasamang sunflower ka pa nalalaman. Tapos mamaya, sa kapitbahay mo pala pinitas?"

"Hindi no! May garden kaya kami. Tsaka..ano...Wala lang..." Huminga ako ng malalim at tumingin siya sakin. "Naisip ko kasi na baka mapasaya kita kapag dinalhan kita niyan.." Kagabi kasi, malungkot ka. How I wish nasabi ko yon.

"Salamat" sabay ngumiti siya sakin na alam kong may meaning. Oh diba, naks. May meaning. Ngumiti na rin ako sa kanya sabay tumingin ako sa pagkain niya. "Gusto mo?" tanong niya sakin. Aba, malamang. Di pa kaya ako kumakain.

"Halata bang gutom na ako?"

"Medyo. Hahahaha. Di ko kasi magets kung sakin ka nakatingin o sa pagkain?" sabi niya sabay kumuha ng parrte sa bacon at tinapat sakin. "Say ahhhh"

"Ano ako ba--" Di ko na natapos yung sinasabi ko dahil pinasok na agad niya yung kutsara sa bibig ko. Lecheng yan. No choice ako, nguya lang.

"Ito pa ohh" sabi niya sabay sinubuan ako ulit. "Nakakatuwa para tayong mag-asawa"

Mag-asawa? Sabagay. Ganon nga si Mom at si Dad dati ^_________________^ Napangiti naman ako sa sinabi niyang yon. Siguro kung siya ang magiging asawa ko. Hindi kami madalas mag-away. Madali lang kasi siya kausap e. Slow man, susundin naman niya ako.Ay ewan ko! Ayoko pa isipin yang mga ganyan ngayon. Naiilang ako. 

"Ay tutee! Punta tayo mall ha? Bibili lang ng regalo. Bibilhan ko si Nanay, si Tatay, si Kuya, at si Bunso syempre!"

"Sige"

"Ikaw? Wala ka bang gustong regaluhan?"

"Wala"

"Regaluhan mo naman pamilya mo! Napakatimang neto!" sabi niya sabay sinapok ako. 

"Oo na! Oo na, magreregalo na. Bahala na. Uwi ka munaa sa inyo, magpalit ka ng damit ha? Ang baho mo na e"

"Eh! Di naman! Pero basta, magreregalo ka sa kanila ha? Para naman maramdaman nila na special sila sayo"

"Ganon ba purpose non?"

"Oo, bibigyan mo mga tao na special sayo"

"Sus. Gusto mo lang maregaluhan eh"

"Ha? Ba..bakit ako mareregaluhan? Nino?"

"Wehh! Gusto mo lang maregaluhan kita kasi special ka sakin. Hahahahaha"

Napatawa nalang ako kasi halatang halata siya. Pero bigla akong napatigil ng makita ko siyang di tumatawa, nakatitig lang sakin. Parang nagtataka. And then I realized what I said O_____O

"Ah...Ligo lang ako"

"Sige, bilisan mo"

"Ah...Sa baba ako maliligo..Para magamit mo CR ko.." sabi ko sabay kinuha ko yung tray sabay takbo  pababa. 

Dugdug. Dugdug.

Paktay ako. Pumasok ako sa CR at naligo. Napapaisip ako. Bakit ganon? Sa dami ko ng ginagawa, bakit di pa rin ako mapansin? I mean... Yung...Mapansin niya yung ginagawa ko para sa kanya..Para kasi sa kanya...Tutee niya lang ako..TUTEE lang...Sumasama lang siya sakin kasi nakalagay sa kontrata..

Ang hirap naman =____= Paano ba magpapansin sa isang taong slow?

1. Make her smile.

Eh, napangiti ko na siya sa breakfast diba?

2. Do the things that'll make her happy.

And I did almost everything.

3. Tell her how you feel.

No. Paano kapag dedma ako? Edi paktay na?

