Sky Paradox: Battle of Gangst...

By pen_and_ink

278K 5.5K 1.2K

(Tagalog) Sky Paradox. Isang amateur band na unti unting nakikilala sa mundo ng musika dahil sa kanilang mahu... More

Sky Paradox
Sky Paradox Band
Red Scorpion Gang/ Section Fire
Minor Characters
Prolouge
Chapter 1: Babae po ako...
Chapter 2: Section Fire
Chapter 3: Sakuragi, ang boy basted
Chapter 4: Deal or No Deal
Chapter 5: It's a Cloud-y Day
Chapter 7: Black Mask Gang
Chapter 8: "Ex"-Mas Light
Chapter 9: Tour Guide
Chapter 10: Ang Muling Pagbuhos ng "Ulan"
Chapter 11: Makulimlim ang "Langit"
Chapter 12: Ang "Piyansi" ni Blue
Chapter 13: The Warning
Chapter 14: B1 vs B2
Chapter 15: Black Letter
Chapter 16: Ang Katapat ni Grey
Chapter 17: Dilemma of a Womanizer
Chapter 18: Ang Pagbabalik
Author's Note
Chapter 19: Red Strikes Again
Chapter 20: The Clash of Thunder and Lightning
Chapter 21: Teamwork
Chapter 22: Teamwork: The Perfect and the Failure
Chapter 23: Sudden Outburst
Chapter 24: Aftermath
Chapter 25: Revelations
Chapter 26: Teardrops
Chapter 27: A Glimpse of the Past
Chapter 28: Friend or Foe
Chapter 29: Unmasked?
Chapter 30: Ang Nawalang mga Alaala
Chapter 31: Friends
Chapter 32: Intramurals
Chapter 33: Ang Pag-Art-e ni Sky

Chapter 6: Kinidnap si Kambal

7.1K 155 28
By pen_and_ink

A/N: Hi everyone! Sensya na kung masyado akong matagal mag-update. Nag-enjoy ata ako masyado sa holiday at nagpaka-dora the explorer ako. Hehehe...

Anyway eto na ang Chapter 6 para sa mga naghintay. Enjoy reading! Happy New Year!

Ayy nga pala UTANG NA LOOB GUYS (Wendy mode) mag-comment naman kayo. Libre lang naman eh. Say anything under the sun, para malaman ko kung nasusundan niyo ba ang kuwento o kung may hindi kayo naintindihan eh tanong niyo lang. Ha? Ha? Yiee magco-comment na yan. Hehehe... 

Napahaba na ata A/N ko. Tsk. SIge magbasa na nga lang kayo. Enjoyyyy!!!!

VOTE and COMMENT po sana kayo. :)

CHAPTER 6 – Kinidnap si Kambal

KAMBAAALLLL….” Sigaw ni Sky pagkapasok na pagkapasok sa classroom. Katatapos lang ng recess nila.

Napatingin sakanya ang lahat including Grey who yelled at her. “HOY! WAG KA NGANG MAINGAY DIYAN. KUNG ANONG NILIIT MO AY SIYA NAMANG KINALAKI NG BOSES MO.” . Mukhang ayaw niya ata ng may kaparehong malakas ang boses sa room.

Ay sorry. Peace.” Ani Sky na naka-V sign pa saka bumaling kay Kambal. “Ui Kambal may naghahanap sa’yo.

Napataas ang kilay ng tinawag. “Sino?” 

Si ano… aahh.. si ahmm…. nakalimutan ko na pangalan eh.” Nagkakamot ng ulong sabi niya. Para talaga siyang may alzheimer’s pagdating sa mga pangalan. “Pero ang alam ko taga Drama Club daw siya.

Di napigilang makisabat ni Chickboy. “Drama Club? Oi Nash wag mong sabihing sasali ka sa club na yun? Parang wala naman kasi sa itsura nito ang sumali sa mga ganung club.

Ano namang masama kung sumali siya dun? Kung hindi nga lang ako busy sa pagmomodel at swimming team eh sumali na din ako dun.” Pagtatanggol ni Art dito at pinameywangan si Chickboy.

Napataas ang makapal na kilay ni Kilay at tinignan pa ng taas-baba ang kaibigan. “Ang bading talaga ng mga trip mo ano?” 

Napairap sa kawalan si Art at siya naman ang hinarap. Lagi na lang nilang pinagkakatuwaan ang kanyang mga kilos at hilig at hindi na siya natutuwa sa mga ito. “Hoy hindi ako bading no? Marunong lang talaga ako maka-appreciate ng art.” 

Art ka jan. Kaya bagay na bagay ang tawag ni Sky sa’yo eh. Haha… Kantyaw ni Robot na pinause muna ang panonood ng mga dance videos upang tumingin sakanya.

Tama na nga yan. Si Nash pinag-uusapan dito eh.” Sita ni VC at nagtanong kay Sky. “Sky, bakit daw hinahanap si Nash?

