Jansen
Hi!
*wink* andito na ang pinaka gwapong Prinsipe ng Warrior Academy. Ako lang gwapo dito tanggapin nyo nalang para mabuhay pa kayo ng matagal.
Yan sana sasabihin ko sa mga chicks dito sa Fyron kaya lang wag na lang nangaakit na sila eh hintayin ko na lang na akitin ako ng maganda babae, hahaha paniguradong tatalab agad charms ko nyan ako pa ba.
Ako lang to, si Prince Jansen nyong pogi!
"Jansen kinakausap kita gago" Zyro na gago
"Ano nanaman ba?" Inis ko syang nilingon
"Tangina mo hindi ka nakikinig nagpaplano tayo!" Sanji na babatuhin na ako
"Bakit tayo magpaplano kung wala pa yung iba? Eh diba hinihintay pa natin sila?" Ako
Ano magsasarili sila eh? Mga Mongoloid talaga tong mga to eh, magagalit mga yun pag hindi sila sinama ang drama pa naman ng mga yun lalo na si Anica at Lianna, kala mo pang iiwanan ng kinabukasan eh.
"Hindi natin sila kakailanganin mag plano sa ngayon dahil usapang lalaki muna to" Drake
Tiningnan ako ni Xander ng masama, "hindi ka talaga nakikinig kang kupal ka" sya.
Napaka laki talaga ng galit sakin ng mga to kaasar, pinagmumura pa ako palibhasa kasi mga panget. Kulang naman batuhin na din ako sa muka eh.
"Makikinig ka o makikinig ka?" Miko
"Nakikinig ako letse ka, to na ano bang plano?" Ako na napipikon na
Isa isa naman silang napasapo sa mga ulo nila. Hindi ko naman kasi alam na nagsasalita na pala sila, pano kasi magsalita parang bubuyog mga kausap!
"Babalik nanaman tayo sa una! Tangina ka talaga huwag kang didikit sakin sapak ka talaga, sayang ka sa oras kang hayup ka" Zyro na mukhang tae kung magalit
"Hindi kasi nakikinig eh, bwiset ka talaga" Miko
Sanji explained again, kaya nakinig na ako.
"Ganito ang gagawin, hahatiin natin ang grupo natin sa 2 so it means magiging boys to boys girls to girls ang gagawin natin, now para maiwasan natin ang kahit anong pangyayare sa mga babae tayo ang gagawa ng sa lalake tapos sila ang gagawa ng sa kapwa nila babae. Maliwanag?" Sanji
" Eh Bakit hindi nalang natin sabay na gawin?" Ako, kunwari lang na may ambag baka maghingian ng ambag dito mamaya edi may sasabihin ko.
"Para nga matapos tayo agad eh tandaan mo hindi lang Fyron Academy ang hahalughugin natin mahigit sampu na schools ha tandaan mo" Drake, may galit talaga to sakin eh
"Ah, eh kailan tayo magsisimula?" Doble na ambag ko paano ba yan, edi nagmumukha na akong mayabang nito?
Halos mahulog ang panga ko sa sumagot sa tanong ko, "ngayon" Sabi nung 3 suplado
Umalma ako agad, hindi pa nga nagpapahinga magsisimula agad? Hindi pa nga ako nakakatulog ng unti simula na agad? Ano akala nyo sakin mauuto nyo ako?
"Kararating lang natin sa Academy na to magsisimula agad tayo? Ay kung balak nyo patayin sarili nyo wag nyo ako idamay. " Ako
Pambihira tong mga to idadamay pa ako sa kalokohan nila, sila magsimula jan dito lang ako pagod na pagod na ako.
Yung tatlo nagusap muna at nag diskusyon sa dapat na gawin kahit bigyan pa nila ako 50M dito hindi ako sasama kung magsasaimula ngayon. Kasi first wala silang 50M, second wala silang pake kung sumama ako o hindi third hindi ako kawalan yun lang yun.
"Ok thats settle then bukas magsisimula"- Ash sabay salampak sa sofa
Oha hindi rin ako matiiis ni leader.