Yan ang mahirap kapag nagmamahal ka ng lihim  e. Di mo alam kung hanggang kelan. Di mo alam kung matatapos na ba, ititigil na ba o ipagpapatuloy pa. Kasi nangangapa ka lang naman sa bawat pangyayari sa inyong dalawa =_____=

Hayyy. Lumabas ako ng C.R. na naka-bath robe. 

"Mahal kita! Pero di mo lang alam...Yeaaahhh!" Kumakanta ako habang iniikot ikot yung tali ng bath robe ko..Singer mode...

"♫Mahal kita! Pero di mo lang--" Napamulat ako at nakita ko yung babaeng yon na nakatitig sakin. 

"Patawa?"

"Ewan ko sayo" sabay takbo ko sa taas at nagbihis. Nakinig ko siyang sumigaw na bilisan ko daw. Mabilis naman talaga ako magbihis. Tiningnan ko muna yung sarili ko sa salamin bago ako bumaba. Oh yes, kamukha ko na si Tetsuya. Hahaha. Kilala niyo yon? Pagkababa ko, ngumiti agad siya sakin.

"Tara na?" sabi niya.

"Di ka naligo?"

"Hindi" =____=

"YUUUUCK! HAHAHA. SASAKAY KA NG KOTSE KO NG DI KA LIGO?" Hahaha. Asar mode ON.

"Eh! Maliligo naman ako mamaya!"

"Eh, hinde hinde. Di ka naligo. Bantot bantot! Hahahaha"

"Che!"

Sumakay na kami ng kotse at nagsimula na ako magdrive. Inside the car? Puro asaran kasi di siya naligo. Wahahahaha. 

Pagkadating namin sa bahay nila, nakita ko agad yung Tatay niya na nasa labas. Tinigil ko yung kotse at pinagbuksan yung babaeng yon ng pinto ng kotse ko. Syempre, paimpress sa Tatay muna.

Habang papalapit ako, parang gusto ko na umatras dahil sa nanlilsik na mata ng Tatay niya. Grabehhh na ituuu. Pero tumindig ako at ngumiti sa kanya.

"Goodmorning po" 

"Oo, morning. Morning mo na talaga inuwi ang anak ko"

"Tay, aalis din po kami ni Tutee. May bibilhin lang po" sabay iniwan niya kami at naligo na yata. 

"Ahh..Sir..Maasahan niyo po na walang nangyari samin ng anak ninyo.."

"bakit, tinatanong ko ba?!"

"Ah, hinde po! Hinde po...Ang ibig ko pong sabihin eh...Baka po kasi itanong niyo.."

"Alam ko. Hindi ganoong klase ang anak ko.." sabay pumasok siya at naiwan nalang ako sa labas. Oooohkaaay. I waited outside for 30 minutes. Hayy. Ang daming tao na ang tumitingin sakin. Di sila siguro sanay na makakita ng gwapo sa labas ng gabok na bahay ng babaeng ito.

After 30 minutes...

"Tutee! Tara na?"

"Nagpaalam ka  na ba?"

"Ah oo. Tara na"

Pumasok na kami sa loob ng kotse ko. At binuksan niya yung radio...

Napaisip nga ako e. Kasi kada bukas niya ng radio.. Laging sakto ang kanta...

Sakto para saming dalawa.

Now Playing: Migraine by Moonstar88

"Ay gusto ko yan! Peborit ko yan eh!"

"Lahat naman favorite mo"

"Sssh! Yan na, kakanta na"

I rolled my eyes and well..no choice...Nakinig na rin..

♫ Oo nga pala, di nga pala tayo.

Hanggang dito nalang ako. Nangangarap na mapa-sayo. ♫

Parang ako lang a? Puro pangarap nalang na mapasakin siya. Walang kasiguraduhan kung anong  mangyayario. Hayss.

♫  Di sinasadya na hanapin pa ang lugar ko

Asan nga ba ako?

Andyan pa ba sa iyo?   

Asan nga ba? Ano kaya ako sa kanya? Hayy. Napapaisip ako sa letsugas na kantang to =_____= Itanong ko kaya? Paano kapag wala? 

