Erotica Collection

By Macofee

11.5M 16.4K 1.7K

Irresistible temptation awaits you. More

Read Before Proceeding
The Professor - I
Good Ending - I
Good Ending - II
Good Ending - III
Good Ending - IV
Good Ending - V
Good Ending - VI
Good Ending - VII
Good Ending - End
Swinger's Story - I
Swinger's Story - II
Swinger's Story - III
Swinger's Story - IV
Swinger's Story - V
Swinger's Story - VI
Swinger's Story - VII
Swinger's Story - End
• Until We Meet Again - One Shot
• BSM - One Shot

The Professor - End

225K 1.6K 347
By Macofee

The feeling is unbelievably ecstatic! She wants more, she needs all of him inside her. Ngunit kung kailan nasa rurok na ng init ang dalaga ay bigla na lang huminto si Franz.

Nagtaka si Yana sa nangyayari...

"B-bakit Sir?" pabulong na tanong ni Yana sa lalaking kani-kanina lang ay kinamumuhian niya.

"Umuwi ka na Yana..." malamig na sinabi ng propesor habang minamasahe sentido.

"Sir, paano naman po..." sambit ni Yana. She wants to say "let's do it Sir, please... pleasure me." pero hindi niya magawang sabihin.

"Don't worry about the grades, I'll fix it tomorrow," diretsong sinabi ni Sir Franz.

Naguguluhan si Yana sa biglang pagbabago ng ugali ni Sir Franz.

"Mabaho ba ako? Baka naman bad breath ako? Oh my God! What's wrong with me?"

Dali-daling inayos ng dalaga ang sarili at mabilis na umalis sa apartment ng propesor. Habang naglalakad siya ay tila binuhusan ng malamig na tubig ang buo niyang katawan.

•••••

Humahangos si Allen sa paligid ng campus. Panay lingon niya sa paligid at umaasang makita kahit anino ni Yana. Napagtanto na niyang naging masama ang tabas ng kanyang dila. Imbes na damayan ay tila inilubog pa niya lalo ang kasintahan.

Ngunit ilang oras na siyang ikot ng ikot sa school ay hindi pa din niya makita si Yana! Naka-ilang text at tawag siya ngunit wala pa ring sagot!

"Oh pare sinong hanap mo?" tanong ng kaibigan ni Allen na tila kanina pa pinapanood ang pagdurusa niya.

"Hinahanap ko si Yana tol, nakita mo ba siya?" hinahapong tanong ni Allen habang hinahabol ang hininga.

"Nagalit kasi sa akin eh, hihingi sana ako ng sorry," dagdag pa niya.

Nag-isip ang kaibigan, tumikhim bago muling nagsalita.

"Alam mo pare nakita ko siya kanina sa SM, kasama n'ya 'yong manyak na prof sa Mechanics. Ewan ko ha, pero baka nagkataon lang."

"Baka nga tol, parang wala naman siyang kailangan kay Sir Hernan," pagtatanggol ni Allen sa kasintahan.

"Ah buti naman, sige at uuwi na ako. Galingan mo sa panunuyo."

"Sige tol, salamat." Pilit na ikinubli ni Allen ang emosyon...

Makaraang marinig ang sinabi ng kaibigan ay kung anu-ano na ang pumapasok sa isip niya. Unti-unti ay lumalaki ang paghihinala sa kanyang pusong kinakain ng selos.

"Bakit kailangan na magkasama ang putang inang prof na yun at girlfriend ko sa mall? Ano'ng special project ang plano nilang gawin?" tanong niya sa sarili kahit alam na alam na naman niya ang kasagutan.


Pasado alas otso ng gabi, tanging ilaw mula sa mga poste ang nagbibigay ng liwanag sa nilalakaran ni Allen. Basa ang kalsada dala ng malakas na buhos ng ulan at mangilan-ngilan lamang ang sasakyang dumadaan...

Ilang saglit pa ay natagpuan ni Allen ang sarili sa harapan ng bahay nila Yana. Napalunok siya, pinahid ang pawis sa noo at kinamot ang nguso bago naglakas-loob na kumatok sa gate.