"Yes! May chance pa ako to sleep" sina Miko.
"Kakapal ng muka nyo kung hindi ko pa napilit si leader na bukas magsimula eh hindi kayo masasaya jan." Ako
"Heh! Hindi ka namin kilala" sigaw nila
"Wala man lang kayong utang na loob, tandaan nyo ako dahilan kung bakit tayo may pahinga ngayon ang laki ng ambag ko" Ako
"Edi thank you one million times" Sanji
"Sa wakas nagka silbi ka ganun? O edi thank you mwa" Xander na nag flying kiss pa
"Taena mo, pakyu sagad sa ugat mo!" Ako
Hayup neto walang kusang loob letse, "huwag kang magtampo jan muka kang timang" Xander
"Gago lubayan mo ako di tayo bati" pinagtabuyan ko talaga sya ng malala sa malala
"Ay sige hindi rin kita bati, pauso mo eh" pumayag sya na hindi saw kami bati o edi wow!
"Muka kayong takas mental!" Sanji
"Oo ikaw founder!" Kaming dalawa
"Huy tulog si leader, wag kayo maingay bawal magising ang natutulog na halimaw" Sanji
Gusto kong matulog pero ayaw matulog ng diwa ko ano bayan parang may sariling mundo kaluluwa ko ah, hindi ko kaya hindi matulog at mas lalong ayaw ko syang pwersahin baka hindi pa ako magising, sayang ang dami sanang iiyak.
Umakyat nalang ako sa rooftop kung saan kami nag sstay. Magpapaantok lang, hindi din naman ako nagtagala saka na bumalik sa loob para magpahinga.
****
Venice
Fyron Academy is nice, i mean the structures and the way tthey built this school. From where we stay sa loob lang din ng school nila, just like how we went through the mortal world ganun at ganun din ang iniba lang its the settings.
Andito kami rooftop ng school kung saan kita ang quadrangle ng Academy ang laki at ang daming mga studyante, hindi lang pala kami ang biniyayaan ng kapangyarihan marami pala kami, but i know half of them are using their powers in good and bad ways, kahit din naman ata kahit saan you cannot say that na lahat ng may kapangyarihan eh mabubuti!
"Sana makita na natin sya," Empress
"Ttiwala lang mahahanap din natin sya, like what you said magtutulungan tayo to fin her" Ako sabay hawak sa kamay nya
"Thank you Venice, your words encouraged me a lot" Sya
"Paano tayo magsisimula Sam?" Princess Alexandria na tinabihan na kaming dalawa
"Ang dami naman ng mga yan, kakayanin kaya?" Princess Anica
"Kaya ba natin sila isaisahin?" Princess Lianna
"Bilangin mo bilis ng malaman natin kung gaano sila karami atsaka dun tayo magsisimula, what's the use of our power kung hindi gagamitin?" Princess Yanna
"Eh bat ko bibilangin ang dami nyan baka maduling lang ako" Princess Lianna
We are not allowed to use our powers, if needed yes but if okay naman as much as possible huwag gumamit, baka dito pa magkaroon ng gulo pag malaman nila na nandito ang mga ito? They've been hunting the superiors for so long at kung malaman nila na nandito kami i swera to my mother's name iiwan ko sila dito ayaw ko pa mamatay.
"Tumahimik ka jan nagiisip ng strategy si Sam" Princess Yanna
Seryosong nagmamasid si Empress Samantha sa buong studyante nililibot nya ang kanyang paningin, her eyes were like an eagle sourveying all around like anytime pwede syang umatake, natakot ako bigla. Naging sundalo nga pala sya so she knew kung paano maging mapag masid.
"Tara baba tayo ready your weapons" After nyang magmasid
Kaya agad kaming naalarma sa sinabi nya para kaming may gagawin na operasyon ngayon, pero ayus lang mag eenjoy naman ata ako dito!
