Stephanie, The Devil's Slave

By SexyKisser

12.1M 143K 14.9K

She is not an ordinary slave. More

Introduction
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
STDS [38]
STDS [39]
STDS [40]
STDS [41]
STDS [42]
STDS [43]
STDS [44]
STDS [45]
STDS [46]
STDS [47]
STDS [48]
STDS [49]
STDS [50]
Stephanie, The Devil's Slave
STDS [Epilogue]

Chapter 34

181K 2.9K 638
By SexyKisser

"Ang landi mo friend." Komento ni Leila saakin matapos kong i-kwento ang nangyari kahapon.

"Tss, bakit, paano?" Nakasimangot na sabi ko sa kanya.

"Bakit hindi ka na lang kasi pumili sa kanilang dalawa? Imposible namang mahal mo yang dalawa na yan!" Sigaw nya saakin.

Naandito nga pala ako sa bahay ni Leila. Tumakas ako kay Kris since nahihiya akong makita sya ngayong araw matapos ang nangyari kagabi. Hindi parin ako makapaniwala na sinabi nya yun.

"Kung hindi mo sana boyfriend itong si Max, kinilig na ako kanina pa! Kaso friend, nakakaawa sya eh! Walang kaalam alam yung tao! Bakit kasi ayaw mo pang sabihin sa kanya? Tutal naman, meron syang karapatan. Dapat sabihin mo na! At pumili ka dyan sa dalawa na yan! Kasi kahit na mahal mo sila pareho, meron at meron paring mas matimbang." Mahabang saad nya.

"Easy for you to say." Umirap ako sa kanya. "Tska isa pa, anong pinagsasasabi mong kailangan ko nang pumili? Baliw ka ba? Si Max ang boyfriend ko." I said matter of factly.

"Boyfriend mo nga sya, eh sinong mas mahal mo?" Nanunuksong tanong nya.

"Edi si Max! Ano ka ba! Wala naman akong gusto kay Kris." Sabi ko sabay irap.

"Wala daw. Ano ako tanga? Kanina ka pa nagke-kwento tungkol sa mga nangyayari sainyo ni Kris, and I observed na there is a spark!"

Napahalumbaba ako sa mga sinasabi nya. "Tss. Spark? Adik ka ba?"

"Sige nga! Kung nalaman mo bang birthday din ni Kris kahapon, sinong sasamahan mo sa kanilang dalawa?" Paghahamong tanong nya.

"Si Max!! Syempre." I'm positive. Although magi-guilty siguro ako habang nasa labas kami.

"Of course not! Nasabi mo lang 'yan kasi tapos na, pero I know kung maaga mo lang nalaman, mahihirapan ka ring pumili! Hay nako girl! Ang laki ng problema mo! Magbigti ka na!" Natatawang sabi nya. Sinamaan ko sya ng tingin. "Yan ang tinatawag ng ganda-problems!" Tapos humalakhak sya. Baliw din tong isang to eh.

"Mahal ko si Max. Hanggang huli, sana kami parin. Sasabihin ko sa kanya yun, at sana.. matanggap nya pa." Sabi ko habang pinaglalaruan ang straw na hawak ko. Natahimik sandali si Leila.

"Hindi mo ba nakikita kung gaano ka na ka-selfish?" Tanong nya saakin. Hindi ko naiwasang mapatingin sa kanya.

"Alam kong selfish ako, pero sasabihin ko din naman sa kanya eh." Malungkot na sabi ko.

"Sasabihin? kailan pa Steph? kapag huli na? Kapag sawa na si Max sa kakaiwas mo? Kapag si Max pa mismo ang maka alam? Ano ba? Magisip ka nga!" Naiinis na sabi nya.

"Ginagawa ko naman nang madali ang lahat eh. Sasabihin ko din pero naghahanap lang ako ng time." Sabi ko na lang.

"Kailan pa yung time na yan? Gosh! Kung kailangan ngang sabihin mo na ngayon eh! You have all day to tell him! Haay!" Umirap sya tska napa-palo pa sa unan na yakap nya.

"Madali kasi para sayo, kasi wala ka sa lugar ko." Sabi ko at pinahidan ang tumulong luha. Nakakainis naman.

"Ano? Nagbibiro ka ba?" Napahampas sya sa noo nya. "I'm telling this to you, kasi alam kong nahuhulog ka na din kay Kris! At ang pagsasabi ng maaga kay Max ay pagbabawas sa sakit na mararamdaman nya. Look, I know how you feel and kung gaano ka kagipit ngayon, but the easiest route is telling him.. I know you're thinking na makakaalis ka pa sa sitwasyon na to and nagba-baka sakli ka pa na mairescue yung feelings ni Max by not telling him yet unless wala na si Kris, but I don't think we're getting there soon, baka mauna pang malaman ni Max. And girl, that's disaster." She said concerned.