Ilang saglit pa ay bumakas ang pinto, tumambad sa harapan ng binata ang may-edad na babae, mataba ito, pero bakas pa rin sa maamo at mabait na mukha ang kagandahan, "Allen iho bakit ginabi ka? Tara tuloy ka," sambit ni Tita Cely, ang nanay ni Yana habang binubuksan ang gate.

"H'wag na po Tita, kakamustahin ko lang si Yana," matipid na tugon ng binata. Nananalangin na sana ay nasa bahay si Yana, na sana ay tsismis lang ang nabalitaan niya kanina!

"Si Yana? Doon natulog sa best friend niya ah. Gagawa sila ng project," wika ni Tita Cely. "Hindi ba nagsabi sa'yo?"

"Hindi po eh..."

Pilit na ngumiti si Allen at magalang na nagpaalam. Nang makalayo siya sa bahay nila Yana ay mabilis niyang kinuha ang cellphone sa bulsa, at tinawagan ang best friend ng nobya.

"Hello, Kaye. Kamusta na si Yana?"

"Uy, Allen! 'Bout Yan-Yan, she's not texting me eh... ikaw din ba hindi niya kino-contact?"

"Hindi din, thanks."

May sasabihin pa dapat si Kaye pero pinutol kaagad ni Allen ang tawag!

Sa pagkakataong ito ay sigurado na siya! Walang duda, tama ang sinabi ng kanyang kaibigan! Sumama si Yana doon sa manyakis na propesor!

Pilit niyang kinalma ang sarili, pinigil ang sakit ngunit kusang tumulo ang kanyang mga luha. Durog na durog ang kanyang pagkalalaki dahil ang kasintahan niya ay nagpagamit sa propesor para lamang makapasa.

Noong oras na iyon, alam na niya kung ano ang pakiramdam ng maiputan sa ulo!

•••••

"Sa tabi lang po! Para!"

Bumaba ng jeep si Yana at mabigat ang mga paang naglakad pauwi sa kanilang bahay. Doon ay nakita niya si Allen sa gilid ng poste na nakayuko.

Tila may kung anong kumabog sa dibdib ng dalaga! Nagpunta kaya si Allen sa bahay nila? Ano kaya ang ginagawa niya dito? Ipinagpag ni Yana ang mga negatibong naiisip dahil ang mahalaga ay maganda ang balitang dala niya...

Wala nang problema sa grades niya! Makaka-graduate na sila ng sabay.

Masayang lumapit si Yana kay Allen at sinabi, "babe! Nagpunta ka sa ba samin? Galing nga pala ako kila Kaye kanina, nagpatulong lang ako sa project ko..."

Mabalasik na tumingin ang binata sa kanya. Tila may kung anong takot ang bumalot sa buong katawan ni Yana nang makita ang matinding galit sa mga mata ni Allen.

"B-babe ano, kasi, may problema ba? Don't worry, sigurado pasado n---."

Isang malutong na sampal sa kanang pisngi ang pumutol sa pagsasalita ni Yana! Napaupo ang dalaga sa basa at maputik na kalsada, halos mabingi sa lakas ng sampal ni Allen!

"Putang ina mo!" Halos mapatid ang litid sa leeg ni Allen. "Ang dami mong alibi eh nagpakantot ka lang naman sa prof para pumasa!"

"A-Allen... mali naman ang iniisip mo!" Sinubukang tumayo ni Yana upang yakapin at suyuin si Allen ngunit muli siyang napaupo dahil sa hindi mapigil na panginginig ng magkabila niyang tuhod!

"Mali? Ako pa ngayon ang mali? May nakakita sa inyo sa SM, huling-huli ko ang mga kasinungalingan mo Yana!"

"Wala kang pinagka-iba sa pokpok!"

"Nakakadiri ka!"

Napaluha si Yana, masakit ang pisngi niya ngunit mas masakit ang kanyang dibdib dahil sa mga salitang binitawan ni Allen.

"Sorry..." tanging nasabi ng dalaga na halos magpakain na sa lupa dahil sa labis na kahihiyan.

"Sorry na Allen..." pagmamaka-awa ni Yana. Pilit siyang bumangon mula sa pagkakaupo at mahigpit na niyakap si Allen habang patuloy sa paghagulgol, umaasa siya na sana ay maayos na ang lahat...