"Yung boys ba hindi ba natin hihintayin? We're planning here pero hindi sila kasama?" Princess Yanna
Oo nga noh asan kaya mga panget nayun? Well kung hindi sila sasama, sasamahan ko pa din si Empress Samantha, ayoko kay Prince Ash babatukan lang ako nun.
"They're resting, wag nyo istorbohin kaya natin yan. We'll just visit the school if they pulled the triggered dont expect that i'll be good, you guys can stay im all good." She looked at us
Hindi naman ata pwede yun pumunta kami dito para hanapin ang Prinsesa ng Warrior ng sabay sabay and im not here to even relax besides hindi naman ako pagod.
"Sasama ako," Ako yun naman talaga pinunta namin dito eh.
"count me in" Princess Lianna and Alexandria raised their hands
"Ako din." Princess Zia and Anica on tune na nagsalita natawa pa dahil nagsabay sila
"Princess Yanna?" tanong ko, better yet dito nalang sya para may mag explain kung saan kami pupunta.
"I'll stay" Sya, we nod at her good plan it is.
"Nice! Just tell them binisita lang namin ang school which is yun naman talaga ang gagawin, bumalik ka na dun kami na bahala" Princess Anica
Princess Yanna left us, bumaba kami to see the school. From where we are staying maglalakad pa kami ng sampung minuto bago makapunta sa mismong school where the students are.
"Sino may ice breaker sainyo?" Empress Samantha
I stopped a bit. Shoud i tell them that i have ice?
"Wala ako nun" Princess Anica
"We need to activate our powers but without them or anyone knowing that's the use of ice breaker." Empress Samantha
Ay ang galing? Yun pala silbi nun? Haha gagi hindi ko alam! Natawa ako kaya napatingin sila saakin, bwiset na yan!
"Meron ka nun Venice?" Princess Lianna
"Ako meron" pag amin ko, alam kong magtatanong sila pero buti hindi na
"Great! Bigyan natin sila." Empress Samantha
Binigyan namin sila ng Ice Breaker, saka na umalis. Princess Alexandria held my hands habang naglalakad kami palabas.
When we get inside the school itself, medyo nagulat ako sa mga tao dito. Tao pala sila kala ko ipis at palaka eh.
"Tara" Empress Samantha
The ice break that we have is really helping, our powers are activated pero hindi mararamdaman ng kahit sino na we're activated, dikit nga ako kay Empress Samantha madami dami akong makukuhang informations sakanya ah.
Lumabas kami sa Quadrangle para magsimula nagkanya kanya kaming strategy to become friends with the girls, ang sweet sweet lang ng ibang Prinsesa they were too nice with the girls pero they dont talk to boys.
"Hot chick bro"
"Fuck goddess"
"Meron palang ganito ka ganda dito"
Some even wink at the Princesses that im with, Princess Zia just raised her middle finger to them and mouthed a curse.
"Woahhh! That's kinda cool baby."
Minura na nga sya natuwa pa? Kakaiba talaga mga tao dito. Ang ingay din nila eh pasakan ko to ng bato sa bibig.
Some boys tried to flirt with us, but hindi pa nakaka ilang segundong tingin umiiwas na agad, thankful with ice breakers all over our bodies! It is helping us a lot!
Ibig sabihin nun magiging yelo lang mata nila kapag tinitigan nila kami at pag mawala na ang paninigas babalik sa dati ang paningin nila pero once na bumalik ang paningin nila hindi na nila kami makikita o maaalala.
Ang cool diba! Ngayon ko lang nalaman to! Haha makadikit nga kay Empress Samantha para may matutunan ako, pero hindi mapagkakaila na ang daming gwapo dito at talaga namang lalag panga ang kagwapuhan nila.
Pero mas gwapo pa din yung mga nasa Warrior Kingdom syemrpe naman no! Lumipas ang maghapon pero wala paring umilaw ni isa sa weapon namin.
"Hi miss" a guy came to me, i was waiting for the others kasi may kinakausap sila.
"Hello" bati ko sakanya.
Ngumiti sya ng nakakaloko, "ang ganda mo naman isa kaba sa Warrior Academy?" chimoso amp!