Tumingin naman ito sakanya at nagkakamot sa ulong sumagot. “Eh pinapasabi niya na magbayad na daw ng utang si Kambal sakanya.” 

Halos silang lahat ay nagulat sa narinig. At umandar ang pagiging ususero ni Buzz kaya nagkasunod-sunod ang kanyang tanong. “Utang? May utang ka? Masyado bang malaki at wala kang pambayad? Bakit hindi ka na lang sa amin umutang?” 

Ah eh ano.” Hindi alam ni Kambal kung paano ipapaliwanag sa mga kasama ang totoo. “Hindi pera ang utang ko. Sige Sky kausapin ko na lang siya mamaya. Salamat.”Pagtatapos na lang niya sa usapan.

At bago pa makahirit ng tanong ang iba ay dumating na ang teacher nila at nagklase na sila.

~~~

Tinataguan ni Kambal ang mga taga Drama Club na humahabol sakanya. Nakasuot pa siya ngayon ng uniform ng mga babae na pilit pinasuot sakanya kanina. Napapayag siya nung una pero nung costume ng ballerina naman ang sumunod na gusto nilang ipasuot sakanya ay tumakbo na siya kahit hindi pa nakakapagpalit ng sariling uniform. Kung wala lang siyang utang na pabor sa mga ito ay hinding hindi niya gagawin ang ganito, hindi niya kasi akalaing ito ang magiging kapalit nun. Kaya naman eto siya ngayon at nagtatago sa may mga puno sa likod ng gym.

Oi ikaw! Taga Section Fire ka ba?” Nagulat na lang siya nang may mga kalalakihang mukhang college students ang lumapit sakanya. Madaling makilala ang section fire dahil sa design ng ID lace nila. Kulay red ang ID lace ng mga seniors pero may flame design ang sa mga section fire kaya madali silang madistinguish.

Huh? Bakit? Sino kayo?” Confused niyang tanong. Ngayon lang kasi niya nakita ang mga ‘to.

Lumapit ang may pulang buhok sakanya. “Sumama ka na lang sa amin kung ayaw mong masaktan.

Ha? Ah eh teka lang. Aniya na nagtangka pang tumakbo pero naharang na siya ng mga ito kaya wala na siyang nagawa nang tangayin siya.

Samantala nakita ng taga Drama Club na naghahanap kay Kambal ang nangyari kaya dali dali siyang tumakbo para sabihin ito sa mga taga Section Fire. Habang tumatakbo ay nakabangga niya ang bagong estudyante sa Section Fire na kasama ang SSC President.

Ay sorry, sorry… Haa… haa… H-hindi ko… haa… haa… sinasadya. Haa… haa… Nagmamadali kasi ako eh. Haa… haa…” Habol ang paghingang sabi niya.

Ok lang.” Nakangiting sabi nito. “Masyado atang importante yan ah at sobrang bilis mo tumakbo. 

Haa… haa… Kasi kailangan ko makausap kaagad ang mga taga Section Fire. Haa… haa…”Hinihingal pa ring tugon niya nang may maisip. “Ay ikaw, dun ang section mo diba?” Baka sakaling alam kasi ng babae kung nasaan ang mga kaklase nito.

Tumango naman si Sky. “Oo. Bakit ano ba yun?” 

Si Nash kasi… ano, may kumuha sakanya.”Bakas ang pag-aalalang sabi niya.“Mga taga College Department.” 

Si Kambal mo.” Bulong dito ni Cloud.

Ha? Bakit?” Takang tanong nito.

Napakamot sa ulo ang taga drama club. “Hindi ko alam eh. Ikaw na lang ang magsabi sa mga kaklase mo ha?” Pakiusap pa niya. Nag-subside na kasi ang panic na naramdaman niya kanina na nagbigay sakanya ng lakas ng loob na magsumbong sa mga taga section fire at ngayon nga ay bumalik na ang takot niyang makipag-usap sa mga ito. Kabilang kasi siya sa mga estudyanteng ilag sa gang na ito, well with the exception of Nash dahil kababata naman niya ito.

O sige. Salamat. 

Umalis na din ang babae pagkapaalam nito. Tinignan ni Sky si Cloud at naintindihan naman agad nito ang ibig niyang sabihin. Naghiwalay na sila ng direksiyong pinuntahan. Pumunta siya sa may Gate na nasa pagitan ng High School at College Campus. Hinintay niya na bumukas ang gate na kinokontrol ng guard. Buti na lang si Kuya KS ang isa sa mga guwardiya kaya makakalusot siya dito. Nasabihan na siguro ni Cloud si Kuya KS dahil sa wakas ay nagbukas na din ito. Agad siyang pumasok at hinanap sa pamamagitan ng GPS ang kinaroroonan ni Kambal. Nakita niya ito at nakarating siya sa isang bodega na nasa may gubat na bahagi ng campus at malayo sa mga building. Kamukha ito ng karamihan sa mga nadaanang building pero halatang wala nang gumagamit dahil sa mga sirang bintana at maruming pader.