Wag nalang =___= Mas mabuti na yung magmahal ng palihim kasya sa umasa ng umasa at magtanong sa kawalan.

♫ Nahihilo

Nalilito 

Ay buntis? HAHAHAHA. Okay =___=

Asan ba ko sayo?

Aasa ba ko sayo?

Gusto ko ng patayin yung radio pero parang natahimik na rin siya sa pakikinig. Tumingin ako sa kanya at nakatingin na siya sakin. Bigla naman siyang tumingin sa labas ng bintana. Weird =____= Nararamdaman rin kaya niya ang nararamdaman ko?

Imposhible. 

♫Nasusuka ako.

Kinakain na ang loob.

Masakit ng mga tuhod.

Kailangan bang lumuhod?

Gusto ko lang naman...

Ay totoo..

Yung tipong ang sagot ay di rin isang tanong ♫

Tama, yun ang gusto ko. Yung totoong sagot. Yung klarong klaro. Pero paano ko makukuha ang sagot kung di naman ako nagtatanong?! </3

"tama na nga yan, malapit na tayo e" sabi ko sabay patay sa radio.

"Eh! Ganda na eh!"

"anong kanta ba yon?"

"Migraine"

"Ha? Ang weird naman ng title?"

"Parang ikaw...Migraine.."

"Anong ako?!" sabi ko sabay park ng kotse ko.

"Sakit ka sa ulo. Nakakalito. Pabago bago!" Pagkasabi niya noon, saktong tigil ng kotse ko at lumabas nalang siya ng kanya. 

Tumakbo sa Entrance at iniwan ako.

Teka, paanong ako? Sakit sa ulo? Pabago bago? Saan? T________________T

Hayy. Nakakalitong buhay to!! Naaalala ko tuloy yung isang line sa kanta..

Yung tipong ang sagot ay di rin isang tanong..

Damn. I need that.

I shook my head and walked towards her. Pagkapasok namin sa mall, sobrang daming tao. Naalala ko yung time na pumunta kami dito sa mall na ito. Yung first time na dinala ko siya dito. She was so naive. She's wearing uniform. And I totally hate her. 

Kumbaga, migraine siya sakin noon. Pero ngayon...

Napatingin ako sa kanya.

We're back. Pero iba na. Feeling ko nga ibang tao na ang kasama ko. At ibang tao na rin ako. Dahil lang sa nararamdaman kong to. 

Sa sobrang dami ng tao, naalala ko nanaman yung natapilok siya kaya hinawakan ko agad yung kamay niya at tumingin siya sakin.

"Baka mawala ka ulit sakin e. Hahaha" At nagsimula na kaming maglakad.

"Di naman ako mawawala sayo e"

Sana nga. Naisip ko. Pumasok muna kami sa Grocery at pinakuha niya ako ng lalagyan. Syempre, ako naman ito. Hila hila itong si basket. Mukha nga akong tanga eh =____= And I just stood there watching her put goods inside.

"Tutee, wag ka mag-alala! Ako magbabayad nito! Relax ka lang!" sabay kindat niya sakin. Para nga kaming mag-asawa e. Siya tagakuha, tapos tatanong niya sakin kung ano  mas maganda. At ang lagi kong sagot ay..

"Tutee, which is better? Itong strawberry jam o itong blueberry?"

"Parehas"

"Alin nga mas maganda?"

"Wala"

"Mas masarap?"

"Nutella"

"Ah ewan ko sayo!"

Tapos magtatanong ulit siya sakin at puro ganoon nalang ang sagot ko. Wahaha. Come on, I hate shopping. And I can't believe na isinama niya ako dito. And after ilang minutes...

COUNTER

"3, 299 po Ma'am"

"Ah wait lang po.." 

"Here" Napatingin siya sakin ng nagabot ako ng credit card doon sa babae. Mabilis naman niyang iniswipe yon. 

"Huyy Tutee! Ano ba yan, sabi ng ako eh!"