"Oo taga Warrior Academy ako, pero huwag mo ako kausapin kung hindi ka mamimigay ng kinakain mo at huwag kang didikit sakin kasi halimaw ako at kumakain ang ng mukhang palaka!" pag sungit ko sakanya
Totoo naman hindi ko sya kilala hindi nya ako kilala, wala syag kailangan sakin kasi nga hindi nya ako kilala tapos hindi naman nya ako mabibigyan ng pagkain edi wag na syang kausapin.
"Sungit," Sya sabay alis
O diba! Huwag nya akong ma flirt flirt jan aba kakainin ko sya ng buo jan gutom pa naman ako at wala akong panahon sa ganyan ganyan.
"Ano natapos nyo yung lower level?" Tanong ko kay Empress Samantha
Inuna kasi namin ang lower level kumabaga sa mortal eh mga high school students bukas kami magsisimula sa mga higher level which is mga college students. Andito kami sa benches ng school hapon na kaya wala ng mga studyante nasa dorm na nila.
"Sorry, hindi umilaw yung weapon ko eh it means wala" Ako
"Saakin din eh wala" Princess Alexandria
"same here" yung dalawang Prinsesa
"Wala rin sakin, dont worry may mga higher levels pa tayo bukas "
"Sorry talaga Sam, i think mas mapapadali talaga tayo if nandito ang boys" Princess Lianna
"Ok lang ano ba kayo thankful pa nga ako kasi tinulungan nyo ako eh, even without the boys." sya sabay ngiti
Mayamaya pa eh may lumapit saaming mga lalake, the ice breakers didnt work. Hindi tumalab sakanila, Empress Samantha didnt even look at them.
"Kung sinuswerte ka nga naman oo mga hot babies to ah"
"Nice seeing you dumbasses, come closer or else i'll rip your heads off" Samantha even not looking at them but her voice was so cold.
Kaya kami naman tong si nagtataka eh nanahimik na lang hindi ko naman sila kilala bakit ko sila kaausapin
"Andito ka pala Jaztine bakit hindi mo sinabi edi sana napaghandaan namin" Sabi pa nung isa na mukhang nguso ng manok
*Kilala mo sila Sam?* Princess Lianna
*Oo mga taga underworld yan na naging kaibigan ko before entering the military. but due to jealousy they're turned out like that*
*Eh anong gagawin namin?* Princess Zia
*Wala kayong gagawin magteleport kayo pabalik ako bahala dito*
*Hindi ka namin pwedeng iwan dito sabay natin talunin mga panget na yan ng magtanda* pangingisali ko sa mind conversation nila
*Yup i wont go either* Princess Lianna even clicked her head
*ok matigas ulo nyo eh, tig-iisa tayo*
"Be careful, ako pagagalitan ni Ash pag may sugat kayo." Pagpapaalala ni Empress Sam
We stood up, "ano tatakbo kayo?" Hindi pa nga kami naglalakad takbo agad?
"Bakit kayo tatakas? Lets have some fun muna."
"Saamin na lang mga kasama mong chixx Jaz"
As if in one swift move Empress Sam pulled the triggered, "sk in your dreams" Sam sabay gawa ng ice ball at binato sakanila
Ang bilis nya! Sana all!
"Hoy ikaw panget ka!" tawag ko dun sa lalaking nakatayo lang, wala syang ginagawa eh pa cool kala mo naman gwapo muka namang alipunga.
Tiningnan nya ako saka nagkunot noo, "sino ka ba ha?" Sya
"Bat ko sasabihin pangalan ko sayo di naman tayo close" Ako
"Tinawag mo ko eh tapos yan sasabihin mo?" Sya
Binato nya ako ng Wind Blades nya kaya tumama sa leeg ko ayun may sugat na mahaba, ang bilis naman nun! Lintek na, Venice tanga mo eh. He looks like an expert with his move!