Pumasok siya sa loob at nakita niya si Kambal na nakatali sa isang poste at nakatakip ang bibig. Samantalang ang mga ‘kidnappers’ ay parang may pinagtatalunan.

Ano na lang ang sasabihin ni Chief niyan. Lagot na naman tayo sakanya. Galit na sermon ng pinaka-boss sa mga kasama.

Eh Boss malay ba naming hindi pala siya yan. Sabi niya taga Section Fire siya at nakasuot naman siya ng girl’s uniform. Eh iisa lang naman ang babae dun. Katuwiran ng may pulang buhok.

Sumangayon ang may piercing sa ilong sa kasama.Oo nga. Saka yung description eh maliit na parang lalaki. Sinunod lang din naman namin yun. 

Nangangatwiran pa kayo. Sa susunod kasi tanungin niyo yung pangalan para sigurado. O anong gagawin natin ngayon diyan? 

Hindi agad sila nakaimik sa sinabi ng boss nila. Pero maya-maya pa’y may naisip ang long-haired guy. Pakawalan na lang natin siya Boss, tapos babalik na lang kami ulit dun para kidnapin ang totoong pakay natin. 

Ano pa nga ba. Yun lang na-

Hindi na nakatiis si Sky at kinuha niya ang atensiyon ng mga ito. “Eherm… Ah excuse me.” 

Gulat na napalingon sakanya ang lahat. Hindi nila namalayang may nakapasok na pala sa teritoryo nila.

Huh? Sino ka? Paano ka nakapunta dito?” Tanong ng pinaka-boss.

Ah ako si Sky. Kaklase ko yang kinidnap niyo.” 

Sky? Hindi kaya siya yung target natin?Pabulong na tanong ng may band-aid sa pisngi sa mga kasama.

Ikaw ba yung kaisa-isang babae sa Section Fire?” Pangungumpirma ni piercing-guy.

Oo. Paano niyo nalaman?” Nakangiti pang tanong ni Sky.

Wow Boss. Kung sinuswerte nga naman tayo. Hindi na pala natin kailangang bumalik dun. Siya na mismo ang lumapit sa atin. Bulong ulit nung may band-aid.

Nang hindi sumagot ang mga ‘kidnappers’ ay nagtanong ulit si Sky. “Ahmm… Bakit niyo pala siya kinidnap? Pwede bang pakawalan niyo na siya?” 

Nagkatinginan ang mga ito at ngumisi. Ang boss ang tumugon sakanya. “Pakakawalan namin siya sa isang kundisyon.” Anito habang lumalapit sakanya.

Anong kundisyon?” Curious na tanong ni Sky na hindi man lang nababahala sa ginagawang paglapit ng lalaki na kung tutuusin ay nakakatakot tignan dahil sa matigas na anyo at malaking pangangatawan nito. Nagmukha lang tuloy siyang elementary student kumpara dito.

Lalong lumapad ang pagkakangisi nito. “Ikaw ang papalit sakanya.” 

Nanlaki ang mga mata ni Kambal at nagpumiglas siya sa pagkakatali sa poste tanda na tutol siya dito. Ano ba kasing naisip ni Sky sa pagpunta ng nag-iisa sa lugar na ito.

O sige. Yun lang naman pala eh.” Nakangiti pang sabi ni Sky na kung umasta ay parang inaya lang siya sa isang laro. Lalo tuloy nanlaki ang mata ni Kambal at natigil sa pagpupumiglas.

Tuwang tuwa ang mga ‘kidnappers’ dahil hindi na sila nahirapan pa. Agad nilang pinakawalan si Kambal at itinali si Sky. Pinaalis na nila ito, kahit nung una ay ayaw pa nitong sumunod pero wala na ding nagawa sa bandang huli dahil wala naman itong laban sakanila.

Ang tapang mo naman. Ang lakas ng loob mong pumunta mag-isa dito para iligtas ang kaklase mo. Sabi ng mukhang kano pero matatas magsalita ng tagalog.

Hindi naman ako mag-isa eh.” Takang tumingin sila sakanya. “Dala ko kaya anino ko. Hehe…

Hahaha pilosopo ka din no? Tignan na lang natin kung makatawa ka pa mamaya.” 

Sumabat ang red-haired guy. “Tama kaya ihanda mo na ang sarili mo. 

Hindi pinansin ni Sky ang banta nila at nakuha pang magtanong. “Bakit niyo pala kinidnap si Kambal?

Kambal? Sinong Kambal?” Takang tanong nito.

Yung kinidnap niyo kanina. Yung pinalitan ko dito.” 

Aahh… Hahaha mukha nga kayong kambal. Kaya nga napagkamalan namin siya eh. ” Tumatangong sangayon nito. “Ang totoo niyan, ikaw talaga ang pakay namin.” 

Nagtaka naman si Sky. Tama ba ang rinig niya? “Ha? Bakit? May atraso ba ako sa inyo? O gusto niyo lang ng ransom money? 