"Wag na. Ako na"

"Nakaka--"

"Let's go"

Lumabas kami at bumalik ako sa kotse para ilagay na itong grocery niya. Ay oo nga pala. Bumili na rin siya ng Christmas Decorations sa bahay daw namin =____________= Sakin pa nagtatanong.

"Which is better gold or silver?"

"Gold"

"Bagay ba to sa Christmas Tree na nabili ko?"

"I don't know. Basta gold is better. Mas malaki ang value kapag isinangla"

"Tanga"

"Don't ask me again"

"I'd take a note on that. Che!"

Hahahaha. Sabi na kasing wag magtatanong sakin eh =____= Nagpaiwan siya sa isang place don ng mga shoes. Bibili na daw siya sa Tatay niya. Mabilis naman ako nakabalik kung nasaan siya. 

"Oh, Tutee. Sa Dad mo, di ka bibili?"

"Pssh, what can I give to him? Halos lahat nasa kanya na no"

"Syempre maganda yung galing sayo no!"

"sige magdodonate ako ng dugo"

"weh? patawa? hahaha. korny mo. sige na bumili ka na. ito binili ko sa tatay ko ohh, relo..tapos sa mom ko naman, itong sandals, tapos sa Kuya ko, itong sapatos, then kay Bunso, bumili ako ng dress. Bilis ko mamili no?"

"Oo"

"Bilis din mawala ng pera ko. Hahahaha"

"Dapat kasi inintay mo muna ako bago ka magbayad"

"Heller, regalo ko, ikaw magbabayad? Hay nako! Bili ka na dali. Ganito na rin bilhin mo"

"Fine"

I nodded and agreed kasya mangulit pa siya. Bumili ako ng relo na simple lang for my Dad pero medyo may kamahalan. Nanlalaki nga yung mata ng babaeng kasama ko e. Then of course kay Mom. Yung angel na statwa. Ewan ko ba kung bakit nagcocollect si Mom ng angels. Nakakapagpaalala yata yun sa kanya kay Daddy. Kasi yun yung unang bigay ni Dad kay Mom noong nanliligaw pa siya.  

Isang angel. Cute non. Hahaha. And simula non, nagmukha nang angel souvenir store ang parteng salas namin =______=

Sino pa ba reregaluhan ko? Bigyan ko kaya yung Tatay ng babaeng to? Para gumaan loob sakin. Tama! Daanin sa suhol! Yes!

"Tutee, may titingnan lang ako don a?"

"Sige. Wag ka masyado lalayo"

Sakto. Naghanap agad ako ng pwedeng ibigay. At ang naisip ko ay sapatos. Sapatos na mamahalin. Habang namimili ako, nakita ko yung sandals na laging suot ni Mrs. Rosenburg. Hahaha. Alala niyo pa ba siya? Si NGOT. Tiningnan ko yung price. Ay letse! 

Hahaha. Mura lang pala =____= Kamusta na kaya yon ngayon? Napaisip ako sa sinabi niya. Tama nga siya. Nakakainis. May malaking magiging pagbabago sakin...dahil sa punishment niya..

And i hate to say this but...She deserve my thank you...Gahd. 

Binili ko na agad yung para sa Tatay niya. Paano kaya ako makakabili ng regalo sa kanya? Eh kasama ko siya =____________= 

Isip isip.

"Tutee, tara na-- Ano yan?"

"Ah wala! Bibigay ko sa kaibigan ko"

"Wow ha, bumabait. Hahahaha. Nawawala sungay mo oh! Nagiging halo!"

"Ewan ko sayo"

"Galit na agad?"

"Pwede bang umuwi ka muna?" Ay letse. Bakit yon ang nasabi ko?

"Ha? Ba..bakit?"

Di ko naman pwedeng sabihin na bibili ako ng regalo sa kanya T___T Gusto ko surprise! Pfft. Lumingon lingon ako at nakita ko na lumabas yung Janitor sa Janitor's Closet. Iniwan niya yung susi sa may labas. Ay, don lang iniwan?

Nakaisip bigla ako ng evil plan.

"Uy, Tutee. Bakit? May nagawa ba ako?"