Binato ko sya ng tubig sa muka, "ayan maligo ka raw muna baho mo eh"
"What the fuck woman?! Bakit mo ko binasa?" he looks so shock
" Ewan ko din eh, eh ikaw nga sinugatan mo ako mas grabe yung ginawa mo!" Ako
He moved so fast that he even threw wind blades again, ako naman tong si nadala na yumuko ako baka mapugutan na ako ng leeg eh. "Bakit ba leeg ko tinatamaan mo inggit ka no"
"Fuck you!" Sya sabay bato pa ulit ng wind blades
Ah, his powers are wind huh. "Kanina ka pa ah pag ako mainis sayo susunugin kita" Ako
Nagkunot sya ng noo at hindi alam kung ano yung sinabi ko, i gathered my energy to formed an ice flakes again i put some land cyclone that's coming in a while.
"Tapusin na natin to" I glared at him and threw it out cooly infront of him.
I made a fire ball too because he gave wind blades na tumama sa hita ko, i was so mad! I threw it right away kasabay ng land cyclone and yet it bombed.
"Ok ka lang?" Princess Anica asked me
Nakita ko si Princess Anica na may sugat sa braso si Princess Alexandria naman sa may tyan si Princess Lianna naman sa kaliwang braso si Princess Zia sa muka ako sa leeg tapos si Empress sa hita tapos tyan.
Sya ang napuruhan ng madami ah, i have one sa leeg and another one sa hita, they were all good! Ang bibilis!
"Ok lang kami, we made it!" Princess Anica, nakipag apir ako sakanya kasi natutuwa ako sakanya
"Teka sino ba yung mga yun?" Princess Zia
Samantha sighed heavily.
"Sila ang mga naging kaibigan ko sa underworld, we were all good friends before but until i was appointed to join the Antagonist Airforce and lead the army troops of the kingdom. They were all mad because im a female, they want my position but the Prince of that kingdom didnt mind them, due to jealousy and many things that's going on in there they changed." Samantha
"They reasons are valid at that, totoo nga naman na babae ka tapos nasa militar ka, not just a militar a leader of thousand of army not by land pati ariforce pa, pero hindi naman tama na magalit sila sayo?"
"its not your fault na magaling ka at sila babakla bakla" Princess Lianna
"Ah, eh bakit sila andito?" Ako
"This is where we study before." She stood up, "lets go back, gamutin natin sugat nyo."
Kaya nagteleport kami papunta sa kwarto namin.
Andito kami sa kwarto ginagamot ang mga sugat sa katawan pero dahil sa may powers si Princess Alexandria and Empress Samantha na healing napadali ang paggaling kaya lang may peklat ako sa leeg one week pa raw to bago mawala, which is okay kesa naman sa sugat mismo.
The scars were fresh halatang galing sa sugat but its all okay, thankful pa din ako atleast napuruhan ko ng mabigat yung lalaki kanin, bakla yun! Naku kalbuhin ko sya next time kung makita ko.
We took a bath and changed clothes too look okay infront of everyone.
"Tara kain na tayo sa kusina" Princess Zia
"Oo nga gutom na ako kanina pa eh huhu" Ako
Nagutom talaga ako kanina eh makita ko lang yung mga yun talagang sasapakin ko mga yun. Sobra na nga akong napagod, ginutom na ako at binigyan pa ako ng peklat sa leeg.
Nakita ko si Princess Yanna na nakikipag tawanan kina Prince Miko, kapag kasama mo ang boys na to eh hindi pwedeng hindi ka tatawa, makita mo lang sila nakakatawa na talaga. That's how i feel everytime na kasama ko sila or mukha lang silang clown?
Tumakbo na ako sa kusina at tumabi kay Prince Ash at kumuha ng maraming pagkain. Oh diba ang kapal ng mukha kong tumabi kay Prince Ash ngayong dapat hindi naman talaga.
Umupo lang ako sa tabi nya, he took another plate and anoter set of untensils. After nyang kumuha ng food binigay nya saakin, nagulat pa ako.
"May kamay naman ako para kumuha ng food eh," ako
"Kumain kana lang, huwag ka ng maingay." bulong bulong nya
Ayan nanaman yung puso ko!
-----------