Hindi namin kailangan ang pera mo. Mayaman din kami. Atraso? Sa amin wala pero kay Chief meron.” Iritang sagot ng boss nila. Ayaw kasi nito sa lahat ay mga taong madaldal.

Hindi pinansin ni Sky ang pagkairita sa tono niya at nagtanong pang muli. “Huh? Sino naman si Chief? Pulis ba siya? 

Wag ka na nga matanong diyan.” Inis na sigaw nito at inutusan ang mga kasamang takpan ang bibig niya.

*Riiiinnnnggg… rrriiiinnnnggg…

Hello Chief… Oo nakuha na namin siya… Ah okay… Okay Chief sige… Pagkababa ng phone ay tinipon niya ang mga kasama malayo sa kinaroroonan ng bihag.

Agad na nagtanong yung kano.Boss ano sabi ni Chief? 

Takutin daw natin siya. Yung tipong ayaw na niyang tumapak muli sa school na ito. Paliwanag niya.

Napaisip ang may piercing sa sinabi niya. Eh boss ano namang pananakot ang gagawin natin diyan?

Hindi siya umimik bagkus ay yung may band-aid ang nagsalita. Hmmm… Ano kaya kung ipapanood natin yung mga video ng mga tinorture natin nun.

Sumangayon ang iba kaya yun na nga ang ginawa nila. Pinapanood nila kay Sky ang mga kinuhanan nilang video.

Nang nasa may bandang duguan na ang mga biktima nila sa video ay sumigaw bigla si Sky habang meron pa ring takip ang bibig. Napangisi ang mga kidnapper dahil batid nilang natakot na nga ang bihag nila kaya tinanggal na nila ang takip sa bibig niya para makausap nila siya. Pagkatanggal ay agad na sumigaw siya ulit.

Waaahhh.” Nanlalaki ang matang sigaw ni Sky.

Pumunta sa harap niya ang boss nila. “O ano? Natatakot ka na ba sa amin? 

Wow! Artista pala kayo. Pa-autograph naman. Napapalatak na sabi niya habang nakangiti at tila nakakita ng celebrity sa harap niya.

Nanlaki ang mata ng mga ‘kidnappers’ sa naging reaksiyon niya at napatanga na lang sila sakanya. Naunang nakabawi ang may pulang buhok. “Anong artista pinagsasabi mo diyan?” 

Eh diba pelikula niyo yang pinapanood niyo sa akin? Ang galing niyo nga eh parang totoo.” Inosenteng sagot niya.

Hindi napigilan ng boss ang pagkairita sakanya. “Langya! Hindi yan pelikula! Totoo yan. Yan ang ginagawa namin sa mga ayaw naming estudyante dito.” 

Sa hindi na naman nila inaasahan ay lalo siyang natuwa sa narinig. “Talaga? Ambaet niyo naman pala.” 

Lalong lumalim ang kunot ng noo nito. “Anong mabait? Niloloko mo ba kami?” 

Huh? Hindi ah. Bilib nga ako sa inyo eh kasi binibigyan niyo pa ng exposure at pagkakataong umarte ang mga estudyanteng ayaw niyo. Ayaw niyo na nga sakanila eh ginagawan niyo pa sila ng kabutihan.” Paliwanag niya na tila pinagmamalaki pa ang ginawa nila.

Napasipa tuloy sa pinakamalapit na silya ito at saka nagmura. “Pusang gala naman o. Ano bang utak meron ang babaeng ito? Hindi na ako magtataka kung bakit pinatira sa atin ‘to ni Chief eh.

Iiling iling na nagsalita ang may band-aid. “Tsk. Sampolan kaya natin para malaman niyang hindi biro itong pinasok niya.” 

Matapos ang ilang minutong pag-uusap ay napagpasyahan nga nilang pasakitan si Sky sa pamamagitan ng pagsugat ng kutsilyo sa braso nito. Dahan dahang lumapit ang boss sakanya with an evil look at tinutok ang kutsilyong hawak. Nakatingin lang si Sky dito na may bahid ng pagtataka at curiousity sa mukha. Makakakita ba siya ng sample ng ika niya’y acting skills nito? Nang makalapit na ito sakanya at akmang susugatan na siya ay pinukaw sila ng isang ma-awtoridad na boses.

ITIGIL NIYO YAN!

Nagulat sila sa nakitang taong nakatayo sa itaas ng tambak na mga kahon. Hindi nila akalaing makukuha nila ang atensiyon ng mga ito. At parang ang bilis naman ng mga itong malaman ang tungkol sa ginawa nila. Hindi tuloy agad nakakilos ang mga ‘kidnappers’ dahil sa gulat kaya nakatingin lang sila dito.

Nagpalipat-lipat ang tingin ni Sky sa mga kidnappers at sa bagong dating na nakasuot ng black hoodie na long sleeve at pants na siyang tumatakip sa buong katawan nito. Hindi makita ang mukha nito dahil nakataas ang hood nito dagdagan pa ng kulay black ding half-mask nito na tumatakip sa ilong at bibig. Ang mga mata nitong kababasahan ng awtoridad at lakas ang tanging palatandaang buhay na tao nga ang nasa ilalim ng kasuotang yun.