Naniniwala siya na patatawarin siya ng nobyo dahil malalim ang samahan nilang dalawa.

"Bitawan mo nga ako, nakakadiri ka!"

Hinawakan ni Allen ang magkabilang balikat ni Yana, makaraan ay malakas siyang itinulak palayo! Matapos iyon ay tumalilis ng lakad ang binatang nagpupuyos sa galit habang si Yana ay naiwang nakasadlak sa putikan at buong pait na lumuluha.

•••••

Kinabukasan, bandang alas sais ng gabi. Naglalakad si Sir Franz palabas ng campus upang magkape. Madilim ang paligid, malakas ang simoy ng malamig na hangin, at wala nang masyadong tao sa paligid.

Nakatingin sa malayo ang propesor, malalim ang iniisip nang bigla niyang nakasalubong si Allen!

Nanlilisik ang mga mata nito, na animo'y tigreng handang sagpangin ang leeg ng kalaban!

"Putang ina ka! Ano'ng ginawa mo kay Yana?" Matapos iyon ay biglang sinugod ni Allen ang propesor upang pakainin ng kamao!

Bago pa makalapit ang binata ay agad na sinipa ni Sir Franz ang sikmura nito! Namimilipit na bumagsak sa sahig si Allen, sapo ang sikmura at nangangatog ang tuhod. Bakas sa mukha ng binatang estudyante ang pagkabigla sa mga nangyari!

Nagpakawala ng isang malalim na buntong-hininga ang propesor at mapanuyang nagtanong, "hanggang d'yan lang ba ang kaya mo Allen?"

"Tigilan mo si Yana. Nagkamali ka ng kinakalaban!" pagbabanta ni Allen kahit na siya ang nakalupasay sa sahig.

"What are you talking about?"

"H'wag kang magmaang-maangan ulol!" singhal ni Allen habang pilit na tumatayo. "Alam kong ginalaw mo si Yana, pinagsamantalahan mo s'ya!"

Ngumisi si Sir Franz bago nagwika, "ginalaw? Are you nuts?"

"Umamin sa'kin si Yana. Bagsak siya sa Mechanics at blinackmail mo s'ya  para makuha ang gusto mo!" hiyaw ni Allen habang dinuduro ang propesor.

"Malalaman ng buong school ang kagaguhan mo Sir, ikakalat kita sa FB maghintay ka lang!" banta ni Allen.

Matapos maglitanya ay tumalikod ang matapang na binata at naglakad pabalik sa loob ng campus.

"Allen, hindi ba niya sinabi na ikaw ang bagsak sa subject ko?" sambit ni Sir Franz habang hindi pa nakakalayo si Allen.

Biglang natigilan ang binata, kung kanina ay puno siya ng tapang at lakas ng loob, ngayon ay para siyang binuhusan ng malamig na tubig!

"Hindi ba niya sinabi sa' yo na walang nangyari sa'min? Tiningnan ko lang kung hanggang saan ang kaya niyang ibigay para sa'yo," napapa-iling na sinabi ng propesor.

"S-sinungaling! Ano'ng kalokohan ang iniimbento mo?"

"It's the truth you dimwit..."

Nangatog ang buong katawan ni Allen. Sa totoo lang ay alam din niya na nagpabaya siya sa pag-aaral dahil napasarap siya sa paglalaro ng ML at COD. Fuck it! Kung anu-ano pa man ding masakit na salita ang sinabi niya kay Yana...

'Yun pala ay ginawa ng kasintahan ang lahat para magkasabay silang maka-graduate!

Tumakbo siya at humahangos na hinanap si Yana! Hihingi siya ng tawad, luluhod, makikiusap! Kahit ano ay gagawin ni Allen, kahit na magmamaka-awa siya, makuha lang ang kapatawaran ni Yana!

•••••

Buong araw lang nakahiga sa kama si Yana. Wala siyang kagana-gana sa kahit anong bagay. Naguguluhan siya sa nararamdaman, masakit sa dibdib ang hiniwalayan siya ni Allen pero sa kung anong dahilan ay hindi ganun kahapdi ang nangyari...