Psssh T___T No choice. Bibilisan ko nalang ang pagbili. Tumingin ako sa kanya at hinigit siya papunta sa Janitor's Closet.

"Teka lang. Saan tayo pupunta?

"Basta"

Pagkadating namin don, sinusian ko yung Janitor's Closet.

"Oh? Ano meron dyan sa loob?" sabi niya habang nakasandal sa pader.

"Dito ka muna"

"Anoo--"

Hinigit ko siya paloob sa Janitor's Closet sabay lock. Nagsusuntok siya sa loob at nagsisisigaw. Sorry na oh T____T Ito lang ang matino kong naiisip eh. Oo, matino na talaga to. Hayy T__T

"TUTEEE! WALANGHIYA KA! HUHUHUHU. ANG DILIM DITO!"

"Sandali lang. May pupuntahan lang ako. Wait here"

"TUTEEE! WAAAAAAAAAAAAAAAAA!"

Tumakbo na ako pababa sa Jewerly Store  muna. Di na ako nagpasikot sikot pa. Hinanap ko agad yung kwintas na yon at binili ko agad. Jusko, sana naman pagbalik ko buhay pa yung babaeng yon. Nakakita ako ng hikaw na medyo di kagandahan. Bigla akong napaisip...Bagay to kay...

Binili ko na rin. Di naman kagandahan e. Hahahahaha.

Sa bilis ng takbo ko papuntang National Bookstore, ang dami kong nakabunggo pero di ko na pinansin. Letsugas sila. Bilhin ko buhay nila e. Wow, yabang. HAHAHA. Pagkadating ko doon, hinanap ko agad yung mga librong de letse na gusto niya. Magkakatabi lang naman yon e. 

Yung .. Talk Back to the Diary of the Gangster? ay ewan! Basta. Marami yon eh. Papunta na ako sa counter ng makita ko na...MARAMI...MARAMING TAO...ANG NAKAPILA. SHET. Paano to?!

Isip isip. Baka patay na yung babaeng yon kapag inintay ko to. Teka...Alam ko na!

"Ale, pwedeng pasingit?" sabi ko doon sa babaeng kasunod na sa counter.

"Di no! Kanina pa ako dito eh! Pumila ka!"

"Sige na po pleaseee?"

"At bakit?!"

"Kasi po...Kasi.." Ito na yung momentum ko. "Yung asawa ko po kasi..Nasa hospital ngayon..Hiniling po kasi niya na maibili ko siya ng mga librong ito bago siya operahan..Eh..Ilang oras nalang po..Gusto ko pa pong makaabot sa operation niya..Sige na po Ale..Pasingitin niyo na  po ako..Para lang po sa asawa ko.." At pinatulo ko yung luha ko at nakarinig ako ng "aww" sa lahat ng nakapila at tao doon. Para ngang tumigil yung oras eh. 

"A..ano..bang sakit ng asawa mo?"

"Tumor po sa utak" Bagay sa babaeng yon. Babaliw baliw eh T____T Hahahaha. "Sige na po pleasee...Ilang oras nalang po..Gusto ko po kasing ipakita sa kanya na kahit may sakit siya at tumor..Mabibili ko siya ng ganito..Tanda ng pagpapakita ng pagmamahal ko sa kanya.."

"Awww" sabi ng lahat ng tao.

"Sige na nga iho. Ikaw na dito ohh"

"Salamat po" sabi ko sabay pahid ng luha ko. Pero deep inside. HAHAHAHAHA. Who's the best actor?! Ha?! Hahahaha. Bago ako umalis, nagwave sakin lahat ng tao. Pinicturan panga ako ng iba eh. Hahahaha. Nakakatawa lang. Sarap magmanipulate.

Pagkatapos non...Dinala ko agad sa kotse at bumalik na ako sa Janitor's Closet.

Buhay pakaya yon?

Malayo pa lang ako, nakita ko na agad siyang papalabas ng pinto...

Teka...

Paano siya nakalabas?