Ramdam na ramdam ang tensiyon sa pagitan ng mga ‘kidnappers’ at ng bagong dating. Magkakaroon pa ata ng labanan sa harap niya. Makakasaksi siya ng isang live action na labanan na karaniwan niyang nakikita sa mga anime at manga.

Ilang sandali pa ay nagsalita ulit ang ‘Mask Man.’ “Ano sa tingin niyo ang ginagawa niyo? Nakalimutan niyo na ba ang isa sa mga rules ng gangster community?

W-wala naman kaming nilabag na r-rules eh. Halata ang takot sa boses ng leader nila.

Tinignan ito ng matiim ng ‘Mask Man.’ “Wala ba? Gusto niyong ipaalala ko sa inyo?” Tanong nito saka naghalukipkip.” Rule No. 10. Hindi niyo dapat kalabanin o galawin ang kahit na sinong miyembro ng isang gang na hindi kasali sa gangster community. 

H-hindi naman siya kasali sa gang eh kaya maliwanag na labas siya sa rule na yun.” Apela nito. Nagbabakasakaling makalusot sa nagbabadyang kapahamakan.

Sandaling katahimikan ang naghari pero hindi rin nagtagal at nagsalita ulit ang ‘Mask Man.’ “Sino yung kinidnap niyong estudyante bago siya? Hindi ba member siya ng Red Scorpion Gang.” 

Nagulat ang mga kidnappers at hindi agad nakaimik. Nagtinginan silang lahat bago nagsalita ang boss. “Oo. P-pero pinakawalan na namin siya. Napagkamalan lang naman namin siya eh.” 

A violation is a violation. Regardless if its intentional or not. The damage has been done. And how about her? Gaano naman kayo nakasisiguro na hindi nila member yan? Hindi ba nasa section nila yan?” 

Sigurado akong hindi nila siya member dahil yung lea-” Natigilan sa sasabihin ang boss nila nang mapagtanto ang kanyang sasabihin. “Ahmm… a-ang ibig kong sabihin dahil ano… ahm… dahil babae siya.” 

Tch. At kelan pa naging bawal ang babae na maging member ng gang? Gusto mo bang ipaalala ko sayo ang mga gang na babae ang leader?” 

Hindi na siya nakapagsalita pa dahil tila naubusan na siya ng katwiran. Nagkumpulan na lang silang lahat para pag-usapan ang gagawin.

Boss, paano yan? Mukhang hindi tayo palalagpasin niyan. Kinakabahang turan ng kano.

Nakaisip naman ng paraan si long-haired guy na hindi rin maitago ang kaba. Sabihin niyo na lang yung totoo Boss para maniwala siyang hindi yan member ng Red Scorpion Gang. 

Hindi pwede. Malalagot tayo kay Chief kapag nadamay siya dito. Mas gugustuhin ko pang harapin ang parusa ng Black Mask Gang kesa harapin ang galit niya. Alma niya na halata ang panic sa boses. Hindi nga ata biro magalit ang tinutukoy nilang chief dahil ganito na lang siya mag-react.

Anong gagawin natin Boss? Pangungulit na tanong ng may band-aid.

Tumahimik sandali ang tinanong kaya pati ang mga kasama ay nanahimik din pero nagulat na lang sila sa naging desisyon niya.Wala tayong magagawa kundi labanan siya. Hindi natin pwede pakawalan yang babaeng yan. Magagalit si Chief. 

Hindi napigilan ng may pulang buhok ang pagtutol. Sigurado ka Boss? Miyembro ng Black Mask Gang yan. Hindi natin siya kakayanin.Nakita na niya kasi kung paano lumaban ang ibang kasapi ng Black Mask at walang itulak kabigin talaga ang husay at lakas nila sa pakikipaglaban.

Tinulak siya ni band-aid guy. Tss. Naduduwag ka ba? Mag-isa nga lang siya oh, anim tayo. Kaya natin yan. Sige Boss labanan na lang natin siya. Confident na sabi nito. Palibhasa kasi bagong miyembro lang siya at hindi pa nasaksihan first hand ang lakas ng BMG.

Tila nakaramdam naman ang pinag-uusapan sa tinatakbo ng diskusyon ng mga ‘kidnappers.’ “Mukhang kakalabanin niyo pa ata ako. Tch pagbibigyan ko kayo. Pero ihanda niyo din ang sarili niyo sa magiging parusa niyo.” Anito na sinabayan ng talon mula sa tinutuntungang kahon pababa.

Walang sabi-sabing sumugod ang mga kidnappers at hindi hinayaang maunang kumilos ito. Pinalibutan nila ito saka inumpisahang umatake. Pero hindi man lang nila ito masaktan dahil nasasalag nito ang mga suntok at sipa nila kahit na nagsasabay-sabay pa yung iba sakanila sa pag-atake. Malakas ang bawat bitaw nito ng suntok at tadyak kaya napuruhan ang mga ‘kidnappers’ ng husto. Bagsak na ang apat at hindi na makagalaw. Natira na lang ang pinakaboss at ang may band-aid na bagama’t may bahid na ng dugo ang mukha nila dahil sa bugbog ay nakakagalaw pa rin naman kahit papaano.