Nahati ang emosyon niya kay Allen at Sir Franz. May hindi maipaliwanag na emosyon ang naglalaro sa isip niya. Nagpakawala ng isang malalim na buntong-hininga ang dalaga bago bumangon para ayusin ang mga gamit sa kanyang bag...

Habang inaayos ang mga notebook ay napansin niya ang nakatuping papel. Binuksan ni Yana ang papel at halos huminto ang puso niya sa nakita...

Sulat galing kay Sir Franz!

Sabik na bumalik ang dalaga sa kama at kinikilig na binasa ang sulat ng propesor. She can't explain why, but it makes her really happy and excited.

"Congratulations, you passed the test. Ngayon ay alam ko na kung gaano mo siya kamahal. Imagine, you're willing to sleep with me for his sake?

You know what? I'm deeply hurt.

Sa buong oras na kasama kita ay wala akong ibang naramdaman kung hindi inggit... selos... I want to be him, I wish I could be that man you love the most.

Bata pa lang tayo, gusto na kita. I'm that kind of guy who always looks from afar, hoping you'll notice me. Hanggang sa lumaki na tayo ay hindi nawala ang pagkagusto ko sa'yo... I guess that old saying first love never dies is true after all.

Nagulat pa ako dahil estudyante pala kita sa unang teaching job ko. You don't know how excited I am to see you everyday.

Hanggang sa dumating si Allen sa buhay mo at nagkaroon kayo ng relasyon.

It's painful but it's just... I can't do anything. Masyado akong naging torpe.

But I can't take that you're with the wrong guy! You know what I mean, bumaba ang grades mo dahil pati project at thesis niya, ikaw ang gumagawa.

Yan, you deserve a better man and I hope that man, will be me. I'll take good care of you.

I won't let you get hurt because since we we're young I'm already truly, honestly, madly in love with you."

Naramdaman ni Yana ang luha na nag-uunahang bumaba sa kanyang pisngi.

She's confused, she don't know what to do...

Hanggang sa may natanggap siyang dalawang text message mula sa magka-ibang tao.

"Let's meet at the park, 7PM"

"On the way na ako d'yan Yana. Hintayin mo lang ako."

•••••

Pasado alas diyes ng gabi nang dumating si Yana sa People's Park.

Kailangan pa niyang kausapin si Allen bago siya pumunta sa park. She wants to end all this trouble as soon as possible. Sa ilalim ng puno ng mangga ay nakita niya si Franz. Naghihintay pa din ito sa kanya kahit na gabing-gabi na.

"What took you so long?" Tanong ng inaantok ng propesor.

"Nag-usap pa kami ni Allen..."

"And?"

"I finally ended everything between us."

"I guess, there's a free room for me now, inside your heart."

"No, nagpunta ako para tapusin din kung ano ang nangyari sa atin."

"No problem... I'm already happy to see you free from the shackles that drags you down."

Isang ngiti lang ang isinagot ni Yana sa propesor at tumalikod na siya. Tears starts to fall down her cheeks as she walks away from Franz.

Why does it hurts so much to say a simple goodbye? Bakit gusto niyang manatili sa tabi ni Franz at muling damhin ang yakap nito?

"Yan! I swear, pagka-graduate mo, liligawan kita!" sigaw ni Franz.

Hindi lumingon ang dalaga ngunit punong-puno ng galak ang puso niya. Sana nga ay graduation na agad bukas.

Sana...

The Professor - END

Continue Reading

You'll Also Like

15.2M 587K 48
(Game Series # 5) Lyana Isobel Laurel never wanted complication. She never dreamed of marrying into a wealthy family-a family that's way out of her l...
32.1M 1M 48
(Game Series # 1) For as long as Katherine could remember, Juan Alexandro Yuchengco has always been her dream guy. He's smart, kind, and could be fun...
12.2M 537K 57
(Game Series # 6) Assia dela Serna's dream was to become a lawyer. Ever since she was little, she had dreamt of becoming one... But from a young age...
27.8M 1M 62
(Game Series # 4) Charisse Faith Viste believes in working hard. She does not believe in luck, only hard work. Bata pa lang siya, nasanay na siya na...