Paktay. Nakita ko na kasama niya yung Janitor at isang lalaki na maganda ang suot. Nakapolo. Mukhang matanda na rin. Dahan dahan akong lumapit at kita kong nanlilisik ang mata sakin. Tumakbo na ako papalapit..

Good thing, nakaisip ako ng palusot.

"Ay Sir! Salamat po sa paghanap niyo dito sa asawa ko.." sabi ko sabay akbay ko sa babaeng to. Pilit niyang tinatanggal pero nakaakbay pa rin ako.

"Anong asa--" Di ko na siya pinatapos. Baka ipahamak pa ko nito.

"Sir kasi po...Ano...Kanina ko pa po siya hinahanap..Nawala po kasi siya eh..Pasensya na po sa abala ha? May ano po kasi...sakit po siya...sa...utak...Kakalabas niya lang ng mental..Sorry po.."

"Ah ganon ba iho? Nagkulong siya sa loob ng Janitor's Closet eh. Nagsisisigaw..." sabi noong lalaking nakapolo

"Ay ganon po ba? Pasensya na po Sir sa abala. Eh, sobrang nagaalala na nga po ako dito sa asawa ko eh.."

"Ano bang pinagsasa--" Tinapakan ako bigla ng babaeng to.

"Aray! Ano po..Sir..Alis na po kami..Mukhang nasumpong na po ang sakit ng asawa ko.."

"Mukha nga iho. Baka makasakit pa yan dito"

"Sige po alis na po kami" Inakbayan ko siya at lumakad kami papalayo. Pinagsususuntok ako ng babaeng to pero tinakpan ko ang bibig niya sa akbay ko sa kanya. "Sumakay ka nalang. Grabe ka naman Kulengot..."

"Eh kasi nakaka--"

"Oh mamaya na. Kunwari mag-asawa muna tayo"

Pero di siya tumigil sa kakaimik kahit nakatakip ang kamay ko sa bibig niya. Buti walang nakaisip na baka hinoldap ko siya. 

Hahaha. Sa dami ng tao, wala ng nangingielam. Buti naman. Ganda ng naisip ko no? Mabilis yata gumana isip ko ngayon. Di ko alam kung bakit. Hahahaha. 

Hey, kung  maiisip niya lang kung ano ginawa ko para sa kanya no! Arte niya. Lumabas na kami ng mall at nagpuntang Parking Lot. Nilagay ko yung mga pinamili niya sa likod ng kotse. Binuksan ko yung pinto ng kotse para sa kanya pero ayaw niyang pumasok.

"Oh? Ano?"

"Ikaw kasi e! Napaka mo! Bakit mo naman sinabi na may sira ako sa utak? Tsaka bakit mo ako nilock sa Janitor's Closet? Buti nalang nakinig nila ako! Kundi baka patay na ako ngayon! Nakakainis ka! Para kang tanga! Gago ka! Gago! Gago! Gago ka. Ga--"

*tsup*

"Tigil na ha? Malalaman mo rin kung bakit. Basta para sayo yon okay?"

*pak!*

"Oh para san yong sampal na yon?"

"Di ka nagpaalam sakin" sabi niya sabay sumakay ng kotse. Naman? Nakikita ko yung ngiti niya e pero di ko nalang pinansin. 

Sumakay na rin ako ng kotse at nagsimulang magdrive. Nakakailang kasi di man lang siya umiimik.

"Sorry na Kulengot. Sorry na talaga" sabi ko while pouting

"Aminin mo na kasi..May mineet kang babae kaya nilock mo ako.."

"Ha?!"

"aminin mo na! sabihin mo na kung ayaw mo akong kasama, lalayo naman ako e!"

"teka...anong babae ba pinagsasasabi mo?"

"ewan ko sayo! ano? may kadate ka no?"

"Ikaw"

"anong ako? iba! nakakainis ka! paiba iba ka ng gusto! nakakainis ka!"

"Hindi kaya! Iisa lang ang gusto ko no.And that girl is very special"

"Oh edi siya na. Ligawan mo. Halikan mo. Pakasalan mo. Nakakainis kayo. Nyeta, magsama kayo!"