Tinangkang saksakin ng pinakaboss ang Mask Man pero mabilis nitong nahawakan ang kanyang kamay at binali ito kaya nabitawan niya ang kutsilyo. Pagkatapos ay binigyan siya nito ng sunod sunod na suntok saka isang malakas na spinning heel kick na nakapagpabagsak sakanya.

Sumugod naman ang natitirang kidnapper sa Mask Man at binigyan niya ito ng roundhouse kick pero nahuli nito ang paa niya saka inikot at binagsak. Pinipilit pa niyang tumayo kahit na namimilipit sa sakit ang paa pero tinuluyan na siyang pinabagsak ng isang malakas na side kick mula dito.

Nakatingin lang si Sky sakanila at hindi umiimik habang nagaganap ang labanan. At nang mapabagsak ang huli ay napatingin siya dito na tila inaabangan kung makakatayo pa.

SKY!!!!

SKY NASAAN KA?!

Parang natauhan si Sky nang marinig ang pagtawag sakanya. Nagpalinga-linga siya at nang mapadako ang tingin niya sa puwesto ng ‘Mask Man kanina ay wala na ito.

Nang makita siya ng mga kaklase niya ay agad siyang nilapitan ng mga ito.

SKY! Okay ka lang ba?” Nag-aalalang tanong ni Sakuragi.

Hindi ka ba nasaktan?” Dagdag na tanong ni VC.

Bakas ang pagtataka sa pinapakitang pag-aalala ng mga kaklase. Did she miss out something? “Ah hehe… hindi naman.” 

Nakuha naman ni B1 ang atensiyon ng lahat nang bigla nitong tinuro si Sky sa nanlalaking mga mata. “Sky… ikaw… ba… ang…” 

Nagpabagsak sa mga yan?” Pagtutuloy ni B2 sa sasabihin nito at tinuro ang mga nakahilatang ‘kidnappers’.

Binatukan tuloy sila ni Kilay. “Mga sira! Paano naman niya magagawa yan eh nakatali siya at saka babae yan noh!” 

Napakamot sa batok si B1. “Eh malay niyo, baka…” 

May super powers siya.” Pagtutuloy ulit ni B2.

Super powers kayo diyan. Hoy wala tayo sa pelikula para magkaroon ng ganyan!” Sita ni Tol.

Kung hindi si Sky, eh sino ang may gawa niyan? Si Sky lang naman ang nandito.” Ayaw paawat na tanong ulit ni B1.

Sasagot sana si Kilay pero nauna nang magsalita si Sky na hindi na nakatiis sa kalagayan. “Ah pwede bang kalagan niyo muna ako? Medyo masakit na kasi mga kamay ko eh.” 

Ay sorry sorry.” Sabi ni Sakuragi at kinalagan na si Sky.

Nang makalagan na siya ay agad siyang tinanong ni VC. “Sky ano bang nangyari sa mga yan?

Minasahe niya ang kamay na nasaktan saka sumagot. “May taong pumunta kanina dito at kinalaban sila pero bigla ding umalis nung dumating kayo.” 

Huh? Sino naman yun? Namukhaan mo ba?” Agad na tanong ni Buzz.

Sandali siyang nag-isip. “Hindi eh. Hindi kasi makita ang mukha niya. Nakasuot kasi siya ng mask at hoodie. Natahimik ang lahat sa kanyang sinabi na agad na napansin niya kaya nagtaka siya. “O bakit kayo natahimik diyan? Kilala niyo ba yun?” 

Ha? Hindi, wala lang. Tara na nga, alis na tayo.” Aya ni Sakuragi.

Nang paalis na sila ay napansin niya si Red na masama ang tingin sa mga kidnapper. At nang tingnan niya ang mga ito ay para silang nanginginig sa takot.

Bakit kaya? 

Nang makabalik sila sa High School Campus ay napansin niyang wala si Kambal kaya tinanong niya si Sakuragi. “Sandali. Asan pala si Kambal?” 

Ha? Hindi ko alam eh. Hindi na namin siya napansin nang sabihin niya saming nasa panganib ka. Nagmadali na kasi kaming puntahan ka. Hindi na nga namin natanong sakanya kung nasan banda yung bodega na kinaroroonan mo sa College Campus kaya medyo natagalan kami sa paghanap sa’yo.” Mahabang paliwanag nito.

Pati sina Boss L naghanap?” Pabulong na tanong niya dito.

Ah hindi eh. Tinawagan na lang namin sila nung natunton namin yung bodega. Akala nga namin hindi na sila pupunta pero nagulat na lang kami nung sumunod pala sila. Pabulong din na sagot nito.

Tumango tango si Sky. “Ah ganun ba. Ok. Hmmm… Hahanapin ko muna pala si Kambal.

