He Who Owns Me DLC 1

By babaengpirata

4.6M 73.3K 1.8K

De La Cerna 1 (Completed) Napakislot si Queennie. Feeling niya ay may nakahawak sa kanyang kamay. Marahan si... More

He Who Owns Me
Prologo
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Epilogue

Kabanata 20

97.7K 1.5K 25
By babaengpirata

Kabanata 20

Miss

Hapon na ng umuwi sila. Dinala siya ni Lutian sa kwarto nito. Naiwan siyang nakahiga sa kama at tinitingnan ang mga kuha nilang litrato. Dumiretso kasi ito sa bathroom para magshower. Mas maarte pa sa kanya ang mokong, tsk.

Nakatuon ang kanyang atensiyon sa mga pictures nang bumukas ang pinto ng bathroom. Naaamoy niya ang mabangong sabon na ginamit nito. Hindi niya ito nilingon.

Naramdaman na lang ni Queennie na may humaplos sa kanyang binti pataas sa kanyang hita. Halos nanindig ang lahat ng mga balahibo niya sa katawan. Pero pinilit niyang huwag itong pansinin ngunit nadidistract siya sa bango nito. Tinapunan niya ng inis na tingin si Lutian. Ngumisi lang ang mokong sa kanya.

Umayos ito ng tayo at halos mabitawan niya ang hawak na camera nang mapagtantong nakatapis lang ito ng towel sa pang-ibabang parte ng katawan. Naghuhumindik sa abs ang katawan nito at parang nang-aakit sa kanya upang mahawakan. Ang daming pandesal, kape na lang ang kulang.

Pasimple siyang nag-iwas ng tingin dahil feeling niya ay pulang-pula na ang kanyang mukha.

"M-agbihis ka nga! Baka may biglang pumasok na kasambahay at makita ka pang nakaganyan, tss..." pagalit na sambit niya. "Dapat ako lang ang makakakita niyan," dagdag ng kanyang malanding isipan.

Nakahinga siya ng maayos nang pumasok na ito sa walk in closet para magbihis. Sandali lang ito at lumabas na. Dumiretso si Lutian sa may cabinet malapit sa kama at binuksan ang drawer. May kinuha ito at tumabi sa kanya. Umayos siya ng upo at sumandal sa headboard. Inabot nito ang kinuha sa may drawer.

"Ano to?"

"Just opened it."

Binuksan niya ang box at tumambad sa kanya ang touch screen na cellphone.

"Para saan 'to?" nakakunot noong tanong niya.

Imbis na sagutin siya ay may kinuha ito sa mesa ng lamp shade at ipinakita sa kanya ang cellphone. Magkaparehas ito ng unit at disenyo. Ano 'to couple phone?

"Hindi ko naman kailangan ito eh. May cellphone naman ako diba."

"Kahit na. I want you to have it for some purposes. Itapon mo na 'yang lumang cellphone mo. May gumagamit pa ba niyan ngayon?" tudyo nito at binigyan siya nito ng nakakalokong ngiti.

"Tss, yabang nito. O sige na. Tatanggapin ko na po ito mahal na hari," sarkastikong sagot niya.

"That's My Queen," natatawang sambit nito sabay gulo nito sa buhok niya.

Wala siyang nagawa at tinanggap ang cellphone. Tinuruan siya nito kung paanot ito gamitin. Madali lang pala kahit na first time niyang magkaroon ng ganitong cellphone.

"Pupunta ako ng Manila sa susunod na linggo," pahayag nito.

Napatingin tuloy siya dito. Kahit na may parte sa kanya na ayaw niyang umalis si Lutian pero baka kailangan talaga.

"Tsk, look at your face. Hindi pa nga ako umaalis ay malungkot ka na. Hindi na lang kaya ako tutuloy, hmmm?" Kinurot nito ang pisngi niya.

"Aray! Ano ka ba. Hindi ako malungkot no! Para namang hindi ka na babalik, tss..."

Hinawi niya ang kamay nito sa kanyang pisngi at nag-iwas siya ng tingin. Hindi niya alam kung bakit biglang sumikip ang dibdib niya sa isiping iyon. Kinabig siya ni Lutian at niyakap mula sa likod. He rested his chin on her shoulder. Ipinulupot nito ang braso sa kanyang tiyan para mayakap siya ng mahigpit. Mabilis siya nitong hinagkan sa pisngi

Napangiti siya ng wala sa oras. Nakayakap parin ito sa kanya mula sa likod.

She loved it when he hugged her from the back. It gave her so much comfort and contentment. Feeling niya na kahit anong mangyari ay palagi lang itong nasa likuran niya upang umalalay. Falling for him was somehow worth it.

"I'll be back before you know it. May ipapaasikaso lang si Dad na business. Anong gusto mong pasalubong?"

"Huwag ka ng mag-abala. Ang imporante ay makauwi ka kaagad..." mahinang sambit niya.

Mabilis lumipas ang panahon at umalis na si Lutian papuntang Manila. Nakakatext niya ito o di-kaya ay nakakausap through video call. Huli niyang tawagan ay mukhang pagod at puyat ito sa trabaho. Kung may magagawa lang siya para maibsan ang pagod nito.

Lumipas ang mga araw at madalang na itong magtext sa kanya. Sa halip na madismaya ay inintindi niya ang sitwasyon nito. Baka busy lang talaga ito sa trabaho. Akala niya ay uuwi ito bago magbukas ang semester pero hindi pa rin ito nagpaparamdam. Kinabahan na siya.