I sighed. "Wala ka bang ibang maipapayo?" Tanong ko sa kanya.

"Meron." Tapos umayos sya ng upo.

"Ano?" Bored na tanong ko.

"Bakit hindi mo isiping mabuti kung sino talaga ang gusto mo--" I cut her sentence kasi nakukulitan na talaga ako sa kanya.

"Pwede ba Leila? Ilang ulit ko bang sasabihin na si Max ang gusto ko at wala nang iba? No more Kris dahil wala naman talaga sya saakin!" I yelled at her.

"Wala para sayo si Kris? Hindi nga? Kaya pala nageffort ka sa kanya kagabi?" She grin.

Napayuko na lang ako. "I.. I did that.. kasi naaawa lang ako.. you'd do the same if you saw how he looked like."

"I probably won't because I don't have feeling for him! Hahaha!" Leila stopped when she saw me not laughing."—Pero kung ipagpipilitan mong wala nga talaga para sayo si Kris, then tell me. Anong sagot mo sa tanong nya sayo kagabi?" She smirked at lumapit ang mukha nya saakin at hinintay ang sagot ko.

Ang sagot ko kay Kris kagabi sa tanong nya? Ano nga bang sinagot ko sa kanya?

Then I remember what happened last night.

Agad kong hinawakan si Kris sa kamay na ikinagulat nya. Pero nagpahila na din naman sya.

"What are you doing?" Takang tanong nya.

"Hinihila ka?" Sagot ko naman. Mabilis ko syang hinila pababa. Aba! Ngayon ko lang naisip na bawat minuto mahalaga! No-- bawat segundo pala!

"You don't need to be sarcastic Steph, now tell me. Saan mo ba ako dadalhin?" Hindi ko nakikita ang itsura nya pero alam kong nakakunot na ang noo nya.

"Just shut up and follow me!" Sigaw ko sa kanya. Ang daldal eh. Tumahimik naman sya at nang minsang napasulayap ako sa kanya, nakangisi sya.. o nakangiti? Hindi ko alam kung may pinagkaiba pa ba sa kanya yun. Basta natural na mayabang ang istura nya.

Mabilis kaming nakalabas ng subdivision at tinungo namin ang children's park. Kung lalakarin, mga 10 minutes. Kung tatakbuhin, mga 7 minutes pero kung katulad ng ginagawa namin? 5 minutes!

Nakarating kami doon at hingal na hingal na ako. Nang tignan ko sya, humihinga rin sya ng malalim pero nakatingin lang sa buong park bago tumingin saakin.

"What are we doing here?" Tanong nya. Masungit na naman.

"We are going to celebrate your birthday." Nakangiting sabi ko. Ngiti lang ako ng ngiti kahit ang kasama ko ay mukhang papatay sa sobrang sungit ng itsura. Is this what I get after trying to make him happy with his day? Okay. I should try harder.

"Nakita mo ba yun Kris?" Tapos tinuro ko ang mataas na lugar kung saan may ilang dipa ang layo saamin. Mataas at meron pang poste na nakasindi.

"Yeah." Sagot lang nya na tinitignan ang tinuturo ko.

"Kung sino ang mahuling makarating doon, will have to treat the winner!" Tapos tinignan ko sya.

"What?" Umirap sya. "Ayoko." Inis na bulong nya.

"Basta. Kung ayaw mo, then talo ka."

Huminga ako ng malalim at tumakbo nang mabilis. I can do this! Tumakbo ako ng pagkatulin tulin. Nang lingunin ko sya-- nagulat ako kasi tumatakbo sya! Ang bilis nyang tumakbo! Nauna pa akong tumako pero mauunahan nya na ako! Ang daya naman kasi mahaba ang mga bias nya.

Naunahan nya ako-- at dahil sa desperado akong manalo binilisan ko lalo ang pagtakbo pero sa kasamaang palad..

"ARAY!" Napatid ako sa bato at gumasgas ang tuhod ko. Naman! Nakakainis! At nang tignan ko ang tuhod ko, may dugo.

"Sht! You're so stupid!" Nakita kong tumakbo si Kris papunta saakin. Arg! Ang lampa ko naman this is not my plan! Sht masisira!!