Huwag na. Hayaan mo na yun. Babalik din yun.” Tutol agad ni Sakuragi.

Kailangan ko din kasi siyang makausap eh kaya hahanapin ko lang siya.” Aniya saka humiwalay na sakanila.

*Riiiiiinnnnggg… Rrriiiiinnngggg…

O Cloud, bakit?... Oo ayos lang ako… Pinuntahan ako ng mga kaklase ko para iligtas… Oo huwag ka na mag-alala… Sige. Mamaya na lang. Bye.” 

Pagkatapos ng tawag ay nagpatuloy na siya sa paglalakad nang maisipan niyang gamitin ulit ang GPS para hanapin si Kambal. Nakita niya itong nasa may forest at nakasandal sa isang malaking puno.

Lumapit siya dito. “Kambal anong ginagawa mo dito?” 

Bagaman nagulat sa biglang pagsulpot niya ay bakas naman ang tuwa nitong makita siya. “Sky! Buti naman naligtas ka nila.” 

Ah oo. Bakit nga pala hindi ka sumama sakanila pabalik dun sa bodega kanina?” Sabi niya saka tinabihan ito.

Nabura ang ngiti sa mukha nito at biglang napalitan ng lungkot. Napayuko ito bago nagsalita. “Hindi naman ako kailangan dun. Kayang kaya naman nila yun.  Magiging pabigat lang ako pag nagkataon.

Nakakunot-noong tinignan ni Sky ang katabi. “Anong ibig mong sabihin? May problema ka ba?” 

Wala. Bumalik ka na nga sa classroom. Gusto kong mapag-isa.” Pagsusungit nito bigla.

Hindi naman natinag si Sky. “Dito lang ako. Hindi ako aalis. Kung gusto mo, imagine mo na lang na wala ako dito.” 

Nagtatanong ang mga matang tinignan siya nito.

Ilabas mo yang mga nararamdaman mo. Magkuwento ka sa sarili mo na parang ikaw lang ang tao dito.

Binalik ni Kambal ang paningin sa harapan saka nagbuntong-hininga. Sandaling tumahimik ang paligid.

WALA KA TALAGANG KUWENTA!” Sigaw niya bigla. “Napakahina mo. Kaya naman kinakaya-kaya ka lang ng iba. Pati mga babae nakakaya kang pasunurin. Naturingan ka pa namang gangster pero hanggang ganyan ka lang. Ni hindi ka man lang makalaban sa mga taong gustong manakit sa’yo. Ni hindi mo man lang maipagtanggol ang kaibigan mo.” Sandali siyang tumigil kapagkuwa’y muli siyang sumigaw. “NAPAKAHINA MO!” Napatigil siya saglit at nagbuntong-hininga bago itinuloy ang paglalabas ng sama ng loob sa sarili. “Sabagay… simpleng sports nga hindi ka umuubra, kaya ayan manager lang ng basketball team ang bagsak mo. Mas mabuti pa yatang umalis ka na sa gang para hindi ka maging pabigat, tutal wala ka din namang naitutulong sakanila. Mabuti pa nga si Iñigo kahit hindi nakikipaglaban eh malaki naman ang mga naitutulong ng research at ideya niya sa gang.” Bakas ang pait sa tinig. “Hay… Tuwang tuwa pa naman ang Daddy mo nung malaman na kasama ka sa gang pero hindi niya alam na hindi ka naman nakakatulong sa mga labanan. Ano ba! Habang buhay ka na lang bang ganyan?” Kasabay ng huling salita niya ay ang kawalan ng pag-asa sa tinig niya. Pagkatapos ng mahabang litanya niya ay tumahimik nang muli ang paligid. Tanging huni ng mga ibon na lang ang maririnig.

Hindi ka naman mahina.” Sky said with her monotonous voice and emotionless face.

Nagulat si Kambal at napatingin kay Sky. Hindi na ito nakangiti at hindi rin kababakasan ng anumang emosyon. Ilang minuto din siyang nakatingin lang dito at hindi umiimik. Maya-maya ay naalala niya ang sinabi nito kanina bago siya maglabas ng himutok kanina. “Akala ko ba invisible ka at mag-isa lang ako dito? 

Ako ang isa mo pang konsensiya.

Nanlaki ang mata niya sa narinig mula dito at hindi siya nakapagsalita. Hindi niya alam kung matatawa siya sa hirit nito o hindi. Pero hindi naman kasi ito nakangiti o nakatawa kaya hindi na niya ito binara.

Lahat ng tao, kahit gaano pa kalakas yan ay may kahinaan pa rin. Kaya hindi nangangahulugang kapag mahina ka sa isang bagay ay mahina ka na talaga. Ang pagsunod sa isang babae ay hindi nangangahulugan ng kahinaan. Maaaring ito ay dahil sa pinapahalagahan mo lang siya at ayaw mong masaktan kaya pinagbibigyan mo na lang.” Huminto sandali ito at tumingin sakanya na tumungo lang at halatang nag-blush.