Pagpasok niya sa school ay hinanap niya kaagad ang dalawang pinsan nito na sina Lucas at Marcco. Nadatnan niya sa canteen ang dalawa.

"Si Lutian? Bakit? Hindi pa ba siya bumabalik?" nagtatakang tanong pabalik ni Marcco.

"Hindi pa eh. Akala ko alam niyo kung ano na ang nagyari sa kanya," kinakabahang sagot niya.

Napatingin silang dalawa kay Lucas dahil may idinial ito sa cellphone.

"I can't contact him," sabad nito sabay putol ng tawag dahil walang sumasagot sa kabilang linya.

"Don't worry we will inform you kung..." naputol ang iba pang sasabihin ni Marcco nang may biglangmagsalita.

"I'm here..."

Sabay silang napalingon sa boses mula sa likod. Ewan niya ba. Kung kanina ay sobra ang kanyang pag-aalala, ngayong nakita niya ito ay biglang umusbong ang inis niya. Malapad ang ngiti nito na parang walang nangyari. Nag-alala pa naman siya ng husto. Ang mokong ay hindi man lang nagtext sa kanya para ipaalam kung okay lang ba ito.

"O, nandito na pala itong si Lutian. What's up bro!" sinugod siya ni Marcco at tinapik sa balikat though his eyes were fixed on her.

He saw her clenched her teeth and walked away. Damn! She must be angry! Iniwan niya ang dalawang pinsan at mabilis na sinundan si Queennie. Napansin siguro nitong sinusundan niya ito kaya bigla itong tumakbo.

Mabilis ang kanyang mga hakbang hanggang sa tumakbo na siya palayo. She was not prepared to greet him at this moment. Para siyang loka-loka dahil gustong-gusto niya itong makita at ngayong nandito na si Lutian ay parang naiinis siya nang makita ito. Dumiretso siya sa botanical garden at nahahapong umupo sa bench.

Walang silbi ang pag-iwas niya dahil sinundan din naman siya nito. Narinig niya ang pagbukas ng glass door pero nanatili siyang nakayuko at nakatitig sa sapatos na suot. Ayaw kumalma ng puso niya lalo pa't papalapit ang mga hakbang nito.

Tumabi si Lutian sa kanya sa bench. Hindi niya parin ito nililingon. Hinihintay niya lang itong magsalita at magpaliwanag. Naiinis siya pero kahit papaano ay masaya siyang makita ito.

"I'm sorry. I've been really busy with work..."

Ganoon na ba ito ka busy at kahit pagreply sa text niya ay hindi nito magawa?

She sighed. Maybe she was just being too childish to act this way? Na kahit maliit na issue ay dinaramdam niya. What he probably needed now was her understanding. Ang imporante ay bumalik ito diba?

"My Queen..."

Hindi na niya ito pinatapos pa dahil bigla niya itong niyakap. She hugged him tightly like she was afraid to let him go. His hand tapped her head gently as she cried silently. Kinalas nito ang yakap niya at tiningnan siya nito sa mga mata. He wiped her tears with his thumb and kissed her forehead.

"I felt like a jerk every time I see you cry because of me..." paos na sambit nito sabay lapat ng noo nito sa noo niya. His both hands were clutching her head.

Queennie shook her head.

"It's okay. Ang importante ay nandito ka na."

He captured her lips with a kiss. His kiss was full of longing. Biglang naglahong parang bula ang inis niya. She willingly responded and encircled her arms into his neck. She really missed him. Kahit sa halik man lang maramdaman nito kung gaano niya ito ka miss.

Bahagya siyang binuhat ni Lutian at kinandong sa hita nito. Bumaba ang halik nito papunta sa kanyang leeg. She bit her lower lip hard not to utter a moan. Mas uminit ang pakiramdam niya ng maramdaman ang unti-unting pagkabuhay ng alaga nito. She could feel him hard and turned on.

Parang nabuhusan sila ng malamig na tubig nang biglang bumukas ang glass door. Napatayo siya ng wala sa oras at gulat na napatingin kay Miss Gumapang. Bahayang nagtaas ng kilay ang guro ng makita sila. Kinahabahan tuloy siya.

Tumayo si Lutian at lumapit sa kanya. Hinapit siya nito sa beywang at nginitian ang guro. Bahagya niya itong siniko at pinandilatan. Ang mokong ang hindi man lang natibag.

"Good morning Miss," magiliw na bati nito.

At may gana pa itong bumati ha!

Tumikhim si Miss Gumapang at tumango.

"Una na po kami. Pasensiya na po..." nahihiyang sambit niya sabay higit ni Lutian palabas.

Bago sila makalabas ay may pahabol pa ang guro.

"Ang mga kabataan nga naman ngayon, tsk, tsk..."

Tumawa ang mokong at bahagya niya itong hinampas sa balikat.

Continue Reading

You'll Also Like

1.4M 28.4K 65
An erotic romance novel about arranged marriage and a rare disease. Soon to be published under LIB Bare.
744K 19.8K 44
FOR ADULT READERS ONLY. (Gabriel Montero's Story) "I needed fixing, only I wasn't prepared of my own fix..." --Sofia Fernandez I do not own the pho...
2.4M 60.1K 39
Eros Phileo Herrera has a three priority in life, family, his patient and chasing bad guys. He don't do party, bar hoping or even bedding woman, spec...
1.4M 39.8K 32
Truth or Dare? It takes only one game to keep Saiden's identity safe. Takes one dare to ruin one wedding. Truth to know how they really feel about e...