Pinilit kong tumayo. Pero sa kasamaang palad, sobrang masakit. May naipit pa yatang ugat. anyway, kaya ko pa namang umarte. Kunwari hindi na lang masakit.

"Ah. He-he. Hindi naman masakit." Nakangiti kong sabi sa kanya. Nagpakita pa ako na naglalakad ako, pero iika-ika naman. I don't know kung nakangiwi ba ako.

"Tsk! Sa susunod kung gusto mong magpalibre, sabihin mo na lang. Hindi yung kailangan mo pang makipaglaro." Sabi nya at saka ako inalalayan at biglang binuhat na pangkasal!

"What the-- Kris ibaba mo ako!" Sigaw ko sa kanya. "Mauubos ang oras!" Pagpatuloy ko.

"Tss. Mas mauubos kung iika ika kang maglakad. Tara na nga!" Binuhat nya ako ng pabridal style. nakakahiya talaga!

Madilim at wala ng tao dito sa park. Sino ba naman kasing matino ang pupunta dito sa ganitong oras, diba?

Mabilis kaming nakarating sa taas. Kahit na kailangan pang umakyat sa hagdan, madali lang para sa kanya dahil.. ang lakas nya! Para nga lang akong bag para sa kanya. Pumapayat ba ako? Iniupo nya ako sa isang malaking kahoy na upuan at umupo din sya sa tabi ko.

Tinignan ko ang relo ko at halos maiyak ako. Kasi naman 23 minutes na lang-- ayan! 22 nalang.

"Wag mo nang pagudin sarili mo." napatingin ako kay Kris nang sabihin nya yun. "It's okay. Hayaan na lang natin kung anong oras na. Wag na natin ipilit.." Sabi nya na nakatingin lang sa harapan, but there is still sadness.

Para bang sinasabi nya na ayos na, pero hindi naman talaga. Hindi pwedeng matapos ang birthday nya ng ganun lang.

"Pero.."

"At least you tried.." Ngumiti sya. Isang masayang ngiti. "..At least you did try." Napatitig ako sa maganda nyang mata. "And I can say, that this is the most meaningful birthday I ever had."

Biglang kong naramdaman ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Ah! bakit ngayon ko bigla naramdaman ang pagod? Tsk. Tsk! Tska, bakit naman ito ang pinaka meaningful birthday nya? Joke ba iyon? Meaningful na ang lagay na 'to? Na nagtry lang ako? Eh ano pala ang mga past birthdays nya? Sobrang sama na ba?

"Sandali lang!" Tumayo ako bigla na pinagsisihan ko. Bigla kasing kumirot pero hindi naman na ganun kasakit.

"Saan ka?" Takang tanong nya habang nakatingin saakin.

"May kukunin lang ako." Sabi ko at naglakad.

"Wag na. Just stay." At ewan ko ba kung bakit parang natunaw ako sa sinabi nya.

"Babalik ako. Mabilis lang to." Tinakbo ko ang may kalakihan na parke at naningin kung may bukas pa na mga tindahan o convenience stores. Ang unang napuntahan kong tindahan ay sarado, pangalawa sarado din. Sino ba naman kasing bukas sa ganitong oras?

"WAIT!" Sigaw ko sa ale na papasok sa loob ng bahay nila. I'm hopeless! at kailangan kong tanggalin ang lahat ng hiya ko. Lumingon saakin ang babae na I think ay nasa 40s na.

"Ano yun?" Tanong nya saakin.

Sinabi ko sa kanya ang mga kailangan ko. Sarado na ang tindahan nila pero pinagbilhan parin nya ako.

Nakita ko si Kris na nakaupo. 16 Minutes na lang. I can do it! Kahit na pagtawanan nya pa ako. Kahit na sobrang nakakahiya. Tsk tsk!

Tinusok ko sa gitna ng isang chocolate cupcake ang isang birthday candle na nakuha ko din sa babae kanina. Sinindihan ko yun gamit ang lighter na nakuha ko din sa ale.

Naglakad ako papalapit sa kanya at dahil nakatingin sya ng diretso, nakita nya agad ako. Hindi maipagkakaila ang gulat at amusement sa mukha nya.

"Happy birthday Kris." I said smiling at him. "Make a wish before you blow the candle."

"Tss. This is just too childish." Masungit na sabi nya pero hindi parin maaalis ang kakarampot na ngiti sa labi. May shade of red sa pisngi nya na ikinatawa ko.

Hihipan nya sana yung kandila pero pinigilan ko sya. "Oops! Sabi ko, magwish ka muna."

Nag-tsk sya pero nakangiti parin. Bakit ba hindi nya kayang i-express ang sarili nya without saying 'Tss' 'Tsk!' tska ang pagirap at pagiging masungit?