Hindi siya umimik kaya pumikit si Sky at sinamyo ang ihip ng hangin. Nang imulat nito ang paningin ay nakatingin na dito si Kambal kaya muli itong nagsalita.

Ano bang pagkakaintindi mo sa isang gang?” Tanong nito pero hindi pa rin siya umimik at nakatingin lang dito. “Nakakabit na sa salitang gang ang gulo, labanan, pagdanak ng dugo, droga, krimen at kung anu-ano pang masamang bagay. Pero ang totoo niyan, maliban sa mga gawaing ito ay mayroong pinakamahalagang dahilan kung bakit nabubuo ang isang gang. Ito ay ang pagkakapatiran. Yung iba hindi gang ang tawag nila kundi fraternity pero ano man ang tawag diyan, iisa lang ang layunin ng mga ito, ang pagdadamayan ng bawat miyembro sa kahit na anong kaharapin nila. Hindi ang galing sa pakikipaglaban ang sukatan ng halaga mo sa isang gang, kundi ang pagpapahalaga mo sa kapatirang nabuo ninyo ng mga kasama mo. Mahalaga ka sa gang na yan dahil kasama kang bumuo dito.

Sandaling tumigil ulit ito at tumingin sa mga building sa harap nila. “Ang pagbuo ng ganyang samahan ay gaya ng pagbuo ng isang bahay. Mahalaga ang bawat bahagi nito, mula sa pundasyon hanggang sa bubong. Kapag nawala ang isa sa kahit na anong parte ng bahay ay magiging marupok ito. Ultimo maliit na pako ay mahalaga para mapatibay ang pagkakapit ng mga bahagi nito. Isipin mong ikaw ang pakong yun, isang maliit na pakong nagpapatibay sa pagkakapit ng bawat miyembro. Huwag mong isiping dahil maliit ka o mahina ay wala ka nang kuwenta. Ang kulay itim kahit gaano kaliit, kahit gatuldok lang, ay kulay itim pa rin. Ganun din sa kahalagahan ng isang tao. Kahit gaano kaliit ang naitutulong mo, kahit sa tingin mo ay maliit lang ang halaga mo sa gang ninyo ay mahalaga ka pa rin.

Napatungo siya pagkarinig sa mga sinabi ni Sky. Hindi niya namalayang may tumulong luha na pala sakanyang mga mata. Tumagos sakanya ang lahat ng sinabi nito. Parang bulang nawala ang mga hinanakit niya sa buhay nang dahil sa sinabi nito. Hindi niya akalaing yung dating binubully lang nila pa ang makakapagpagaan ng dinadala niyang problema sa loob ng ilang taon.

Alam mo?” He looked at her.“Sana noon ka pa namin nakilala. Kung last year ka pa sana dumating, hindi na sana nagkaganun si Prime. Sana balang araw makita din niya ang halaga mo, kahit na sa ngayon ay natatakpan ka pa ng galit niya sa mga babae. Sana huwag kang sumuko sa pagiging pako kahit na kalawangin ka pa, samahan mo akong gampanan ang papel na yan. Kambal tayo diba?” 

Natigilan saglit si Sky at nakatingin lang sakanya. “Ano bang sinasabi mo sa konsensiya mo? Hindi mo ako kakambal dahil iisa lang tayo. O sige, magdidisappear na ako. Babalik na ako sa kawalan. Basta tawagin mo na lang ako kapag kailangan mo ulit ang iyong konsensiya. Bye.” 

Pagkasabi nito ay agad na nga itong umalis.

Naiwan naman siyang iiling-iling at nakangiti. Tama nga sina Jiro, weird ka nga…

_________________________________________________________________________________

A/N: Ayan may Author's note na naman at sana basahin niyo. Hehe...

Umatake na naman ang kaweirduhan ng ating bida na si Sky. Ano't siya daw ang konsensiya ni Nash? Ansave?

Hay naku Sky ikaw na! ikaw na talaga ang pinakaweird sa lahat ng weird. Pagkamalan daw ba na artista ang mga kidnapper! At gusto mo pa talagang magpa-autograph ha. Tsk tsk tsk.

At sino naman kaya itong Mask Man na itetch. Abangan na lang siya sa next chapter...

Ayan at dito nagtatapos ang aking A/N na pagkahaba-haba. Bow.

Continue Reading

You'll Also Like

48.1K 751 41
"Hindi naman ako 'yong klaseng angel na inaakala mo." - Ayara - Date Started: June 06, 2023 Date Finished:
448K 24.2K 80
It's been five years ever since Avery lost contact with his one and only best friend. Five long years of not knowing the real reason why he just sudd...
30.3K 1.5K 33
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...
1.7M 72.4K 103
"I will rule all of you." Raiven said to the last section. Mahirap makihalubilo sa isang seksiyon na lahat ay lalaki. Mas lalong mahirap kung makas...