"Chill.  Kilala mo ba yun kung sino?"

"Hindi at wala akong pakielam kung sino yon!"

"Okay"

"Sino ba yon ha?!"

"Ikaw"

"Eh ako naman pala yung--" Napatigil siya at napatigil din ako sa pagdridrive. Napapreno ako. Buti nalang ayos pagkakapreno ko kasi traffic bigla. "Teka..A..Ako--?"

"Ikaw! Oo ikaw. Ikaw ang bibig mo, ang boses mo nakakainis. Nakakarindi! Mamaya ka na umimik please?"

"Che! Kala ko naman..."

"Anong akala mo?"

"Wala!"

"Sorry na. Okay? Sorry na. Di ko na uulitin yung promise"

"Weh? Kumanta ka muna. Yung kinakanta mo sa CR.HAHAHAHA"

"Pag kumanta ba ako, papatawarin mo na ako?"

"Maybe?"

"Fine!"

♫  Everyday, every night

I keep looking at the skies

And I pray that someday

You will wake up in my arms

And love will never end

Cause we belong together  

Hinawakan ko yung kamay niya

Always and forever

Call my name and I'll be there

And I kissed her hand. I can see her face turning red. But she laughed it off. Sign na okay na kami. Ito gusto ko sa kanya e. 

Di niya kayang magalit sakin ng matagal. Hahaha. 

"Sintunado! Gago! Hahahaha"

"At least napapatawa kita"

Pagkadating namin sa bahay, nagdecorate agad kami. Mabilis lang. Ay di pala kami. Nagdecorate siya. Taga abot lang ako. Taga lagay kapag masyadong mataas. Oh come on, wag niyo akong asahan sa decorations. Booo.

And after 1 hour, napaupo nalang kami sa sofa sa pagod..Ay siya lang pala ang pagod..Inihiga ko ang ulo niya sa balikat ko..

"Wala kang kwenta Tutee"

"Anong wala? Meron kaya! Shoulder mo ako ohh"

"Patawa ka"

"Pero Kulengot..Sorry talaga ah..Salamat na din kasi...Parang ikaw yung naging star ng Pasko ko. Naks naman. Hahahaha"

"bakit naman?" napatingin siya sakin.

"Cause everything changed when you came into my life"

Then we both smiled. Totoo naman e. Everything changed. Sana alam niya yun. Lahat na yata nabago sakin, sa pamilya ko at sa pananaw ko sa buhay. Nakakatuwa lang. Siguro ito yung ilalagay ko sa essay ko. She's the one. Naks. Para sakin, the best siya. There will be no other girl better than her.

We lean in closer...Closer....And kissed...

Then she smiled at me. Biglang may nagtext sa kanya kaya binasa niya agad. Then she looked at me again.

"Alis na ako Tutee ha? Si Tatay kasi nasa labas na sinusundo na ako.."

Tumayo siya and smiled at me. Lean in closer and...kissed me again.

"Bye Tutee, Merry Christmas"

And I sat there. Alone. Tulala. She..kissed me...I can't believe it. Minamanyak na niya ako. HAHAHA. I can't believe it. Sign na ba ito na gusto niya rin ako? Hayy. Ito nanaman ang isip ko.

Bakit kapag nagmamahal ka, kapag may ginawa silang sweet sayo, iisipin mo na gusto ka rin nila?

Kahit di para sayo, iisipin mo na para sayo?

Ang gulo.

Sobra.

Gusto ko ng sabihin ito sa kanya...

Yung tipong ang sagot ay di rin isang tanong

To be continued...

Continue Reading

You'll Also Like

168M 5.5M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...
7.3M 200K 41
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
10.3M 564K 22
[PUBLISHED under LIB] #1. "If pleading guilty means protecting you, I will."
4.7M 315K 73
He is trouble incarnate. While she's a studious, well-mannered student, he's a delinquent who gets tangled up in all sorts of problems. They are comp...