Nakatitig sya saakin ng mga 5 seconds. I think nagwi-wish na sya. Then, he blew the candle.

Nilapag ko ang cupcake at may nilabas mula sa bag ko. Isang plastik na baril na may lamang tubig sa loob. Nabili ko din to sa babae.

"What the hell is that?" Kunot noo nyang tanong nang ibigay ko sa kanya ang isa.

"Kasi nga diba? first time mong magce-celebrate ng birthday? Yung mga bata nireregaluhan ng mga toys na ganito." Sabi ko.

He chuckled. Napailing sya na para bang nagtataka din sya kung bakit nakikiayon sya sa pinag-gagagawa ko.

Kinuha naman nya ang isang baril at wala sa loob na pinindot yun na para bang ngayon lang nya iyon nahawakan. Mula doon ay lumabas ang tubig at tumama sa mukha ko. Pinahiran ko na lang agad yun.

"This is..funny." Saad nya at tumitig pa sa baril-barilan at nakita kong tumaas ang sulok ng labi nya. Narinig ko syang natawa.

Tapos binaril nya ulit aki sa mukha ko. Gumanti ako sa kanya at pinagbabaril sya. Tumakbo ako ng mabilis para makatakas sa kanya pero nahuli nya ako at pinagbabaril ulit. Ang daya talaga! Haba kasi ng bias!

"Kris! Stop!" Sigaw ko habang nagbabaril din sa kanya pero hindi naman sya natatamaan. Tumatama lang sa damit nya dahil nakakailag sya. Samantalang yung mukha ko, basang basa na!

"I'll stop, if you stop!" Sigaw din nya. Abat! Ang kulit pala ng isang to!

"I'll never stop! Gaganti muna ako!" Sabi ko na manawa-nawa. Ewan ko ba, nakakatuwang marinig syang tumatawa. At ang cute nya habang hawak ang baril-barilan!

"If you can!" Tapos tumakbo sya ng malayo. Urg! This is so impossible. Naghabulan kami hanggang maubos ang laman ng baril.

"Halika na nga." Sabi ko kay Kris at naunang maglakad pabalik sa taas ng parke.

Nasa kalagitnaan kami ng hagdan pataas ng maramdaman kong niyakap nya ako sa likod ko, he hugged me around my waist. Niyakap nya ako kagaya ng pagyakap saakin ni Max kanina.

"K-kris..?" Sinubukan kong tanggalin ang braso nya saakin pero mahigpit.

"Steph, let's just stay like this for 5 minutes.." He said. Halata kong pagod sya. And the way he said those words.. it was like magic. And made me stop.

Nang tignan ko ang relo ko, it was already 11:55 pm 5 minutes na lang pala. So, chine-check din nya ang oras? I smiled secretly.

Ilang minuto nya pa akong niyakap. Hindi parin nya inaalis. Akala ko iyon lang ang gagawin nya hanggang matapos ang limang minuto, pero nagsalita sya.

"Alam mo ba kung anong hiniling ko kanina?" Tanong nya saakin. Napakahina ng boses nya. Yung birthday wish nya ba ang tinutukoy nya? I remained silent so that he can continue what he's saying.

Tumagal pa ng ilang segundo at hindi sya nagsalita kaya nagtanong ako. "A-ano?"

Natawa sya. "Hiniling kong sana, ako na lang. Na sana, ako yun at hindi sya."

I froze. What? Hindi ako makagalaw. Anong sinasabi nya?

"H-huh?"

"Steph," Siniksik nya ang mukha nya sa leeg ko. And I can feel his heavy breathing. Napakaseyoso ng boses nya. Like he mean every words he says.

Kung naguguluhan ako sa mga sinasabi nya, nagulat naman ako sa mga binitawan nyang salita at kung gaano sya kaseryoso.

"Pwede bang sakin ka na lang..?"

Continue Reading

You'll Also Like

121K 5.9K 42
You don't have all the time in the world. Iyon ang totoo. Blessed to have survived her fatal illness and learning more to live with it, Polka tries t...
4.9M 11.7K 3
Mahal ni Coleen ang kalayaan. Hilig niya ang mag-cutting ng klase, ganoon din ang gumala kasama ang mga kaibigan.Kaya naman ng lumipat ang kanyang pa...
1.1K 142 48
Cedrick Lee Vargaz never been fond of falling in love. He focus on his studies, family business, and in his family but not on his life. He clearly do...
6.3M 170K 65
Inspired by Mom at 16 MOVIE ..